Share

Chapter 5

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-05-17 18:53:53

Ang akala ko, kapag sinabing "courtship" o panliligaw, 'yung tipong text-text lang muna, sundo kapag may time, o kaya naman ay dinner tuwing weekend. Pero iba si Jeriel Ford Severin. Ang definition niya yata ng panliligaw ay ang maging anino ko.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang pumayag ako sa tatlong buwang deal na 'yon. At sa loob ng pitong araw na 'yon, walang araw na hindi ko nakita ang pagmumukha niya.

"Shan, may naghahanap sa 'yo sa labas ng studio. Ang guwapo, teh! Naka-sports car!" tili ng intern namin habang nag-aayos ako ng gamit pagkatapos ng isang eyewear campaign shoot.

Hindi ko na kailangang hulaan kung sino 'yon. Napabuntong-hininga na lang ako. "Salamat, Kimmy. Lalabas na ako."

Paglabas ko ng gate ng studio, nakasandal nga ang bwisit sa kaniyang makintab na sasakyan, naka-shades kahit palubog na ang araw, at may bitbit na namang paper bag mula sa isang sikat na pastry shop.

"You're late by ten minutes, fierce girl," bati niya sa akin sabay tanggal ng shades niya, ipinakita ang mapang-asar niyang mga mata.

"Sana hindi mo ako hinintay. Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na pumunta ka rito?" inis kong sabi habang nilalagpasan siya.

Mabilis naman siyang humabol sa tabi ko. "Wow, walang 'Hello, Jeriel' o kaya 'Salamat sa pagpunta'? Ang taray talaga. May dala akong paborito mong matcha latte at croissants."

Napatigil ako sa paglakad at tiningnan siya nang magkakasalubong ang kilay. "Paano mo nalamang paborito ko ang matcha?"

"I have my ways, Shan. Sabi ko naman sa 'yo, kapag may gusto akong malaman, nalalaman ko," makahulugan niyang sagot sabay abot ng paper bag sa akin. "O, kunin mo na. Sayang naman kung itatapon ko lang."

Gutom na rin ako kaya padabog kong kinuha ang paper bag. "Salamat. O, ayan, nakapagpasalamat na ako. Pwede ka nang umalis."

Jeriel just laughed, that rich, low sound that always made my chest feel a little tight for no reason. "Ang bagsik mo talaga. Hatid na kita sa condo mo. Huwag ka nang mag-argue, traffic ngayon at coding ang Grab mo ngayon base sa plate number na nakita ko kagabi."

Napanganga ako sa sobrang detalyado ng obserbasyon niya. Napaka-stalker lang ng dating! Pero dahil pagod na rin ako at ayaw kong makipag-gitgitan sa commute, sumakay na lang ako sa kotse niya.

Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang mapansin ang bawat kilos niya. He was driving with one hand, the other resting on the gear shift. He looked completely relaxed, loose, and... normal. Malayo sa imahe ng isang playboy na nakita ko sa washroom ng CC9.

"Bakit ganyan ka makatingin? Ngayon mo lang ba napansin na sobrang guwapo ko pala talaga?" biglang untag niya habang nakatingin pa rin sa kalsada, may mapaglarong ngiti sa mga labi.

"Kapal," irap ko, sabay tingin sa labas ng bintana. "Iniisip ko lang kung kailan ka mapapagod sa kakahabol sa akin. Isang linggo pa lang, hindi ka ba nabuburyong? Wala ka bang ibang... pagkaabalahan?" Gaya ng mga babae mo, gustong-gusto kong idugtong pero pinigilan ko ang sarili ko.

Nawala sandali ang ngisi ni Jeriel. Saglit siyang sumulyap sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.

"To be honest? Akala ko nung una mapapagod ako agad," seryoso niyang sabi. Ang boses niya ay walang halong biro, na medyo ikinagulat ko. "Sabi ko sa sarili ko, kapag tinanggihan mo ako ng tatlong beses, baka iwanan ko na 'tong trip na 'to. Pero iba ka, Shan. Habang mas tinataboy mo ako, mas gusto kitang makilala nang totoo. Hindi 'yung Shanaia Lux na nakikita ng lahat sa mga billboard, kundi 'yung Shan na nagtataray sa akin."

