Home / Romance / UNCLAIMED VOWS / CHAPTER 03 : Ang Pangalan Na Hindi Ko Pinili

Share

CHAPTER 03 : Ang Pangalan Na Hindi Ko Pinili

last update publish date: 2025-12-13 18:59:57

( Dylan’s POV )

Hindi ko in-expect na makikita ko pa siya ulit.

Hindi sa ganitong paraan.

Hindi sa café ko.

At lalong hindi sa panahong pinaniwala ko na ang sarili ko na si Amelie Mitchell ay bahagi na lang ng isang chapter ng buhay ko na matagal ko nang ibinaon at isinelyo sa pinaka-malalim na parte ng alaala ko.

Pero andoon siya.

Nakatayo sa loob ng Café Bulle De Ciel na parang may karapatan siyang naroon. Parang hindi niya ako iniwan noon nang hindi man lang lumingon. Parang hindi lumipas ang sampung taon na iniukit ang pagkawala niya sa bawat bersyon ng pagkatao ko.

Nang magtagpo ang mga mata namin, may kung anong marahas na pumilipit sa dibdib ko.

Nararamdaman ko na agad bago ko pa maintindihan, matalim, pamilyar, at ayaw kong maramdaman. Parang muling binuksan ang sugat na hindi kailanman tuluyang gumaling. Unti-unting naglaho ang mundo sa paligid naming,  ang sipol ng espresso machine, ang tunog ng baso at plato, ang mahinang usapan ng mga customer. Siya lang ang nakikita ko.

Mas matured.

Mas malambot ang aura.

At mas nakakapangwasak pa rin.

Sa isang iglap, nabura ang sampung taon. Bumalik ako sa edad na disiotso, nakatayo sa pasilyo ng paaralan na amoy chalk at ulan, naririnig ang tawa ng mga estudyante sa stairwell, iniukit sa isip ang ngiti niya tuwing pakiramdam niya nagwawagi siya.

Hanggang biglang pumasok ang takot sa mga mata niya.

At tumakbo siya.

Ganun na lang.

Walang tanong. Walang paliwanag. Takot lang, at paglayo.

Humigpit ang panga ko.

Siyempre tatakbo siya.

Ganun naman siya palagi dati kapag nagiging hindi komportable ang sitwasyon.

Napansin ko agad ang purse na naiwan niya sa counter, parang afterthought lang. Kilala ko na ang ganung pagkakamali. Ganyan na si Amelie noon pa man, sobrang talino, pero magulo ang habits. Nawawalan ng ballpen, notebook, maliliit na parte ng sarili niya.

At ako.

Hindi ko namalayang napulot ko na ang purse bago pa ako makapag-isip.

Sinundan ko siya palabas.

Hindi dahil sa kanya.

Dahil sa purse na naiwan niya.

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko iyon.

Pero nang marinig ko ang isang lalaking tumatawag sa pangalan niya, ang pagsusumamo sa boses, ang desperasyon, at makita siyang pilit na kumakawala sa hawak nito…

May nabasag sa loob ko.

Hindi na ako nag-isip. Hawak ko na ang kwelyo ng lalaki bago pa man pumasok sa isip ko ang ginagawa ko.

“Huwag mong pilitin ang babaeng malinaw na ayaw sa’yo.”

Lahat sa kanya nakakainis, ang kapal ng mukha, ang yabang. Pero ang mas ikinagalit ko ay ang itsura ni Amelie.

Takot.

Kalungkutan.

Pakiusap.

Parehong itsura noong huli kaming nag-usap, sampung taon na ang nakalipas.

Pagharap niya sa akin..

Parang huminto ang paghinga ko sa loob ng ilang segundo.

Pero hindi ko ipinahalata.

Isiniksik ko ang purse sa mga kamay niya at sinabi ang pinaka-unang depensa na pumasok sa isip ko.

“Hindi ako lumabas para iligtas ka. Huwag kang assuming.”

