Share

Chapter 21: THINK

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-11-26 23:51:15

“I’M asking, not demanding,” aniya. “Kasi kung ang totoo ay takot ka lang. I can help you face that. Pero kung ayaw mo sa akin o kung ako mismo ang problema. Sabihin mo, Leina, at hindi na kita guguluhin.”

Doon siya tuluyang nalito.

“Hindi ko po kayo ayaw,” mabilis niyang sagot, halos nagmamadali. “H-Hindi ko lang po alam ang isasagot sa inyo. Hindi ko alam kung tama ba ‘to, kung mapagkakatiwalaan ko pa ‘yung sarili ko na tama ang desisyon ko.”

Nagbago ang ekspresyon ni Emil, parang may tuma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cecil Montina
next plsss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 24: MAG-ASAWA

    "NAKUHA mo na ang gusto mo, Emil. Ano naman ang kasunod?" tanong ni Vic sa kanyang pinsan. Hindi siya sang-ayon sa kasal ng kanyang pinsan at inaanak nitong si Leina. Parang hindi maganda sa pandinig ng iba, kung malalaman nila na inaanak ni Emil ang asawa sa best friend nitong si Castor. Napahawak si Emil sa kanyang panga at napasandal sa kanyang upuan. Huminga siya ng malalim at napaangat ang tingin kay Victor. "Itutuloy ko ang napag-uspan namin ni Leina. Ilalabas ko sa kulungan ang kanyang mga magulang." Tugon niya. Dahil iyon naman talaga ang nakasaan sa kanilang kasunduan. Umupo si Victor sa upuang nasa harapan ng mesa ni Emil. "Bakit mo ba ito ginagawa?" Naguguluhan si Victor sa naging hakbang ni Emil. Hindi naman kailangan na pakasalan ng kanyang pinsan si Leina. Kayang-kaya nitong palabasin sa kulungan ang mag-asawa. Isa pa bestfriend niya si Castor. Tumahimik si Emil sandali, parang pinipili ang mga salitang bibitawan. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, tumayo siya at n

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 24: KASAL

    PAGKALIPAS ng dalawang araw, mabilis na inihanda ang mga kailangan na papel nina Emil at Leina para sa kanilang kasal. Nasa loob ng opisina sina Leina, Emil, Vic at si Castro, ang driver ni Emil para maging witness sa kasal. May mga kasambahay ng mansyon at guwardiya. Si Vic lamang ang magkakasal kina Emil at Leina. Gaya ng napag-usapan nila. Ayaw din ni Emil na may ibang makaalam sa kanilang kasal. Mas mabuti na iyon para walang kumontra pa na makakapagpabago ng isip ni Leina na pakasalan siya. Tahimik ang buong opisina. Masyadong tahimik para sa isang kasal. Walang bulaklak sa buong paligid, walang musika at alang palakpakan ng mga bisita. Tanging ang tunog ng papel na inaayos ni Vic at ang mahinang paghinga ni Leina ang maririnig. Nakatayo si Emil sa tabi ni Leina. Diretso ang tindig niya, pero halatang may tensyon sa panga. Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya mukhang nag-aalinlangan. Para siyang lalaking matagal nang nagpasya at handang panindigan iyon, kahit pa may kapa

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 23: DESISYON NATIN

    SIGURADO ka ba, Leina?" tanong ng hindi makapaniwala na si Emil. Mabilis na tumango-tango si Leina. "Opo. Sure na sure ako sa desisyon ko. Kung ano po ang alam niyo na dapat kong gawin, then kayo na po ang magdecide." Napatulala si Emil. Hindi nagsi-sink in sa kanya ang sinabi ng kanyang inaanak. "Magpapakasal ka sa akin?" "Yes po." Nangatal ang dibdib ni Emil, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa biglaang nakabuo na ng desisyon si Leina. Pumapayag na itong magpakasal sa kanya. “Leina…” mahina niyang bulong, halos hindi lumalabas ang boses. “Alam mo ba kung gaano kabigat ‘yang sinasabi mo?” Pero ngumiti si Leina, hindi nanginginig, hindi umiwas. Matatag. Parang iyon na ang pinakaklaro niyang desisyon sa buong buhay niya. “Opo, Ninong. Alam ko po ang sinasabi ko,” tugon niya. “At kung may ibang paraan, hindi na po ako lalapit sa inyo. Pero, kayo lang po ang nakikita kong makakapagligtas sa akin ngayon.” Kumunot ang noo ni Emil. Lumapit siya, marahang hinawakan ang magkabilang

