Mag-log inHindi maalis ni Denver Monteclaro Diaz ang ngisi sa labi habang pinagmamasdan mula sa malayo ang bagong hirang na CEO na masayang kinakausap ng ilang board members.
Minsan pa nitong tiningnan si Marvin, na ngayon ay naka-upo sa isang sulok ng ballroom na may hawak na walang lamang baso, nakatanghod, at halatang nag-aalab sa tahimik na galit. Lumapit si Denver sa kanya, marahang tinapik ang balikat ng pinsan. “Cuz… ayos ka lang?” Hindi tumingin si Marvin, pero ramdam ni Denver ang panginginig sa panga nito. “Hindi dapat siya ang new CEO. Ako ’yon, Denver. Ako dapat iyon. Pero, dahil siya ang paborito ni Daddy, he got that spot.” “Alam ko kung anong nararamdaman mo, believe me,” malumanay niyang sagot, pero may bahid ng tuso sa tono. “At may paraan para maramdaman din ni Martin kung ano ang nararamdaman mo ngayon. Gusto mong malaman kung ano iyon?” Doon pa lang tumingin si Marvin, at doon nakita ni Denver ang eksaktong hinahanap niya sa pinsan, kahinaan, galit, at desperation. Isang kombinasyon na madaling hulmahin. “Kung may plano ka,” bulong ni Marvin, “gawin mo na. Hindi kita pipigilan kung ano man iyon.” Hindi na nagsalita si Denver. Napa-smirk lang siya, saka dahan-dahang tumayo, parang isang manlalarong handang gawin ang perfect shot para manalo. Hindi nagtagal, nakalapit na siya kay Martin na kasalukuyang nakikipag-toast sa isang executive. “Kuya Martin!” energetic na bati ni Denver, sabay abot ng baso. “Birthday toast natin. Solo lang para sa celebrant and syempre, the new CEO.” Ngumiti si Martin, pawis na pawis pero masaya. “Salamat, Den. Hindi mo naman kailangan pang sabihin iyan.” “Hindi ko kailangan,” sagot ni Denver, “pero gusto ko namang gawin. Para sa’yo.” Pareho silang nag-toast. Hindi alam ni Martin na ilang minuto bago siya lapitan, may ibinuhos na si Denver sa baso, isang subtle mix na hindi agad nakakalasing, pero sapat para maging unsteady, dulled, at madaling mahilo ang sinuman pag tumama iyon sa kanila. “Cheers,” sabi ni Denver, hindi inaalis ang tingin sa pinsan habang umiinom ito. Ilang sandali pa, naramdaman ni Martin ang kakaibang bigat sa ulo. Parang lumalambot ang mga tuhod niya. Hindi niya ito masyadong pinansin sa simula, sa isip niya, pagod lang iyon siguro. O adrenaline rush. Pero nang tumayo siya, agad sumayaw ang paligid. Napansin agad ni Denver ang pag-ikot ng tingin nito. “Kuya, okay ka lang?” “I’m good… I think…” bulong ni Martin, hawak ang sentido niya. “Baka pagod ka lang. Actually,” sabi ni Denver habang inaabot ang braso ng pinsan, “may birthday gift ako para sa’yo. Pero solo gift lang ’to. Ikaw lang dapat ang makakita.” Kahit naduduling na, napataas ang kilay ni Martin. “Gift? For me lang? Anong ibig mong sabihin?” “Of course,” nakangisi si Denver. “Ikaw ang star ngayong gabi. Syempre, ikaw lang ang may gift.” At gaya ng isang taong nahihilo pero mapagkakatiwalaan ang kasama, tumango si Martin. Wala siyang kahit anong kutob sa kanyang pinsan, dahil hindi naman siya sanay magduda kay Denver. Lumaki silang sabay, laging si Denver iyong ‘fun cousin’ na pwedeng pagkatiwalaan sa anumang okasyon. “Come on,” sabi ni Denver, halos naka-akbay na. “Dito lang sa may north wing.” Medyo napasandal si Martin sa dingding habang naglalakad, pilit inaayos ang balanse. “Den… parang ang bigat ng ulo ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko.” “Nahilo ka lang siguro sa ilaw, Kuya,” sagot ni Denver, pero mahina ang tawa nito, hindi dahil nag-aalala, kundi dahil alam niyang gumagana na ang mixture na nilagay niya. Binuksan niya ang pinto ng isang guest room, malinis iyon, tahimik, naka-dim ang ilaw. Walang