At mas malamig pa…

“Sa susunod, iwan mo ang drama. Hindi ang gamit mo.”

Mas madali iyon kaysa aminin ang lahat ng emosyon na hindi ko dapat maramdaman.

Tumalikod ako at naglakad palayo, nagkukunwaring wala lang.

Nagpapanggap na wala na siyang ibig sabihin.

Wala na dapat.

Paulit-ulit kong sinabi iyon sa sarili ko hanggang sa mawalan ng saysay ang mga salita.

Pagsapit ng gabi, wala na ako sa café.

Kapag nagsisimulang mangalmot ang mga alaala sa utak ko, nakikipagkarera ako.

Ang bilis ang naging takas ko, ang tanging paraan para patahimikin ang memorya, pagsisisi, at ang multo ng isang babaeng minsang naging sobrang mahalaga sakin.

Ang private racing circuit sa labas ng Raventon ay nagliliwanag sa ilalim ng malalakas na ilaw. Umuungal ang mga makina na parang mga hayop na handang pakawalan. Mabigat ang hangin sa amoy ng gasolina, goma, at adrenaline. Hindi ito illegal na karera sa madidilim na eskinita.

Legal ito. Malinis. Eksklusibo.

Lugar kung saan nagtatagpo ang pera, kapangyarihan, at kontrol.

Nasa pit ang sasakyan ko, makinis, perpekto, custom-built. Bawat detalye ay sinadya.

Katulad ng buhay ko.

May mga babaeng paikot-ikot sa paligid, parang mga gamu-gamo sa apoy. Masisikip na damit. Makintab na labi. Mga matang masyadong matagal tumitingin.

Isa sa kanila ang lumapit, dumaplos ang daliri sa braso ko.

“Magkakarera ka ba tonight?” malambing niyang tanong.

Hindi ko siya nilingon.

“ Tumabi ka...”

Tumawa siya, kunwari walang pakialam, pero umatras. Lagi naman silang umaatras.

Sa kabilang pit lane, kitang-kita ko ang mga titig ng ibang racers, wala nang pagtatago ng inis.

“Akala niya pagmamay-ari niya ang track.”

“May kailangan nang magpababa sa ere niya.”

Naririnig ko lahat.

Ayaw nila sa akin dahil hindi ako nagyayabang. Dahil hindi ako nakikipag-flirt. Dahil hindi ko kailangan ang approval nila.

At dahil kahit anong pilit nila….

Palagi akong panalo.

May isang racer ang lumapit, helmet sa ilalim ng braso, may ngiting puno ng kumpiyansang hindi niya deserve.

“Isang run,” sabi niya. “Tingnan natin kung totoo ang hype.”

Tiningnan ko siya. Kalma. Walang emosyon.

“Kung gusto mo.”

Brutal ang karera. Mabilis na likuan. Eksaktong preno. Isang maling galaw, tapos ka. Karerang walang puwang para sa pag-aalinlangan.

Ako ang unang tumawid sa finish line.

Muli.

May palakpakan. May mura ng pagkadismaya.

Pero walang lasa ang panalo.

Dahil kahit gaano ako kabilis, kahit gaano kalakas ang sigaw ng makina, hindi ko matakasan ang mukha niya sa isip ko.

At doon ako inabutan ng nakaraan.

Sampung taon ang nakalipas.

Santa Catalina.

Integral High.

Noon, hindi pa ako si Dylan Luis Chen.

Ako si Dylan Luis Suarez.

Isang transferee na may scholarship file na mas makapal pa sa pasensya ko. Sirang pamilya. Isang ina na halos ikamatay ang pagtatrabaho para lang mabuhay kami.

Tahimik ako. Nagmo-motor papasok sa school. Naka-headphones para walang kumausap.

Ayoko ng kaibigan.

Ayoko ng attachment.

Hanggang pumasok siya sa buhay ko, isang komplikasyong hindi ko hiniling.

Si Amelie Mitchell.

Class president. Campus darling. Laging nakangiti. Laging may kasama. Hindi maaabot.

