LOGIN“Oo! Ilang buwan na akong nasa pilipinas pero wala man lang akong narinig galing saiyo. Nag-e-exist ka pa ba hoy?!”
After ng graduation namin, nagsimula na siyang mamuhay sa ibang bansa at doon naghanap ng trabaho. Noong una may kontak pa kami sa isa‘t-isa pero habang tumatagal, lumalayo rin kami nang lumalayo. At ngayon ko na lang muling narinig ang boses niya… Hindi niya alam… Wala siyang kaalam-alam sa sinapit ko ngayon at hindi ako sigurado kung gugustuhin ko bang ipaalam sakaniya. Kilala ko si Stacey, gagawin niya ang lahat maalis lang ako sa kamay ni Tomi. “Ano? May kausap pa ba ako?” narinig ko ang pagkainis sa boses ni Stacey. Napatikhim ako. “Oo naman…” pilit akong tumawa upang pagaanin ang usapan. “Nakakatampo ka na talaga sa totoo lang. Noong nakaraang linggo nagkaroon kami ng reunion, inaasahan kong lilitaw ka pero kahit anino mo wala kaming nakita!” Napakagat labi ako. Matagal ko ng pinutol ang kung anong koneksyon meron ako sa mga dati kong kaibigan, at kasama roon si Stacey, kahit pa… labag sa loob ko. “I’m sorry… buhay pamilya na eh. Hindi na ako dalaga na kayang magliwaliw kahit kaylan ko gusto…” pagdadahilan ko kahit hindi iyon ang totoo. Well, half of it are true. Kahit sinong babae, pagpumasok na sa buhay pamilya mawawalan na siguro talaga ng panahon magsaya. “Right,” pabuntong hininga niyang sabi, “Speaking of the devil, tarantadong Anthony iyon! Halos lumuhod na ako sa kaniya ibigay lang ang number mo!” “Anthony? Nagkausap kayo ni Tomi?” takang tanong ko. Malakas na napabuntong hininga si Stacey bago ako may narinig na ingay sa kabilang linya. Tila ba binagsak niya ang sarili sa kung saan. “Oo. Well, sikat naman iyang asawa mo sa business industry kaya hindi na ako nahirapang hanapin siya. Nahirapan lang akong makalapit.” Nagkausap pala sila ni Tomi pero hindi man lang pinaalam sa akin ni Tomi, ni hindi man lang niya sinubukang sabihin sa akin. Sobrang dami niyang pagkakataon upang sabihin sa akin. Alam niya namang kaibigan ko si Stacey. “Ah… oo nabanggit nga ni Tomi sa akin,” Hindi niya binabanggit. Hindi niya pinaalam. Nilihim niya sa akin ang pagbabalik ni Stacey at kahit anong isip ko hindi ko mawari kung anong dahilan niya. “So you choose to ignored me, huh? Buhay mo nga pala iyan. Nga pala, ngayong nakausap na kita, magkita naman tayo minsan?” Natigilan ako, hindi alam ang isasagot sa kaniya. Nakokonsensiya ako sa pagsisinungaling kay Stacey pero mas lalo akong nakokonsensiya gayong ang totoo ay hindi ko pa siya kayang harapin. “Titignan ko kung kaylan maluwag ang schedule ko,” simpleng sabi ko. “Sabihin mo na lang kaya na ayaw mo talagang magpakita? Hindi ko naman ikagagalit,” inis niyang sabi. “Hindi, ite-itetext kita kung kaylan ako libre.. Ibaba ko na ito. Masaya akong nakausap kita ulit, Stacey.” Mabilis kong pinatay ang tawag. Damang dama ko ang paghampas ng puso ko habang pinakatitigan ang numerong nasa harapan ko. Shit… Alam kong matindi na ang pagtatampo sa akin ni Stacey, sino ba namang hindi? Kung ang matalik mong kaibigan ay isang araw na lang biglang hindi nagparamdam. Walang paalam, walang pasabi o kung ano man. Kalmado si Stacey habang kausap ko kahit pa naririnig ko ang pagkainis sa boses niya. Nakakagulat iyon, siya kasi iyong tipo ng tao na sasabihin lahat ng gusto niya o ibubuhos lahat ng emosyon. Napabuntong hininga ako bago binura ang numerong iyon sa cellphone ko. “Who’s that?” Masyado nang lumalayo ang isipan ko, muntik ko ng makalimutan na kasama ko nga pala si Lazarro. Nilingon ko si Lazarro. