Share

CHAPTER 18

last update Date de publication: 2026-05-13 02:01:48

(Martin's POV)

Tahimik ang umagang iyon, o at least, gano’n ang gusto kong paniwalain ang sarili ko. Sa totoo lang, wala ni isang araw na naging tahimik para sa’kin mula nang hindi na ako makalakad. Kung hindi board meetings, deadlines, o mga mata ng mga empleyado kong laging nakaabang sa bawat kibot ko.

Limang taon na ang nakalilipas mula nang magsimula ulit akong maghanap. Tatlong buwan mula nang bumalik ang isang alaala na matagal ko nang sinubukang ilibing, o baka hindi ko talaga kailanga
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 19

    (Martin’s POV) Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabing direkta kay Gabriel ang tunay na rason kung bakit kailangan kong malaman ang tungkol doon sa babae. “Alamin mo kung taga saan siya.” Mahina pero matigas ang boses ko, at alam kong sapat na iyon para malaman ni Gabriel na hindi ako nagbibiro. “Taga saan, sir? Ibig sabihin ay…” Ramdam ko ang pagkalito niya. Wala namang bago. Hindi ako basta nagbibigay ng utos na walang paliwanag, pero ngayon… hindi ko kayang bigyan siya ng kahit anong clue. “Alamin mo ang address niya. Background. Pero wala kang gagawin oras na malaman mo. Wala kang lalapitan. Wala kang kukunin na kung ano man sa kanya. Alamin mo lang.” Hindi ko tiningnan si Gabriel. Ayokong makita ang reaksyon sa mukha niya, dahil masyado nang halata ang tensyon sa dibdib ko. Kahit ako, hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko, e. “Warning po ba ‘yon para sa kanya?” tanong niya ulit, hindi makapaniwala. Hindi ako sumagot. Hindi ko rin kailangan na sumagot. Ang

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 18

    (Martin's POV) Tahimik ang umagang iyon, o at least, gano’n ang gusto kong paniwalain ang sarili ko. Sa totoo lang, wala ni isang araw na naging tahimik para sa’kin mula nang hindi na ako makalakad. Kung hindi board meetings, deadlines, o mga mata ng mga empleyado kong laging nakaabang sa bawat kibot ko. Limang taon na ang nakalilipas mula nang magsimula ulit akong maghanap. Tatlong buwan mula nang bumalik ang isang alaala na matagal ko nang sinubukang ilibing, o baka hindi ko talaga kailangang ilibing, dahil kahit pilitin ko, hindi ko siya makalimutan. Limang taon na ang lumipas, pero sariwa pa rin sa isip ko ang gabi na ‘yon. Hindi ko alam ang pangalan niya noon. Hindi ko alam ang buhay niya, ang pamilya niya, o kung kasama ba siya ng iba. Ang tanging naiwan sa akin ay ang mukha niya, iyong simpleng mukha na may mapungay na matang nakatingin sa akin. Pero habang tumatagal, imbes na mawala siya sa isip ko, mas lalo ko siyang naaalala. Minsan iniisip ko, totoo ba talaga ang nang

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 17

    “Maghanap ka nang matutuluyan ni Miss Dela Vera bukas. Update me about it,” malinaw na utos ni Martin kay Gabriel pero labis siyang nagulat. “Pero, Sir.. Binayaran niyo na po ang kulang na renta niya, di ba? Okay na po siguro iyon para sa kanila,” tutol ni Gabriel. Masama tuloy ang tingin ni Martin sa kanyang bodyguard. Pagkatapos ay umulit siya ng sabi, “Hanapan mo sila o ikaw ang maghahanap ng bago mong trabaho? Mamili ka.” Nanlaki ang mga mata ni Gabriel sa sinambit ng kanyang amo. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ang utos nito. Hindi maintindihan ni Gabriel kung bakit biglang nag-utos si Martin na humanap ng bagong tutuluyan para kina Cassy at ng kambal nitong sina Liam at Levi. Sanay siya na sumusunod sa bawat utos ng kanyang amo, mula sa pagbabantay sa opisina hanggang sa pag-asikaso sa personal nitong seguridad. Pero, kakaiba ang request na ito. Hindi pangkaraniwan, hindi rin simple. At lalong hindi niya alam kung bakit biglang ganito ka-protective si Mart

