Share

Chapter 2

DALARY'S POV

"Yes pare, oo nga kung di kita nakita doon ay di pa tayo makapag usap ulit," Sabi ng kaibigan ni dad.

"I'm one of the judges sa isang competition doon at taga Philippines yung nanalo, dun galing sa eskwelahan na ka associate mo, their representative is one of the best walang paltos na sagutan lahat," narinig ko pa niyang sabi, kasali pala siya sa mga judges noong nakaraang lingo.

"Really? I haven't inform that, gaano ka talino ba? Mas lamang ba kay Nash?" Tanong niya ganyan naman palagi eh di sir Nash lang lagi nakikita nila.

"Well I must say na mas matalino nga iyong babae no offense ha? Pero in my observation parang ganun na nga, but napansin ko na hindi man lang siya proud nang makuha niya yung award, you know ang mga ganoong kompetesiyon ay hindi basta basta." Patuloy niya I don't intend to interrupt them pero madadaanan ko kasi sila dahil papasok ako sa loob ng bahay.

"Wait wait pare hey! Hija diba ikaw yun? Dun sa Canada?" Tanong niya tumango lang ako.

"What's your name hija?" Tanong niya.

"I'm Dalary Conception po." Sabi ko at mag papa alam na sana ng pina hinto niya ako.

"She's your daughter? Kaya pala eh!" Sabi niya kay sir Miguel my father.

"No, nagkamali ka pare she's not my daughter she's our maid here, Conception young dala niyang apilyedo dahil she's our adopted child," he said then look at me.

I don't know kung naniwala ba yung kaibigan niya sa sinabi niya or hindi, umalis nalang ako at pumanhik na pataas para makapagpalit.

Malapit na ako sa hagdanan ng kinaladkad ako ni sir Miguel sa hagdanan at hinayaan akong nagpagulonggulong sa hagdan.

"What is this dad?" Tanong nang kakapasok lang na si sir Nash.

"Napahiya ako kanina kay Greg dahil sa kanya at naikumpara kapa sa babaeng ito na mas matalino daw kesa sayo." Sabi niya at hinawakan ng mariin ang buhok ko.

"Hahahha malalamangan? No way! Nangangarap ka ba ng gising? You can't beat me up." Sabi ni sir Nash.

"My son is a Suma cumlaude in Harvard at top notcher din siya at kahit kailan di mo siya malalamangan." Sabi niya sa akin sinipasipa ako nila at sinuntok ilang sampal din ang natanggap ko bago nila ako tinigilan.

"Ito yung pinag mamalaki mo huh? Ito huh! Ito?" Sabi niya at niwagayway yung mga certificates ko at isa isang pinunit at binasag yung mga trophy ko napaiyak nalang ako at nang makita ko yung huling certificate na nasa kamay niya ay napa sigaw ako.

"Wag po please huhuhu kahit yan lang please wag niyong punitin please nag mamakaawa ako," pero di siya nakinig at pinunit ng ilang beses yun, napayuko nalang ako at humagulhol. 

Wala na..wala na ang nag iisang certificate na pinaka iniingatan ko. Yun yung certificate na natanggap ko sa school at sila ang kasama ko noon sa pag kuha sa stage, nag iisang certificate na nakuha ko na may presence nila. Alam kong napilitan lang sila noon na samahan ako sa stage pero sa akin it's a very big blessing na matagal ko ng pangarap. 

Nagseselos ako noon kay sir Nash dahil pag siya ang may mga event na pupuntahan o mga awarding ceremony ay palagi siyang sinasamahan samantalang ako wala. But I don't have the rights to say that to them dahil mapapahiya lang ako at masasaktan. Hindi nila ako kapamilya that's what they always say.

Iniwan nila ako dun sa sahig at sinipa muna nila ako bago tuluyang umalis.

Umiiyak akong tinapon yung mga punit kong certificate pinaghirapan ko to pero ito lang pala ang bagsak, nilinis ko ang kalat at nag luto na.