Napatitig ako sa kaniya. May kung anong sinseridad sa tono niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. *No, Shan. Huwag kang magpapaloko. Playboy 'yan. Sanay 'yan sa ganiyang linya,* paalala ng utak ko sa akin.

"Huwag mo akong madaan sa mga ganiyang script, Jeriel. Hindi ako tatablan," matigas kong sabi, kahit medyo nauutal na ako.

"We'll see, fierce girl. May mahigit dalawang buwan pa ako," kindat niya, muling ibinalik ang mapang-asar niyang aura.

Nang maihatid niya ako sa condo, hindi na muna siya umakyat tulad ng dati. Kumaway lang siya bago pinaandar ang sasakyan.

Pagpasok ko sa unit ko, hihiga na sana ako sa kama nang biglang tumunog ang phone ko. Akala ko text ni Jeriel, pero chat pala sa group chat ng mga models sa Velvet Frames kung saan kasali ako. Nagse-send sila ng mga screenshot ng isang sikat na online showbiz forum.

Chika_Manila: Spotted! Ang tagapagmana ng Severin Empire na si Jeriel Ford, sunod-sunod na araw na nakikitang naghihintay sa labas ng iba't ibang fashion studios. Sinong Velvet Frames model kaya ang bago niyang target?

Kinabahan ako bigla. Kung kumakalat na ito sa media, ibig sabihin, seryoso talaga si Jeriel sa ingay na ginagawa niya. Pero bakit? Para lang sa isang hamon?

Samantala, sa isang eksklusibong lounge sa Makati, kasama ni Jeriel ang kaniyang mga bilyonaryong kaibigan na sina Jeremiah, Rhamesis, at Kim. Naka-prenteng nakaupo si Jeriel habang hawak ang kaniyang baso ng alak, habang si Jeremiah ay nakatingin sa kaniyang phone.

"Bro, kalat na sa mga tsismis site ang pang-aabang mo sa labas ng studio, ah?" tawa ni Jeremiah habang ipinapakita ang screen. "Grabe, seryoso ka talaga sa pusta natin?"

"Sinabi ko naman sa inyo, madali lang 'to," sagot ni Jeriel sabay lagok ng alak, bagamat may kaunting kakaibang bigat sa kaniyang dibdib na pilit niyang binabalewala. "Konting tiis na lang, mapapasakin din ang pusa na 'yon. Ihanda niyo na ang mga milyong pusta niyo."

"Siguraduhin mo lang, Severin," seryosong saad ni Rhamesis habang nag-aayos ng kaniyang suit jacket. "Kasi kung sa huli, ikaw ang mafall... hinding-hindi ka lang mawawalan ng pera. Baka mawalan ka rin ng dignidad."

Natawa si Jeriel nang malakas, pero sa loob-loob niya, may bahagi ng kaniyang sarili na nagsisimula nang matakot sa sarili niyang laro.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang magsimula ang tatlong buwang laro namin ni Jeriel. Kung noong unang linggo ay medyo naaasar pa ako sa presensya niya, ngayon... ewan ko ba. Parang unti-unti nang nasasanay ang sistema ko na lagi siyang nandoon sa dulo ng bawat shoot ko. Parang unti-unti nang nababawasan ang matitigas kong kuta laban sa kaniya.

Pero ngayong gabi, iba ang eksena.

May naganap na charity gala and fashion auction sa isang sikat na hotel sa Makati. Siyempre, imbitado ang mga top models ng Velvet Frames, kabilang ako at si Alodia. At dahil high-society event ito, hindi na ako nagulat nang makita ko ang grupo nina Jeriel. Kasama niya sina Damon, Roman, at si Rhamesis Wilton na siyang nag-organisa ng event.

Naka-suot si Jeriel ng isang tailor-made midnight blue tuxedo na lalong nagpalitaw ng kaniyang pagiging bilyonaryo at playboy. Kung sa banyo ng CC9 ay mukha siyang tarantado, ngayon... aminin ko man o hindi, mukha siyang prinsipe na galing sa isang modernong fairy tale.

"Shan, tingnan mo si Papa Jeriel, o. Grabe, nakatitig sa 'yo mula sa kabilang dulo ng hall," siko sa akin ni Alodia habang humahagikhik.

