Masuk"Hera!" napatigil siya nang tawagin siyang muli ng kanyang tiyuhin.
Lumingon siya. "Po?" Ngumiti si Nazzer. "Iyong bayad ko." "Ah, opo." Napakamot siya ng ulo at muling tumawid pabalik sa talyer. Kukunin na sana niya ang pera nang biglang tumunog ang kanyang cellphone sa bulsa. Mabilis niya itong sinagot nang makitang ang kapitbahay nila ang tumatawag, ang tanging pinagkakatiwalaan niyang sumilip sa kanyang asawa tuwing wala siya sa bahay. "Hera! Umuwi ka muna! Ang asawa mo, tila sinusumpong na naman! Nahihirapan siyang huminga!" boses ng nag-aalalang kapitbahay ang bumungad sa kanya. Biglang namutla si Hera. Nanghina bigla ang mga tuhod niya. "P-pauwi na po ako! Sandali lang!" Paalis na sana siya nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang braso. Si Nazzer, bakas ang pagtataka at seryosong tingin sa mukha. "Anong nangyari?" tanong nito. "Ang asawa ko po... kailangang-kailangan ko na pong umuwi," halos maiyak na sabi ni Hera, hindi na alam ang uunahin. Hindi na nagtanong pa nang marami si Nazzer. Sa halip, hinila niya si Hera patawid sa kabilang kalsada at mabilis silang naglakad patungo sa bahay nina Hera. Halos madapa si Hera sa pagmamadali, pero ang hawak ni Nazzer sa kanyang siko ang nagpapanatili sa kanyang balanse. Pagdating nila sa maliit at barung-barong na bahay, agad silang pumasok sa silid kung saan naroon ang kanyang asawa. "Hera, salamat at dumating ka na!" salubong ng kapitbahay na si Aling Marta, na may hawak na basang bimpo. Nakita ni Hera ang asawa niyang si Elias na namumutla at hinahabol ang hininga. Nakatirik ang mga mata nito at ang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom. Agad na lumapit si Hera at naluha habang hinahaplos ang dibdib ng asawa. "Elias, nandito na ako. Huminga ka nang malalim, mahal ko," pagsusumamo niya. Napansin ni Hera na nanatili sa pintuan si Nazzer na seryosong-seryoso ngayon habang pinagmamasdan ang kalagayan ng kanyang asawa. May kung anong emosyon sa mga mata nito na hindi mawari ni Hera, awa ba o pagtataka kung paano nakakayanan ng pamangkin ang ganitong buhay? "Hera," mahinang tawag ni Nazzer. "Dalhin na natin siya ngayon sa ospital." "P-pero Tiyo, wala akong pambayad... ang benta ko sa turon ay kulang pa sa gamot niya," hikbi ni Hera. Hindi sumagot si Nazzer. Sa halip, lumapit ito sa kama at binuhat si Elias na tila ba wala itong bigat dahil sa kapayatan. "Huwag mong isipin ang pera. Isipin mo ang buhay niya," matigas na sabi ni Nazzer habang naglalakad palabas ng bahay. "Sumunod ka sa akin, Hera. Bilisan mo." Habang nakasunod si Hera sa matikas na likuran ng kanyang tiyo na pasan ang kanyang asawa, nakaramdam siya ng matinding halo-halong emosyon. Sa loob ng maraming taon, siya lang ang mag-isang pumapasan sa hirap, ngunit sa isang iglap, tila may sumalo sa lahat ng bigat na hindi niya na kayang dalhin. Mabilis ang naging takbo ng mga pangyayari. Sa tulong ni Nazzer, agad na naisugod si Elias sa emergency room. Habang hinihintay ang balita mula sa doktor, nakaupo si Hera sa matigas na silya sa hallway, tila wala sa sarili at nakatitig lang sa kanyang mga kamay na may bahid pa ng harina mula sa paggawa ng kwek-kwek. Tumabi sa kanya