Share

3

Author: LonelyPen
last update publish date: 2026-08-10 22:20:55

HAZEL

Pinindot ko ang power button.

Wala.

Pinindot ko ulit.

Wala pa rin.

“Buksan mo. Huwag kang mamili ng timing.”

Inalog ko pa ito nang kaunti at saka muling pinindot ang button.

“Kapag hindi ka gumana ngayon, papalitan talaga kita kapag nagkaroon ako ng pera.”

Hindi pa rin ito gumana.

Napabuntong-hininga ako at ibinalik ko na lang sa bag ko. Hindi ko alam kung sino ang tumawag at wala rin akong paraan para tawagan pabalik dahil hindi ko naman alam ang numero.

Pagkatapos kong kumain, lumabas ako ng kantina at naglakad papunta sa kabilang bahagi ng kalsada para magtanong sa isang maliit na tindahan kung may hiring. Hindi pa ako nakakalayo nang makarinig ako ng busina mula sa likuran.

Paglingon ko, isang itim na sasakyan ang huminto sa gilid ng kalsada.

Bumaba si Calvin.

“Hazel.”

Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka.

“Sir Calvin? Anong ginagawa mo rito?”

“Dito ako may pinuntahan. Ikaw naman, kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot.”

Napakamot ako sa ulo bago ko inilabas ang cellphone ko.

“Sinubukan kong sagutin. Kaso itong cellphone ko talaga ang problema. Tumunog siya kanina pero nang pindutin ko ang sagot, namatay.”

Tiningnan niya ang cellphone kong basag ang screen.

“Ganoon pa rin ang gamit mo?”

“Oo. Bakit?”

“Akala ko bibili ka na ng bago.”

“Gusto ko naman, pero wala akong perang pambili. Mas importante muna ang pagkain at gamot ni Mama. Kapag may trabaho na ako at nakapag-ipon, saka ko na lang papalitan.”

“Magkano ba ang kailangan mong cellphone?”

Napakunot-noo ako.

“Hindi ko kailangan ng mamahalin. Basta maayos, hindi nagha-hang at puwedeng tawagan, okay na ako.”

“Kung ganoon, sumama ka sa akin. Bibili tayo.”

Mabilis akong umiling.

“Hindi na. Nakakahiya naman. Hindi naman kita kilala nang ganoon katagal para bumili ka agad ng cellphone para sa akin. Tumulong ka na sa mga tao sa lugar namin at ngayon pati ako bibigyan mo pa ng gamit. Baka mamaya isipin ng ibang tao na sinasamantala ko ang kabaitan mo.”

“Hindi ko naman iniisip iyon. At hindi rin kita binibilhan dahil may hinihintay akong kapalit. Kailangan mo ng maayos na cellphone dahil naghahanap ka ng trabaho at kailangan kang matawagan kapag may tumanggap sa iyo. Kung hindi mo masasagot ang mga tawag, puwedeng mawala ang oportunidad na hinihintay mo.”

Napaisip ako sa sinabi niya.

“May punto ka. Pero huwag iyong sobrang mahal dahil hindi ko talaga kayang tanggapin iyon.”

“Hindi kita pipilitin kumuha ng mahal. Pumili ka ng kaya mong gamitin at kung saan ka komportable.”

“Are you sure?_

“Yes.”

“Okay. Pero kapag nakita kong presyong isang buwan kong pagkain, ako na mismo ang aalis.”

Napangiti siya.

“Ganoon ba?”

“Oo. Mahirap ako pero marunong akong mahiya.”

Sumama ako sa kanya sa isang cellphone store. Pagpasok namin, agad akong napatingin sa mga display at halos gusto kong umatras nang makita ko ang presyo ng ibang models. May mga cellphone roon na parang gusto kong tanungin kung kasama ba sa package ang bahay.

Lumapit ang saleslady at nagsimulang magpakita ng ilang unit.

“Ma'am, ito po ang magandang model kung pang-basic use lang po. Maganda ang battery at okay din ang storage.”

Tiningnan ko ang presyo.

“Ito na lang.”

Tumingin si Calvin sa akin.

“Sigurado ka na diyan?”

“Oo. Okay na iyan. Ang kailangan ko lang naman ay maayos na pangtawag, pang-message at pang-internet kapag naghahanap ako ng trabaho. Hindi ko kailangan iyong sobrang mahal na ginagamit ng mga artista.”

“Kung iyan ang gusto mo, iyan ang kunin natin.”

“Okay. Pero ikaw na ang magbayad dahil kapag ako ang naglabas ng pera, baka bigla akong maiyak dahil wala akong mailalabas.”

Natawa siya ng mahina.

“Malamang ako talaga ang magbabayad.’

Matapos bayaran ang cellphone, iniabot sa akin ng saleslady ang kahon. Halos hindi ako makapaniwala habang hawak ko iyon dahil sa buong buhay ko, bihira akong makakuha ng bagong gamit na hindi ko pinag-ipunan nang matagal.

