Mag-log inSA mansyon, nakatayo sina Victor at Grace. Tumawag si Emil kanina para ipaalam na malapit na sila sa mansyon.Hawak niya ang kamay ni Grace na pilit na kumakawala sa kanya."Subukan mong bitawan ang kamay ko, Grace. Mamaya mararamdaman mo ang parusa ko sayo," may diing sabi ni Victor.Nagitla si Grace at pilit hinihila ang kamay. Napapansin niyang sobrang possessive ni Victor sa kanya."Victor, nasasaktan ako," reklamo ni Grace habang pilit na inaalis ang kamay sa pagkakahawak nito.Sa halip na bitawan siya, mas hinigpitan pa ni Victor ang pagkakahawak sa kanya.Inis na inis si Grace sa pagiging possessive ni Victor, hindi niya naman ito amo. Mas mahigpit pa at kahit wala namang karapatang magselos ay nagseselos."Then stop struggling. Hindi naman kita sasaktan kung susunod ka lang sa akin."Napakunot ang noo ni Grace. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pag-uugali ng lalaki. Mula nang mapalapit siya rito, unti-unti niyang nakikita ang pagiging dominante at possess
KUMATOK si Emil sa p*nto ng bahay ni Leina. Susunduin na niya ang kanyang mag-ina. Sa haba ng panahon, nagawa na rin siyang patawarin ng asawa. Agad bumukas ang p*ntuan, nasilayan niya ang magandang mukha ng asawa. "Good morning, Leina..." nakangiting bati niya. "Good morning. Halika, pasok ka," paanyaya ni Leina. Pumasok sa loob ng bahay si Emil, lumabas naman ng kuwarto ang mag-inang sina Julian at Nena. "Magandang umaga po..." magalang bati ni Emil. Marahang tumango si Nena. "Susunduin mo na sila, Emil?" tanong ni Julian na seryosong ang mukha. "Oo, Julian. Hindi ko kayang malayo pa sa pamilya ko." Sagot ni Emila, napabaling siya kay Leina. Napatingin si Leina sa asawa. Ngumiti siya nang bahagya bago lumapit dito. "Handa na ba ang mga gamit ninyo?" tanong ni Emil. "Oo. Kaunti lang naman ang dadalhin namin. Wala naman kaming maraming mahahalagang gamit dito sa bahay," sagot ni Leina. "Ipapasakay ko na sa sasakyan ang mga gamit ninyo." Saad ni Emil sa asawa.
ISANG linggo nang hindi dumadalaw sa kulungan si Leina. Nagtataka na si Lea sa anak. "Sir, may dalaw po ba ako? Dumating na po ang anak ko?" tanong niya sa guwardiya, hinihintay si Leina. Isang linggo na siyang nagtitis sa pagkain na walang lasa sa loob. Wala siyang makausap ng maayos at nagtitiis siyang mag-isa lang sa selda. Napatingin si Lea sa orasan sa dingding. Alas diyes na ng umaga. Karaniwan ay maaga siyang dinadalaw ni Leina kapag may pagkakataon itong makapunta. "Isang linggo na kasi akong walang dalaw. Hindi niya po ata ako pinupuntahan," dagdag niya. "Sandali lang po." Sagot ng pulis. Lumayo ito upang tingnan ang talaan ng mga bisita. Naiwan si Lea na nakatayo sa harap ng maliit na mesa. Umaasa siyang makikita niya ang anak kahit ilang minuto lamang. Wala rin siyang pagkain. Isang linggo na siyang nagtitiis sa mga pagkain na walang lasa. Nang bumalik ang pulis ay umiling ito. "Wala pong nakalista sa pangalan ninyo na dalaw." Napayuko si Lea. Hindi niya maiwasan
SINAKOP ni Emil ang labi ng asawa. Nanlaki ang mga mata ni Leina. Nagulat siya sa ginawa ng asawa. Nasa magiging kuwarto niya sila sa mansyon, habang pinag-uusapan ang tungkol sa Mama niya. Nang lumaon ay ikinawit niya ang mga kamay sa batok ni Emil at tumugon. Napangiti si Emil sa pagitan ng kanilang mga halik. Walang palag si Leina sa mapangahas niyang halik. "I miss you a lot, baby. I miss doing this to you..." sabi niya. Lumingkis ang kanyang mga kamay sa katawan ng asawa. Puro pagsinghap ang ginagawa ni Leina. Pagkalipas ng isang taon, ngayon lang niya ulit mararamdaman ang ganitong pakiramdam na ipinalalasap ni Emil. "E-Emil..." sambit niya. Niyakap niya rin ng mahigpit ang asawa. Binuhat ni Emil si Leina habang magkahinang ang mga labi nila. Walang tigil siya sa paghalik sa asawa. Naglakad siya papunta sa kama. "Akala ko mag-uusap lang tayo, Emil," sabi ni Leina na pilit inilalayo si Emil sa kanya. "We're talking, baby. I just miss you. It's been a long time sinc
