LOGIN
Hindi naiwasan ang maya’t maya na paglingon ni Elara sa pinto ng banyo habang naro’n ang asawa nitong si Sven. Dinig niya ang paglagaslas ng tubig mula roon.
Muling sumagi sa kanyang isipan ang matikas at magandang katawan ng asawa. ‘Tumigil ka nga Elara. Ang halay mo!’ Kagat-labing sinaway nito ang sarili at napapailing na lamang. Nakaupo siya sa ibabaw ng kama at tanging nakabalot ng makapal na kumot. Sinilip niya ang kanyang kahubaran at hindi maiwasan na mag-init ang kayang pisngi, alam niyang namumula na siya habang iniisip ang mainit na tagpo nila ni Sven kagabi. Buong puso niyang inaalay ang sarili sa asawa ngunit hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya nang husto tuwing matapos ang ganung sandali. Tumigil ang lagaslas ng tubig at lumabas na si Sven na tanging nakatapis laman ng tuwalya ang bandang ibaba. Agad na iniwas niya ang tingin at inabot niya rito ang damit. “Maligo ka na, hihintayin kita sa baba at sabay na tayong mag-almusal,” saad ni Sven na nagbibihis na. “Sige, susunod lang ako.” Sa baba, maingat na kinuha ni Elara ang cake sa ref at inilagay sa gitna ng mesa. Mahigpit niyang hawak ang resulta ng pregnancy test, dumadagundong sa bilis ang tibok ng puso niya sa kaba. Ngayon ang second wedding anniversary nilang mag-asawa at habang iniisip niya ang sasabihin tungkol sa kanyang pagbubuntis ay halo-halong emosyon ang kanyang nadarama. Kinakabahan at nasasabik si Elara ngunit mas nangingibabaw ang takot sa kanya. Sa kanyang harap ay nakaupo si Sven. Naka-custom made na itim na suit ito—elegante kaya kahit sinong babae ay talaga mapapalingon sa taglay nitong karisma at kagwapohan. Pagkatapos nilang mag-almusal, mahigpit na hawak ni Elara ang medical report, huminga muna siya nang malalim at kinakabahang sinabi, “Sven, may sasabihin ako sa ‘yo.” “Sure, perfect timing, I have something to tell you, too.” Tila umurong ang dila ni Elara kaya minabuti na niya paunahin na ito. “Mauna ka na,” ani niya. Tumayo si Sven, kumuha ng dokumento sa drawer at dahan-dahang ini-abot iyon kay Elara. “Here’s the divorce agreement. Basahin mo na lang ‘pag may oras ka.” Namilog ang mga mata ni Elara sa gulat at pilit na pinipigil ang sarili na huwag mabuwal sa kanyang kinatatayuan. Huminga siya nang malalim, pakiramdam niya may libo-libong patalim ang tumusok sa kanyang dibdib. ‘Divorce agreement daw?’ Na-blanko ang utak niya. Matapos ang ilang sandali, sa wakas nakapagsalita na rin siya habang tila natutulalang nagtanong rito. “Gusto mo akong hiwalayan?” “Oo,” agad na tugon ni Sven sa mahina at kalmadong boses. Napahigpit ang hawak ni Elara sa pregnancy test, nais niyang magsalita–magtanong kung wala na nga bang pag-asa? Kung hindi man lang ba siya nito natutunang mahalin sa loob ng dalawang taon? Paano ang batang nasa kanyang sinapupunan? Ang magiging anak nila? Kung sasabihin niya na ba ito ngayon–magbabago pa kaya ang isip ni Sven? Ngunit sa mga sandaling iyon ay hindi niya magawang ibuka ang bibig at sabihin ang lahat ng iyon kay Sven. “Nadine is back. I wanted to end our marriage contract as soon as possible. I know it's three years, but it changed. Tapusin na natin ng mas maaga, ayaw kong magkaroon pa ng kumplikasyon.” Nanikip ang dibdib ni Elara, kung gano'n ay wala na talaga siyang puwang sa puso ng asawa. “Alam kong medyo mabilis. Draft pa lang naman ito. You must read it first, you can have your request if you want, Elara. Basta kaya kong ibigay, ibibigay ko.” Tila wala sa sariling to tumango si Elara. “Sige, babasahin ko mamaya.” Itinago niya sa likod ang kamay, mahigpit na hawak ang pregnancy test habang tagaktak ang pawis sa kanyang noo. Alam niyang wala nang saysay pa na ipakita ito kay Sven. “May isa pa pala akong sasabog sa ‘yo,” sambit ni Sven. Mariing pinisil ni Elara ang kamay, pilit ngumiti habang tumitingin sa kanya. A-ano iyon?” “Dapat ikaw ang