tao. “Dito ka muna,” sabi niya, tinutulungan maupo si Martin sa kama. “Ilabas ko lang ’yung gift.” “Gift…” marahang ulit ni Martin, pero humahaplos na ang kirot sa loob ng ulo niya. “Den… bakit ang bigat.. ng ulo ko?” Lumapit si Denver, bahagyang tumuwid ang postura at ang ngisi niya ngayon ay wala nang halong lambing, puro tusong tagumpay na. “Relax, Kuya. Ibig sabihin gumagana na.” Nagtaas ng tingin si Martin, pero hirap nang ituon ang paningin. “What… what do you mean?” Nang tumikhim si Denver, doon nagbago ang hangin sa kwarto, parang unti-unting lumalamig, parang boses na may dalang intensyong matagal nang inipon. “Happy birthday, Martin.” Mas tumindi ang kirot. Mas naging malabo ang paligid. “Kasama sa regalo,” sabi ni Denver, “ang unti-unti mong pagkawala ng control ngayong gabi.” Napasubsob si Martin, hawak ang ulo, nahihirapang huminga nang pantay. “Denver… anong ginawa mo—” Lumapit ang pinsan, marahang tumapik sa balikat niya. “Don’t worry. Hindi ka mamamatay. Pero…” Lumapit pa ito, halos idikit ang bibig sa tenga niya. “Magiging mahina ka. At vulnerable. Mag-iinit din pala ang katawan mo dyan. Enough para maibalik kay Marvin ang gabing dapat sa kanya.” Hindi makagalaw si Martin. Parang may humihigop sa lakas niya. At habang unti-unting nagdidilim ang paningin ni Martin, narinig niya ang huling bulong ni Denver, mababa, malamig, at puno ng bahid na matagal nang tinatago.. “Good luck to you, Kuya Marvin.”(Martin’s POV) Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabing direkta kay Gabriel ang tunay na rason kung bakit kailangan kong malaman ang tungkol doon sa babae. “Alamin mo kung taga saan siya.” Mahina pero matigas ang boses ko, at alam kong sapat na iyon para malaman ni Gabriel na hindi ako nagbibiro. “Taga saan, sir? Ibig sabihin ay…” Ramdam ko ang pagkalito niya. Wala namang bago. Hindi ako basta nagbibigay ng utos na walang paliwanag, pero ngayon… hindi ko kayang bigyan siya ng kahit anong clue. “Alamin mo ang address niya. Background. Pero wala kang gagawin oras na malaman mo. Wala kang lalapitan. Wala kang kukunin na kung ano man sa kanya. Alamin mo lang.” Hindi ko tiningnan si Gabriel. Ayokong makita ang reaksyon sa mukha niya, dahil masyado nang halata ang tensyon sa dibdib ko. Kahit ako, hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko, e. “Warning po ba ‘yon para sa kanya?” tanong niya ulit, hindi makapaniwala. Hindi ako sumagot. Hindi ko rin kailangan na sumagot. Ang
(Martin's POV) Tahimik ang umagang iyon, o at least, gano’n ang gusto kong paniwalain ang sarili ko. Sa totoo lang, wala ni isang araw na naging tahimik para sa’kin mula nang hindi na ako makalakad. Kung hindi board meetings, deadlines, o mga mata ng mga empleyado kong laging nakaabang sa bawat kibot ko. Limang taon na ang nakalilipas mula nang magsimula ulit akong maghanap. Tatlong buwan mula nang bumalik ang isang alaala na matagal ko nang sinubukang ilibing, o baka hindi ko talaga kailangang ilibing, dahil kahit pilitin ko, hindi ko siya makalimutan. Limang taon na ang lumipas, pero sariwa pa rin sa isip ko ang gabi na ‘yon. Hindi ko alam ang pangalan niya noon. Hindi ko alam ang buhay niya, ang pamilya niya, o kung kasama ba siya ng iba. Ang tanging naiwan sa akin ay ang mukha niya, iyong simpleng mukha na may mapungay na matang nakatingin sa akin. Pero habang tumatagal, imbes na mawala siya sa isip ko, mas lalo ko siyang naaalala. Minsan iniisip ko, totoo ba talaga ang nang