si Nazzer. Inabutan siya nito ng mainit na kape, pero hindi niya ito tinanggap. "Hera, uminom ka muna. Kanina ka pa nanginginig," alok ni Nazzer. Dito na sumabog ang lahat ng emosyong kinikimkim ni Hera. Tumingala siya sa kanyang tiyuhin na punong-puno ng luha ang mga mata. "Bakit niyo ba ginagawa ito, tiyo?" tanong niya sa nanginginig na boses. "Ang alin? Ang tumulong?" kunot-noong balik na tanong ni Nazzer. "Alam niyo ba kung gaano kahirap ang kalagayan namin? Ngayon lang kayo nagpakita, ngayon lang kayo bumalik mula sa ibang bansa na tila ba ang daling ayusin ng lahat gamit ang pera niyo!" tumayo si Hera, hindi alintana ang ilang taong napapalingon sa kanila. "Ang tagal kong mag-isa, tiyo. Noong mabulag si Elias, noong malumpo siya... nasaan ang pamilya? Nasaan ka?" Tumayo rin si Nazzer. "Nasa malayo ako, Hera. Nagpapakapagod para may maipadala sa inyo, pero binalik ng tatay mo ang lahat ng perang pinadala ko dahil sabi niya, kaya niyo. Hindi ko alam na ganito na pala kalala." "Kaya ko naman talaga!" singhal ni Hera. "Kaya mo?" Lumapit si Nazzer sa kanya, sapat na para maramdaman ni Hera ang bigat ng presensya nito. "Tingnan mo ang sarili mo, Hera. Nagtitinda ka ng turon para pambili ng gamot na hindi naman sapat. Pinapanood mong mámatay ang asawa mo dahil sa pride mo! Iyan ba ang tinatawag mong kaya? You could've ask for help!" "Mahal ko siya!" sigaw ni Hera. "You’re not in love with him, Hera," madiing sabi ni Nazzer. Umigting ang panga nito at nandilim ang tingin. "Awa lang ang nararamdaman mo sa kanya. In the first place, bakit mo ba siya pinakasalan? Pumayag ba ako? Ang nanay mo lang naman ang sumang-ayon sa kagustuhan mo." Bago pa makasagot si Hera, bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang doktor. Agad na nag-iwas ng tingin si Nazzer, habang si Hera naman ay tila nanigas sa kinatatayuan, takot sa kung ano ang susunod na sasabihin ng doktor. "Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doktor habang tinatanggal ang kanyang face mask. "Ako po... ako po ang asawa," nangangatog ang boses na sagot ni Hera. Lumapit siya at naramdaman ang presensya ni Nazzer sa kanyang likuran. "Masyadong mahina ang baga ni Elias. Dahil sa tagal ng pagkaka-paralisa niya, nagkaroon na rin siya ng komplikasyon sa puso," paliwanag ng doktor. "We managed to stabilize him for now, but he needs to be moved to the ICU. Kailangan siyang bantayan nang maigi dahil anumang oras ay pwedeng bumigay ang katawan niya." Napahawak si Hera sa pader. ICU? Alam niyang sa bawat segundong pananatili roon ay katumbas ng halagang hindi niya kayang kitain kahit magbenta pa siya ng libu-libong turon sa loob ng isang taon. "Gawin niyo ang lahat," singit ni Nazzer. "Ilipat niyo siya sa pinakamagandang kuwarto. I’ll take care of the bills." "Tiyo, hindi—" protesta ni Hera, pero tinitigan siya ni Nazzer nang matalim. "Huwag ngayon, Hera. Buhay ng asawa mo ang nakataya rito," malamig na putol ni Nazzer sa kanya bago hinarap ang doktor. "I’ll sign the papers." Nang makaalis ang doktor, hinila ni Hera si Nazzer sa isang sulok ng hallway. "Anong ginagawa mo? Alam nating dalawa na hindi mo naman kailangang gawin 'to!" "I told you, ayaw