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 16

    Wala nang nagawa ang landlady kundi tumango. At nang lumapit si Gabriel at iniabot ang envelope, ngumiti agad ito, yung ngiting napaka-ayos bigla pagkatapos sumigaw kanina. “Salamat po, Sir! Pasensya na po sa gulong dala ko…” Tapos mabilis itong umalis. Tumayo si Cassy nang mahinang-mahina ang tuhod niya. “S-Sir… hindi ko po alam kung bakit niyo ginawa iyon pero hindi ko po hinihiling na bayaran niyo—” hindi na natapos ang kanyang sinasabi. Tumingin si Martin sa kanya, malamig, diretso, at walang emosyon. “Hindi libre ang tulong ko sa'yo.” Napalunok si Cassy. Napaatras. Parang biglang lumitaw ang malinaw na dahilan ng pangamba niya. Hindi siya sanay tumanggap ng tulong mula sa isang estranghero. Lalo na mula sa isang lalaking tulad ni Martin, na kitang-kita sa postura, sa bihis, sa kilos, na may kapangyarihan ito. Kapangyarihang hindi basta nalalapitan. “A-ano pong ibig sabihin?” tanong niya, napakababa ng boses. Hindi agad sumagot si Martin. Parang pinag-iisipan pa kung sasagu

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 15

    Maagang-maaga. Hindi pa sumisikat nang husto ang araw, ngunit binulabog na ang katahimikan ng buong apartment complex.Malakas ang katok mula sa pinto.Kasunod ang malakas at nakakabusang sigaw.“Cassy! Cassy Dela Vera! Lumabas ka riyan, kundi wawasakin ko talaga ito!”Napabalikwas si Cassy mula sa kanyang manipis na kutson. Nagkatinginan sina Levi at Liam, parehong nagising at kinakabahan.“Mama… sino po ba ‘yan?” halos bulong ni Liam.“Ah, yung landlady lang, pero don’t worry, Mama will talk to her,” pilit na kalmado niyang sagot kahit ang puso niya’y kumakabog.Tumayo siya, mabilis na inayos ang buhok, at lumabas ng kwarto. Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa galit na mukha ng landlady na si Aling Mercy, pulang-pula ang pisngi at singhigpit ng bakal ang titig.“Ayan ka pala! Dalawang buwan kang hindi nagbabayad! Akala mo siguro pwede mo akong paikutin, ano?!” sig

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 14

    Pagkadating nila sa mansyon, mabilis na bumaba ang mga staff para salubungin si Martin. Tahimik siyang itinulak ng isa pang bodyguard papasok sa grand foyer, habang si Gabriel naman ay nasa likod, hawak ang daily report tablet. Malawak ang loob ng mansyon. Ito ay marmol ang sahig, malalaking chandelier, at malalamig na kulay ng ilaw na sumasalamin sa katahimikan ng tirahan ng isang CEO. Pero sa likod ng katahimikan na iyon, kumukulo ang dugo ni Gabriel sa tanong na kanina pa niya pinipigilang bitawan. Hindi na niya kinaya. “Sir,” mahinahon ngunit ramdam ang pag-aalinlangan niyang sabi, “pwede ko po bang itanong… bakit hindi n’yo pinarusahan yung babae kanina sa elevator?” Hindi tumingin si Martin. Sa halip, dahan-dahan niyang tinanggal ang blazer at ipinatong sa armrest ng wheelchair. Tahimik. Matipid. Parang wala siyang naririnig. Pero hindi pwedeng bingi si Martin. Lalo na kapag siyang C

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status