“Salamat. Seryoso, malaking bagay ito sa akin. At hindi ko ito sinasabi dahil gusto kong magpasalamat nang sobra, pero talagang kailangan ko ng maayos na cellphone dahil baka may tumawag sa akin mula sa trabaho at hindi ko na naman masagot.”

“Walang problema. At kung sakaling may tumawag sa iyo ngayon, hindi mo na kailangang makipag-away sa cellphone para lang masagot.”

Napangiti ako sabay kamot sa ulo.

“Hindi ko naman siya kinakaaway. Pinapaalalahanan ko lang na may responsibility siya.”

“Ganoon ba?”

“Oo. Pero minsan talagang gusto ko na siyang ihagis.”

Lumabas kami ng store habang hawak ko ang bagong cellphone. Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya, hindi ko napigilang tingnan ang screen at ngumiti.

“Ang ganda.”

“Gusto mo?”

“Oo. Sobra. At hindi ako sanay na may bagong gamit na ganito. Kadalasan kasi secondhand ang gamit ko, kaya kapag bagong-bago, parang nakakagulat.”

“Masasanay ka rin.”

“Baka nga. Pero huwag mo akong masyadong sanayin sa ganito dahil baka mamaya masanay ako sa libre at maging abusado ako.”

“Hindi ka naman mukhang ganoon.”

“Hindi mo pa ako gaanong kilala.”

“Baka kaya gusto kitang makilala ng kaunti pa.”

Napatingin ako sa kanya pero hindi ko na pinansin iyon nang malaki dahil baka ako lang ang nag-iisip ng kung ano-ano. Sa halip, inilagay ko ang cellphone sa bag ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating kami sa tabi ng sasakyan, bigla siyang nagsalita tungkol sa sinabi ko kanina.

“Nabanggit mo na kailangan mong makahanap agad ng trabaho dahil may utang pa kayo sa bahay at may gamot na kailangang bilhin para sa mama mo. Kung ganoon talaga kaimportante sa iyo ang pera ngayon, baka may maiaalok akong mas mabilis kaysa sa paghihintay na tawagan ka ng mga pinasahan mo ng application.”

Napatingin ako sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“May trabaho akong puwedeng ibigay sa iyo, pero hindi ito ordinaryong trabaho na may application form at ilang linggong paghihintay bago ka makapag-umpisa. Kung tatanggapin mo, puwede kang kumita agad.”

“Magkano?”

“Depende sa gagawin mo.”

“Anong gagawin ko?”

“Hindi ko pa maipapaliwanag ng maayos dito. Kailangan ko munang malaman kung interesado ka talaga at kung kaya mong tanggapin ang isang arrangement na medyo kakaiba kumpara sa ordinaryong trabaho.”

“Anong klaseng arrangement?”

“Hindi ko muna gustong sabihin ng diretso dahil baka mali ang maging impression mo bago mo pa man marinig ang buong detalye. Ang masasabi ko lang, hindi ito ordinaryong trabaho na uupo ka sa opisina buong araw at gagawin ang mga normal na ginagawa ng isang empleyado. May mga personal na bagay na kasama at kailangan kong malaman kung komportable ka sa ganoong klase ng setup bago tayo mag-usap tungkol sa pera.”

Napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya. Mas lalo tuloy akong naintriga. Dahil imbes na sabihin niya agad kung ano iyon, parang hirap siyang ipaliwanag.

Jusmi...sana naman hindi ito malupit na trabaho.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncle's Sugar Baby   5

    HAZEL“I want you to be my sugar baby.”Napakurap ako. Ilang segundo akong nakatingin lang sa kanya dahil akala ko mali ang pagkakarinig ko.“Ano?”Hindi siya umiwas ng tingin.“I want you to be my sugar baby. Ikaw ang magiging kasama ko kapag gusto kitang makasama, paliligayahin mo ako ano mang oras ko gustuhin at kapalit noon, bibigyan kita ng buwanang allowance na tatlong daang libo. Hindi kita hinihingan ng exclusivity sa salita lang. Ang ibig kong sabihin, kung tatanggapin mo ang arrangement, ako lang ang lalaking gagalaw sa iyo. Wala kang kailangang kausapin o pasayahin na ibang lalaki para kumita ng pera kun'di ako.”Hindi ako agad nakasagot. Parang biglang nawala ang lahat ng iniisip ko.Sugar baby.Ako?Napatingin ako sa sarili ko at saka muling tumingin sa kanya.“Sandali. Ibig mong sabihin, gusto mong bayaran ako para maging girlfriend mo?”“Hindi eksaktong girlfriend dahil may pagkakaiba ang normal na relasyon sa arrangement na iniaalok ko. Okay fine, magiging diretsahan

