LOGINHAZEL
DALAWANG ARAW na ang lumipas mula nang pumunta si Calvin Luther sa lugar namin para mamigay ng ayuda, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho. Sa loob ng dalawang araw, kung saan-saan na ako nagpunta dala ang folder kong may mga photocopy ng requirements ko. Nag-apply ako sa restaurant, grocery, laundry shop, convenience store at kahit sa maliit na bakery na nasa kabilang barangay, pero halos pare-pareho lang ang sagot sa akin. Tatawagan na lang daw ako kapag may available na position, at sa dami ng beses kong narinig iyon, alam ko nang madalas ay paraan lang iyon para hindi ka nila diretsahang sabihan na hindi ka nila tatanggapin. High school lang ang natapos ko at kahit alam kong kaya kong matuto at magtrabaho nang maayos, hindi ko rin naman maikakaila na mas maraming oportunidad ang napupunta sa mga may diploma at experience. “Nakakaloka naman ang buhay na ito!” inis kong bulong. Pero wala akong panahon para ma-discourage. Kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong makatulong kay Mama. At kailangan kong maipon iyong natitirang kalahating milyon na hinihingi ni Tita Verly bago niya kami tuluyang paalisin sa bahay. Kaya kahit pagod na pagod na ako, maaga pa lang ay bumangon na ako at naghanda. Kaso bago pa man ako tuluyang makalabas ng bahay, narinig ko na naman ang malakas na boses ni Tita Verly mula sa labas. Kapitbahay lang naman namin siya kaya hindi na niya kailangang bumiyahe para manggulo. Kapag gusto niyang maningil, isang tawid lang mula sa bahay nila at nasa harapan na agad namin siya. Paglabas ko, nakita ko agad si Tita Verly na nakatayo sa tapat ng bahay namin habang nakapamaywang. Katabi niya si Jessica na nakasuot ng bagong damit at hawak ang mamahaling cellphone na halos buong araw yata niyang ginagamit para mag-selfie, mag-scroll at manghusga ng ibang tao. Talagang maganda ang buhay ng dalawang iyon. Kapag may kailangang bayaran, kami ang nai-stress. Kapag may bagong damit o cellphone, sila ang unang nagpapakita. At dahil alam kong pera na naman ang pag-uusapan, agad akong napabuntong-hininga bago lumapit sa kanila. “Hazel, nasaan ang mama mo?” tanong ni Tita Verly. “Nasa loob. Kung tungkol na naman sa bayad ang pag-uusapan natin, alam naman naming may kailangan pa kaming bayaran kaya hindi mo na kailangang pumunta rito araw-araw para ipaalala sa amin.” “Hindi ako pumunta rito para makipagkuwentuhan sa iyo. Pumunta ako rito para maningil dahil ilang araw na ang lumipas at wala pa rin kayong naibibigay. Hindi ako puwedeng maghintay nang maghintay dahil may sarili rin akong mga gastusin at hindi naman libre ang lupa na tinitirhan ninyo.” “Alam ko naman na hindi libre. Kaya nga binabayaran namin. Ang problema, hindi naman kami mayaman. Hindi naman ako puwedeng pumunta sa bangko at sabihin na pahiram sila ng kalahating milyon dahil galit ang tita ko.” Napairap si Jessica. “Ang yabang mo talaga kahit wala ka namang pera.” Napalingon ako sa kanya. “Hindi naman kita kausap, Jessica. Kung hindi mo kayang makinig ng hindi sumisingit, puwede ka namang tumabi muna.” “Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko. High school graduate ka lang, wala kang trabaho at hanggang ngayon umaasa ka pa rin sa nanay mong may sakit. Kung ako sa iyo, mahiya naman ako.” “Kung ako naman sa iyo, mas mamahalin ko iyong oras ko kaysa gugulin ko buong araw sa panglalait sa ibang tao. Hindi kita pinapakialaman sa buhay mo, kaya huwag mo rin akong pakialaman.” “Hindi kita nilalait. Sinasabi ko lang ang totoo.” “Hindi porke totoo, kailangan mong sabihin. Alam kong high school graduate lang ako. Alam kong wala akong trabaho. Alam kong mahirap kami. Hindi ko kailangan ng taga-remind araw-araw na kagaya mo.” “Eh bakit hindi ka maghanap ng maayos na trabaho?” “Ginagawa ko, huwag kang hangal.” “Dalawang araw ka nang naghahanap pero wala ka pa rin.” “Jessica, dalawang araw pa lang. Hindi naman ako nag-a-apply sa trabaho na parang bibili lang ng fishball na pipili ako kung alin ang gusto ko tapos bayad agad. May interview, may requirements at may naghahanap ng experience. Kung gusto mong tulungan ako, puwede mo akong bigyan ng trabaho. Kung hindi, huwag ka nang mag-ingay.” “Trabaho? Ano bang kaya mong gawin?” “Marami. Kaya kong