MasukHindi kailanman naging madali ang buhay para kay Cassy Dela Vera. Twenty-three, independent, at sanay sa hustle life. Kung may event at raket, nandiyan siya. Sa araw, tumutulong sa maliit na print shop sa tapat ng dorm niya. Sa gabi, kung hindi nag-a-arrange ng stocks sa mini-mart malapit sa kanya, nag-o-on-call waitress siya.
At syempre, ang may pakana nito ay ang best friend niyang si Hazel, ang queen of raket. Biyernes ng gabi noon, habang nagmamadali siyang magsuot ng black slacks at crisp white polo, hindi niya maiwasang kumunot ang noo. “Hazel, gala daw ’to. As in… sosyal. Sigurado ka ba talaga na okay lang ’yung uniform natin? Parang pang-coffee shop lang ‘to ah,” reklamo niya habang nag-aayos ng ponytail. “Girl, trust the process,” sagot ni Hazel sa kabilang linya. Rinig ang pangungulit. “On-call nga, diba? Hindi naman tayo talagang nagtatrabaho roon. Magse-serve lang tayo. Cash na ’to, Cass! Triple ang bayad kasi charity event daw.” Napabuntong-hininga siya. “Fine. Pero pag napahiya ako, ikaw sisingilin ko.” “You’re welcome, love you, bye!” sagot ni Hazel pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Typical Hazel, iiwan ka sa ere habang naka-airpods pa. Ang venue ay ang HopeSpring Convention Hall, isang lugar na parang kinuha mula sa P*******t at nilakihan fifty times. Puro glass walls, warm lights, at mga taong naka-designer gowns at suits na obviously hindi binili sa sale. At habang nakapila sila ng kapwa on-call staff for briefing, hindi maiwasang kabahan si Cassy. First time niya sa ganito kasosyal na event. “Cassy Dela Vera?” tawag ng coordinator. She raised her hand. “Yes po, present po!” “Bartending section ka. Okay? Row three sa main hall. Mostly juice, mocktails, and sparkling water lang naman. No alcohol tonight, kid-friendly event kasi ang event natin.” “Okay po,” nakangiting sagot naman niya. Nang lumapit siya sa station niya, halos malaglag ang panga niya. The place looked magical. May fairy lights, giant teddy bears as decor, live mini-orchestra playing soft upbeat music. Tuwang-tuwa ang mga bata, ang mga street kids, foster kids at scholars na parang ngayon lang nakapasok sa ganitong lugar. “This is… wow,” bulong niya. At doon niya unang nakita si Martin Monteclaro. Nasa kabilang dulo ang atensyon ng lahat habang may ina-announce ang host. Sa stage, nakatayo ang isang lalaking naka charcoal-gray suit, clean haircut, soft but sharp features, at ngiting parang mahal ang bawat segundo. “You’ve probably heard of him,” sabi ng isang babae na malapit kay Cassy. “Si Martin Monteclaro yung heir ng HappyHatch Baby Co. Siya ’yung isa sa mga magbibigay ng toys tonight.” “Ohhh…” mahinang sagot ng babaeng kausap nito. Alam ni Cassy ang brand na iyon, lahat ng pamangkin niya ay gusto ng laruan galing doon. Pero dahil sa kahirapan, hindi niya iyon mabili kahit gusto niya. Hindi siya fan ng mayayaman. Pero ayaw rin niyang plastic na tao. Sa bawat tingin ni Cassy sa lalaki malapit sa kanya, gwapo talaga ang loko. Nag-serve siya ng drinks sa VIP section noon. Naka-balancing-tray mode na siya, hyper-aware, careful na careful. Ayaw niyang magkaroon ng “memorable moment” na nakakahiya. Pero.. A child bumped into her leg. She swerved. The tray tilted. At bago pa niya maayos, tumalsik ang juice… diretso sa charcoal-gray suit ng isang lalaki. “OH MY GOD, SIR—” Pag-angat ng tingin niya, doon niya namukhaan ang lalaki na naperwisyo niya. Si Martin. The Martin. Parang nag-slow motion ang mundo ni Cassy. Siya na walang hiyang sinira ang 100k na-suit ng isang Monteclaro. Literal nag-panic ang utak niya. “Sir, I’m so, so, so sorry! Hindi ko po