Share

Chapter 3

DALARY'S POV

Pauwi na ako at naglalakad lang, napahinto ako sa sasakyan na nasa gilid nakahinto at nakita ko si Celine, girlfriend ni sir Nash na may ibang kahalikan. Nagulat ako sa nakita ko at di ako makapaniwala sa nakikita ko. 

Napansin siguro nilang may nakatingin sa kanila dahil napalingon sila sa kinatatayuan ko. Shock was visible in her face.

Umalis ako agad at diretso na sa bahay at laking gulat ko nang nandun si Celine at nag uusap sila ni sir Nash, naka kandong pa talaga siya kay sir Nash.

"Hi Dalary!" Sabi niya sa akin at ngumiti pa ng matamis pero inirapan ako pag katapos.

"I saw you kanina." Sabi ko at bigla nalang siyang nawalan ng dugo sa mukha.

"Yeah I saw you too sa national books store diba?" Huh? What is she talking about? Winawala ba niya ako?

"No.. I saw you with Raven in his car you two are kissing, sir Nash I saw her nung pauwi na ko dito pula yung sasakyan na ginamit nila." Sabi ko at biglang tumayo si Celine at sinampal ako.

"You lier! Ang kapal mong gawan ako ng kwento baby it's not true nag sisinungaling lang siya." Sabi niya pero walang emotion na tumingin si sir Nash sa akin.

"Of course I believe you di mo ako ipagpapalit sa ex mo right?" Sabi niya kay Celine at sinampal ako pagkatapos.

"Don't you dare make a story again because I will kill you remember that." He said then they walk out. 

Hinatid niya yung girlfriend niya sa bahay nito tulad ng ginagawa niya kapag bumibisita si Celine dito.

Hindi siya naniniwala sa akin na pinag tataksilan siya ng girlfriend niya. Sana lang ay siya mismo ang makakita nito sa akto. Oo sinasaktan niya ako pero ayaw ko na masaktan siya nang ibang babae ayaw kong gawin siyang tanga dahil kapatid ko parin siya.

Nag babasa ako ng libro dahil tapos na ako sa gawain ko.

Umalingawngaw ang sigaw ni sir Nash at hinahanap ako kahit nasa sala lang ako nakaupo.

"Po?" Hindi siya nag salita at binigyan niya ako ng fifty pesos na ipinagtaka ko, natatakot din akong tanungin siya dahil nanlilisik ang mga mata niya sa galit.

"Go to the nearest store and buy a rope," he said coldly at sumunod naman ako sa sinabi niya.

Ilang minuto lamang ay nakabalik na ako at nakabili ng lubid.

"Heto na po." Sabi ko sabay bigay sa kanya ng lubid. Tinitignan niya lamang ako habang ang kamay ko ay naka about sa kanya.

"Itali mo sa leeg mo." Nabigla ako sa narinig ko at hindi agad naka galaw sa kinatatayuan ko.

"Are you deaf? Sabi ko itali mo sa leeg mo" sigaw niya sa akin, nang hindi ako gumalaw ay siya mismo ang nag tali nito sa leeg ko at hinigpitan masyado at ang sakit nahihirapan na din akong huminga.

Umiling lang ako sa kanya habang naka tingin siya sa akin ng mariin at lalong hinigpitan yung pagkakatali sa leeg ko.

Unti unting umaagos ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya at tumungo ako ng ang sakit na ng leeg ko. I'm scared to him dahil puno ng galit ang kanyang mga mata at nagtatagis ng bagang.

Oo inaamin ko na minsan ko na din itong gustong subukan every time na parang di ko na kayang mag tiis ay napapa isip akong mag suicide.

Para akong aso habang kinaladkad niya ako patungo sa may mesa at dun itinali sa paa ng mesa para hindi ako maka wala.

"I told you to never mess with my life pero nakialam ka parin at gusto mo pa kaming masira ng girlfriend ko. Sa totoo lang kung papatayin kita ngayon ay kaya ko dahil walang pipigil sa akin pero pasalamat ka dahil hinding hindi ko babahiran ng dugo mo ang mga kamay ko." Sabi niya hinawakan ang leeg  ko, hinaplos niya ang pisngi ko at niyamot ito. I felt like a scratch paper na niyayamot pag itatapon na.

I felt so useless and worthless. Ayaw ko na please ayaw ko na di ko na kaya.