maglinis, magluto, magbenta, mag-assist, mag-alaga ng bata, magbuhat at kung ano-ano pa. Hindi lang naman diploma ang sukatan kung marunong kang magtrabaho.” “Pero hindi ka pa rin natatanggap.” “Eh ano ngayon? Hindi ibig sabihin na hindi pa ako natatanggap ngayon, wala na akong silbi.” Biglang sumingit si Tita Verly. “Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang tapang mong iyan, Hazel. Dapat nga nagpapasalamat kayo dahil pinapayagan ko pa kayong manatili rito.” “Nagpapasalamat naman kami. Pero hindi ibig sabihin noon, kailangan naming tanggapin lahat ng pangmamaliit ninyo.” “Pangmamaliit? Sinasabi ko lang na kung hindi ninyo kayang bayaran ang bahay, maghanap kayo ng ibang matitirhan.” “Alam mo naman na hindi ganoon kadali iyon. May sakit si Mama at wala kaming sapat na pera para basta lumipat.” “Hindi ko problema iyon.” Napangiti ako ng mapakla. “Iyon nga ang problema. Kapatid mo si Mama pero parang wala kang pakialam sa kanya. Hindi naman namin hinihingi na ibigay mo sa amin ang bahay. Gusto lang namin ng panahon para mabayaran iyon. Hindi naman siguro mahirap intindihin na kailangan kong maghanap ng trabaho muna bago ko maibigay ang gusto mong halaga.” “Hanggang katapusan ng buwan lang ang palugit ko. Pagkatapos noon, kung wala pa kayong pambayad, aalis kayo dito.” “Okay.” “Hindi ka ba natatakot?” “Syempre natatakot ako. Bahay namin iyon. Pero hindi ibig sabihin na kapag natatakot ako, uupo na lang ako at iiyak. Maghahanap ako ng paraan.” Napangisi si Jessica. “Ang yabang mo talaga. Tingnan natin kung saan ka dadalhin ng pagiging palaban mo.” “Mas gusto ko nang palaban kaysa puro lait.” “Basta huwag mong kalimutan na hindi mo pag-aari ang bahay na iyan.” “Hindi ko nakakalimutan. Kaya nga nagtatrabaho ako para maging amin na talaga.” “Siguraduhin mong makabayad ka.” “Siguraduhin mo rin na huwag mo akong pupuntahan dito araw-araw para lang sabihin ang alam ko na.” Hindi na ako naghintay ng sagot nila. Pumasok ako sa bahay dahil alam kong kapag ipinagpatuloy ko pa ang pakikipagtalo, mauubos lang ang oras ko at wala naman akong kikitain. Pagpasok ko, nakita ko si Mama na nakaupo sa sala at tahimik na nakatingin sa akin. “Narinig mo po?” “Oo.” “Ma, nakakabuwïsit talaga sila. Alam naman nilang hirap tayo pero parang natutuwa pa kapag pinapaalala nila kung gaano tayo kahirap.” “Hayaan mo na. Ang importante, huwag kang susuko.” “Hindi ako susuko. Kailangan kong makahanap ng trabaho.” “Mag-ingat ka sa pag-a-apply. Huwag kang basta-basta sumama kung kani-kanino dahil kailangan nating kumita pero kailangan mo ring mag-ingat.” “Oo, Ma. Alam ko.” Hinalikan ko siya sa noo bago ako umalis. Buong umaga akong naghanap ulit ng trabaho. Pagsapit ng tanghali, pagod at gutom na gutom na ako kaya napadpad ako sa isang maliit na kantina malapit sa palengke. Umorder ako ng kanin at ulam at saka umupo sa pinakadulong mesa habang tinitingnan ang folder ko para maalala kung saan pa ako puwedeng mag-apply. Habang kumakain ako, inilabas ko ang cellphone ko para tingnan kung may tumawag mula sa mga inapplyan ko. Wala. Napabuntong-hininga ako. “Wala talaga.” Saktong pagkatapos kong magsalita ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at tiningnan ang screen. Unknown number. “Baka ito na.” Pinindot ko agad ang sagot pero hindi gumana. “Hoy, huwag ngayon.” Pinindot ko ulit. Wala. “Please naman. Baka employer na tumatawag.” Pinindot ko nang ilang beses hanggang sa biglang nag-black screen ang cellphone. “Putangina.”HAZEL“I want you to be my sugar baby.”Napakurap ako. Ilang segundo akong nakatingin lang sa kanya dahil akala ko mali ang pagkakarinig ko.“Ano?”Hindi siya umiwas ng tingin.“I want you to be my sugar baby. Ikaw ang magiging kasama ko kapag gusto kitang makasama, paliligayahin mo ako ano mang oras ko gustuhin at kapalit noon, bibigyan kita ng buwanang allowance na tatlong daang libo. Hindi kita hinihingan ng exclusivity sa salita lang. Ang ibig kong sabihin, kung tatanggapin mo ang arrangement, ako lang ang lalaking gagalaw sa iyo. Wala kang kailangang kausapin o pasayahin na ibang lalaki para kumita ng pera kun'di ako.”Hindi ako agad nakasagot. Parang biglang nawala ang lahat ng iniisip ko.Sugar baby.Ako?Napatingin ako sa sarili ko at saka muling tumingin sa kanya.“Sandali. Ibig mong sabihin, gusto mong bayaran ako para maging girlfriend mo?”“Hindi eksaktong girlfriend dahil may pagkakaiba ang normal na relasyon sa arrangement na iniaalok ko. Okay fine, magiging diretsahan
