Share

Chapter 29

SA tapat ng isang ospital pumarada ang sasakyan ni Francisco. Mula nang umalis kami sa penthouse, hindi pa kami nag-uusap. Nagmamadali siya. Kanina ko pa gusto magtanong kung saan ang punta namin kaso mainit ang ulo niya. Habang nasa biyahe kami panay tawag niya kung kani-kanino pero wala namang sumasagot sa kaniya. Kapag nabu-buwisit na siya itatapon niya sa sahig ng kotse ang cellphone niya. Tapos ako ang ginagawang tagapulot.

Atat din siyang bumaba ng sasakyan. Pinapasunod niya ako nang madalian. Napaangat naman ang tingin ko sa kabuan ng ospital. Jusmiyo, pagkataas din.

Sino kaya ang pupuntahan ng hinayupak? Patakbo akong humabol sa kaniya dahil sobrang bilis at lalaki ng mga hakbang niya. Nakaabang pa ang kamay ko sa kaniya upang makakapit man lang sa suot niyang suit. Pero palagi akong bitin. Nang malapit na kami sa elevator, saka lamang niya ako naisipang lingunin. Kinuha niya ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya. Nasubsob pa ako sa likod ng balikat niya. Balak ko pa sanang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status