Umalis na ako para magpunta sa school. Hindi naman mahirap tandaan ang daan papunta roon kaya nakarating ako kaagad. Sandali lang akong kinausap ng guard doon at nang malaman na transferee ako ay agad akong pinapasok nito sa loob ng school.
Hindi ko alam kung saan ang faculty department ng mga professors dito, pero magtatanong na lang ako kapag may nakita akong tao sa loob. Medyo maluwang naman ang school at university rin 'yon, pero hindi kasing laki ng school ko sa Manila. May mga malalaking building din doon at may mga bench, at ilang puno.
Nag-park ako kung saan ko nakita ang ibang mga sasakyan. Sobrang tahimik sa lugar na ito dahil wala namang estudyante ngayong araw. Kinakabahan tuloy ako dahil ganito ang mga eksena na napapanood ko sa mga horror movies. Pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako rito!
Humugot ako nang malalim na hininga at iwinaksi sa isip ang kung ano-ano'ng naiisip. Naglakad ako palayo sa parking para makapasok sa building kahit na hindi ko alam kung saan ang daan. Para namang nakahinga ako nang maluwag nang may nakita akong lalaki na nag-aayos ng mga gamit sa isang room. May mga inilalabas siyang box mula sa loob ng room kaya naman naglakad ako palapit sa kaniya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya mula sa akin.
"Excuse me," sabi ko.
Nang humarap ito ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito. It was Brandon! Sandaling napakunot ang noo niya nang makita ako.
"Ano'ng kailangan mo, Miss?" tanong niya.
Muli ko tuloy naalala ang pag-uusap naming dalawa kanina sa harapan ng simbahan, at nakaramdam ako ng kahihiyan.
Humugot ako nang malalim na hininga bago tuluyang magsalita para magtanong.
"Can I ask kung saan ang office ni Ms. Daza?" tanong ko sa kaniya, may bahid na nahihiya ang boses ko.
Napatango naman siya at kinuha ang isang box na nasa gilid niya. Bahagya naman akong nagulat, dahil mukhang ihahatid niya ako roon kaya agad akong napailing.
"No, it's okay. Just tell me the right way papunta roon," sabi ko sa kaniya.
"It's okay. Papunta na rin ako sa floor na 'yon ngayon. May alam akong mabilis na daanan papunta do'n
Sumabay ka na lang sa'kin," sagot niya sa akin.
Bahagya namang napataas ang kilay ko at napatango sa kaniya bago ako magkibit ng balikat.
Nauna siyang naglakad kaya naman sinundan ko siya. Hindi ko tuloy naiwasan tignan kung paano siya kakisig maglakad, at hindi rin nakaiwas sa mga tingin ko ang malapad niyang likod. Mas nadedepina rin ang biceps niya dahil sa buhat niyang box. Muli ko na naman tuloy naalala si Braddy.
Ilang sandali lang kaming naglakad at nakita kong huminto siya sa elevator. May nabasa ako sa gilid na personnel only ang allowed na sumakay roon. Nauna siyang pumasok kaya napakunot sandali ang noo ko. Empleyado siya sa school na ito?
"Sasakay ka ba, Miss?" supladong tanong niya sa akin.
Agad naman akong napaayos nang tayo at dali-daling pumasok sa elevator. Bahagya na lang akong umismid sa kaniya at tinignan ang floor na pinindot niya. Pang fifth floor ang office ni Ms. Daza. Hindi naman sobrang taas ng mga floor dito, pero nagpapasalamat ako dahil may elevator.
Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Brandon hanggang sa huminto ang elevator sa pang limang palapag. Itinuro niya ang pintuan kaya naman agad akong lumabas at hinihintay siya.
"Dumiretsyo ka lang sa hallway na 'yan pagkatapos kumaliwa ka. Sa dulong pintuan nando'n ang office ni Miss Daza. You can also see her name in front of her door," sunod-sunod niyang sabi.
Pinakinggan ko siyang mabuti at napatango sa kaniya bago magsalita.
"Alright. Thanks," sabi ko sa kaniya.
Tumango lang naman siya at agad na tumalikod para maglakad. Magkabilang hallway ang pupuntahan naming dalawa kaya naman tumalikod na lang din ako nagsimula nang maglakad.
Hindi na ako nahirapan pang hanapin ang office ni Miss Daza. Nagpakita ako sa kaniya at ibinigay niya lang sa akin ang schedule ko.
"Welcome to Las Espadas University, Zariyah. I'm sure magugustuhan mo rito," sabi niya sa akin.
Maganda si Miss Daza at tingin ko ay nasa early thirties pa lang siya. Mukhang mabait naman siya dahil lagi siyang nakangiti kapag kausap ko siya.