Top of the class….

Hanggang dumating ako.

Natalo ko siya sa unang exam.

Hindi ko makalimutan ang itsura niya, gulat, inis, disbelief. Biglang nag-iba ang balanse. Binantayan ako ng mga guro. Nagbulungan ang mga estudyante.

Humagikgik ang mga babae. Sumimangot ang mga lalaki.

Wala akong pakialam.

Hanggang dumating ang pustahan.

Prom season. Kumalat ang tsismis. May nagtanong kung pupunta ba ako. May nanghamon na may makakapilit sa akin.

At naging tanong iyon….

Sino ang makakapagdala kay Dylan Suarez sa prom?

Sa kanya napunta ang lahat ng tingin.

Ang golden girl. Perpektong kandidata.

Tinanggap niya agad ang hamon.

Kalaunan ko lang nalaman na sumasali siya sa mga pustahan para kumita. Hindi mura ang pangarap na Harvard.

Sinubukan niya.

Talagang sinubukan niya.

May notes sa bag ko. Mahahabang usapan. Ngiting para sa akin lang. Kumpyansa. Kaakit-akit. Hindi sumusuko.

Pero sa ilalim noon, kinakabahan.

She fell first.

I fell deeper.

Siya ang una kong pag-ibig.

Ang una kong pagkakamali.

Ang unang taong nagpaniwala sa akin na puwede rin pala akong piliin.

Hanggang dumating ang graduation.

Ang araw na nagtapos ang lahat.

Ang araw na narinig ko ang katotohanan.

Hindi ko dapat marinig. Papunta ako sa classroom nang marinig ko ang tawa ng mga kaibigan niya sa hagdan.

“Hindi naman niya talaga gusto si Dylan.”

“Ginagawa lang niya ’yon para sa pustahan.”

“Pag nakuha na niya ang scholarship sa Harvard, hihiwalayan nya din ’yan.”

Parang may nadurog sa loob ko.

Ilang oras ang lumipas, hiniwalayan nga niya ako, may lungkot sa ngiti, nagsasalita tungkol sa pangarap, sa pag-alis, sa pagiging bata pa namin.

Hindi ako nakipagtalo.

Hindi ako nakiusap.

Hinayaan ko siyang umalis. Pinakawalan ko sya.

Mas madali ang galit kaysa sa sakit.

Lumipas ang mga taon.

Namatay ang nanay ko.

Ang ama kong hindi kailanman kumilala sa akin ay may huling kahilingan bago mamatay sa aksidente.. ang kilalanin at tangapin ako. Dalhin ako sa pamilyang Chen.

Ayoko ng apelyido.

Ayoko ng mansyon.

Ayoko ng dugong binalewala ako.

Pero tinupad ko ang hiling niya.

Doon ako naging si Dylan Luis Chen.

Hindi naging madali si Elijah..malamig, perpekto, malayo. Lahat ng hinahangaan ng lolo naming nasa kanya.

Si Yuri lang ang pumili sa akin. Kumapit. Tinawag akong kuya bago pa man maging opisyal ang lahat.

Itinayo ko ang aking  imperyo sa sarili kong paraan…

Hindi ko kinailangan ang tulong nila

At pagkatapos….

Bumalik si Amelie sa buhay ko.

Parang hindi siya kailanman umalis.

Kinabukasan, tumunog ang phone ko.

Si Yuri.

“Kuya! Nandito na siya!”

Napakunot ang noo ko. “Sino?”

“Future wife ni Kuya Elijah. Dumating na sa mansion! May family dinner mamaya, gusto ni Grandpa na kumpleto tayo.”

Nanigas ako. “Wala pa si Elijah.”

“Bukas pa siya darating. Pero nandito na si Ate Sophia ngayon.”

Dahan-dahan kong ibinaba ang tawag.

Isang asawa.

Isang bagong estrangherang papasok sa pamilyang Chen .