"Huwag mo ngang pansinin, Alodia. Mag-focus tayo sa mga bidders natin," saway ko, kahit ang totoo ay kanina ko pa nararamdaman ang kaniyang mga mata na nakasunod sa bawat galaw ko habang suot ko ang isang pormal na emerald green gown.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: DADDY JERIEL

    Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko habang nakatayo kaming dalawa sa harap ng salamin sa loob ng aming banyo. Ang test kit ay nakalapag sa marble counter, ang dalawang malinaw na pulang guhit ay tila nakatitig sa aming dalawa. Sa labas ng banyo, narinig ko ang mahinang tunog ng mga sasakyan sa BGC, pero dito sa loob, ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat naming paghinga. Tumingin ako kay Jeriel. Ang dating matapang at hindi matitinag na CEO ay parang isang estatwa. He froze. Wala siyang kibo, ang kaniyang mga mata ay nakapako lang sa maliit na plastic stick na hawak ko. Jeriel? mahinang tawag ko sa kaniya habang hinahawakan ko ang kaniyang kamay. Naramdaman ko ang lamig ng kaniyang balat. Ang kaniyang mga mata ay unti-unting namumula. Ang mga salitang dapat ay sasabihin ko ay parang bumara sa lalamunan ko. Jeriel, you’re going to be a dad, pag-uulit ko, mas malinaw na ngayon, kahit na ang boses ko ay nanginginig sa labis na emosyon. Jeriel Ford Severin POV Hin

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: BABY FEVER

    Nandito kaming lahat sa sala ng penthouse para sa isang simpleng afternoon get-together kasama ang barkada. Pero iba ang set up ngayon dahil hindi lang ang Ex-Deal Boys at Investigation Girls ang andito. May mga bitbit na silang mga bata. Si Jeremiah at Chantal ay kasama ang kanilang one-year-old baby girl, habang ang ilang pinsan naman nina Roman ay nagdala rin ng kanilang mga toddlers. Ang tahimik at classy kong penthouse ay biglang nagmukhang isang daycare center sa dami ng mga laruan at baby bags sa sahig. "Bro, paki-hold nga muna si Alana, kukunin ko lang 'yung diaper bag sa sasakyan," sabi ni Jeremiah sabay abot sa akin ng kaniyang anak bago ko pa man makuha ang aking kape. "Wait, Jeremiah, baka mabitawan ko 'to!" mabilis kong sagot habang maingat kong inilalagay ang aking mga kamay sa ilalim ng kilikili ng bata. Unexpectedly, I became soft around children sa mga sandaling ito. Imbis na mag-panic o ibigay agad ang bata kay Shanaia, dahan-dahan kong inilapit si baby Alana s

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: TWO PINK LINES

    Gising na gising na ang buong BGC sa labas ng aming penthouse, pero heto ako, nakakulong pa rin sa loob ng aming master bathroom, yakap ang gilid ng toilet bowl habang ang buong mundo ko ay umiikot. Dalawang linggo na akong nakakaranas ng matinding pagkahilo at pagkadiri sa bawat amoy ng kape na ipinaghahanda sa akin ni Jeriel tuwing umaga. Sa simula, inakala ko lang na stress ito mula sa trabaho dahil sa dami ng inaasikaso kong designs para sa susunod na season, pero habang tumatagal, mas lumalala ang nararamdaman ko. Shan, are you okay in there? Kanina ka pa tahimik, tawagan ko na ba ang doctor natin? sigaw ni Jeriel mula sa labas ng pinto, halatang-halata ang kaba sa kaniyang boses. Okay lang ako, Jeriel! Just give me a few more minutes, baka nakakain lang ako ng kung ano kagabi, sagot ko habang pilit kong kinokolekta ang aking sarili. Hinaplos ko ang aking tiyan at biglang pumasok sa isip ko ang isang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Binilang ko ang mga araw sa aking kale

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: DADDY DREAMS

    Umalis na ang lahat ng mga bisita at tuluyan nang bumalik ang katahimikan dito sa loob ng penthouse. Nakasandal ako sa gilid ng malaking glass wall sa sala, nakatingin sa mga nagkikislapang ilaw ng Bonifacio Global City habang hawak ang isang baso ng malamig na tubig. Ang isip ko ay andoon pa rin sa eksena kanina kung saan karga ko si baby Alana. Ewan ko ba, parang may kung anong nagbago sa buong sistema ko pagkatapos ng hapon na ito. Naramdaman ko ang marahang paglakad ni Shanaia papalapit sa pwesto ko. Suot na niya ang kaniyang kumportableng silk nightgown at dahan-dahan niyang ipinalupot ang kaniyang mga braso sa baywang ko mula sa likod. "Hey, my quiet husband," pabulong na panimula ni Shan, isinusubsob ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking mga balikat. "Kanina ka pa ganyan simula nung umalis sina Roman. Is something wrong, Jeriel? Sobra ka bang napagod sa pag-aalaga kay Alana kanina?" Humarap ako sa kaniya, dahan-dahang inilalagay ang aking bakanteng kamay sa kaniyang pisngi