sinasadya, may bata kasi. Ay naku po, patay na ako, sorry po talaga!” sunod-sunod niyang bulalas habang hawak ang tissue na nanginginig. Tumawa lang si Martin. Hindi pilit. Hindi sarcastic. Kundi genuine. “It’s okay,” sagot nito, may bahid ng amusement. “It’s just juice.” “Pero sir, ’yung suit n’yo po—" He glanced at it briefly. “Dry cleaning exists.” Cassy is clearly malfunctioning. “Pero sir—” “Hey,” he said softly, leaning a bit para maramdaman niyang hindi siya pinapagalitan. “Don’t worry about it. Hindi ako mapapaano sa nangyari.” Napakagat-labi siya sa hiya. “I’m really sorry po…” “Stop apologizing,” he chuckled. “I’m Martin, by the way.” “Yes po, I mean, Cassy. Cassy Dela Vera, hindi po ako normally nakakasira ng kung ano! Last na po ’yun!” she exclaimed. And he laughed again, mas malakas ngayon. Hindi nakakainsulto, kundi parang natatawa siya sa kabuuan ng sitwasyon. “Cassy,” he said, saying her name in a way that made her want to evaporate into air. “Seriously. It’s fine.” Biglang dumating ang coordinator nila. “What happened here? Miss Dela Vera, are you—” Martin raised his hand calmly. “It was all good. It was an accident. She’s not at fault.” Namilog ang mata niya. What kind of rich guy defends an on-call waitress? “B-but sir—“ “No harm done,” sagot ni Martin, smiling again. “Actually, I prefer this over wine. Hindi sticky.” The coordinator exhaled. “O-okay po, Sir Monteclaro.” Nang umalis ang coordinator, humarap si Martin kay Cassy muli. “You look like you’re about to cry,” sabi niya, nakataas ang isang kilay. “No sir, hindi po. Hindi po ako umiiyak sa public. Tsaka hindi po ako—” Napasinghot siya. “Okay fine, konti lang, pero mahina lang po ’yun.” Martin smiled, gentle, warm, almost teasing. “For the record… I’ve had worse encounters in events. At least this one came with juice and an apology.” “Sir, next time po promise, hindi na ako magtatapon—” “Cassy,” he said again, softer this time. “Please. It’s fine. Enjoy the night.” For the next hour, hindi makatulog ang utak ni Cassy. Hindi dahil sa hiya, kundi dahil sa weird na kabaitan ng taong ’yon. Ang lamig ng aura niya pero ang init ng ngiti. And for someone born into wealth, hindi ito umaarte na parang superior. Hindi niya alam kung bakit, pero gusto niya pang makausap si Martin ng mas matagal. At parang binasa ng tadhana ang utak niya. Habang nagre-refill siya ng pitchers backstage, biglang may boses sa likod niya. “Careful ka d’yan, baka ako na naman matapunan mo.” na She froze. Pagharap niya, si Martin nga. Nakangiti, relaxed hands in pockets, parang hindi natapunan ng juice. “A-Ay sir! Hindi po dapat i kayo pumapasok rito, staff area po ’to.” “I came to check if my attacker’s okay,” he teased. She squinted. “Hindi po ako attacker, ha. Accidental… splasher lang.” “And that’s supposed to sound better?” Napatawa siya, kahit ayaw niyang magpahalatang aliw na aliw siya rito. “Sir, seriously po, dapat nasa VIP area kayo ngayon.” “I escaped,” he said. “Gusto ko munang huminga.” “Oh… stressful po ba sa loob?” “Medyo. Madaming press, e. Madaming nag-aabang. Madaming gustong magpa-picture sa akin.” He shrugged lightly. “And I wanted… a bit of normal.” Normal. Something she has too much of, something he clearly has too little of. “Kung gusto n’yo po ng normal,” sabi niya, “pwede po kayong mag-refill ng juice d’yan. Normal na normal po ’yan.” Tumawa si Martin. “That’s tempting. Pero baka masira ko pa ’yang machine.” For a moment, nagtagpo ang tingin nila. Konti lang. Enough to make her swallow words she didn’t plan to say. “Thank you ulit kanina,” he murmured. “For being honest. And for not crying.” “Sinabi