Hindi ko alam kung bakit sumikip ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko ang mukha ni Amelie.

Pero may isang bagay akong sigurado….

Hindi pa tapos ang nakaraan sa akin.

At kahit gaano ako kabilis kumarera…

May mga karerang hindi mo kailanman matatakasan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • UNCLAIMED VOWS   CHAPTER 54: The Little Heir

    - ( Narrator’s POV ) - Five weeks later... Bandang alas-diyes ng umaga sa CBDC Project Department ng Chen Empire Building, nasa kalagitnaan pa ng meeting ang buong team para sa final review ng ilang papeles para sa susunod na branch opening ng Café Bulle De Ciel. Nasa dulo ng conference table si Sophia, hawak ang tablet habang nagsasalita si Riko sa unahan. Sa kanan niya ay si Stella na may hawak na printed reports, habang sina Lara at Marco naman ay abala sa pag-check ng figures at presentation notes. “So once approved ito, puwede na nating i-send sa legal and operations before two,” sabi ni Riko habang tinitingnan ang huling page ng report. Tumango si Stella. “Complete na ang supplier endorsements.” “Brand deck is also ready,” sabi ni Lara. “Final check na lang sa launch materials.” Napatingin si Marco kay Sophia. “Finance side is clear too. Sophia, ikaw na lang sa last sign-off.” Hindi agad sumagot si Sophia. Nakatitig lang siya sa screen ng tablet at tila pilit pang inuubo

  • UNCLAIMED VOWS   CHAPTER 53: Buried Traces

    .- ( Narrator’s POV ) - Hindi mapakali si Adrian Hernandez. Nakatayo siya sa harap ng malawak na bintana ng opisina niya sa Paris, isang kamay ang nasa bulsa ng slacks habang ang isa ay mahigpit na hawak ang phone. Kanina pa umiikot sa isip niya si Jasmine. Hindi niya gusto ang pakiramdam na may nangyaring mahalaga at huli na naman siyang nakaalam. Sa wakas ay pinindot niya ang pangalan ng kapatid. Mabilis namang sinagot ni Jasmine ang tawag. “Kuya?” “Ano ba talagang nangyari sa Barcelona?” Sandaling natahimik si Jasmine sa kabilang linya. “I already told you what I needed.” “No, bunso. You told me what you wanted me to do, na si Mommy na mismo ang gumawa. Pero hindi mo sinabi kung bakit.” “Does it matter?” “Of course it matters,” mariing sagot ni Adrian. “You asked me to move around Sophia Redford, and then you expect me not to ask questions?” Narinig niya ang marahang buntong-hininga ng kapatid. “Jasmine.” “All right,” sabi nito sa huli. “Dylan saw her.” Humigpit ang h

  • UNCLAIMED VOWS   CHAPTER 52: The Borrowed Name

    - ( Narrator’s POV )- Kinabukasan, paggising ni Elijah, agad niyang napansin na gising na rin si Amelie. Nakasandal ito sa headboard, nakatingin sa kurtinang bahagyang sinasayaw ng hangin mula sa balcony. Halatang wala na naman ito sa sarili. “Honey,” mahinang tawag niya habang bumabangon. “Did you sleep well?” Bahagyang napalingon si Amelie. “A little.” Napabuntong-hininga si Elijah. “You said that last night too.” “I’m fine.” Hindi agad siya sumagot. Sa halip, matagal niya lang tinitigan ang mukha nitong maputla pa rin hanggang ngayon.Tumayo si Elijah at lumapit sa maliit na dining table ng suite kung saan nakahain na ang breakfast nila. Inayos niya ang plato ni Amelie at nagsalin ng maligamgam na gatas sa baso nito. “Come here first,” sabi niya. “Eat something.” “Wala akong gana.” “Honey.” Napatingin si Amelie sa tono ng boses niya. Dahan-dahang bumangon si Amelie at lumapit sa mesa. Umupo siya, ngunit halos hindi niya magalaw ang pagkain sa harap niya. Pinagmamasdan