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa kalsada. Mas lalong nadidipina ng liwanag na nanggagaling sa buwan ang kaniyang kagwapuhan. Matangos na ilong, mahabang piliktamata at namumulang labi. Napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya. Hindi naman siya iyong tipo ng tao na madaldal, sa tingin ko naman hindi niya ito ipapaalam kay Tomi. “My bestfriend…” “Bakit gulat ka?” Nanlaki ang mga mata ko. Nagtatagalog siya?! “Nagtatagalog ka?” gulat kong tanong. Pinahirapan niya pa akong mag-english! Hindi iyon maayos pakinggan, parang nagbubuhol ang dila niya, tila nga pinilit niya pa ang sarili na makapagsalita ng tagalog. Naiintindihan ko naman sadyang nakakatawa lang talaga siya. Narinig ko ang malalim niyang mahina niyang pagtawa dahilan upang mapatitig ako sa kaniya. Lumalabas ang malalim niyang dimple. Hindi ko maisip na ang taong katulad niya ay kayang tumawa ng ganiyan. Masyadong seryoso at matigas ang ekspresyon niya nang una ko siyang makita, kahit anong reaksyon ay hindi niya pinapakita. “I’m still learning,” baritong sabi niya habang mahinang tumatawa. “Congrats, nagawa mo ng tama kahit…” saglit kong pinilig ang ulo ko upang ipakita sa kaniya ang ibig kong sabihin. He shrugged his shoulder as if telling me “sisiw lang”. Yabang… “You still didn't answer my question,” he replied, instead. Now that I saw him chuckling and speaking in Tagalog, it seems like the heaviness in the air slowly faded. Parang unti-unting nabawasan ang kaba sa dibdib ko. The awkwardness that wrapped around me earlier started to melt away, replaced by a strange sense of ease. For a moment, he didn’t look as intimidating as before. He looked… human. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong gaan sa pakiramdam ko nang marinig ko siyang magsalita sa sariling kong wika— parang mas nakilala ko siya, kahit hindi pa man kami nagkakakilala nang lubusan. Maybe it was the warmth in his tone, or the small smile tugging at the corner of his lips. Whatever it was, it made the air between us softer—lighter. And for the first time since he arrived, I wasn’t scared. Just curious. “Oh, sorry. It's an old friend. We already lost contact at each other, kaya nagulat ako ngayon dahil nag-reach out siya.” Tumango siya. Hindi na kami ulit nag-usap. Ilang sandali rin ay nakarating na kami sa harapan ng bahay namin ni Tomi. Siguro’y tinawagan ni Tomi si Yaya Loling dahil nakatayo na ito sa harapan ng gate namin at hinihintay kami. Nakita ko pa siyang kumaway. “Doon lang, sa may babaeng nakatayo.“ pagturo ko kay Yaya Loling. Itinigil ni Lazarro ang sasakyan sa harapan ng bahay. Hindi ko na iyon pinapasok dahil aalis din naman kami sa oras na matapos na ako sa pakay ko rito. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse sa tabi ko nang si Lazarro ang nagbukas niyon at inilahad ang kaniyang palad sa harapan ko upang ako ay alalayan. Nagulat ako. Nakababa na pala siya ng kotse nang hindi ko namalayan. Nilingon ko si Yaya Loling, nakangiti siya pero bakas sa mukha niya ang pagtataka bago ko muling nilingon ang palad ni Lazarro sa harapan ko, naghihintay. Kahit kailan ay hindi sinubukang gawin ni Tomi sa akin ang mga simpleng bagay katulad nito kaya hindi ko alam kung ano ang magiging tugon ko. Lazarro tilted his head, as if asking me what's the problem. Sa huli ay hinawakan ko iyon. Nagtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko nang maramdaman ko ang init ng kaniyang balat. My hand looks so small beneath his. Too fragile for him. Inalalayan niya ako palabas ng kotse. Nauna akong naglakad sa kaniya upang lapitan si Yaya Loling na ngayon ay naghihintay sa amin. Bakas sa mukha niya ang pagtataka pero alam kong sinusubukan niyang itago iyon. “Kamusta kayo rito, Yaya Loling?” tanong ko. “Ayos lang ako rito,” sabi niya habang pasimpleng nililingon ang lalaking nasa likuran ko. Alam kong nasa likuran ko si Lazarro dahil masyadong aware ang katawan ko sa presensiya niya na kahit nakatalikod ako ay alam ko kung nasaan siya. “Si Lazarro po, Yaya Loling, half-brother ni Tomi.” Nalaglag ang panga niya sa narinig. Nakikita ko tuloy sa kaniya ang sarili ko kahapon. “Talaga bang kapatid ito ni Sir?” pagturo niya kay Lazarro kaya tumango ako, “Aba’y napakagwapong bata pala nito. At iyang mata niya, totoo ba iyan?” Doon ako natawa. Ganiyan na ganiyan din ang reaksyon ko nang unang beses kong makasalubong ang mata ni Lazarro. “Totoong-totoo po iyan.” nilingon ko si Lazarro, nagulat