Home / Romance / Uncle John / CHAPTER 5

Share

CHAPTER 5

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-11-15 18:43:21

UJ CHAPTER 5 

3RD POV 

“Ikaw na naman?” Inis na wika niya, nang makita niya si James. 

“Hindi mo ako pwedeng iwasan.” Wika nito, kaya nailing siya rito. 

“At bakit hindi? Sino kaba sa tingin mo?” Taas kilay na wika niya rito. 

“Gusto mo bang magalit na naman ako?” Hindi na niya napigilan pang mapangiti, dahil sa narinig niya. 

“Bakit? Sasaktan mo na naman ba ako? At sa tingin mo ba papayagan ko pa ‘yon?” Galit itong tumingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. 

“Gusto mo bang iwasan kita at hindi na papansinin?” Hindi niya na-pigilan na mapa-halakhak, dahil sa narinig niya mula rito. 

“Gawin mo, wala akong pakialam, at gusto ko lang sabihin sa ‘yo na wala ka nang silbi pa sa akin James.” Sagot niya rito at tatalikuran na sana ito, pero mabilis siyang pinigilan ni James. 

“Patawarin mo na ako.” Hinging tawad nito sa kanya, kaya hindi niya maiwasan na magulat, habang napatingin dito. 

“Alam kung mali ang ginawa ko, sorry kung hindi ako nakapag-pigil sa sarili ko.” 

“Tapos na tayo, at wala rin akong balak na balikan ka pa.” 

“Pwede bang itigil mo na ‘tong ginagawa mo.” Napa-kunot ang noo niya, dahil sa narinig niya mula rito. 

“Itigil? Alin ba ang ititigil ko?” 

“Ibalik mo na ang lahat ng kinuha mo sa akin Annika.” Madiin na wika nito, kaya muli niya itong pinagtatawanan. 

“Sa tingin mo talaga, gagawin ko ‘yon?” 

“Ibang klase ka rin pala kapag mag-isip. Bakit hindi ka ro’n humingi, ng lahat ng mga kailangan m okay Sheila?” 

“Sinasabi ko na nga ba, nagseselos ka sa kanya.” 

“Dati, pero hindi na ngayon, kaya pwede bang layuan mo ako.” Wika niya, kaya mabilis itong itunulak ng kasama niyang bodyguard. 

“Pagsisihan mo ‘tong ginawa mo sa akin Annika! Sisiguraduhin kung pagbabayaran mo ito!” Narinig niyang sigaw nito, pero hindi na niya ito pinapansin pa. 

Nang makaramdam siya ng gutom, ay agad siyang pumasok sa isang mamahalin na restaurant at kumain. Pinakain niya rin ang mga tauhan niya sa kabilang lamesa. 

Nang dumako ang paningin niya sa isang newspaper, ay inutusan niya ang isa niyang tauhan na kumuha ng isa, dahil gusto niyang magbasa. Habang hinihintay ang kanyang pagkain. 

Napa-kunot naman ang kanyang noo, nang mabasa niya ang isang ulat, tungkol sa bumagsak na eroplano. 

‘Kailan ba ‘to nangyari?’ Tiningnan niya ang date, at napansin na pareho ang petsa ng pagbagsak nito, sa pag-alis ng lolo at lola niya. Bigla naman siyang nakaramdam ng kaba, habang kinuha ang kanyang phone at muling tinawagan ang numero ng kanyang lola. Pero hindi niya pa rin ito makontak. 

“Ma’am, saan po kayo pupunta?” Tanong sa kanya ng tauhan niya, nang makita siyang bigla nalang tumayo. 

Napatingin siya rito, habang pilit na kinalma ang kanyang sarili. Iniisip niya nab aka busy lang ang lola niya pati na rin ang kanyang ama. 

“D-dito lang ako, sige na bumalik kana sa upuan mo.” Sagot niya rito. 

Nang matapos silang kumain, ay nawalan na siya ng gana na maglibot sa mall. Hindi pa rin kasi nawala sa kanyang isipan ang nabasa niya. 

