Share

Chapter 5

Habang nasa kwarto ako at nagpapahinga, hinalungkat ko ang aking kabinet para maghanap ng damit na susuotin ngayong gabi. Wala akong bagong kasuotan dahil bibihira akong bumili ng damit.

Kung maaari pa naman gamitin ang mga luma kong damit ay pinagtitiisan ko ang mga ito. Agad kong kinuha ang pulang dress na may puting bulaklak sa laylayan nito at pinagmasdang maigi para malaman kung maayos na ba ito.

Agad akong naligo dahil ang usapan naming oras ni May ay alas otso. Ilang minuto na lang ang mayroon ako para makapag-ayos. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko sa lamesa sila Nanay at Tatay. Parang may pinag-uusapan silang importante kaya naman binati ko lang sila saka nagpaaalala sa kanila na ngayong gabi ang pyesta.

"Mag-iingat kayo ni May!" sabi sa akin ni Nanay at agad naman akong tumango saka dumiretso na sa banyo. Minadali ko ang aking pag-aayos dahil ayokong magpahintay kay May.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong dumiretso sa kwarto para magbihis ng marinig ko na ang pagdating
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status