  • Uncle's Sugar Baby   4

    HAZEL“Legal ba iyan? Ayoko ng trabaho na puwedeng makapagpasok sa akin sa gulo. Kailangan ko ng pera, pero hindi ako desperada hanggang sa gagawin ko na ang kahit anong bawal.”“Legal. At malinaw sa akin na hindi kita pipilitin sa kahit anong bagay na ayaw mong gawin. Kung may bahagi ng arrangement na hindi ka komportable, puwede mong tanggihan at puwede kang umalis.”“Sure ba iyan? Kasi kapag sinabi mong malaking pera, tapos may nakatagong kondisyon pala na hindi ko kayang tanggapin, baka pagsisihan ko pa na sumama ako sa iyo.”“Sigurado ako. Kaya nga gusto kong pag-usapan natin nang maayos bago ka magdesisyon. Gusto kong alam mo kung ano ang inaalok ko, magkano ang kapalit nito at kung ano ang mga limitasyon mo. Ayokong pumayag ka dahil lang kailangan mo ng pera tapos saka mo malalaman na hindi pala iyon para sa iyo.”Napaisip ako sandali bago ko siya muling tinanong.“Kung ganoon, bakit ako? Marami kang kilalang babae na mas may pinag-aralan, mas maganda ang buhay at mas sanay sig

  • Uncle's Sugar Baby   3

    HAZELPinindot ko ang power button.Wala.Pinindot ko ulit.Wala pa rin.“Buksan mo. Huwag kang mamili ng timing.”Inalog ko pa ito nang kaunti at saka muling pinindot ang button.“Kapag hindi ka gumana ngayon, papalitan talaga kita kapag nagkaroon ako ng pera.”Hindi pa rin ito gumana.Napabuntong-hininga ako at ibinalik ko na lang sa bag ko. Hindi ko alam kung sino ang tumawag at wala rin akong paraan para tawagan pabalik dahil hindi ko naman alam ang numero.Pagkatapos kong kumain, lumabas ako ng kantina at naglakad papunta sa kabilang bahagi ng kalsada para magtanong sa isang maliit na tindahan kung may hiring. Hindi pa ako nakakalayo nang makarinig ako ng busina mula sa likuran.Paglingon ko, isang itim na sasakyan ang huminto sa gilid ng kalsada.Bumaba si Calvin.“Hazel.”Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka.“Sir Calvin? Anong ginagawa mo rito?”“Dito ako may pinuntahan. Ikaw naman, kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot.”Napakamot ako sa ulo bago ko inilaba

  • Uncle's Sugar Baby   2

    HAZELDALAWANG ARAW na ang lumipas mula nang pumunta si Calvin Luther sa lugar namin para mamigay ng ayuda, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho. Sa loob ng dalawang araw, kung saan-saan na ako nagpunta dala ang folder kong may mga photocopy ng requirements ko. Nag-apply ako sa restaurant, grocery, laundry shop, convenience store at kahit sa maliit na bakery na nasa kabilang barangay, pero halos pare-pareho lang ang sagot sa akin. Tatawagan na lang daw ako kapag may available na position, at sa dami ng beses kong narinig iyon, alam ko nang madalas ay paraan lang iyon para hindi ka nila diretsahang sabihan na hindi ka nila tatanggapin. High school lang ang natapos ko at kahit alam kong kaya kong matuto at magtrabaho nang maayos, hindi ko rin naman maikakaila na mas maraming oportunidad ang napupunta sa mga may diploma at experience.“Nakakaloka naman ang buhay na ito!” inis kong bulong.Pero wala akong panahon para ma-discourage.Kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong m

  • Uncle's Sugar Baby   1

    HAZEL SMITH “Hoy! Bakit mo nilalabas titë mo?!”Umalingangaw ang boses ko sa loob ng bus. Dali-daling isinara ng lalaking mukhang tukmol ang pants niya at napatingin sa paligid. Ang hïnayupak na ito! Manyakis amput@ eh mukha namang ipis!“Ano?! Bakit bigla mong tinago? Nahiya ka, ha? Tang1na mo ka! Dapat sa iyo pinupugutan ng ulo dahil manyakis kang hayóp ka!”Nagsimulang magbulungan ang mga tao dito sa bus. At kitang-kita sa mukha ng tukmol na ito, na kabadong-kabado na siya at halatang napahiya sa sinabi ko. Pero wala akong pakialaman at iyon nga ang gusto kong mangyari. Galit na galit talaga ako sa mga manyakis na lalaki. Kung puwede ko lang silang patay1n, matagal ko ng ginawa.“Ano?! Ha? Yawa ka! Ang mga katulad mo dapat p1nupugutan ng ulo! Mga hayop!”Nagmamadali siyang umalis sa tabi ko at agad na bumaba ng bus. Habang ako naman ay nanggigigil na hinawi ang buhok ko. Pauwi ako ngayon galing sa mga in-apply-an kong trabaho at umaasa na matatanggap ako. High school lang ang tina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status