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: HONEYMOON MEMORIES

    Sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko ang gabi kung kailan kami unang lumapag sa private villa rito sa Maldives para sa aming honeymoon. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang hampas ng mga alon sa ilalim ng aming overwater bungalow at ang marahang pag-ihip ng hangin mula sa karagatan. Puno ng mababangong kandila ang buong silid, at ang malaking glass floor sa gitna ng kwarto ay nagpapakita ng malinaw na tubig sa ilalim kung saan lumalangoy ang mga maliliit na isda. Kakagaling ko lang sa banyo para mag-refresh pagkatapos ng aming mahabang flight mula sa Maynila. Suot ko ang isang white silk robe na hanggang tuhod ko lang, at habang sinusuklay ko ang basang buhok ko sa harap ng malaking salamin, naramdaman ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto ng veranda. Iniluwa nito ang asawa ko na suot lang ang isang maluwag na white linen pants, gulu-gulo pa ang buhok mula sa hangin sa labas, at may hawak na dalawang baso ng champagne. "You look absolutely stunning, baby," pabulong na panimu

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: CAPTAIN KIM'S WISDOM

    Alas-singko na ng hapon at kasalukuyan kaming nakaupo sa may garden area ng resort lounge kung saan kami pansamantalang nag-stay para sa isang weekend family gathering. Malamig ang hangin at napakakalma ng paligid, malayo sa ingay at domestic chaos ng penthouse namin sa BGC. Habang si Jeriel ay abala sa pakikipag-usap sa kaniyang mga pinsan sa kabilang bahagi ng pavilion, naiwan ako sa lamesa kasama sina Captain Kim at Mylene. "Shan, you look so beautiful with that baby bump," nakangiting panimula ni Mylene habang inilalapag ang isang baso ng mainit na gatas sa tapat ko. "You're glowing, my sister-in-law. Parang kailan lang, problemadong-problemado ka sa mga designs mo, tapos ngayon, malapit ka nang maging mom." "Salamat, Mylene," sagot ko habang hinahawakan ang aking tiyan nang may kasamang marahang ngiti. "Pero to be honest, habang papalapit 'yung due date ko, mas lalo akong kinakabahan. I mean, what if hindi ko magawa nang maayos ang pagiging ina? Ang dami kong iniisip gabi-gabi.

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 4

    "So, anong say mo sa place? Hindi naman masama, 'di ba?" tanong ni Jeriel habang prenteng nakasandal sa kaniyang upuan. Dinala niya ako sa isang exclusive, reservations-only restaurant sa BGC. Ang buong paligid ay gawa sa madidilim na kahoy at glass panels na may overlooking view ng cityscape. Kaun

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 3

    "Excellent! Maintain that fierce look, Shan! 1, 2, 3... pose!" Ang sunod-sunod na tunog ng camera shutter at ang nakasisilaw na studio lights ang gumising sa natitira ko pang lakas. Halos tatlong oras lang ang tulog ko mula sa party kagabi sa CC9, pero kapag trabaho ang usapan, bawal ang mukhang pu

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 2

    "Girl, are you okay? Kanina ka pa tahimik diyan pagkatapos mong mag-washroom," untag sa akin ni Alodia habang isinasabit ang kaniyang designer bag sa balikat. Medyo humuhupa na ang ingay sa CC9 dahil madaling-araw na rin. "I'm fine. Napagod lang siguro sa ingay," pagsisinungaling ko. Ayokong sab

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 1

    Masyadong maingay, masyadong mausok, at masyadong... mapagpanggap. Iyan ang unang pumasok sa isip ni Shanaia habang nakasandal sa leather couch ng CC9. The high-end bar owned by the elusive billionaire Rhamesis Wilton he was the epitome of Manila’s elite nightlife. Glass chandeliers hung like f

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status