Masuk(Amelie POV)
Pagkalipas ng dalawang araw, hindi na ako si Amelie Mitchell.
Ako na si Sophia Redford.
Lahat ng detalye ng bagong pagkatao ko ay inayos na, passport, IDs, personal profile, lahat, parang isang maingat ngunit nakakatakot na operasyon. Si Marie, kumilos na parang babaeng may deadline sa buhay at kamatayan. Walang sablay. Walang butas. Walang tanong na hindi nasagot.
At ngayon…
Nakatayo ako sa harap ng napakalaking bakal na gate ng Alderidge Heights, ang ancestral mansion ng pamilyang Chen.
Hinaplos ng malamig na hangin ang balat ko habang ibinababa ng driver ang maleta ko. Ang mansyon ay nakatayo sa harap ko, malawak, elegante, at nakakatakot. Sa likod ng malalaking salamin, kumikislap ang mga chandelier na parang mata ng isang nilalang na nagmamasid. Kahit ang hangin dito, kakaiba.
Mas mabigat.
Mas matalim.Ito na ang simula.
Ang unang araw ko bilang ibang tao.
Ang unang araw ko bilang magiging asawa ni Elijah Chen. Ang unang hakbang ko sa isang buhay na wala akong ideya kung paano ko lalampasan.Humigpit ang hawak ko sa maleta, nilunok ang kaba, at mahina kong ibinulong sa sarili…
“Bahala na.”
Hindi itinayo ang Alderidge Heights para magpatuloy ng bisita.
Itinayo ito para sukatin sila.
Nang magsara ang bakal na gate sa likod ko, may kung anong sumikip sa dibdib ko…parang tuluyang isinara ang daan pabalik. Umabot sa abot-tanaw ang manicured gardens, marmol na daanan na kumikislap sa ilalim ng malalambot na ilaw, at mga fountain na inukitan ng simbolo ng legacy at kapangyarihan.
Lahat perpekto.
Lahat malinis. Lahat nakaka-intimidate.Hindi ito bahay.
Isa itong pahayag.
Sa loob, halos nakabibingi ang katahimikan. Sa mga dingding, nakahanay ang mga portrait ng mga lalaking seryoso ang mukha… ang mga mata nila, tila sinusundan ako, parang hinahamon akong kalimutan kung nasaan ako.
Tumahimik ang pormal na dining hall nang pumasok ako.
“Chairman,” anunsyo ng butler, “dumating na po si Miss Sophia Redford.”
Lahat ng mata, sa akin napunta.
Sa pinakadulo ng mesa, naroon si Chairman Augustus Chen. Hindi niya kailangang magsalita para igalang, ang presensya niya pa lang, sapat na. Matalas ang mga mata niya, parang hinuhubaran ako hanggang sa intensyon at halaga ko, walang pag-aalinlangan.
Sa kanan niya, may isang babaeng balot sa elegance at kontrol.
Helena Chen.
Ina nina Elijah at Yuri.
Ngumiti siya, magalang.
Pero ang mga mata niya… hindi.Sa tapat niya, may isa pang babae, kalma, mapanuri.
Celestine Chen Marqués, kapatid ng yumaong Mr. Chen.
Sa tabi niya ang asawa niyang si Victor Marqués, tahimik at perpektong bihis. Hindi siya nakatitig—sinusukat niya ako, parang taong nagbibilang na ng magiging resulta sa hinaharap.
At naroon si Yuri.
Ang ngiti niya lang ang tanging init sa buong silid.
“Please,” sabi ni Chairman Chen, itinuro ang bakanteng upuan sa tabi ni Yuri. “Maupo ka.”
Sumunod ako.
“Ito,” patuloy niya, “si Miss Sophia Redford. Makakasama na siya sa pamilya sa lalong madaling panahon.”
Ang salitang pamilya ay bumagsak sa dibdib ko na parang mabigat na bato.
Inangat ni Helena ang wine glass niya.
“So you’re the woman my son intends to marry.”
“Yes, Mrs. Chen.”
“Redford,” aniya, parang pinag-iisipan ang lasa ng pangalan. “American?”
“Half,” sagot ko. “Filipina po ang mother ko.”
“Ah…” mahina niyang sabi. “How… convenient.”