“Maghanap ka nang matutuluyan ni Miss Dela Vera bukas. Update me about it,” malinaw na utos ni Martin kay Gabriel pero labis siyang nagulat. “Pero, Sir.. Binayaran niyo na po ang kulang na renta niya, di ba? Okay na po siguro iyon para sa kanila,” tutol ni Gabriel. Masama tuloy ang tingin ni Martin sa kanyang bodyguard. Pagkatapos ay umulit siya ng sabi, “Hanapan mo sila o ikaw ang maghahanap ng bago mong trabaho? Mamili ka.” Nanlaki ang mga mata ni Gabriel sa sinambit ng kanyang amo. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ang utos nito. Hindi maintindihan ni Gabriel kung bakit biglang nag-utos si Martin na humanap ng bagong tutuluyan para kina Cassy at ng kambal nitong sina Liam at Levi. Sanay siya na sumusunod sa bawat utos ng kanyang amo, mula sa pagbabantay sa opisina hanggang sa pag-asikaso sa personal nitong seguridad. Pero, kakaiba ang request na ito. Hindi pangkaraniwan, hindi rin simple. At lalong hindi niya alam kung bakit biglang ganito ka-protective si Mart
Wala nang nagawa ang landlady kundi tumango. At nang lumapit si Gabriel at iniabot ang envelope, ngumiti agad ito, yung ngiting napaka-ayos bigla pagkatapos sumigaw kanina. “Salamat po, Sir! Pasensya na po sa gulong dala ko…” Tapos mabilis itong umalis. Tumayo si Cassy nang mahinang-mahina ang tuhod niya. “S-Sir… hindi ko po alam kung bakit niyo ginawa iyon pero hindi ko po hinihiling na bayaran niyo—” hindi na natapos ang kanyang sinasabi. Tumingin si Martin sa kanya, malamig, diretso, at walang emosyon. “Hindi libre ang tulong ko sa'yo.” Napalunok si Cassy. Napaatras. Parang biglang lumitaw ang malinaw na dahilan ng pangamba niya. Hindi siya sanay tumanggap ng tulong mula sa isang estranghero. Lalo na mula sa isang lalaking tulad ni Martin, na kitang-kita sa postura, sa bihis, sa kilos, na may kapangyarihan ito. Kapangyarihang hindi basta nalalapitan. “A-ano pong ibig sabihin?” tanong niya, napakababa ng boses. Hindi agad sumagot si Martin. Parang pinag-iisipan pa kung sasagu
Maagang-maaga. Hindi pa sumisikat nang husto ang araw, ngunit binulabog na ang katahimikan ng buong apartment complex.Malakas ang katok mula sa pinto.Kasunod ang malakas at nakakabusang sigaw.“Cassy! Cassy Dela Vera! Lumabas ka riyan, kundi wawasakin ko talaga ito!”Napabalikwas si Cassy mula sa kanyang manipis na kutson. Nagkatinginan sina Levi at Liam, parehong nagising at kinakabahan.“Mama… sino po ba ‘yan?” halos bulong ni Liam.“Ah, yung landlady lang, pero don’t worry, Mama will talk to her,” pilit na kalmado niyang sagot kahit ang puso niya’y kumakabog.Tumayo siya, mabilis na inayos ang buhok, at lumabas ng kwarto. Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa galit na mukha ng landlady na si Aling Mercy, pulang-pula ang pisngi at singhigpit ng bakal ang titig.“Ayan ka pala! Dalawang buwan kang hindi nagbabayad! Akala mo siguro pwede mo akong paikutin, ano?!” sig
Pagkadating nila sa mansyon, mabilis na bumaba ang mga staff para salubungin si Martin. Tahimik siyang itinulak ng isa pang bodyguard papasok sa grand foyer, habang si Gabriel naman ay nasa likod, hawak ang daily report tablet. Malawak ang loob ng mansyon. Ito ay marmol ang sahig, malalaking chandelier, at malalamig na kulay ng ilaw na sumasalamin sa katahimikan ng tirahan ng isang CEO. Pero sa likod ng katahimikan na iyon, kumukulo ang dugo ni Gabriel sa tanong na kanina pa niya pinipigilang bitawan. Hindi na niya kinaya. “Sir,” mahinahon ngunit ramdam ang pag-aalinlangan niyang sabi, “pwede ko po bang itanong… bakit hindi n’yo pinarusahan yung babae kanina sa elevator?” Hindi tumingin si Martin. Sa halip, dahan-dahan niyang tinanggal ang blazer at ipinatong sa armrest ng wheelchair. Tahimik. Matipid. Parang wala siyang naririnig. Pero hindi pwedeng bingi si Martin. Lalo na kapag siyang C