NANG makarating sa bahay, ay agad niyang tinawag ang katulong, tinatanong niya ito kung tumawag na ba ang kanyang lola, dahil kahit gaano pa ito ka busy, ay inaalam pa rin nito ang lahat ng kanyang ginagawa. 

“Anong hindi?” Inis na wika niya, habang mas lumakas pa ang kaba na kanyang nararamdaman. 

“Hindi po talaga sila tumawag Ma’am Annika.” Muling wika sa kanya ng katulong. 

“Tawagan mo nga si Lola, gusto ko siyang makausap.” Utos niya rito, kaya agad na kinuha ng katulong ang telepono. Pero ganun pa rin. Wala pa ring sumasagot. 

Sa inis na kanyang nararamdaman ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili na magwala, hindi niya matatanggap kung may mangyayari sa lola at lolo niya. Wala naman siyang pakialam sa kanyang ama, ang mahalaga lang sa kanya, ay ang kanyang lolo at lola. 

“Tama na ‘yan Annika!” Umalingawngaw ang malakas na boses ng isang lalaki, kaya agad siyang natigilan. Nang mapalingon siya rito, at hindi niya maiwasan na mapatitig dito, dahil sa angkin nitong kagwapuhan, kahit pa ang hindi maipinta ang mukha nito at galit na galit na tumingin sa kanya. 

“Anong kalokohan ‘tong pinaggagawa mo?” Tanong nito sa galit na boses, matapos siya nitong lapitan. 

“Sino ka? Bakit basta ka nalang pumasok sa pamamahay ko?!” Sigaw niya, habang malakas itong humalakhak. 

“Bahay mo? Ang lakas naman ng loob mong angkinin ang pamamahay ng mga magulang ko.” Natigilan siya nang marinig ang sinabi nito. 

‘Hindi, h-hindi pwede ‘to? S-siya na ba si Uncle John?’ 

“Dalhin n’yo ang mga gamit ko sa silid ko.” Utos niya sa katulong. 

“At ikaw, kailan ka pa natutong magwala?” Tanong nito sa kanya, habang tinaasan niya ito ng isa niyang kilay. 

“Wala kang pakiala-.” Bigla siyang natigilan, nang malakas siyang sampalin ni John. 

“Hindi ganyan ang tamang pakikipag-usap sa akin Annika, baka nakalimutan mong ako ang uncle mo.” Madiin na wika nito, habang naglalandas ang kanyang mga luha. 

“Wala kang karapatan para saktan ako!” Sigaw niya rito. 

“At ano ang gusto mo? Hahayaan nalang kita bastusin ako? Hindi ako katulad ng iyong ama, na hahayaan ka lang.” Galit na wika nito sa kanya. 

“Gusto ko ring malaman mo na wala na sila, pati si Mommy at Daddy!” Iyak na sigaw nito, habang natigilan siya. 

“H-hindi.. Hindi totoo ang sinasabi mo Uncle..” Iyak nitong wika. 

“Wala na tayong magagawa Annika, hindi na natin sila pwedeng ibalik.” 

“Hindi totoo ‘yan! Sinungaling ka Uncle!!” Sigaw niya, habang mahigpit siyang niyakap ni John. 

“Tama na Annika..” Iyak nitong wika, habang patuloy niya itong hinahampas. 

“Hindi totoo ang sinasabi mo… Lola!” Sigaw niya, habang napa-upo sa sahig. 

“Bumalik kana.. Pangako.. Hindi na ako mag-papasaway.. Hindi na ako iinom at hindi na ako maglalasing Lola…” 

“Pinapangako kung aayusin ko na rin ang sarili ko, parang-awa niyo na, bumalik na kayo ni Lolo..” Hikbi niyang wika, habang nanatiling naka-upo sa sahig. 

“Hindi mo na sila maibabalik pa, dahil kasama sila sa eroplanong bumagsak! At alam mo bang hanggang ngayon, ay hindi pa rin sila nakikita?” 