Habang nagluluto ako ay patuloy lang ako sa paghagulhol. Ginawa ko naman lahat eh bakit di parin sapat ano ba gusto nilang gawin ko para matanggap nila ako. Hindi ko naman kasalanan kung nandito ako ngayon eh hindi ko naman sinabi na ipanganak nila ako ngunit bakit nasa akin lahat ng galit nila?

Every night I pray na sana kahit ilang oras lang hayaan ako nila na maging masaya at tanggapin na kabilang ako sa pamilya nila.

Every birthday ko lagi akong humihiling na sana kahit sa araw lang na iyon bigyan nila ako ng halaga pero wala. I end up celebrating my birthday alone. 

Kinabukasan ay pumasok ako sa paaralan na puno ng pasa. I wore a jacket para hindi halata. May nag tatanong kung bakit ang dami kong pasa and I just tell them na nadisgrasiya ako kahapon pag uwi ko wala naman silang ibang sinabi bukod dun. 

"Congratulation!" Yan yung halos naririning ko sa mga estudyante dahil kakatapos lang nung awarding and I'm happy I received 3 trophies and 8 certificate . 

Yes I'm happy dahil mapapalitan na yung pinunit nilang certificate at nabasag na mga trophy. I'm earning again.

Pumunta ako sa rooftop ng mag lunch na at kumain dun ng mag isa. Hindi ako pede sa cafeteria dahil wala akong pera hindi ako binibigyan ng pera pangbaon o pamasahe.

Kain lang ako ng kain at nag pahinga na nang matapos. 

Nag lalakad ako sa corridor at alam kong ako ang pinag uusapan nila dahil naririning ko ang pangalan ko. 

Umuwi ako ng bahay ng maaga dahil ayaw kong mapagalitan na naman.

Ngumingiti pa ako habang papasok sa loob daladala ang certificates at trophies ko.

"Magandang gabi po," sabi ko sa kanya pero kita kong hindi sa akin ang atensiyon niya kundi sa dala kong trophies at certificates.

"I won the battle of brain po at itong iba ay sa mga nasalihan kong ibang competition po." Sabi ko at nakita kong nagliwanag ang kanyang mata pero nawala rin ito at bumalik sa dating anyo at umalis agad pumanhik siya sa taas.

Naiwan akong tulala akala ko masaya siya at magiging proud sa akin pero hindi pala. 

Matamlay akong pumasok sa kwarto ko at nilagay ang gamit ko sa gilid ng kwarto ko.

Tinignan kong mabuti yung awards na nakuha ko. 

Hindi pa din nila ako matatangap. Nag bihis ako at bumaba na.

Tapos na akong maghanda ng hapunan. Mabilis ang ginawa kong lakad sa pintuan dahil sa ingay ng doorbell.

"Ano ba bakit ang tagal mong buksan ito? Tabi nga at dalhin mo ang gamit ko sa kwarto namin." Sabi niya sinunod ko naman siya.

Pumasok na ako sa kwarto nila at inilagay ang mga gamit ni ma'am Thearize sa gilid ng side table tulad ng gusto nito.

Mag papaalam na sana ako pero nahuli ko si sir Miguel na nakatitig sa akin yung mata niya ay may halong awa na di ko ma intindihan.

"Aalis na po ako," pagpapaalam ko.

"Umalis kana at wag na wag kanang bumalik!" Sabi ni ma'am Thearize sa akin at binigyan ako ng matulis na tingin.

"Po?" Sabi ko pero agad niya akong sininghalan.

"Sabi ko umalis kana lumayas ka dito at-" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil nag salita si sir Miguel.

"Go out," mabilis naman akong umalis doon at pumunta na sa kwarto ko.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
Tama umalis kana lang kaya jan ng dika nasasaktan
goodnovel comment avatar
Randy Berug
lumayas ka na Kung ayaw mo magpatiwakal ka nalng tigasin ka Rin eh.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status