Kumilos si Yuri sa tabi ko, halatang hindi komportable.
At saka…..
Bumukas muli ang pinto.
May mga yabag.
At huminto ang mundo ko.
Dylan.
Natigilan siya sa gitna ng hakbang, agad na nag-lock ang mga mata namin. Kita ko ang gulat sa mukha niya, raw, hindi niya naitago… bago iyon naging estatwa at malamig na parang yelo.
Sa loob ng isang nakakatakot na segundo, parang huminto ang buong silid.
“Dylan,” kalmadong sabi ni Chairman Chen. “Late ka.”
“Apologies,” awtomatikong sagot niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
Naglipat-lipat ang tingin ni Helena sa aming dalawa. “You know each other?”
“No,” mabilis na sabi ni Dylan.
“Yes,” halos bulong ko sa parehong sandali.
Tumalim ang katahimikan.
“Same school,” dagdag ni Dylan, maikli at malamig. “Several years ago.”
Bahagyang umangat ang ngiti ni Helena.
“How very interesting.”
Lumapit si Victor kay Celestine, may ibinulong, at tumugon ito ng mapag-isip na ngiti.
“Umupo ka,” utos ni Chairman Chen.
Umupo si Dylan… direkta sa tapat ko.
Nagpatuloy ang hapunan na puno ng polite conversation, negosyo, imahe, pangalan. Halos wala akong malasahan. Hindi ako kinakausap ni Dylan, pero ramdam ko ang tingin niya, malamig, mabigat, parang hatol.
Pagkatapos ng dinner, yumuko si Yuri palapit sa akin. “Ipapakita ko sa’yo ang guest wing.”
Pero bago kami makaalis, tinawag siya ng staff.
“Susunod na lang ako,” pabulong niyang sabi, humihingi ng paumanhin.
Kailangan ko ng hangin.
Lumiko ako papunta sa kusina.
At naroon na siya.
Nakasandal sa counter.
Parang naghihintay.
“So,” mahina niyang sabi, “Sophia Redford.”
Sumikip ang sikmura ko.
“Iyan na ang pangalan mo ngayon?”
“It’s… complicated,” sagot ko.
Napatawa siya… mababa, walang saya.
“Of course it is.”
Umatras ako ng kaunti. “Dylan… ”
“Pekeng pangalan,” putol niya, kalmado. “Makapangyarihang pamilya. Mayamang fiancé.”
Dahan-dahan niyang sinukat ang buong pagkatao ko ng tingin.
“Hindi ka lang umalis,” sabi niya. “Nag-upgrade ka pa.”
Parang sinuntok ang dibdib ko.
“That’s not… ”
Inangat niya ang kamay, pinatigil ako.
“Save it,” malamig niyang sabi. “Hindi ako interesado.”
Nanatili akong nakatayo habang dumaan siya sa tabi ko—ang balikat niya, bahagyang dumampi sa akin.
Mabilis.
Electric. Wasak.Naiwan akong mag-isa sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng kusina, nag-aapoy ang dibdib ko.
Upgraded?
Mayamang fiancé?Tinatawag ba niya akong gold digger?
Hindi ako nakatulog nang gabing iyon.
Nakahiga ako, nakatitig sa kisame, paulit-ulit na bumabalik ang itsura ng mga mata niya.
Ang galit.
Ang katiyakan.Alam kong nasaktan ko siya noon.
Hindi ko iyon kailanman itinanggi.Ang pakikipaghiwalay ko sa kanya noong graduation day… may binasag iyon sa pagitan namin. Alam ko. Pinagsisihan ko ang sakit, hanggang ngayon.
Pero gano’n ba talaga ako kasama?
Kasalanan bang habulin ang pangarap na buong buhay kong pinaghirapan?
Bata pa kami noon. Pareho. Ayokong maging selfish… ayokong ipaghintay siya sa malayong kontinente, walang kasiguruhan, walang pangako. Ayokong ikulong siya sa hinaharap na puro baka.
At ang pustahan…
Biglang pumasok sa isip ko.
Oo, nanalo ako.
Pero hindi ko kinuha ang premyo.
Dahil sa gitna ng lahat, hindi na iyon nagging isang laro.
Minahal ko talaga si Dylan.
