Share

Chapter 30

ABOT-LANGIT ang ngiti ko nang nasa store na kami. Kinukurot-kurot ko pa ang sarili ko sa pag-aakalang nananaginip lang ako. Pero hindi! Totoo itong nangyayari. Nangingintab pa ang mga mata ko at hindi ko alam kung saan ako babaling. Nasa harapan ko na ang mga dream phones ko. Ibibili talaga ako ni Francisco?

"Bilisan mo mamili at babalik pa tayong office," sabi pa niya na nasa likuran ko lang.

Tiningala ko siya saglit. "Sandali lang, nag-iisip pa nga 'yong tao." Nagmimini-maynimo pa ako sa utak ko. Pinag-iisipan ko kung 'yong made in America ba o Korea. Parehas naman kasing maganda. Siyempre iyong pinaka-latest ang pipiliin ko. Barya lang naman ito sa kaniya for sure. "Ito na lang!" sabi ko. Gusto ko 'tong flip. Mas astig tingnan. Nag-selfie pa ako at naglaan pa ng ilang minuto kakakutkot sa loob habang ipinapaliwanag sa akin ng staff ang mga special features ng phone. "Gusto ko 'to katulad nung kay Carlo." Pinili ko 'yong pinakamahal ang presyo. Iyon talaga ang basehan ko, wala akong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status