NAPAHINGA nang malalim si Leina ng malakabas siya ng presinto, muli siyang lumingon. Hindi na siya si Leina na naniniwala sa lahat at sumusunod sa gusto ng kaniyang ina. Ang daming ginawa ng ina para siya ay saktan at naidamay pa niya ang Papa niya na walang ginagawa sa kanya. Mahalaga sa kanya ang kaniyang pamilya. Gusto niyang mabuo silang tatlo, siya, si Emil at ang kanilang anak. Pero hindi mangyayari iyon kung palaging kumukontra ang ina. Tutulungan niya sa kaso si Emil para tuluyang mapagbayaran ng Mama niya ang ginawa nito sa Papa niya. Agad siyang sumakay sa sasakyan na naghihintay sa kanya sa labas. Ilang sandali siyang nanatiling nakaupo habang nakatitig sa labas ng bintana. Hindi naging madali para sa kanya ang desisyong ginawa niya. Ina niya si Lea at alam niyang masasaktan ito sa mga susunod niyang gagawin. Pero hindi na niya kayang ipagkibit-balikat ang lahat ng kasalanang nagawa nito. Masyado nang maraming taong nasaktan dahil sa kagustuhan nitong makuha ang lahat
"MAMA...." tawag ni Leina sa ina na nasa loob ng kulungan. Napangiti si Lea nang makita ang anak. May dala itong paper bag. Halata niyang malungkot ang mukha nito. Hindi talaga siya matitiis ng kanyang anak. "Ipinagdala ko po kayo ng pagkain. Baka hindi kayo kumakain. Halika po, pagsaluhan natin..." masiglang aya ni Leina. "Maraming salamat, anak," sabi ni Lea. Pinagmasdan niya si Leina. "Wala po iyon. Responsibilidad ko po ang alagaan at tulungan kayo... Lalo na ngayon na nasa loob kayo ng kulungan." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Lea. Lumungkot ang kanyang mukha. "Ang gusto ko lang ay makalabas dito. Hindi ko na kaya rito, Leina. Parang mamatay ako." Iiyak na saad niya Napatingin si Leina sa ina. Hindi niya maiwasang makaramdam ng awa rito. Alam niyang hindi madali ang kalagayan ni Lea sa loob ng kulungan. Lalo na at hindi naman ito sanay na mamuhay sa ganoong lugar. "Konting tiis na lang po, Mama. Ginagawa ko naman ang lahat para matulungan kayo na makalabas dit
WARNING: R-18 Ang story po na ito ay hindi akma sa mga batang mambabasa. Kung medyo maselan po kayo, hindi po akma ang istorya para sa inyo. Maraming salamat po. Ten Years Ago "LEINA, halika rito. May gusto akong ipakilala sa’yo," tawag ng Papa niya. Nakangiting nakatingin lang ang lalaking t
"VIC, ano nang balita sa pinapaasikaso ko sayo? Kailan makakalaya ang mag-asawang Valencia?" Mga tanong ni Emil. Napahinga ng malalim si Vic. Saka seryosong tumingin sa pinsan niya. "Emil, ano ba talaga ang gusto mo at tutulungan mo ang dati mong best friend?" Napatigil si Emil. "Kaibigan ko pa r
KABADO si Leina. Magkakaharap silang dalawa ni Julian. Hindi niya alam kung anong magagawa niya sa dating nobyo dahil sa galit at poot niya. Minahal niyang totoo ang dating nobyo, pero sakit ang naging sukli sa kanya. Sobrang nakakadurog ng ginawa nito sa kanya. Kinuha na ng binata ang kanilang mg
“LEINA…” Umupo siyang mas malapit nang kaunti, pero hindi nakikisiksik. “May isang taong kumontak sa abogado. 'Yong mga taong nagkaso sa mga magulang mo.” Nanlamig ang batok ni Leina. “P-Po? Sino po sila?” Tumango si Emil nang marahan. “Gusto ka nilang makausap. Iyong mga taong naloko raw