Ang hamon ay naging palusot lang… isang maskara para itago ang damdaming hindi ko kayang aminin noon.
Kung gano’n…
Bakit parang tinatrato niya akong traydor sa paraang hindi ko maintindihan?Kinabukasan ng umaga, biglang pumasok si Yuri sa kwarto ko, kumikislap ang mga mata.
“Dadating na siya today,” bulong niya. “Si Elijah.”
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Ang totoong fiancé.
Ang totoong kasinungalingan.Habang bumababa kami sa hagdan, nakita ko si Dylan sa ibaba, nakatiklop ang mga braso, umangat ang tingin niya at tumama sa akin.
Malamig.
Hindi nagpapatawad.At sa unang pagkakataon mula nang pumasok ako sa kontratang ito, may takot na gumapang sa dibdib ko.
Dahil kahit ano pa ang paniniwala ni Dylan tungkol sa akin…
Kahit anong nakaraan ang ipinapataw niya bilang parusa…Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko.
At sa pagkakataong ito…
Hindi ko na rin alam kung ano ang tinatakbuhan ko.
(Amelie / POV)Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na wala lang ‘yon.Na ang paninikip ng dibdib ko ay walang kinalaman sa kung paano bahagyang yumuko si Dylan palapit kay Jasmine Hernandez, o kung gaano siya ka-komportable roon. Maganda. Kumpiyansa. Walang takot ipakita na bahagi siya ng mundo ni Dylan.Paulit-ulit kong pinaniwalaan ang sarili ko.Pero mabigat ang kasinungalingan.At noong hapon na ‘yon sa mall, parang nakadagan ito sa bawat paghinga ko.Isang hakbang ang pagitan ko kay Yuri, kunwari’y interesado sa mga kotse, sa palakpakan, sa mga ilaw at kamera, kahit ang totoo, paulit-ulit bumabalik ang tingin ko sa kanya. Kay Dylan. Sa katahimikan ng kilos niya, sa awtoridad na hindi niya kailangang ipilit, dahil natural na sa kanya.At sa babae sa tabi niya.Ang kamay ni Jasmine sa braso niya ay parang doon na talaga nakalaan.Masyadong natural.Masyadong sanay.Tumingin ako sa ibang direksyon bago pa maging masakit ang pakiramdam.Wala kang karapatan, paalala ko sa sarili. M
( Dylan’s POV )Hindi ako naghintay ng pahintulot.Tumayo ako sa mismong sandaling binuksan ni Helena ang bibig niya, dahil alam kong kung nagtagal pa ako kahit isang segundo, baka may masabi akong hindi ko na kailanman mababawi.O mas masahol pa…baka tumingin ulit ako sa kanya.Ang matinis na kaskas ng upuan ko sa marmol ang pumutol sa katahimikan ng dining hall. Isang tunog na sapat na para ipaalala sa lahat na tapos na ako roon. Walang pumigil sa akin. Walang sumubok. Wala namang gumagawa noon, kahit kailan. Sa bahay na iyon, mas mabigat ang katahimikan kaysa sa kahit anong sigawan. At matagal ko nang natutunang mabuhay sa gitna ng pareho.Naglakad ako palabas ng silid, mahahaba at kontrolado ang mga hakbang, dumaan sa mahahabang pasilyo ng mansyon. Sa magkabilang dingding, nandoon ang mga larawan ng mga lalaking kapareho ko ng dugo, ngunit hindi kailanman kumilala sa akin bilang isa sa kanila.Parang buhay ang mga mata sa mga painting. Sinundan ako ng tingin, gaya ng lagi nilang g
(Amelie POV)Sumunod na umaga…Habang bumababa kami ni Yuri sa hagdan, kusa akong napabagal.Sa ibaba, malapit sa malalaking bintanang nakaharap sa hardin, nandoon si Dylan.Nakatiklop ang mga braso niya, suot ang dark at understated na damit na lalo lang nagpalayo sa aura niya. Walang emosyon ang mukha. Walang kahit anong bakas ng nangyari kagabi. Nang umangat ang tingin niya at tumama sa akin…Parang may humawak sa akin sa lugar.Malamig. Hindi nagpapatawad.At sa unang pagkakataon mula nang pirmahan ko ang kontratang ito, may takot na mahigpit na pumulupot sa dibdib ko.Dahil kung ano man ang pinaniniwalaan ni Dylan tungkol sa akin… Kung anong bersyon ng nakaraan ang hinuhusgahan niya…Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko. Wala akong depensa.At mas masakit pa…Hindi ko na rin alam kung ano ang tinatakbuhan ko.“Okay ka lang?” mahinang tanong ni Yuri sa tabi ko.Tumango ako, kahit hindi ako sigurado kung totoo.At saka….Naputol ang katahimikan.May umalingaw