“Hindi totoo ang lahat ng ito Uncle… Alam kung panaginip lang ‘to..” Hindi niya mapigilan na mapa-hagulgol, hanggang sa unti-unti siyang kinain ng dilim.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncle John   CHAPTER 6

    UJ CHAPTER 6 3RD POV Hindi napigilan ni Annika ang mapa-mura nang bigla nalang siyang buhusan ng malamig na tubig. “Bakit mo ako binuhusan?!” Galit na sigaw niya sa katulong at susugurin na sana ito. Pero natigilan siya nang makita niya ang unle niya na nakatayo sa pinto. Wala siyang nakitang kahit anong emosyon sa mukha nito. “Maligo kana.” Wika nito, kaya napa-kunot ang kanyang noo, na tumingin dito. “Bakit ko gagawin ‘yon?” Taas kilay na tanong niya rito. “Dahil kailangan mong pumasok.” Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya mula rito. “At sino ka, para utusan ako?” Muling napa-kunot ang kanyang noo, nang makita niya itong ngumiti. Aaminin niyang mas lalo itong naging gwapo, dahil sa pag-ngiti na ginawa nito. Bigla namang namilog ang kanyang mga mata, dahil sa naisip niya. ‘Annika, ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Anong gwapo? ‘Wag mong kalimutan na Uncle mo ang nasa harap mo.’ Saway niya sa kanyang sarili. “Paano kung ayaw ko?” Napa-kunot ang noo nito na tumingin

  • Uncle John   CHAPTER 5

    UJ CHAPTER 5 3RD POV “Ikaw na naman?” Inis na wika niya, nang makita niya si James. “Hindi mo ako pwedeng iwasan.” Wika nito, kaya nailing siya rito. “At bakit hindi? Sino kaba sa tingin mo?” Taas kilay na wika niya rito. “Gusto mo bang magalit na naman ako?” Hindi na niya napigilan pang mapangiti, dahil sa narinig niya. “Bakit? Sasaktan mo na naman ba ako? At sa tingin mo ba papayagan ko pa ‘yon?” Galit itong tumingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Gusto mo bang iwasan kita at hindi na papansinin?” Hindi niya na-pigilan na mapa-halakhak, dahil sa narinig niya mula rito. “Gawin mo, wala akong pakialam, at gusto ko lang sabihin sa ‘yo na wala ka nang silbi pa sa akin James.” Sagot niya rito at tatalikuran na sana ito, pero mabilis siyang pinigilan ni James. “Patawarin mo na ako.” Hinging tawad nito sa kanya, kaya hindi niya maiwasan na magulat, habang napatingin dito. “Alam kung mali ang ginawa ko, sorry kung hindi ako nakapag-pigil sa sarili ko.” “Tapos na tayo, at wal

  • Uncle John   CHAPTER 4

    UJ CHAPTER 4 3RD POV Masayang-masayang sumayaw sa dance floor si Annika, habang ang iba nilang kasama at ang kanyang nobyo ay nasa lamesa at nanonood sa kanila. Nang mapalingon siya sa kinaroroonan ni James, ay agad na napa-kunot ang kanyang noo, habang huminto sa pagsasayaw nang napansin na sobrang lapit ng mukha nito at ni Sheila. “Saan ka pupunta?” Tanong sa kanya ng kaibigan niya, pero hindi niya ito pinansin at mabilis na nilapitan si James at Sheila. “Anong ginagawa mo?” Kunot-noo na tanong sa kanya ni James, matapos siyang umupo sa gita nila ni Sheila. “Umupo, bakit? Bawal ba akong umupo rito?” Tanong niya rito. Habang napansin na hindi na maipinta ang mukha nito. “Pwede bang lumipat ka dito sa tabi ko.” Madiin na wika nito sa kanya, kaya inis siyang napatingin dito. “Nasa tabi mo na nga ako ‘di ba? Saan mo pa ba ako gustong paupuin?” Inis na wika niya rito. “Dito nga!” Sigaw nito, habang itinuro sa kanya, ang tabi nito. “Ayoko r’yan.” Inis na wika niya, haba

