LOGINChapter 54Mark Jacobs’s POV“Si, Alena?”“Nasa kuwarto po niya, Boss.”Sagot ng mga tao sa mansiyon.Hindi na ako nagtanong pa.Nagmamadali akong tumungo sa kanyang silid.Habang naglalakad ako sa hallway, parang bawat hakbang ko ay lalong nagpapabigat sa dibdib ko.Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.Hindi pa ako natakot kailanman.Hindi noong nasa panganib ako.Hindi noong may mga taong gustong pumatay sa akin.Hindi noong nakikipaglaban ako sa mga taong mas marami at mas armado kaysa sa akin.Pero ngayon...Ngayon pa lang ako nakaramdam ng totoong takot.Dahil hindi na ang sarili ko ang iniisip ko.Si Alena.Pagkakita ko sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili ko.Niyakap ko siya.Mahigpit na mahigpit.Parang kailangan kong maramdaman na totoong nasa harapan ko siya.Na ligtas siya.Na hindi siya mawawala sa akin.“Boss, anong nangyayari sa iyo?”Hindi ako agad nakasagot.Pumikit ako habang mahigpit ko siyang yakap.Hindi ko alam kung papaano sasabihing dahil s
Chapter 53Mark Jacob’s POV“Let’s meet.”Nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa pinuno ng aming samahang The Punisher.Maikli.Direkta.Walang paliwanag.Pero sapat na iyon para malaman kong hindi ordinaryong pagkikita ang hinihingi niya.Matagal na rin mula noong huli kaming nagkita.At sa totoo lang, sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko.Siya ang nag-recruit sa akin noong 18 anyos pa lang ako.Bata pa ako noon.Wala akong sapat na kaalaman tungkol sa mundo.At higit sa lahat, wala akong pakialam kung tama o mali ang ginagawa ko.Ang alam ko lang noon, kailangan kong mabuhay.At ang The Punisher ang naging mundo ko.Ang aming organisasyon ay binubuo ng mga taong may iba't ibang pinanggalingan.Mataas ang estado sa buhay.May karaniwan.May mga taong nagbabanal-banalang parang walang bahid ng kasalanan ang kanilang mga kamay.Lahat.Basta kayang pumatay.Iyon ang simpleng rule.Hi
Chapter 52Alena’s POVPagbalik namin sa Sto. Alonzo, halos patang-pata pa rin ang katawan ko mula sa mga biyahe at iba't ibang hamon na napaharap sa amin ni Boss MJ.Ilang araw na rin kaming halos walang pahinga. Kung minsan, pakiramdam ko ay gumagalaw lamang ang katawan ko dahil kailangan.Sinabihan ako ni Boss MJ na magpahinga muna.Pero siya, nagpatuloy pa rin siya sa pagtatrabaho.Nakonsensiya naman ako.Hindi siya halos nagpapahinga sa pagpapayaman.Sa wari ko, parang gusto na niyang bilhin ang mundo.Hindi ba talaga magpapahinga ang lalaking ito?Parang hindi ko na kayang makita siyang nahihirapan kahit hindi naman siya nagrereklamo.Napakasipag niyang tao.May gusto ba siyang patunayan?O may addiction siya sa pagtatrabaho?Palihim ko siyang napagmamasdan.Nakikita ko ang malalalim niyang paghinga sa tuwing hindi na niya kinakaya ang mga problema.Minsan ay tahimik lamang siyang nakatitig sa mga dokumentong nasa harapan niya.Minsan naman ay matagal niyang hinahawakan ang sent
Chapter 51Mark Jacob’s POV“Mayday! Mayday!”Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses dahil sa ingay sa loob ng eroplano.Nagkakagulo ang lahat.May mga umiiyak.May mga nagdarasal.May mga pasaherong mahigpit na nakahawak sa kanilang mga kasama.At sa harapan, patuloy na kumikislap ang mga warning lights.Nakaabot naman kami sa Incheon pero dahil patay na ang mga orihinal na piloto at may problema na sa pakpak ng eroplano, kailangan kong magmadaling magdesisyon.Hindi puwedeng magkamali.Isang maling desisyon lang at mahigit apatnaraang buhay ang maaaring mawala.Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa mga instrumento sa harapan ko.Hindi ko sinasabing magaling akong piloto.Pero ang mga natutuhan ko ay sapat na para mabuhay ako.At mailigtas ang mga taong nakasakay sa eroplano.Lalo na ang mahal.Napalingon ako kay Alena.Nakahawak siya nang mahigpit sa upuan habang pilit na pinipigilan ang kanyang takot.Parang unang beses ko siyang nakitang natakot.Bakit nga naman hi
Chapter 50Alena’s POVNag-stay kami nang ilang araw sa isang hotel para sa conference ni Boss MJ. Isinama niya ako sa New York. Naging maayos naman ang lahat.Sa totoo lang, hindi ko inasahan na magiging ganoon kasimple ang biyahe namin. Conference lang ang pakay namin. Trabaho. Ilang meetings, ilang presentation, ilang gabi na halos puro documents at reports ang kaharap namin.Pero kahit ganoon, hindi ko maikakaila na masaya rin ako.Iba ang New York.Mabilis ang lahat. Maingay. Maraming tao. Maraming ilaw. At sa bawat sulok ay parang may bagong kuwento na naghihintay na mangyari.Hindi ko lang alam na ang kuwento namin ay magiging isang bangungot.Nang pauwi na kami, lulan ng eroplano, tahimik lamang akong nakaupo sa tabi ni Boss MJ. Pagod na rin ako. Ilang araw din kaming halos walang pahinga dahil sa conference.Akala ko, makakatulog ako nang mahimbing habang nasa biyahe.Pero ilang oras pa lamang ang lumipas nang biglang yumanig ang eroplano.Una ay bahagya lamang.Napatingin ak
Chapter 49Mark Jacob’s POVHindi ako makapaniwala na nagawa ni Alena ang technique na iyon.Sumampa siya sa ulo ng lalaki pagkatapos ay ginamitan niya ng siko para pabagsakin ito.Napatingin ako sa lalaking kanina lamang ay malakas na nakikipaglaban sa kanya. Sa isang iglap, bumagsak ito sa sahig.At si Alena?Para bang wala lang.Tumayo siya at inayos ang sarili niya na para bang wala siyang ginawang kakaiba.Kakaiba siya.Napakagaling at napakadaling matuto.Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Ilang beses ko lamang siyang tinuruan at ngayon, nagagawa na niyang gamitin ang mga itinuro ko sa kanya nang halos walang pag-aalinlangan.May natural siyang instinct.Mabilis siyang makaintindi.At higit sa lahat, hindi siya madaling matakot.Pero sa halip na matuwa lamang ako sa kanyang kakayahan, may kakaibang pangamba akong naramdaman.Hindi ko alam kung kailangan kong mas matakot.Kahit alam kong makakaya na niyang ipagtanggol ang sarili niya, nangangamba pa rin ako.







