Share

CHAPTER SIXTY-THREE

last update Last Updated: 2025-03-16 14:51:55

THIRD PERSON:

Sa pagbabalik ni Maricar sa kanyang karera, nagdesisyon ang team ni Kathlyn na mag-organisa ng isang espesyal na meet-and-greet event. Hindi lamang ito isang paraan upang muling makipag-ugnayan si Maricar sa kanyang mga tagahanga, kundi isa ring simbolo ng kanyang muling pagtayo matapos ang lahat ng unos na pinagdaanan niya.

Dumagsa ang mga tao sa venue—mga tagahanga, supporters, at hindi rin nawala ang mga media at ilang kritiko. Masaya ang atmospera, ngunit hindi rin naiwasang magkaroon ng mga mapanuring mata at matatalas na tanong mula sa mga reporter.

Isa sa mga unang tanong na ibinato kay Maricar ay tungkol sa kanyang kalagayan matapos niyang malaman na siya pala ang apo ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa.

"Maricar, ano ang pakiramdam ng malaman mong bahagi ka pala ng isang bilyonaryong pamilya? May nagbago ba sa pananaw mo sa buhay?" tanong ng isang reporter.

Kalma lamang siyang ngumiti bago sumagot. "Marami ang nagbago, pero hindi ako. Ako pa rin si Mari
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-NINE

    THIRD PERSON:"Ano na ang plano?" tanong ni Ericka sa kausap habang kinakagat ang kanyang kuko, halatang hindi mapakali. Ang mga mata niya’y singkit sa inis at punong-puno ng pag-aalab ang tinig."Mahirap ang pinapagawa mo, Ericka. Ang daming bantay sa paligid ni Maricar. May mga bodyguard siya, may CCTV pa sa lahat ng sulok ng bahay at opisina niya. Hindi gano'n kadali ‘yon," sagot ng lalaking kausap niya, halatang may alinlangan at kaba sa boses."Ano?! Ibig sabihin niyan, hindi mo na gagawin ang ipinapautos ko sa’yo?"Bahagyang umiling ang lalaki, at tumingin sa kanyang kasama na tila nag-aantay ng desisyon mula rito."Nakadepende rin kami sa go-signal niya," mahinang sabi ng isa pang lalaki, sabay iwas ng tingin kay Ericka. Halatang ayaw nilang mapikon pa ito."Ang tatanga-tanga niyo!" pasigaw na bulalas ni Ericka,"Para lang kidnapin, o patayin, ang babaeng 'yon, hindi niyo pa magawa?! Akala ko ba mga propesyonal kayo?!""E di ikaw na lang ang gumawa kung ganyan kadali lang pala

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Pagpasok pa lang ni Maricar sa bahay, agad siyang natigilan. Nanlaki ang kanyang mga mata sa mga gamit na nakasalansan sa tabi ng sofa—mga kahon, dalawang maleta, at isang backpack.“Lisa?!” tawag niya sa kaibigan, lumapit habang nakakunot ang noo. “Pinapaalis mo na ba kami?” pabirong tanong niya, pilit ikinukubli ang kaba.Mula sa kusina ay lumabas si Lisa, hawak ang isang plato ng mainit-init at bagong lutong cookies“Gaga! Sa mga anak mo 'yan!” sagot ni Lisa, sabay irap at tawa.“Hah?!” napakunot ang noo ni Maricar.Biglang bumungad mula sa likod ng pinto sina Eunice at Lyca, parehong nakatakip pa ang mga mata, bago sabay-sabay na sumigaw—“Surprise, Mama!!!”“Mga anak, anong—”“Pumayag na po si Papa na dito na kami sa inyo, Mama!” sabay na sabi ng magkapatid, halos hindi mapakali sa tuwa.Hindi na napigilan ni Maricar ang mapaiyak. Mabilis niyang niyakap sina Eunice at Lyca, mahigpit, parang ayaw na niya silang bitiwan.“Hay naku! Buti naman at natauhan din iyang ex-