ko naman po, air lang iyon sa mata ko.” Nakangiti siya. Nakangiti rin si Martin pabalik.Ang buong akala ni Cassy ay malinaw sa mga bata na hindi sila gagastos masyado ng mga bata pero mukhang mali siya. Pagpasok pa lang kasi nila sa mall ay kung anu-ano na ang binili ni Martin para sa bata. Damit, gamit sa school, laruan at kung anu-ano pa. Masaya man si Cassy pero may kung ano sa isip at puso niyang nagsasabi na sayang ang perang ginastos ni Martin para sa mga bata. Agad na nilapitan ni Hazel ang kaibigan dahil alam niya na ang iniisip nito. “O, kilala ko ang mukhang iyan. Hayaan mo na si Sir Martin na bilhin ang lahat ng gusto ng mga anak niya. Limang taon siyang nawala. Okay na iyon.” “Okay? Tingnan mo nga. Kung anu-ano ang binibili niya para sa mga bata. Kailangan ba ng mga bata iyan? Saka, nag-usap na kami ng kambal. Kung alam ko lang na hindi sila makikinig sa akin, e di sana ay hindi ko na sila kinausap,” inis na sabi ni Cassy. Natatawa namang sumagot si Hazel. “Minsan lang iyan, isipin mo na lang na bumabawi siya sa mga bata. Syempre, na-excite din iyang mag
Inis na inis si Cassy dahil sa tawaag ni Martin sa kanya. She was hopeful that everything will be alright between them. Pero, mali siya. Nasa isip niya lang pala ang lahat ng iyon at hindi iyon mangyayari kahit gustuhin pa niya. Napansin siya ni Hazel, agad itong lumapit sa kaibigan para tanungin ito pero hindi pa man siya nagsasalita ay nagsalita na agad si Cassy. “Iyong lalaking iyon talaga, kahit kailan! Ang sabi niya, ilalabas niya ang mga bata. Tapos ngayon, reschedule na raw dahil doon sa Portia na iyon?!” “Uy, girl. Kalma. Baka naman talagang urgent iyon para puntahan niya. Okay lang naman siguro na ire-schedule niya, di ba?” sagot ni Hazel. “Naiintindihan ko naman iyon. Busy siyang tao dahil CEO siya ng kumpanya. Pero, bakit ngayon pa? Ang timing naman, di ba? Sige nga, paano ko na sasabihin ito sa mga anak ko?” “Ipapaliwanag mo naman, di ba? Siguro naman, maiintindihan ng mga bata iyon. Matatalino naman sina Liam at Levi, e,” pag-comfort pa ni Hazel sa kanyang kaibigan.
Dumating na ang araw kung saan ilalabas na ni Martin ang mga bata. Excited ang kambal dahil first time iyon mangyayari sa kanila. Nailalabas man kasi sila ni Cassy ay hindi pa rin sapat iyon dahil wala naman sila gaanong pera. “Excited na excited ang kambal ah. Sasabihin na ba ni Martin sa kanila na siya ang ama nila?” tanong ni Hazel pagkatapos ay pinagdilatan siya ng mata ni Cassy. “Hazel, ano ba? Baka marinig ka nila. Tigilan mo nga iyang sinasabi mo.” “Bakit? Kaya nga nagtatanong ako,” natatawang sagot ni Hazel. “Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila ang totoo. Nag-usap naman na kami ni Martin. Ayaw din niyang biglain ang mga bata kaya okay na kami sa ganito.” Bahagyang napangiti si Hazel, may kilig siyang nararamdaman para sa dalawa. “Wow, Martin na lang ang tawag mo sa kanya, ah? Hindi na Sir Martin?” Nang-aasar pa ang itsura nito kaya lalong asar si Cassy noong mga oras na iyon. “A-Ah, tinawag ko lang siyang Martin dahil siya ang ama ng mga anak ko. Ano ka ba? H
“Hindi. Hindi mo sila pwedeng ilayo sa akin. Ngayon pa kung kailan alam ko na ang katotohanan? Please, Cassy. Alam kong wala tayong relasyon pero hayaan mo naman akong maging ama sa mga anak ko,” sabi ni Martin, malinaw iyon.“Hayaan? Paano kita hahayaan kung pakiramdam ko ay kukunin mo sa akin ang mga anak ko? Mapera ka at makapangyarihan. Sa isang iglap lang, pwede mong dalhin sa kung saan ang mga anak ko,” sabi ni Cassy, may takot sa boses niya, hindi na maitago.“Hindi ba’t sinabi ko na sayo kahapon? Hindi ko kukunin ang mga bata sa'yo dahil alam kong hindi ganun kadali ang lahat. Isa pa, ikaw ang nanay nila. Bakit ko iyon ipagkakait sa mga anak ko, ha?” may inis na sa boses ni Martin noon.Natahimik si Cassy. Alam niyang mali ang gagawin niya pero may takot pa rin siyang nararamdaman dahil alam niyang tuluyan nang magbabago ang buhay ng kambal niya kapag nakilala na nila kung sino ang ama nila.“H-Hindi mo talaga