(Amelie POV)Pagkalipas ng dalawang araw, hindi na ako si Amelie Mitchell.Ako na si Sophia Redford.Lahat ng detalye ng bagong pagkatao ko ay inayos na, passport, IDs, personal profile, lahat, parang isang maingat ngunit nakakatakot na operasyon. Si Marie, kumilos na parang babaeng may deadline sa buhay at kamatayan. Walang sablay. Walang butas. Walang tanong na hindi nasagot.At ngayon…Nakatayo ako sa harap ng napakalaking bakal na gate ng Alderidge Heights, ang ancestral mansion ng pamilyang Chen.Hinaplos ng malamig na hangin ang balat ko habang ibinababa ng driver ang maleta ko. Ang mansyon ay nakatayo sa harap ko, malawak, elegante, at nakakatakot. Sa likod ng malalaking salamin, kumikislap ang mga chandelier na parang mata ng isang nilalang na nagmamasid. Kahit ang hangin dito, kakaiba.Mas mabigat.Mas matalim.Ito na ang simula.Ang unang araw ko bilang ibang tao.Ang unang araw ko bilang magiging asawa ni Elijah Chen.Ang unang hakbang ko sa isang buhay na wala akong ideya
( Dylan’s POV )Hindi ko in-expect na makikita ko pa siya ulit.Hindi sa ganitong paraan.Hindi sa café ko.At lalong hindi sa panahong pinaniwala ko na ang sarili ko na si Amelie Mitchell ay bahagi na lang ng isang chapter ng buhay ko na matagal ko nang ibinaon at isinelyo sa pinaka-malalim na parte ng alaala ko.Pero andoon siya.Nakatayo sa loob ng Café Bulle De Ciel na parang may karapatan siyang naroon. Parang hindi niya ako iniwan noon nang hindi man lang lumingon. Parang hindi lumipas ang sampung taon na iniukit ang pagkawala niya sa bawat bersyon ng pagkatao ko.Nang magtagpo ang mga mata namin, may kung anong marahas na pumilipit sa dibdib ko.Nararamdaman ko na agad bago ko pa maintindihan, matalim, pamilyar, at ayaw kong maramdaman. Parang muling binuksan ang sugat na hindi kailanman tuluyang gumaling. Unti-unting naglaho ang mundo sa paligid naming, ang sipol ng espresso machine, ang tunog ng baso at plato, ang mahinang usapan ng mga customer. Siya lang ang nakikita ko.M
Hindi ko man lang binigyan ang sarili ko ng chance na huminga.The moment na nagtagpo ang tingin namin ni Dylan sa café na ‘yon, automatic na nag-react buong katawan ko… panic, gulat, at ‘yung kirot na akala ko matagal ko nang nilibing sa nakaraan. Tumayo ako bigla, halos lumipad pa ‘yung upuan sa lakas ng pag-atras ko. Napabulong ako ng “sorry” sa barista habang nagmamadali palabas, kunwari may bigla akong importanteng pupuntahan.Kailangan ko lang makalayo.Layo sa kaniya.Layo sa alaala niya.Paglabas ko sa pavement, malamig ang hangin, at kahit half-way pa lang ako sa sidewalk, doon ko na-realize…Yung purse ko.Naiwan ko sa counter.“Dammit, Amelie…” bulong ko sa sarili, pero hindi ko maibalik ang mga paa ko sa café. Hindi habang nandoon pa si Dylan. Hindi habang nakatitig pa siya gamit ‘yung mga matang kayang tunawin ang lahat ng pader na itinayo ko for years.Naglakad ako..mabilis, sobrang bilis..umaasang malulunod ako sa dami ng taong nagdaraan.Pero syempre, ang tadhana… mahi