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 22: PAYAG

    “LEINA…” Umupo siyang mas malapit nang kaunti, pero hindi nakikisiksik. “May isang taong kumontak sa abogado. 'Yong mga taong nagkaso sa mga magulang mo.” Nanlamig ang batok ni Leina. “P-Po? Sino po sila?” Tumango si Emil nang marahan. “Gusto ka nilang makausap. Iyong mga taong naloko raw ni Castor.” Parang umikot ang mundo ni Leina. “A-Ako po?” hindi makapaniwalang tanong ni Leina. “B-Bakit ako? Ano’ng kailangan nila sa’kin—?” dagdag niyang mga tanong “Hindi ko alam ang buong dahilan,” sagot ni Emil. “Pero malinaw na hindi nila gustong sa abogado dumaan ang pag-uusap. Ikaw mismo ang gusto niyang kausapin.” Napahawak si Leina sa mesa. Kinuyom niya ang kamay. Hindi niya alam kung galit ba siya, takot, o pareho. “Ano pong sabi nila?” tanong niya, magaspang ang boses. Nag-angat ng tingin si Emil, diretso sa kanya. “Bibigyan nila final chance ang mga magulang mo, kung pupunta ka raw sa meeting. Gusto niyang may marinig siya mula sa’yo mismo.” Tumigil ang mundo

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 21: THINK

    “I’M asking, not demanding,” aniya. “Kasi kung ang totoo ay takot ka lang. I can help you face that. Pero kung ayaw mo sa akin o kung ako mismo ang problema. Sabihin mo, Leina, at hindi na kita guguluhin.” Doon siya tuluyang nalito. “Hindi ko po kayo ayaw,” mabilis niyang sagot, halos nagmamadali. “H-Hindi ko lang po alam ang isasagot sa inyo. Hindi ko alam kung tama ba ‘to, kung mapagkakatiwalaan ko pa ‘yung sarili ko na tama ang desisyon ko.” Nagbago ang ekspresyon ni Emil, parang may tumagos sa damdamin niya. Hindi siya ngumiti, pero lumambot ang titig niya. “Then hayaan mo akong pagtiwalaan mo,” sabi niya, mababa ang tono. “Hindi bilang lalaki, hindi rin bilang Ninong mo. Kundi bilang taong hindi ka iiwan kahit na sa oras na may problema ka.” Natahimik si Leina. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o lalong tatakbo. Bago pa siya makapili ay dahan-dahang inilapag ni Emil ang ballpen sa mesa, hindi niya ito inabot kay Leina. “Sa ngayon, hindi ko kailangan ng sagot. Hindi pa. P

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 20: AYAW

    PAGLABAS ni Vic at pagsara ng pintuan, bigla pakiramdam ni Leina ay lumamig ang paligid. Kasunod niyon, napahawak siya sa laylayan ng suot niyang palda, hindi alam kung saan ilalagay ang sarili. Hindi siya makatingin ng diretso kay Emil. Takot, naiipit sa sitwasyon niya at nalilito. Unti-unting umikot si Emil paharap sa kanya, pero hindi na ito galit. Pero hindi rin kalmado, ayon sa ekspresyon ng mukha na nakikita ng dalaga. Parang may kinokontrol na emosyon. “Leina,” malumanay nitong sabi, hindi na kagaya kanina na pagalit. “Look at me.” Umangat ang tingin niya sa kanyang ninong. “Hindi kita pakakasalan dahil gusto kitang angkinin,” sabi ni Emil, dahan-dahang huminga. “I’m doing this because I don’t have a choice. Masyado kang mabait at dahil babae ka, hindi mo kayang proteksyonan ang sarili mo. Sino na lamang ba ang magiging kakampi mo at tutulong sa'yo? Ako lang 'yon, Leina. Tignan mo ang ginawa sa'yo ng ex-boyfriend mo. Sinamantala niya ang kahinaan mo. Naghirap kayo. Gu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status