"Thanks, Miss D. My only problem here is that there's no elevator for students," sabi ko pagkatapos ay napabuntong hininga.
Natawa naman siya at napailing.
"I know, Zariyah, but don't worry. Masasanay ka rin!" natatawang sabi niya.
"Nakaya mo na ngang pumunta rito hindi ba?" dagdag na sabi pa niya.
Ako naman ngayon ang napailing.
"No, Miss D. Sumabay lang ako sa isang lalaki papunta rito kanina. I think he's also employee here," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
"Oh! I think that's Brandon. He's a working student and scholar here kaya may access siya sa elevator. Kung hindi ako nagkakamali, magka-batch kayong dalawa at baka magkaklase pa kayo," sunod-sunod namang paliwanag sa akin ni Miss Daza.
Bahagya naman akong napangiti at napatango. Kaya naman pala may access siya dahil university scholar siya sa school na ito. Ang swerte naman niya sa part na pwede siyang sumakay sa elevator compared sa ibang students na kailangang akyatin ang bawat floor para lang makapasok sa class nila!
Hindi na ako nagtagal sa office ni Miss Daza. She was excited to introduce me to her class tomorrow, pero ako ay hindi. Hindi ako nae-excite sa mga magiging classmates ko rito dahil for sure hindi naman kami makaka-relate sa isa't-isa. Laking city girl ako, at sila naman ay laking probinsya. Of course, marami akong bagay na alam na limited lang sa kaalaman nila.
Napairap ako habang bumababa ng hagdan. I was looking for Brandon para sana magpahatid sa kaniya sa baba, pero hindi ko na siya nakita kaya naman no choice akong gumamit ng hagdan para lang makababa!
Mabuti na lang din ay naka-flat shoes lang ako, pero hindi pa rin naiwasang sumakit ang mga paa ko. Pawis na pawis din ako nang tuluyan akong makababa kaya naman tinodo ko ang aircon ng sasakyan ko.
"Gosh! This university is not really for me!" reklamo ko sa sarili.
Hindi pa man ako nagsisimulang mag-aral dito ay pagiging haggard na agad ang naranasan ko.
Nang makalabas ako ng university ay may nadaanan akong Cafe kaya naman huminto ako roon para kumain. I just ordered blueberry cheesecake and one sliced of pepperoni pizza. I also ordered mango frappe for my drinks.
I was just enjoying eating my lunch there until one group of friends came. Nakaharap ako sa entrance ng Cafe kaya naagaw nila ang atensyon ko. Marami sila at namataan ko ang isang pamilyar na lalaki. It was Brandon. May kasama siyang tatlong babae at apat naman silang lalaki. Parang kanina lang ay nasa university siya, pero ngayon ay kasama na niya ang mga kaibigan niya.
Napabuntong hininga ako at bumagsak ang dalawa kong balikat habang pinagpatuloy ang pagkain. I suddenly miss my friends from my City.
Dumaan sila sa gilid ko at ang babaeng nasa gitna nila ay saglit na napatingin sa akin. Para bang nagtatakha siya kung sino ako, pero agad din siyang nag-iwas nang tingin at nilagpasan ako. Nang magtama naman ang mga mata namin ni Brandon ay hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kaniya or tatango man lang, pero siya na mismo ang nag-iwas nang tingin sa akin. Mukhang iniiwasan niya rin na magkaroon pa kami ng interaction.
"Narinig ko lang na may transferee sa school natin at baka bukas pumasok na siya. What do you think of her?" narinig kong sabi ng isang babae na kasama nila.
Naupo sila sa kabilang lamesa hindi kalayuan mula sa akin kaya naman hindi ko maiwasan mapakinggan ang pinag-uusapan nila.
"Her? You mean, it's a girl?"
"Yep! Hindi ko lang alam ang dahilan kung bakit napunta rito."
"Kung gano'n, she's boring. Akala ko pa naman ay lalaki!"
Napatingin ako sa lamesa nila at nakita kong nakatingin sa akin si Brandon. Naalala ko tuloy ang sinabi kanina sa akin ni Miss Daza na kaklase ko raw si Brandon. So ibig sabihin ay lahat ng mga kasama niya ngayon ay posibleng kaklase ko rin.
"May bago ka na naman ibu-bully, Karylle!"
Nagtawanan sila kaya naman kunot noo kong tinignan ang Karylle. She's wearing a cropped top and blue skinny jeans. Straight at mahaba ang buhok niya na kulay itim. Fair lang din ang skin tone niya at kita mo sa mukha niya na nababalot ito ng mga make up.