  • UNCLAIMED VOWS   CHAPTER 51: Mga Pira-Pirasong Alaala

    - ( Narrator's POV ) - Pagkalabas ni Amelie ng ladies’ room, hinanap niya ng tingin sina Riko at ang iba, ngunit hindi niya agad nakita ang team. Naglakad siya sa pasilyo habang sinusubukang alalahanin kung saang direksyon sila huling dumaan. Hanggang sa mapansin niya ang isang baby boutique. “Maybe I’ll buy something for you, baby,” bulong niya sa sarili. Pumasok siya sa boutique at dumiretso sa footwear section. Habang tinitingnan niya ang maliliit na sapatos sa estante, bigla niyang naramdaman ang marahang paghaplos sa kanyang binti. Napatingin siya sa ibaba. Isang batang lalaki ang nakaupo sa sahig at tumatawa habang nakatingala sa kanya. Malikot ang mga mata nito at puno ng inosenteng saya ang mukha. “Mama,” usal ng bata. Agad lumambot ang ekspresyon ni Amelie. “Hey, you cutie little one,” sabi niya habang marahang binubuhat ito. “Where are your mom and dad?” Tumawa ang bata at agad humawak sa kuwelyo ng blouse niya. Sa sandaling iyon, may narinig siyang boses mula sa

  • UNCLAIMED VOWS   CHAPTER 50: Mapaglarong Tadhana

    - ( Narrator’s POV ) - Sa loob ng isang taon, ang mundong nakasanayan ni Dylan kasama ang paniwala niyang pamilya ay ang pribadong villa ng mga Hernandez sa isla ng La Palma. Isang payapang buhay, malayo sa gulo at sa nakaraan na hindi niya maalala nang buo. At ngayon, narito sila sa Barcelona para sa ilang araw na pamamasyal bago muling bumalik sa villa. “Hold him properly, Dylan. Baka madulas siya.” “Relax. Anak ko rin ito.” Napailing si Jasmine habang pinagmamasdan si Dylan na buhat ang bata sa labas ng hotel. Kagagaling lang nilang tatlo sa breakfast, at dahil magandang araw ang sumalubong sa Barcelona, naisip nilang mamasyal muna bago magtanghali. Kakaisang taon pa lamang ng bata, ngunit halatang-halata kung gaano ito ka-attach kay Dylan. Kapag si Dylan ang may hawak, hindi ito umiiyak. Kapag si Dylan ang kausap, tawa ito nang tawa na parang wala nang ibang paboritong tao sa mundo. “See?” mayabang na sabi ni Dylan nang hagikgik nang hagikgik ang bata sa simpleng pangungulit

  • UNCLAIMED VOWS   CHAPTER 49 : What I Can Give In Return Is Not My Heart

    .- ( Amelie POV ) - Isang umaga, nag-aalmusal kami ni Elijah sa balcony ng aming silid. Tanaw mula rito ang malawak na hardin ng mansion at ang pool. Ngunit kahit gaano kaganda ang tanawin at ang umaga, hindi ko maalis ang kakaibang bigat sa loob ng dibdib ko. Hindi ko halos magalaw ang pagkain ko. Napansin iyon ni Elijah. “Did you sleep well?” tanong niya habang nakatingin sa akin. “A little,” sagot ko. Bahagya siyang ngumiti ngunit halatang may pag-aalala sa kanyang mga mata. “Did you take the vitamins your OB prescribed?” Tumango ako. “Yes.” “Good. Don’t skip them.” Pinagmasdan niya ako sandali bago muling nagsalita. “You should also rest more. The first months are the most sensitive.” Napangiti ako nang bahagya. “You sound like a very paranoid father already.” “I am,” sagot niya agad. Bahagya akong natawa. Ngunit sa kabila ng magaan na usapan, may bahagi sa loob ko na hindi pa rin mapakali. Ang batang dinadala ko ay anak ni Elijah. Isang bagong buhay. Isang bag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status