Share

Chapter 09

"AKIN nga asawa babae nabangga. Kaya ako dala kaniya bahay."

"Saan nga ang patunay mong asawa mo 'yon?" naiirita nang tanong ko. Kanina pa itong Intsik na ito. Ang kulit-kulit. Paulit-ulit na kami ng usapan wala namang pinatutunguhan.

"Basta nga ako asawa. Usap na kami Belinda uuwi ko babae sa bahay."

"Belinda? Sino bang Belinda? Kung wala kang maipakita sa aking marriage contract n'yo, wala kang karapatan sa babaeng 'yon." Lumipat ang tingin ko sa doktor na kanina pa nakikinig sa usapan namin. "Doc, I'll take full responsibility. Ako ang nakadisgrasya sa babae kaya ako muna ang magsisilbing guardian niya habang wala pang napuntang pamilya niya rito. I don't trust these two." Saka ko saglit na ibinalik ang tingin sa mag-amang singkit.

"Ikaw ayaw maniwala. Gusto mo pakulong kita!" Dinuro at pinagbantaan pa ako ng mas bata. Ngunit imbes na matakot ay lalong lumakas ang loob ko.

"Sige. Nang magkasubukan tayo. Kayang-kaya kitang ipatapon pabalik sa bansa mo. Akala mo natatakot ako sa 'yo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status