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-SEVEN

    THIRD PERSON:“Ma’am Maricar?”Nagmadaling lumapit si Bianca, hawak ang clipboard at cellphone, halatang hindi mapakali habang sinusundan si Maricar na papalabas na ng building.Agad namang huminto si Maricar sa gitna ng hallway at bahagyang lumingon sa sekretarya.“Mamaya na po kayo lumabas, Ma’am,” mariing babala ni Bianca, habol ang hininga.Napakunot ang noo ni Maricar napatingin sa kanya.“Marami pong reporter sa labas—nag-aabang po sila sa inyo.”Bahagyang ngumiti si Maricar. “Di mo pa rin ba alam, Bianca?” mahina ngunit banayad ang kanyang sagot. “Sanay na ako sa ganyan.”"Po?"“Ilang oras na silang nandoon?”tanong niya pagkatapos, habang inilalapat ang tingin sa pintuan sa dulo ng hallway“Mga... five hours na po, Ma’am,” sagot ni Bianca, bahagyang napapikit—tila naaawa.“Limang oras?...” ulit ni Maricar,. Tila binibilang sa isipan ang bigat ng panahong iyon.“Opo, Ma’am… talaga pong naghintay sila riyan hanggang matapos ang Annual General Meeting natin.”Tahimik si Maricar sa

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-SIX

    THIRD Person:Umigkas si Ericka mula sa pagkakaupo at galit na lumapit kay Maricar, parang sasabog anumang oras.Dalawang alalay ni Maricar ang agad na sumalubong at humarang sa kanya, pero hindi iyon naging sapat para pigilan ang galit na lumiliyab sa kanyang mga mata.Hindi niya alintana ang mga nakapaligid—wala siyang pakialam sa dignidad, sa pormalidad, o sa kung sino pa ang nanonood.Sa paningin niya, iisa lang ang may sala sa lahat ng nangyayari—si Maricar."Ang kapal naman talaga ng mukha mo, Maricar!" sigaw ni Ericka, halos maiyak sa galit habang nakaturo sa babae. "Pati ba naman 'to, inaangkin mo rin?!"Napangisi si Maricar saka humakbang siya palapit kay Ericka, mabagal ngunit tiyak, tila ba bawat yabag ay sinadyang ipaalala kung sino na siya ngayon.Ang tingin niya'y diretso, malamig, at walang bahid ng takot."Bakit, Ericka?" aniya, halos pabulong ngunit mariin. "Hindi mo matanggap na may taong piniling ayusin ang lahat ng sinira n’yo?"Di makapagsalita si Ericka."Sila an

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-FIVE

    THIRD PERSON:“Nandito na tayo…” mahinang sabi ni Alejandro habang nakatingin sa labas.Ngunit walang sagot. Kaya lumingon siya kay Maricar—nakasandal na ito sa bintana, bahagyang nakapikit, payapang natutulog habang nakayakap sa sarili, naka-krus ang mga braso na tila nagkukubli ng pagod.Ngumiti si Alejandro—‘yung ngiti ng isang taong masayang makita ang taong mahal niya na sa wakas ay nakakatikim ng kahit kaunting pahinga.Marahan niyang hininaan ang volume ng radyo, halos walang tunog na naiwan kundi ang ambon na marahang kumakatok sa bubong ng sasakyan.Hinubad niya ang suot niyang coat, saka dahan-dahang isinapin sa balikat ni Maricar. Saglit siyang napahinto, tinitigan ang maamong mukha nito. Ang luntiang ilaw mula sa poste sa labas ay lumalaro sa mga pilik-mata nito. Sa katahimikan ng sandali, para silang nasa sariling mundo.“Ang dami mong pinagdaanan, no?” bulong ni Alejandro, halos hindi marinig. “Pero nandito ka pa rin. Nagpapakatatag.”Saglit siyang tumigil, parang iniiwa

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-FOUR

    THIRD PERSON:“Bakit pa kayo pumunta ro’n, Ma?!” mariing tanong ni Nathan habang paulit-ulit na hinahagod ang buhok sa tindi ng inis. Halata sa kanyang mukha ang pagkalito, pagkabigla, at lalong higit ang pagkadismaya. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang uunahin.“Aba’y bakit? Bawal na ba kaming lumapit at pumunta sa kanya, ha? Porke’t mayaman na siya?!”Mataray ang tono ni Ginang Emelia, taas-noong nakatingin sa anak na para bang siya pa ang may karapatang magalit. Sa kanyang mga mata, hindi siya kailanman nagkamali.“Hindi naman sa gano’n!” malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ni Nathan habang pilit kinakalma ang sarili, bagamat halata sa kanyang pananalita ang bumubukal na galit.“Pero alam niyo namang mahigpit ang mga bantay ni Maricar ngayon. Baka kung mapaano pa kayong dalawa ro’n. Ayaw kong mapahiya tayo.”“Tssk! Kung hindi pa kami kikilos, kailan ka pa kikilos, ha?!” singhal ni Carol habang padabog na tumayo.“Kapag pumuti na ang uwak? Kapag tuluyan ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status