magsabi kay lolo about our divorce. Alam mong hindi siya papayag kung ako ang magsasabi.” “Sige, naintindihan ko,” pagsang-ayon niya rito. Dati, isa lang siyang ordinaryong babae. Nurse ang kanyang ina, sugalero ang kanang ama. Kahit kailan, hindi maituturing na kasing taas ng pamilya Peligrino ang antas ng pamumuhay nila. Ang tanging nagbago sa buhay niya ay noong nakilala ang abuelo. Si Don Hector Pelegrino na ngayon ay itinuturing siya nitong totoong apo at kapamilya. Nasangkot ito noon sa isang car accident, dahil do’n ay sa sobrang pag-aalala ay inatake ito sa puso. Saktong nasa lokasyon at napadaan naman ang ina ni Elara, hindi ito nagdalawang isip na tulungan ang matanda kung kaya ‘t nakaligtas ito. Ngunit makalipas lang ang isang taon, namatay sa cancer ang kanyang ina. Ang tatay niyang sugalero ang naiwan para sa kanya. Lumapit ito kay Don Hertor, nag-alala umano ito para sa kanya kaya kinausap nito ang family Pelegrino matapos at hiniling na alagaan si Elara bilang isang ulila dahil wala naman siyang ipambubuhay rito. Pero si Don Hertor ay nagpasyang ipakasal si Sven. kay Elara. Hindi nakalimutan ni Elara ang sinabi ni Sven sa kanya bago ang kanilang kasal, “Pumapayag akong pakasalan ka, pero, ang puso ko ay iisa lang ang mamahalin. Sa tatlong taon, handa akong magtiis. Pagkatapos ng tatlong taon, ikaw ang magsasabi tungkol sa diborsyo natin kay lolo, ikaw ang magsabing makikipaghiwalay ka sa akin.” Mapait siyang napangiti at itinago ang sakit na nadarama, kalmado siyang sumagot, “Alam ko. May mahal din akong iba. 'Pag natapos na ang kuntrata, tutuparin ko ang pangako ko at aalis na.” Sa loob dalawang taon nilang pagsasama, ginampanan ni Elara ang lahat ng responsibilidad bilang asawa at gano’n din naman si Sven sa kanya. Inalagaan at pinrotektahan—totoong sobrang bait nito sa kanya kung kaya ‘t mas lalo namang mahulog ang puso ni Elara sa asawa. Alam ng lahat sa paligid nila iyon. Halos lahat ay naiinggit sa kanya dahil mayroon siyang napakabuting asawa. Pero lingid sa kaalaman nila. Ang kasal nila ay hindi dahil sa pag-ibig, kun ‘di isang kontrata lang. Lahat ng kabutihan na ginawa sa kanya ng lalaking ito ay walang kinalaman sa pag-ibig; tungkulin lang ito para kay Sven. Kung may magmamahal man–siya lang iyon! Tinapos na nito ang tatlong taong kasunduan nang mas maaga, pero, ngayon bumalik na ang babaeng pinakamamahal ni Sven at oras na para lumayo siya. Yumuko si Elara at kinuha ang divorce agreement sa mesa. Wala na siyang ganang kumain at babalik na sana ito ng kuwarto nang biglang magsalita muli si Sven. “Kapag sinabi mo kay lolo ang tungkol sa diborsyo, tatanungin ka talaga niya kung bakit? Hindi ba sinabi mo no’ng kinasal tayo ay may mahal ka nang iba at matagal na? Ngayon pinalalaya na kita. Puwede mo na siyang hanapin at sundin ang sarili mong kaligayahan. Kahit ayaw ni lolo, hindi niya kayang tanggihan sa hiling mo na iyan.” Tumango na lamang si Elara “Oo, gano'n ang sasabihin ko kay lolo,” pagkasabi niya, hindi na siya makapghintay na bumalik sa kuwarto. Kung magtatagal pa siya, baka kung ano pa ang masabi, ‘Sven, ayoko na makipag-hiwalay.’ Biglang inabot ni Sven ang kamay niya at dahil sa takot ni Elara na madiskubre ang hawak niyang pregnancy test ay bigla niyang iyong binawi. Lalo lang nag-alala si Sven at pinilit hawakan ang kamay ni Elara “Bakit namumutla ka? May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?” sunod-sunod na tanong nito. “Wala.” Mabilis na binawi ni Elara ang kamay. “Dalawang taon na tayong kasal, sa tingin mo ‘di ko malalaman kung nagsisinungaling ka?” Malalim at ‘di matinag na titig ni Sven sa kanya. “Wala naman, period lang,” pagsisinungaling na pagsuko niya. “Magpahinga ka na muna,” pagkasabi nun, biglang napansin Sven ang mahigpit niyang kanang kamay at mahinang nagtanong, “Ano ba iyang hawak mo?” Tila napapaso na itinapon agad