LOGINNagawa ko na lamang ay maglinis nang maglinis. Dahil abala ang pamilya ko sa pag-aayos sa tutuluyan namin, ako ang naiwan para asikasuhin ang mga huling detalye sa lobby. Maya-maya, lumapit sa akin si Via. Hindi ko alam bakit ganun ang expression niya. Nagtataka na parang nag-aalala."Sheika, ayos ka lang?" salubong niya at tinulungan akong mag-ayos ng mga folder. "Ang weird, 'no? Dumating 'yang babaeng 'yan na parang kabute, tapos biglang Ashanti na raw siya? At ang mas malala, kamukhang-kamukha mo talaga. Pero alam mo, iba ang aura niya sa'yo. Para siyang... iyong may itinatago.""Hayaan mo na, Via. Baka siya talaga ang asawa ni Sir. Baka kamukha ko lang talaga siya," sagot ko, kahit sa loob-loob ko, iba ang gusto kong sabihin."Pero nakita mo ba ang tingin ni Sir Liam sa'yo kanina?" giit ni Via. "Katulad namin, parang ayaw niya ring maniwala. At ngayon, tignan mo siya, parang napipilitan lang makinig sa mga kwento nung babae."Hindi ako sumagot. Pinagpatuloy ko lang ang trabaho k
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Kamukhang-kamukha ko ang babae, mula sa hugis ng mata hanggang sa kurba ng labi. At ang pangalan niya, Ashanti? Ito na ba ang asawa ni Sir Liam na sinasabi nilang nawala tatlong taon na ang nakararaan?Kaya siguro maraming nagsasabi na baka ako ang asawa ni Sir Liam dahil talagang magkamukha kami. Hindi ko maiwasang mapatulala, posible pala talaga na magkaroon ng ganito kagaya na kahawig. Ngunit bakit ganun? Sa halip na gumaan ang loob ko dahil nahanap na ang kaisa-isang asawa ng boss namin, parang may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib ko?Bahagya akong napaatras at halos matumba kundi lang ako nasalo ni Theo nang biglang kabigin ng nagpakilalang Ashanti si Sir Liam ng mahigpit na yakap.Umayos ako ng tayo at pilit na nginitian si Theo na tila naguguluhan sa nangyayari."Salamat," buka ng bibig kong sabi sa kanya.Muli akong tumingin kay Sir Liam. Sa itsura niya ngayon, tila hindi rin siya makapaniwala. Nakaangat ang mga kamay niy
Tulala ako habang naglalakad papunta sa pwesto ni Via. Hindi ko makalimutan ang sinabi sa akin ni Sir Liam. Paulit-ulit iyon na bumabalik sa utak ko na parang sirang plaka.“I am your husband.”Asawa ko ba talaga siya?Dahil wala ako sa sariling isip, napaigik ako sa sakit nang tumama ang tagiliran ko sa table. Muntik nang mahulog ang dala kong tray ng mga baso kung hindi ko lang ito mabilis na naibalanse."Hala! Sheika, anyare sa'yo?" mabilis na lumapit si Via sa akin at kinuha ang tray. "Sabi ko na nga ba, hindi ka pa talaga magaling. Namumutla ka pa oh, tapos para kang nakakita ng multo diyan.""A-Ah, wala lang 'to, Via. Nagulat lang ako," pagsisinungaling ko, pero ang totoo, gulong-gulo na ako."Anong wala? Kanina ka pa ganyan simula nang bumalik ka galing sa labas. Ano bang nangyari? Nakita mo ba si Sir Liam?" usisa pa ni Via habang inaalalayan akong maupo sa isa sa mga silya sa gilid ng lobby.Hindi ako makasagot. Paano ko sasabihin sa kanya na ang boss namin ay inaangkin ako bi
Nakatulog ako nang mahimbing dahil sa gamot. Nagising ako bandang alas-otso ng gabi. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko kaya naisipan kong lumabas para kumuha ng mainit na tubig. Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa pantry, nadaanan ko ang veranda na overlooking sa dagat.Nandoon si Liam. Nakatalikod siya sa akin, may hawak na baso ng alak, at nakatanaw sa madilim na karagatan. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko ang lungkot niya. Lalapitan ko ba siya? O hahayaan na lang?Balak ko sanang umiwas, pero bigla siyang nagsalita nang hindi lumilingon."You should be resting, Ashanti."Natigilan ako. "Sir... si Sheika po ito."Dahan-dahan siyang lumingon. Iyong mga mata niya mapungay, marahil dahil sa alak o dahil sa puyat. Lumapit siya sa akin, hanggang sa ilang pulgada na lang ang distansya namin. Amoy na amoy ko ang bango ng kanyang pabango na humahalo sa amoy ng alak."I know," bulong niya. "But my heart keeps calling you by that name. Is it really a crime to hope that you're still
Natigilan ako nang matanto ko kung anong sinabi ko, pero agad ko ring binawi."I mean, ikaw po, Sir... may specific preference po ba ang mga guests niyo?" pagtatama ko, hindi na magawang tingnan ang repleksyon niya sa salamin.Nahagip ng tingin ko na naningkit ang mga mata niya nang ngumiti ito tapos si Via naman panay siko sa akin at bungisngis. Pakiramdam ko tuloy huling-huli ako. Nakakahiya."Napansin ko po kasi sa listahan kanina, karamihan sa kanila galing sa malalayong lugar katulad po sa Shanghai at Tokyo. Baka po mas ma-appreciate nila 'yong something relaxing at malapit sa kalikasan. Imbes na usual na zumba, baka pwedeng morning yoga sa tabi ng beach o kaya ay 'yong tinatawag na forest bathing doon sa may garden sa likod. Mas calming po 'yon para sa kanila."Saglit na natahimik ang loob ng sasakyan. Ramdam ko ang titig ni Via na parang sinasabing, "Ang talino mo talaga, girl.""That's a very thoughtful suggestion, Sheika," seryosong tugon ni Liam. "Most of them are high-profi
Natigil ako sa pagtutupi ng damit nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng bahay. “Sino ‘yan?” Nilakasan ko ang boses.Gabing-gabi na ah, sino naman kaya ‘to?Pumalaot si Theo kanina kaya baka madaling araw pa ‘yon makauwi, si Aling Martha naman nasa kabilang baryo, doon nagpalipas ng gabi sa kapatid niya, kaya medyo kinakabahan ako. Malayo pa naman itong tinitirahan namin sa mga tao.Hindi naman ako takot mag-isa at sanay na ako, pero ngayon lang ito nangyari na may kumakatok bandang alas-dyes.“Sheika, nandyan ka ba?” Natigilan ako pagkarinig sa boses ni Via. “Labas ka sandali kung hindi ka pa tulog.”Si Via nga ang nasa labas. Ano naman kaya ang kailangan ng babaeng ‘to at gabi na pumunta?Inayos ko ang sarili at tinali ang buhok bago lumabas, ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko si Sir Liam sa di-kalayuan, nakasandal sa kanyang kotse, nakapamulsa at nakatanaw sa amin.Napalunok ako at napatingin kay Via nang sapuhin niya ang noo ko. “Hm, mukhang mai







