Share

Chapter 6

Nagtagal pa kami ng ilang oras sa pagdidiriwang na iyon at patuloy na nakikipaghalo-bilo si May sa mga iba niya pang kaibigan at nobyo. Pero habang pinanonood ko si May at nasa tabi lang ng ilang mga lamesa, hindi umalis si Joaquin sa aking tabi. May ilang mga babae ang lumalapit sa kanya at inaalok siya para sa isang sayaw pero wala siyang pinaunlakan kahit isa doon.

“Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?” tanong ko sa kanya matapos ko siyang tingnan ng ilang Segundo. Napangiti siya at lumabas ang biloy sa kanyang mukha at agad akong nakaramdam ng pagkatuwa pero hindi ko pinahalata iyon sa kanya.

“Ibang-iba kasi sa mga babae sa bayan na ito, ayon sa kwento ng iilan sa akin,” sagot sa akin ni Joaquin na labis kong pinagtaka kaya kumunot ang aking noo at matalim ko siyang tinitigan. Tila hindi naman niya napansin ang pagbabago ng aking emosyon at masaya pa rin siya.

“Ah, ang ibig mo bang sabihin ay nakausap mo na ang ilan sa mga babae sa bayan na ito at nagawa mo an rin alamin kung sino
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status