ni Elara ang hawak sa basurahan, pilit ngumiti: “Wala, basura lang. Nasa kamay ko lang at nakalimutan kong itapon.” Hindi nito masabi kung gaano kasakit ang dibdib. Para bang may kumuha ng palakol at hinati sa dalawa ang puso niya. “Sven, mahal kita,” bulong niya sa isip, “Paano nangyari na ganitong kaganda ang pagsasama namin pero maghihiwalay din?” Nung pinakasalan niya si Sven para siyang nagsugal nang patayan. Pero ngayon, masyadong mabilis ang pangyayari, malungkot ang pag-alis niya. ‘Elara, natalo ka sa sarili mong sugal. Hindi ka niya mahal, ni katiting na pagmamahal ay wala!’ Nakita siyang mahina at nanginginig, kaya binuhat siya ni Sven nang walang pagdadalawang isip. Nagulat si Elara sa pagbuhat sa kanya. “Sven, ibaba mo ko, kaya ko namang bumalik mag-isa.” “Ang hina mo, huwag ka nang magmatigas,” ang malumanay, kaakit-akit, at sexy na malalim na boses ni Sven ang umalingawngaw sa tenga niya. Ang boses na iyon ang inibig at narinig niya sa loob ng dalawang taon pero ngayon bigla na lang siyang matatapos ang lahat. Nais man niyang pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak ngunit sadyang hindi na niya ito napigilan pa. “Hindi ka na bata, iyakin ka pa rin. Huwag ka nang umiyak, ipapatingin kita sa doktor mamaya,” natatawang biro ni Sven. “Hindi ako umiiyak,” matigas na sagot ni Elara. Wala ideya si Sven kung bakit umiiyak si siya. “Sige, sige, kung hindi ka umiiyak, e ‘di hindi. Puwede mo ba sabihin sa ‘kin kung sino siya?” biglang tanong ni Sven kung kaya ‘t napakunot ang noo si Elara napatitig sa guwapong mukha ng asawa. “Sino?” “‘Iyong lalaking mahal mo. Curious ako kung sino ang masuwerteng minahal at iniisip mo nang ganoon katagal?”“Sandali lang,” sagot ni Sven.Mariing naikuyom ni Elara ang kanyang mga kamao. Wala na siyang kailangang sabihin pa.“Nagpa-checkup si Nadine ngayon. Hindi maganda ang naging resulta. Emosyonal siya at kailangan niya ako.”Agad na itinaas ni Elara ang kanyang mukha. Nanatiling malamig ang kanyang ekspresyon habang tinitigan niya si Sven.“Sige. Bilisan mo.”Ayaw na niyang makarinig ng anumang dahilan.Kung nakapagdesisyon na ito, bakit kailangan pa nitong magpaliwanag?Pagkaalis ni Sven, nanatili si Elara sa birthday celebration ng kanyang lolo at ipinagpatuloy ang pagtulong sa pagtanggap sa mga kamag-anak at bisita.Marahil dahil sa kanyang pagbubuntis, mabilis siyang napagod matapos ang ilang oras na pagtayo.Sumasakit na rin ang kanyang mga paa.Bagong pares ng sapatos ang suot niya at, sa kasamaang-palad, unti-unti nitong kinikiskis ang kanyang mga sakong.Nang hindi na niya matiis ang hapdi, pansamantala siyang umupo sa isang bakanteng upuan at kumuha ng band-aid upang takpan an
Mainit ang hininga ni Sven, at dumampi iyon sa ilong at pisngi ni Elara. Sa sobrang lapit nila, tila biglang uminit ang buong mukha niya.Namula siya hanggang tainga. Nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa kurbata ni Sven, ngunit bigla siyang nawalan ng ideya kung paano ito itatali.Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib.“Tumayo ka nang maayos,” sabi niya, pilit na iniiwas ang tingin.“Sigurado ka?” Karaniwan lang ang tono ni Sven, pero sa ganitong kalapit na distansya, kakaiba ang dating ng boses nito—mababa, malumanay, at nakakapagpakaba. Lalo na’t halos dumidikit pa ang labi nito sa kanyang ilong. “Oo. Sigurado ako.”“Sige," pagkasabi niyon, agad na tumuwid si Sven. Para itong poste na biglang itinayo sa harapan niya.Napakurap si Elara.Lalong uminit ang kanyang mukha.Nakakahiya. Noong madalas pa silang magkasama, hindi niya napapansin kung gaano talaga katangkad si Sven kumpara sa kanya. Pero ngayon, dahil tuwid na tuwid itong nakatayo, halos hindi niya maabot nang maayos ang k