"Alam mo kung bakit di ka namin matanggap sa pamilya? Huh? Dahil bukod sa wala kang kwenta mamatay tao ka! Kung hindi dahil sayo buhay pa si lolo kung nakakaintindi ka lang sana nandito pa siya kasama namin pero wala! Wala dahil sayo sana ikaw nalang ang namatay. Hindi mo Alam? Ngayon alam mo na! siguro di mo maalala coz you were two years old that time dahil sa kakulitan mo nabaril si Lolo yan ang dahilan kung  bakit di ka namin matanggap. My grandparents haven't cope up yet dahil kapag nakikita ka nila bumabalik yung alalaa kay lolo. Bakit kasi di nalang ikaw ang nabaril at namatay eh. Huh? Bakit di ikaw?" Sigaw niya sa akin pero wala akong masagot dahil hindi ko alam ang tungkol dito. Wala akong maalala sa nangyari masyado pa akong bata para maalala pa iyon.

Umalis siya pagkatapos niyang sabihin iyon at naiwan ako ditong naka tali sa mesa.

Kinaumagahan pag gising ko wala na yung lubid na nakatali sa leeg ko pero nandun parin yung marka at mga pasa.

Sulat lang ako ng sulat marami kasi akong na miss na class dahil dun sa pag punta sa ibang bansa. Ang sakit na ng kamay ko.

Kinalabit ako ng katabi ko na si Irina, may inaabot siya sa aking papel.

"Ano to?" Tanong ko sa kanya ng mahina dahil nag qui-quiz kami ngayon tapos na ako at napasa ko na kaya malaya akong nakapag sulat.

She gesture me to open it kaya binuksan ko at binasa yung naka sulat.

Siya

Pacopy naman sa part 3&4 di ko alam yun eh please.

Naawa naman ako sa kanya at sinulat ko yung mga sagot ko at ipinasa sa kanya.

Ang tamis naman ng ngiti niya sa akin.

Pakiramdam ko mag kakasakit ako ngayon.

Sumasakit ang ulo at yung katawan ko. At namamaga pa din yung mga sugat at pasa ko.

"Miss Conception are you okay? You look very pale." Sabi ng proof namin at nag thumbs up lang ako sa kanya as a sign na okay lang ako pero mas lumala talaga yung pakiramdam ko at nahihilo na ako.

Nang mag break ay napag desisyunan kong pumunta sa garden.

Nasa labas na ako ng marami ang nag kukumpulan at nakita ko sila sir Nash at yung kaibigan niya may iba pa silang kasama na naka coat at tie.

Madadaanan ko sila pero nakatungo lang ako habang naglalakad.

"Are you visiting your sister Mr. Conception?" May nag tanong sa kanya na professor kaya napa hinto ako para tignan siya.

Nakita ko siyang nakatutok sa akin at walang emosyon ang mata niya.

"I don't have a sister." Tanging sagot niya at tumalikod na lalagpasan ko sana sila ng bigla niya akong pinatid kaya nadapa ako.

"Dude ano ba! maraming tao ang nakatingin sa atin," ani ni Harlen kay sir Nash pero nakita ko lang siyang ngumisi.

Agad akong tumayo at nahihilong pumunta sa garden.

Pagkatapos ng lunch ay balik na naman ako sa klase at nakikinig lang sa pag discuss ng prof.

Nang parang masusuka ako ay agad akong tumayo at nagpaalam na pupunta lang akong cr at tumango naman siya sa akin.

Hindi pa ako naka about sa cr ay bigla nalang nag dilim yung paningin ko.

Pag gising ko ay nasa clinic na ako ng school.

"Gising kana pala okay na ba? ang pakiramdam mo? You pass out dahil sa pagod ng katawan mo at may ilan din akong nakitang pasa sayo hija, you should take a rest." Sabi niya at tumango lang ako sa kanya.

"Okay I'll just inform your parents okay?" Sabi  niya at agad ko siyang hinawakan sa siko at nag makaawa na wag na.

"Please wag na po I don't want them to worry about me at staka uuwi nalang ako." Sabi ko sa kanya at mukhang naintindihan naman niya ako.

Ayaw ko lang na malaman nila ang nangyari baka pagalitan na naman ako.

Pagod na pagod na ako sa buhay na to. I want to rest gusto ko magawa yung gusto kong gawin a carefree, pagod na ako akong laging nakukulong.

Pero san naman ako pupunta? Lahat galit sa akin wala din akong pera mabuti nalang na nandito ako at nakakapag aral pa ako.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Melba Ritos
kawawa k nman.
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ah mahirap nga umalis pag ala pera ala kaba talaga kaibigan
goodnovel comment avatar
Jules Benedict Oblefias
ay sobrang stuuuuu......awan hmp...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status