kong makitang naghihirap ka," sagot ni Nazzer habang dahan-dahang lumalapit sa mukha ni Hera. "Pero huwag kang mag-alala, Hera. Hindi ito libre. Iyon naman ang gusto mo, 'di ba?" Kinabahan si Hera. Ang palabirong Nazzer kanina sa talyer ay tuluyan nang naglaho. "Anong ibig mong sabihin?" bulong ni Hera habang nakatingin sa mga mata ng kanyang tiyuhin.Natigil ako sa pagtutupi ng damit nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng bahay. “Sino ‘yan?” Nilakasan ko ang boses.Gabing-gabi na ah, sino naman kaya ‘to?Pumalaot si Theo kanina kaya baka madaling araw pa ‘yon makauwi, si Aling Martha naman nasa kabilang baryo, doon nagpalipas ng gabi sa kapatid niya, kaya medyo kinakabahan ako. Malayo pa naman itong tinitirahan namin sa mga tao.Hindi naman ako takot mag-isa at sanay na ako, pero ngayon lang ito nangyari na may kumakatok bandang alas-dyes.“Sheika, nandyan ka ba?” Natigilan ako pagkarinig sa boses ni Via. “Labas ka sandali kung hindi ka pa tulog.”Si Via nga ang nasa labas. Ano naman kaya ang kailangan ng babaeng ‘to at gabi na pumunta?Inayos ko ang sarili at tinali ang buhok bago lumabas, ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko si Sir Liam sa di-kalayuan, nakasandal sa kanyang kotse, nakapamulsa at nakatanaw sa amin.Napalunok ako at napatingin kay Via nang sapuhin niya ang noo ko. “Hm, mukhang mai
Pagkatapos kumain, bumalik na ang lahat sa pagtatrabaho. Lalo kaming nag-ingat sa pag-aarrange ng mga plato at kubyertos dahil nakatingin si Sir Liam. Habang tinitingnan ko ang pagkaka-align ng mga wine glasses, bigla na namang kumirot ang ulo ko.Napahawak ako sa counter at napapikit nang mariin.“Ashanti, dahan-dahan lang. Mag-iingat ka.”Isang boses ang umalingawngaw sa isip ko. Iyon ang boses ni Sir Liam, pero hindi ito galing sa ngayon. Para itong boses mula sa nakaraan."Sheika? Are you okay?"Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Sir Liam na nakatayo na pala sa harap ko. Iyong mukha niya punong-puno ng pag-aalala, at 'yong mga kamay niya tila gustong humawak sa akin pero pinipigilan niya ang sarili."O-Opo, Sir. May naalala lang po ako bigla," sagot ko."What did you remember?" seryoso niyang tanong."Wala po... parang boses lang po niyo na nagsasabing mag-ingat ako," mahina kong sabi.Natigilan si Liam. Kitang-kita ko ang paglunok niya at pamumula ng kanyang mata. "You... you h
"Kapagod 'no?" reklamong bulong ni Via sa akin habang nag-aayos kami ng table cloth. "Pero sana may bonus tayo, ano?""Sana nga, pero mabait naman si Sir Liam kaya siguradong merong bonus," sagot ko sa kanya. "Magpahinga ka kaya? Kanina ka pa nagtatrabaho.""Ayos lang. Nag-e-enjoy naman ako," aniya. "Pero kanina, nakita ko kayo ni Sir, inalagaan ka niya 'no?""Hindi naman. Pinainom lang ako ng gamot," depensa ko."Pareho lang 'yon," giit pa niya. "Baka naaalala niya sa'yo ang asawa niya. Alam mo kung hindi ka lang ikakasal kay Theo, bagay kayo."Napabuntong-hininga na lamang ako. "Iyan ka na naman, Via. Saka anong bagay? Mayaman 'yon, mahirap lang ako.""Hindi naman nasusukat sa yaman ang pagmamahal eh." Natigilan ako sa sinabi niya. "Nasa tao 'yan kung kaya ka niyang ipaglaban. Saka hindi lahat ng mayaman, against sa mahirap."Napapikit ako nang biglang sumakit ang ulo ko. May naririnig akong boses, pero ang gulo. Isang pamilyar na boses ng lalaki na nagsasabing, "Kahit anong mangyar
