LOGINWhen Glydel meets Joaquin, she couldn't help her self but admired him because of his charm and kindness towards her. Joaquin, on the other side, realized how drawn he is to her. Glydel discovered his true intention to her. Will she accept the reality of Joaquin's true personality and dark secret?
View MoreMatapos ang ginawa ng mga babaeng iyon ay agad kumalat sa buong Campus ang ginawa ni Joaquin sa kanila dahil sa akin at kumalat na rin ang tungkol sa pangliligaw niya sa akin. Hindi na ako nakatanggi pa sa mga nagtatanong sa akin dahil sa balitang iyon pero gusto ko na lang umalis agad dahil nakakatanggap ako ng dalawang klaseng pagtrato sa mga estudyante.May iilan na naging mabait sa akin at may iilan rin sa kanila ay naging masama ang timpla sa akin sa loob lamang ng isang araw. Ito ang iniiwasan kong mangyari kaya mas nais kong lumayo kay Joaquin pero nalaman na ng lahat at kailangan ko na lang tanggapin ang bagay na iyon.Nang matapos ang klase, nakita kong hinihintay ako ni Joaquin sa labas ng kwarto at nang makita niya ako, agad siyang lumapit sa akin at kinuha ang aking bag.“Anong nangyayari?” tanong ko sa kanya pero hinawakan niya ang aking kamay at sabay na kaming naglakad papaalis sa eskwelahan.
“Nay, hindi po muna kita masasamahan sa pagtitinda ngayong tanghali dahil may kailangan akong gawin sa eskwelahan,” pagpapaalam ko kay Nanay ng matapos naming pagtulungan ayusin ang mga gulay na paninda namin.“Oh siya sige at papuntahin mo muna dito si Pamela at siya na muna ang tutulong sa akin,” sagot niya at agad na akong umalis. Hindi ko na nagawa pang magmano sa kanya dahil basa ang mga kamay nito dahil sa pagwiwisik ng tubig sa mga gulay.Alas singko pa lang ng umaga iyon kaya naman may ilang oras pa ako para makatulog. Naalimpungatan ako ng marinig ko si Nanay na sumisigaw kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto para tingnan kung ano ang nangyayari.“Nay! Bakit? Anong nangyari?” tanong ko sa kanya at nakita kong tuwang-tuwa sila ni Pamela at may hawak pang maraming pera. Naguluhan ako dahil sa nangyayari pero ang isa sa naisip ko ay nanalo siguro sa lotto si Nanay kaya ganito ka
Nagtagal pa kami ng ilang oras sa pagdidiriwang na iyon at patuloy na nakikipaghalo-bilo si May sa mga iba niya pang kaibigan at nobyo. Pero habang pinanonood ko si May at nasa tabi lang ng ilang mga lamesa, hindi umalis si Joaquin sa aking tabi. May ilang mga babae ang lumalapit sa kanya at inaalok siya para sa isang sayaw pero wala siyang pinaunlakan kahit isa doon. “Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?” tanong ko sa kanya matapos ko siyang tingnan ng ilang Segundo. Napangiti siya at lumabas ang biloy sa kanyang mukha at agad akong nakaramdam ng pagkatuwa pero hindi ko pinahalata iyon sa kanya. “Ibang-iba kasi sa mga babae sa bayan na ito, ayon sa kwento ng iilan sa akin,” sagot sa akin ni Joaquin na labis kong pinagtaka kaya kumunot ang aking noo at matalim ko siyang tinitigan. Tila hindi naman niya napansin ang pagbabago ng aking emosyon at masaya pa rin siya. “Ah, ang ibig mo bang sabihin ay nakausap mo na ang ilan sa mga babae sa bayan na ito at nagawa mo an rin alamin kung sino
Habang nasa kwarto ako at nagpapahinga, hinalungkat ko ang aking kabinet para maghanap ng damit na susuotin ngayong gabi. Wala akong bagong kasuotan dahil bibihira akong bumili ng damit. Kung maaari pa naman gamitin ang mga luma kong damit ay pinagtitiisan ko ang mga ito. Agad kong kinuha ang pulang dress na may puting bulaklak sa laylayan nito at pinagmasdang maigi para malaman kung maayos na ba ito. Agad akong naligo dahil ang usapan naming oras ni May ay alas otso. Ilang minuto na lang ang mayroon ako para makapag-ayos. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko sa lamesa sila Nanay at Tatay. Parang may pinag-uusapan silang importante kaya naman binati ko lang sila saka nagpaaalala sa kanila na ngayong gabi ang pyesta. "Mag-iingat kayo ni May!" sabi sa akin ni Nanay at agad naman akong tumango saka dumiretso na sa banyo. Minadali ko ang aking pag-aayos dahil ayokong magpahintay kay May. Pagkatapos kong maligo ay agad akong dumiretso sa kwarto para magbihis ng marinig ko na ang pagdating












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.