Umaga pa lang ay kabado na si Cassy dahil balak niyang umalis sa HappyHatch Baby Co at ibalik ang bahay na binigay ni Martin para sa kanila ng kanyang mga anak. Habang nagkakape ay hindi naiwasan ni Hazel na tanungin ang kaibigan habang busy pa ang kambal sa mga ginagawa nila. “Sure ka na bang ibabalik mo ang bahay na ‘to?” “Hmm, oo. Bakit?” sagot ni Cassy. “Wala naman. Iniisip ko lang kasi, kailangan niyo ito ng mga bata. Kung aalis tayo rito, saan tayo titira? I mean, okay naman tayo dito, di ba?” may pag-aalalang sabi ni Hazel. “Well, totoo naman ang sinasabi mo. Pero, gusto ko na talagang ilayo ang mga bata rito. Oo, unfair para kay Martin na hindi ko ipapakita sa kanya ang mga bata pero natatakot kasi ako.” Napabuntong-hininga na lang si Hazel bago tuluyang sumagot kay Cassy. “Pero di ba, sinabi mo kagabi na deserve ng mga bata na makilala si Martin? Anong nangyari at nagbago na ang isip mo ngayon?” Natahimik saglit si Cassy. “Sa totoo lang, hindi ako nakatulog sa kakais
Takot na takot si Cassy noon. Pakiramdam niya, sinabi lang ni Martin iyon para hindi siya mag-alala. Pero darating ang araw na kukunin ng kanyang boss ang mga bata at ilalayo sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya. Kung kanina ay naiintindihan pa niya ang sinasabi ni Martin, ngayon ay ayaw na niyang makinig sa kung ano mang sabihin nito. “Kung sinasabi mo lang ang lahat ng iyan para ipagkatiwala ko sayo ang mga bata, sorry ka. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Mahal ko ang mga anak ko. Hindi ko sila ipagkakatiwala sa isang lalaki na ngayon ko lang nakilala,” sabi ni Cassy. “Gabriel, pakibigay kay Cassy,” utos ni Martin. Nagtataka man pero hinayaan ni Cassy kung ano man ang ibibigay ni Gabriel sa kanya. May binigay itong papel, pagsilip ni Cassy ay nanlaki ang mga mata niya. “What? Five million pesos? Ano ito, Sir Martin? Binabayaran mo ba ko para ibigay ko sayo ang mga bata? Ano iyon? Binibili mo–” Hindi natapos kung ano man ang sasabihin ni Cassy dahil sumagot si Martin sa kanya. “I'
Isang buwan matapos ang gabing hindi niya maalala nang buo, tila nag-iba ang mundo ni Cassy. Akala niya pagod lang na hindi niya napahinga. Akala niya stress lang dahil kung anu-anong raket pinapasok niya, o di kaya ay kulang siya sa tulog, o epekto ng bagong shift sa trabaho. Pero araw-araw, duma
Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay. Minsan may liwanag, minsan may dilim. Minsan may boses, minsan katahimikan. Pero sa bawat pagbalik ng ulirat ni Martin, isang mukha lang ang sumasalubong sa kanya, ang babaeng hindi niya kilala pero nasa iisa silang kama.Nakalipas na ang ilan
Nasa loob lang ng kwarto si Martin noon. Ramdam pa rin niya ang hilo mula sa nainom. Umupo siya sa gilid ng kama, nakatalikod sa pinto, pinipilit ayusin ang sarili habang humihilot sa sentido.Hindi niya namalayan na bumukas ang pinto nang marahan.Pumasok si Nancy, kasunod si Cassy, na halatang ti
Hindi maalis ni Denver Monteclaro Diaz ang ngisi sa labi habang pinagmamasdan mula sa malayo ang bagong hirang na CEO na masayang kinakausap ng ilang board members. Minsan pa nitong tiningnan si Marvin, na ngayon ay naka-upo sa isang sulok ng ballroom na may hawak na walang lamang baso, nakatangho