"You're burning up," boses ni Liam, at sa pagkakataong ito, hindi lang ito otoridad, kundi purong pag-aalala. Hinipo niya ang noo ko gamit ang likod ng kanyang palad. "Sabi ko na nga ba. Your fever is getting worse.""Sir, konti na lang po ang iche-check ko, matatapos na sila..." pilit ko pa ring depensa, pero ang boses ko, paos na."Enough, Ashanti—Sheika," mabilis niyang itinama ang sarili, pero kitang-kita ang panginginig ng kanyang panga. "You are going to rest. Now."Hindi na niya ako hinintay na makasagot. Inalalayan niya ako patungo sa isang sofa sa dulong bahagi ng lobby, malayo sa mga nagtatrabaho. Pinaupo niya ako. Kumuha siya ng isang basong tubig at isang gamot mula sa kanyang bulsa.Ganun ba siya ka-handa?"Take this. It's for the fever," utos niya at inabot ang tablet."Salamat po, Sir," mahina kong sabi at ininom ang gamot.Umupo siya sa tapat ko, hindi inaalis ang tingin sa akin. Para bang natatakot siya na sa isang iglap mawala na naman ako sa paningin niya. Iyong lun
Nagkatinginan kami sandali ni Via bago ko ibinalik ang tingin kay Sir Liam. "S-Salamat po, Sir."Namulsa ito habang nakababa ang tingin sa akin. "If you're not feeling well, you can go home after this meeting.""Sinat lang po ito, Sir, kaya ko pa naman magtrabaho," sabi ko at pilit na ngumiti."We'll see about that," tugon niya at bumalik na sa harap. "Nandito na ba lahat? I will assign each of you for the upcoming seminar. Hindi pangkaraniwan ang mga taong dadalo. Some are from Japan and China, so let's be careful with our actions and words, understand?""Yes, Sir!" sabay-sabay naming sagot.Naramdaman ko ang pagsipa ni Via sa paa ko sa ilalim kaya napatingin ako sa kanya."Bakit?" pabulong kong tanong sa kanya."May something talaga sa inyo ni Sir Liam," aniya, nakangisi pa. Ewan ko sa babaeng 'to, lahat na lang napapansin. Hindi ba pwedeng mabait lang si Sir at priority niya ang welfare ng mga staff dito? "Ano?"Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang atensyon kay Sir Liam da
Sheika's POVPagdating namin sa bahay, palaisipan ko pa rin si Sir Liam. Kahit anong gawin kong pagwaglit ko sa kanya sa isipan, bumabalik pa rin.Ano bang meron sa lalaking 'yon? Bakit pamilyar na pamilyar siya sa akin? Isa ba siya sa mga nakaraan ko? At iyong mga mata niya kanina no'ng dumating si Theo, ang lungkot.Napailing na lang ako at pinunasan ang aking ilong. Natigil lang ako nang mapansin ko ang panyo na may initial niya, LA."Liam Alcantara," mahinang sambit ko sa pangalan niya at parang nakakita ng multo nang mapatingin ako sa repleksyon ni Theo sa may salamin. Nilingon ko ito at pilit na ngumiti. "Nandyan ka pala.""Iyon ba ang pangalan ng boss niyo? Iyong may-ari ng rest house?" tanong niya na mabilis kong tinanguan. "Mabait naman siya?"Tumayo ako ng tuwid at muling tumango. "Oo, sa tingin ko," tugon ko. "Si Nanay? Umalis ba?""Oo, kakausapin daw si Mang Kanor." Tumalikod siya at kumuha ng damit ko sa cabinet."Tungkol saan?" Nagpunas ulit ako ng ilong at nagmugmog."B