  • Uncle John   CHAPTER 3

    UJ CHAPTER 33RD POV “Hanggang kailan mo ba ako kakausapin?” Tanong niya kay James, matapos nitong isuot ang regalo niya. “Tinatanong mo pa talaga ‘yan? Alam mo naman kung ano ang gusto ko ‘di ba?” Sagot nito sa kanya. “Sinabi ko naman sa ‘yo na hindi pa ako handa ‘di ba? Isa pa, lahat naman gagawin ko ‘wag lang muna ‘yon. Gusto ko rin na kapag kasal na tayo ay roon ko pa lang ito ibigay.” Wika niya, habang natawa ito sa kanya. “Kasal? Hinihintay mo pa talaga ‘yon?” “Bakit? Wala kabang balak na pakasalan ako?” Tanong niya, habang napansin niya na natigilan ito. “Masyado pa tayong mga bata, para pag-usapan ‘yan. Hindi pa nga tayo nakapag-tapos sa pag-aaral. ‘Wag mong sabihin na aasa lang tayo sa mga magulang natin?” “Bakit hindi? Alam mo naman na mayaman kami, kaya nila tayong buhayin.” Sagot niya rito. “Gusto ko munang makapagtapos Annika.” Napa-pikit siya sa kanyang mga mata, dahil sa sinabi sa kanya ni James. “Kaya ko rin naman ang maghintay sa ‘yo, kaya sana ‘wag mo munang

  • Uncle John   CHAPTER 2

    UJ CHAPTER 2 3RD POV Habang lumalaki si Annika, ay naging pasaway na siya sa kanyang ama at kanyang lola. Wala rin siyang ibang ginawa, kun’di ang bigyan sila ng sakit ng ulo. Lagi rin siyang laman ng bar, dahil gusto niyang magpapansin sa kanyang ama. Puro nalang kasi ito trabaho at nakalimutan na nitong may anak ito. “Lasing kana naman?” Galit na wika sa kanya ng kanyang lola, kaya malawak siyang napangiti rito. “Lola, nandito ka pala? Akala ko pa naman nasa ibang bansa ka.” Ngiting wika niya, habang niyakap ito. “Wala kaba talagang balak na ayusin ‘yang sarili mo Annika?” Galit na wika nito sa kanya. “Ang akala ko pa naman ay wala nang susunod sa uncle mo, pero ito ka at mas malala pa ang ginagawa mo sa kanya!” Galit na sigaw nito. “Lola naman, pwede bang ‘wag kang sumigaw? Sige ka, kapag ikaw laging nagagalit, mas lalo ka pa talagang tatanda.” Ngiting wika niya rito, habang humiga sa sofa. “Ayusin mo ‘yang sarili mo! At pwede bang pumasok ka nalang sa silid mo, para hindi

  • Uncle John   CHAPTER 1

    UJ CHAPTER 13RD POV “Hindi kana ba talaga magbabago John?” Narinig niyang galit na wika ng kanyang lola Cora sa uncle niya. “Lahat naman kasi ng ginagawa ko ay mali sa paningin n’yo Mommy!” Narinig niyang sagot ng uncle niya. “Tama na John! Wala kana ba talagang galang sa ‘yong ina?” Galit na sigaw ng kanyang lolo rito. Nang lalapit na sana siya sa kanila, ay mabilis siyang hinawakan ng kanyang ina. “Saan ka pupunta?” Tanong nito, kaya napatingin siya rito. “Kay Lola, Mommy.” Sagot niya sa kanyang ina. “Anak, hindi ka pwedeng lumapit sa lola mo, lalo na at mainit ang ulo nito.” Wika nito sa kanya, habang napatingin siya rito. “Mommy, bakit laging pinapagalitan ni Lola si Uncle?” Tanong niya rito, habang sinamahan siya ng kanyang ina, papasok sa loob ng kanyang silid. “Dahil masyadong matigas ang ulo niya, kaya kung ako sa ‘yo Anak, ‘wag mo siyang tularan, dapat makinig ka lagi sa amin ng daddy mo.” Ngiting wika sa kanya ng kanyang ina, habang hinaplos nito ang kanyang buhok

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status