LOGINNapaangat ang tingin niya nang marinig ang boses ni Theo. Nakatayo ito sa labas ng quarters, may hawak na maliit na tuwalya at tila nagpapakulo ng tubig sa maliit na kalan sa labas. Agad na nagbago ang mukha nito nang makita ang itsura niya."Saan ka galing? Bakit namumutla ka at... bakit may bakas ng luha ang mga mata mo?" Mabilis na lumapit sa kanya si Theo at hinawakan ang magkabila niyang kamay. "May nangyari ba sa lobby? Inaway ka ba ng mga bisita?" Puno ng pag-aalala nitong tanong.Umiling si Sheika at pilit na ngumiti. "Wala, Theo. Napagod lang talaga ako ngayon. Alam mo naman, dagsa ang mga guests dahil sa bakasyon. Medyo sumakit lang din ang ulo ko sa lamig ng hangin sa labas."Bumuntong-hininga si Theo, ngunit hindi nabawasan ang pag-aalala sa mga mata nito. "Sabi ko naman sa'yo, huwag mo munang pilitin ang sarili mo. Kagagaling mo lang sa lagnat nung isang araw. Halika sa loob, ipagtitimpla kita ng mainit na kalamansi juice."Sumunod siya sa loob ng quarters. Habang abala s
THIRD PERSON POV“S-Sir Liam...” mahinang usal ni Sheika habang mabilis na pinupunasan ang basang pisngi gamit ang likod ng kanyang mga palad. Pilit niyang ibinalik ang propesyonal niyang mukha kahit na ang totoo ay nanginginig ang buong katawan niya sa takot at kalituhan dahil sa mga binitawang salita ng babaeng kamukha niya. “Gabi na po, Sir, may kailangan po ba kayo?”Hindi sumagot si Liam. Sa halip, humakbang ito palapit sa kanya mula sa madilim na anino ng puno ng narra. Nang tuluyan itong makatayo sa harap niya, nakita ni Sheika ang pamumula ng mga mata ng lalaki. Walang kahit anong bakas ng malamig at blankong ekspresyon na ipinakita nito kanina sa balcony habang kasama ang babaeng iyon. All she could see in Liam was pure heartbreak. He was utterly destroyed, like a live wire ready to snap at any moment.Hindi niya maintindihan kung bakit. May problema ba ito na hindi niya masabi?“Sir Liam?” untag niyang muli dahil nananatili itong tahimik, mataman lang na nakatitig sa kanya na
“Hindi ko alam, Via,” mahinang bulong ko habang nananatiling nakatitig sa kawalan.Iyong mga tanong niya tila mga mabibigat na batong sunod-sunod na humampas sa dibdib ko. Si Theo. Si Theo na laging nandiyan para sa akin, ang lalaking tumayo bilang pamilya at sandalan ko mula noong magising ako sa ospital na walang kaalam-alam sa sarili kong pagkatao. Kung totoo ang hinala nila, kung ako nga ang nawawalang asawa ni Liam, paano si Theo? Paano ang tahimik at simpleng buhay na binuo ko kasama niya at ni Aling Martha?Muli akong sumulyap sa itaas, ngunit saktong tumalikod na sina Liam at Ashanti patungo sa hallway ng mga VIP rooms. Bago tuluyang nawala si Liam sa paningin ko, lumarawan muli sa isip ko ang blanko ngunit nagpupumiglas niyang mga mata.Sino ba talaga ako?Lumipas ang ilang oras na tila ako isang robot na nagtatrabaho. Pinilit kong ibinuhos ang atensyon ko sa pag-check-in ng mga bisita, pag-asikaso ng mga susi, at pagsagot sa mga tawag. Nang sumapit ang alas-otso ng gabi, na
“Good afternoon, Ma’am. Welcome to Alcantara Premiere Resthouse,” nakangiti kong batî sa bagong dating na guest habang inaabot ang reservation form.Automatic na lang halos ang mga kilos ko. Ngumiti, mag-assist, sumagot nang maayos, at magmukhang okay. Ngunit sa likod ng bawat ngiti ko, ang magulong tib0k ng puso ko dahil ramdam kong may matang nakatingin sa akin at hindi ako nagkamali. Nang mapatingin ako sa second floor balcony kung saan tanaw ang buong lobby, nandoon si Liam.Nakasuot siya ng simpleng itim na polo at slacks, nakasandal sa railing habang tahimik akong pinagmamasdan.Hindi siya ngumiti. Mataman lang itong nakatingin sa akin habang ang isang kamay may hawak na wine glass, pinaiikot.Ramdam na ramdam ko ang bigat ng titig niya kahit mula sa malayo, na tila ba bawat galaw ko ay sinusubaybayan niya.Napalunok ako at mabilis na iniwas ang tingin.“Miss Sheika?”Napabalik ako sa realidad nang tawagin ako ng guest.“Ah—yes po?”Pinilit kong ngumiti ulit. Ngunit ilang segun
“Hindi ko kaya...” mahina ngunit buo ang pagkakabigkas ko no’n, sapat para makita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata ni Sir Liam.Hindi siya agad nagsalita, tila ba may kung anong pumigil sa kanya. Nanatili lang siyang nakaupo sa tabi ng kama ko, titig na titig sa akin na para bang may gustong sabihin ang mga mata niyang hindi niya mailabas gamit ang bibig.Kahit ako, para akong na-umid. Hindi alam ang sasabihin.“Hindi mo kaya dahil natatakot ka...” paos niyang saad. “O dahil may ibang tao ka nang mahal?”Para akong sinakal sa tanong niya. Agad kong naalala si Theo. Iyong tatlong taon naming pagsasama. Iyong mga panahong siya ang kasama ko sa lahat—sa lungkot, sa gutom, sa pagod, sa simpleng buhay na meron ako ngayon.Ngunit bakit ganun? Bakit sa tuwing nakatitig sa akin si Liam pakiramdam ko may parte sa sarili kong matagal nang nawawala at ngayon pilit na bumabalik?“Hindi ko alam...” iyon lang ang naisagot ko habang umiinit ang sulok ng mga mata ko. “Hindi ko na alam kung
Napaangat muli ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na boses. Si Via, papasok ng pantry habang nag-uunat pa at nagkukuskos ng mga mata. Ngunit agad na nagbago ang mukha niya nang makita ang itsura ko."Hala! Anyare sa'yo? Bakit namumutla ka na naman? At ang pawis mo, ang lalaki!" mabilis na lumapit sa akin si Via at hinawakan ang noo ko. "Diyos ko, Sheika! Ang init-init mo! Nilalagnat ka!""Ayos lang ako, Via... medyo mabigat lang ang ulo ko," depensa ko, pero nang subukan kong tumayo tuluyan nang dumiIim ang paligid ko at nawalan ng lakas ang mga binti ko."Sheika!" iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang binalot ng kadiliman.Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Iminulat ko ang aking mga mata at unang tumambad sa akin ay ang puting kisame ng clinic ng resthouse. May swero na ring nakakabit sa aking kaliwang kamay."Salamat sa Diyos, gising ka na," boses ni Theo mula sa gilid ko.Nang lumingon ako, nakaupo siya sa isang silya, hawak ang aking kanang kamay. Ba