Hindi ko naiwasang mapairap at mag-iwas nang tingin. Kung siya lang naman ang mangbu-bully sa akin ay baka siya pa ang umiyak dahil sa akin. Hindi ako na-inform na uso rin pala ang bully students sa probinsyang katulad nito.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko roon at nag-scroll sa iPad ko. As usual ay marami pa rin akong natatanggap na messages mula sa mga kaibigan ko kaya naman nag-reply na ako sa kanila sa group chat namin. I have to update them, dahil alam kong curious at nag-aalala sila sa nangyari sa akin.
Hindi sila makapaniwala na agaran ang paglipat ko ng school. Kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala na magsisimula na ang first day ko sa bagong university na pag-aaralan ko. Pupwede naman akong bumalik sa Manila ngayon kung gugustuhin ko, but knowing my father, baka mas malala pa ang iparusa niya sa akin kapag lalo ko siyang sinuway.
Napabuntong hininga ako at napailing na lang. Sumenyas ako sa waiter ng Cafe para mag-bill out. Mag alas dos pa lang ng hapon at pinag-iisipan ko kung uuwi na ba ako.
"Four hundred twenty five pesos, Ma'am." Sabi ng waiter nang mag-bill out ako.
Ngumiti ako at tumango sa kaniya bago ko kuhanin ang buong one thousand sa wallet ko. It's my first time here and I admit that the food that I ate is indeed delicious and good quality. Plus the staffs are nice and friendly, so I decided to give them a tip.
"Keep the change. Thanks!" Sabi ko pagkatapos ay tumayo na.
"Thank you po, Ma'am!" masayang sabi sa akin ng waiter.
"You're welcome," sagot ko at tipid na ngumiti.
Inilagay ko ang iPad sa bag ko bago ako maglakad papunta sa comfort room nang biglang magsalita ang isang babae sa kabilang table, kung nasaan ang grupo ni Brandon.
"Mukhang mas may mayaman na sa'yo Karylle. Nagbigay pa ng malaking tip!"
Napakunot ang noo ko, at napatingin sa kanila. Alam kong ako ang tinutukoy ng babaeng nagsalita lalo na nang makita kong nakatingin silang lahat sa akin na para bang hinuhusgahan ako. Maliit lang ang tip na naibigay ko!
"Mukha namang nagpapanggap lang 'yan. Feeling main character!" sabi ng isang babae na tingin ko ay ang Karylle.
Mataray siyang nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay hanggang sa tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ilang araw mo inipon 'yan para lang makapagpanggap ka na mayaman ka?" tanong niya sa akin at may halong pagka-sarcastic ang boses niya.
Kunot noo ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa rin bago ako magsalita.
"Excuse me?" tanong ko sa kaniya.
Napatingin siya sa mga kaibigan niya at tinawanan nila ako kaya naman hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkainis.
"Stop it, guys. Nagsisimula na naman kayo." Narinig kong sabi ni Brandon kaya napatingin ako sa kaniya.
Nanatili ang tingin niya sa pagkain niya at sumubo siya roon, at hindi binigyan ng isang tingin ang mga kaibigan niya.
Napairap na lang ako at napailing bago ako tuluyang umalis doon. I have no time for them, at ayaw kong ubusin ang energy ko sa kanila lalo na at hindi pa ako nagsisimulang pumasok sa bago kong school. Mukhang mahabang panahon ko pa makakasalamuha ang mga taong kagaya nila!
Sandali lang ako sa comfort room para maglagay ng lipstick ko at kaonting face powder pagkatapos ay lumabas na ako.
Nakangiti akong sinalubong ng isang staff sa Cafe kaya naman sandali akong huminto. May dala siyang isang iced coffee na nakalagay sa pang-take out at inabot ito sa akin kaya kunot noo akong napatingin doon.
"This is thank you drinks, Ma'am. Please see us again!" nakangiting sabi niya.
"Oh! No need, but thank you!" Masayang kinuha ko ang iced coffee.
"Don't worry, babalik talaga ako rito." Natatawang sabi ko pa.
"Pasensya ka na, Ma'am sa kabilang table. Regular customer na rin kasi namin sila," sabi sa akin ng babae.
Napangiti naman ako at napailing bago magsalita.
"It's okay, but... May I know how much is their bills?" curious na tanong ko.
Napakunot naman ang noo niya na para bang nagtatakha kung bakit tinatanong ko kaya napangiti na lang ako at lumapit sa counter.
"Magkano ang bill ng table na 'yon? I'll pay for it," sabi ko pagkatapos ay napatingin sa table nila Brandon.
Nakangiti akong lumabas ng Cafe after kong bayaran ang bill nila. Ayaw ko sana magyabang, pero ayaw kong pinagbibintangan na nagpapanggap lang ako para maging sikat!