HAZEL“Legal ba iyan? Ayoko ng trabaho na puwedeng makapagpasok sa akin sa gulo. Kailangan ko ng pera, pero hindi ako desperada hanggang sa gagawin ko na ang kahit anong bawal.”“Legal. At malinaw sa akin na hindi kita pipilitin sa kahit anong bagay na ayaw mong gawin. Kung may bahagi ng arrangement na hindi ka komportable, puwede mong tanggihan at puwede kang umalis.”“Sure ba iyan? Kasi kapag sinabi mong malaking pera, tapos may nakatagong kondisyon pala na hindi ko kayang tanggapin, baka pagsisihan ko pa na sumama ako sa iyo.”“Sigurado ako. Kaya nga gusto kong pag-usapan natin nang maayos bago ka magdesisyon. Gusto kong alam mo kung ano ang inaalok ko, magkano ang kapalit nito at kung ano ang mga limitasyon mo. Ayokong pumayag ka dahil lang kailangan mo ng pera tapos saka mo malalaman na hindi pala iyon para sa iyo.”Napaisip ako sandali bago ko siya muling tinanong.“Kung ganoon, bakit ako? Marami kang kilalang babae na mas may pinag-aralan, mas maganda ang buhay at mas sanay sig
HAZELPinindot ko ang power button.Wala.Pinindot ko ulit.Wala pa rin.“Buksan mo. Huwag kang mamili ng timing.”Inalog ko pa ito nang kaunti at saka muling pinindot ang button.“Kapag hindi ka gumana ngayon, papalitan talaga kita kapag nagkaroon ako ng pera.”Hindi pa rin ito gumana.Napabuntong-hininga ako at ibinalik ko na lang sa bag ko. Hindi ko alam kung sino ang tumawag at wala rin akong paraan para tawagan pabalik dahil hindi ko naman alam ang numero.Pagkatapos kong kumain, lumabas ako ng kantina at naglakad papunta sa kabilang bahagi ng kalsada para magtanong sa isang maliit na tindahan kung may hiring. Hindi pa ako nakakalayo nang makarinig ako ng busina mula sa likuran.Paglingon ko, isang itim na sasakyan ang huminto sa gilid ng kalsada.Bumaba si Calvin.“Hazel.”Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka.“Sir Calvin? Anong ginagawa mo rito?”“Dito ako may pinuntahan. Ikaw naman, kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot.”Napakamot ako sa ulo bago ko inilaba
HAZELDALAWANG ARAW na ang lumipas mula nang pumunta si Calvin Luther sa lugar namin para mamigay ng ayuda, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho. Sa loob ng dalawang araw, kung saan-saan na ako nagpunta dala ang folder kong may mga photocopy ng requirements ko. Nag-apply ako sa restaurant, grocery, laundry shop, convenience store at kahit sa maliit na bakery na nasa kabilang barangay, pero halos pare-pareho lang ang sagot sa akin. Tatawagan na lang daw ako kapag may available na position, at sa dami ng beses kong narinig iyon, alam ko nang madalas ay paraan lang iyon para hindi ka nila diretsahang sabihan na hindi ka nila tatanggapin. High school lang ang natapos ko at kahit alam kong kaya kong matuto at magtrabaho nang maayos, hindi ko rin naman maikakaila na mas maraming oportunidad ang napupunta sa mga may diploma at experience.“Nakakaloka naman ang buhay na ito!” inis kong bulong.Pero wala akong panahon para ma-discourage.Kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong m
HAZEL SMITH “Hoy! Bakit mo nilalabas titë mo?!”Umalingangaw ang boses ko sa loob ng bus. Dali-daling isinara ng lalaking mukhang tukmol ang pants niya at napatingin sa paligid. Ang hïnayupak na ito! Manyakis amput@ eh mukha namang ipis!“Ano?! Bakit bigla mong tinago? Nahiya ka, ha? Tang1na mo ka! Dapat sa iyo pinupugutan ng ulo dahil manyakis kang hayóp ka!”Nagsimulang magbulungan ang mga tao dito sa bus. At kitang-kita sa mukha ng tukmol na ito, na kabadong-kabado na siya at halatang napahiya sa sinabi ko. Pero wala akong pakialaman at iyon nga ang gusto kong mangyari. Galit na galit talaga ako sa mga manyakis na lalaki. Kung puwede ko lang silang patay1n, matagal ko ng ginawa.“Ano?! Ha? Yawa ka! Ang mga katulad mo dapat p1nupugutan ng ulo! Mga hayop!”Nagmamadali siyang umalis sa tabi ko at agad na bumaba ng bus. Habang ako naman ay nanggigigil na hinawi ang buhok ko. Pauwi ako ngayon galing sa mga in-apply-an kong trabaho at umaasa na matatanggap ako. High school lang ang tina