Halos mapalundag si Elara sa sinabi ni Manang Sonia.Bubuka pa lamang ang kanyang bibig para magsalita nang mauna si Sven. “Manang, hindi siya buntis." diretso at walang pag-aalinlangan ang tono nito.Napakunot-noo si Manang. “Hijo, base sa mga sintomas niya, posible talaga! Ang pagsusuka at pagiging sensitibo sa amoy ng pagkain—”“Imposible,” putol muli ni Sven.Gusto sanang sabihin ni Sven na maingat naman sila at umiinom si Elara ng birth control pills. Ngunit ayaw niyang pag-usapan iyon sa harap ni Lolo kaya nagdagdag na lamang siya ng dahilan.“Abala ako nitong mga nakaraang linggo. Madalas akong nasa biyahe dahil sa trabaho. Wala kaming panahon para sa ganoong bagay.”Saglit na natahimik si Manang “Ah…”Bahagya itong nadismaya, ngunit hindi na nagtanong pa.“Bata pa naman kayo. Darating din ang araw na magkakaroon kayo ng anak. Basta alagaan ninyo ang inyong kalusugan.”Tumango si Elara. Ngunit hindi niya magawang ngumiti. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong mabigat
“Ako na nga ba?" diretsahang pag-amin ni Sven.Napangiti si Elara nang mapait. Kahit nahulaan na niya ang dahilan, gusto pa rin niyang marinig iyon mismo mula sa bibig ni Sven.“Sven, sino ba ang nagmamadali?” mahinahon niyang tanong. “Nangako na ako sa iyo na pag-uusapan natin ang diborsyo pagkatapos ng kaarawan ni Lolo. Natural lang na makukuha ko sa kanya ang marriage certificate at family registry natin. Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin.”“Hindi ko iyon makakalimutan.” Namula ang mga mata ni Elara. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Parang may mabigat na bagay na paulit-ulit na gumugulong sa kanyang dibdib.Kung gusto ni Sven ang mga dokumento, maaari naman nitong sabihin nang diretso. Bakit kailangan pa nitong gamitin ang sinabi ni Nadine?Napatingin si Sven sa kanya at bahagyang nakaramdam ng konsensya. Kahapon, nang magising si Nadine, umiiyak itong yumakap sa kanya.Sinabi nitong takot na takot siya nang maaksidente at mawalan ng malay. Natakot siyang baka
Napaatras si Elara.Hindi na niya kayang panoorin pa ang eksenang nasa loob ng silid.Mabilis siyang tumalikod at tumakbo palayo.Kung maaari lamang niyang ibalik ang oras, sana ay hindi na niya binuksan ang pintuang iyon.“Sven… Napakalupit mo talaga!"Sumandal siya sa pader habang humihingal dahil sa pagmamadali niya. Sobrang sakit ng kanyang dibdib na mahigpit niya itong hinawakan, na para bang kapag pinisil niya iyon ay mawawala rin ang sakit.Ngunit bago pa man siya tuluyang makabawi, biglang kumulo ang kanyang sikmura.Mabilis siyang tumakbo sa banyo.Paulit-ulit siyang nagsuka hanggang sa wala nang lumabas kundi mapait na likido.Namumutla siya at gulo-gulo ang buhok na nakadikit sa kanyang mukha.Mayamaya, may kumatok.“Elara, buksan mo ang pinto," oses iyon ni Sven.Sinundan pala siya nito. Bakit?Kung nakita na nitong kasama si Nadine, bakit kailangan pa nitong sundan siya?Ayaw niyang sumagot. Ngunit lalo lamang lumakas ang katok.“Alam kong nasa loob ka. Bibigyan kita ng
Nang akmang sisigaw na si Elara, isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa itaas.“Huwag kang matakot. Ako ito.”Nanlaki ang kanyang mga mata.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga ito at nakita ang pamilyar na mukha ni Sven.“Sven?”“Hmm?”“Bakit ka bumalik?” Tumaas ang isang kilay nito.“Sa tono mo, parang ayaw mong bumalik ako.”“Akala ko kasi magdamag kang mananatili sa ospital kasama si Nadine," pagkasabi niya noon, agad niyang pinagsisihan.Biglang naging tahimik ang silid.Hindi sumagot si Sven. Sa halip, pinatay nito ang ilaw at hinila siya patungo sa kama.“Kumot ka.”Maingat nitong tinakpan si Elara bago bumulong sa kanyang tainga.“Matulog ka na.”Napakalapit nito.Ramdam niya ang mainit na hininga ni Sven sa kanyang balat kaya agad namula ang kanyang mga tainga.Mabilis siyang napasubsob sa dibdib nito.Pamilyar ang amoy nito.At higit sa lahat, pamilyar ang tibok ng puso nito.Mahigpit niyang ipinatong ang mga kamay sa dibdib.“Hindi ka pa naliligo, ‘di ba?”Napating