pa ako nang makitang titig na titig siya saakin habang nakakunot ang noo niya, nagtataka sa nangyayari, “Lazarro, she's Yaya Loling.” Gumalaw si Lazarro mula sa likod ko patungo sa harapan ni Yaya Loling. “Anak ka ng kalabaw!” Pareho kaming nagulatang ni Yaya Loling nang hinalikan ni Lazarro ang likod ng palad ni Yaya Loling. Nang lingunin ko si Yaya Loling, namumula ang kaniyang pisngi. “Nice meeting you, Madame,” Lazarro said full of formality. Napatikhim si Yaya Loling nang bitawan ni Lazarro ang palad niya at muling pumwesto sa likod ko. “Oh siya, pumasok na tayo sa loob at malamig dito sa labas.” Naunang tumalikod si Yaya Loling kaya sumunod na lang kami. Sinabihan kong hintayin muna ako ni Lazarro sa baba habang ako ay nag-iimpake sa taas. Inutusan ko rin si Yaya Loling na ipaghanda ng makakain si Lazarro. “Lilith.” Halos mapatalon ako sa gulat nang paglingon ko ay bumungad si Lazarro. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip. Napalunok ako nang dumapo sa mga braso niya ang paningin ko at pinagpyestahan ng mata ko ang mga bukol doon. Magtigil ka, Diamon! Lilith? Second name basis na ba kami ngayon? “You can wait downstairs, hindi ka na dapat pa umakyat dito,” sabi ko bago umiwas ng tingin at tumalikod sa kaniya upang ang mga gamit ko naman ang asikasuhin ko. Tapos ko na ang kay Tomi. Nagdala lang ako ng good for one week na mga damit and personal essentials namin ni Tomi in case na magtagal kami room. “I’m fine here.” My body shivers when I felt his breath piercing my shoulder. Nasa likod ko na naman siya. Sinarado ko na ang dalawang maleta. Akmang hihilahin ko na iyon palabas ng kwarto nang biglang agawin sa akin ni Lazarro ang dalawang maletang hawak ko. Magrereklamo sana ako pero nauna na siyang tumalikod sa akin. Napabuntong hininga na lang ako bago sumunod kay Lazarro. Nakita ko siyang lumabas, ilalagay ang mga gamit sa sasakyan. “Mag-iingat ka kung saan man kayo pupunta.” Nalipat ang atensyon ko kay Yaya Loling nang magsalita siya. Nasa tabi ko na pala siya habang nakatingin din sa pintong nilabasan ni Lazarro. “Sumama na lang kaya kayo sa amin?” Natawa si Yaya Loling sa sinabi ko kahit wala namang nakakatawa. “Gaano lang mawawala ako sa paningin mo ng ilang araw, ija. Ang payo ko lang sa iyo, tawagan mo ako pag-inaalipusta ka na naman nila. Maliwanag ba?” Muli akong bumuntong hininga. “Mag-iingat ka rin dito, Yaya. Kayo na munang bahala sa bahay.” “Mag-enjoy ka roon.” Nagpaalam na ako kay Yaya Loling na susundan si Lazarro. Hinatis niya pa ako hanggang sa gate. Hindi raw siya aalis hanggat hindi niya kami makitang nakaalis na. Natanaw ko si Lazarro mula sa hamba ng sasakyan, nakatingin siya sa kung saan habang nakasandal doon. Ang mga kamay ay nasa bulsa. Para siyang modelo na nagpopose sa harapan ng camera, ang effortless niya maging model. Bakit kaya hindi na lang siya mag model ano? Malaki ang palagay ko na maraming babae ang kababaliwan siya. Napanguso ako. Napansin ata ni Lazarro ang paglapit ko kaya lumingon siya dahilan upang makasalubong ko ang mata niya. Bawat hakbang ko ay sinasabayan ng pagtibok ng puso ko. Naalarma tuloy ako kung anong itsura mayroon ako ngayon. “T-tara na, naghihintay na ang asawa ko,” sabi ko, hindi makatingin ng deretso sa kaniya. Nag-aalala ako na baka naririnig niya ang tambol ng puso ko… Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Tila ba may hindi siya nagustuhan sa sinabi ko. Tinalikuran niya ako at pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Tumalima naman ako kaagad. “Let’s go to your beloved husband.” He coldly said before closing the door. Leaving me breathless and ruined inside.“Oo! Ilang buwan na akong nasa pilipinas pero wala man lang akong narinig galing saiyo. Nag-e-exist ka pa ba hoy?!”After ng graduation namin, nagsimula na siyang mamuhay sa ibang bansa at doon naghanap ng trabaho. Noong una may kontak pa kami sa isa‘t-isa pero habang tumatagal, lumalayo rin kami nang lumalayo. At ngayon ko na lang muling narinig ang boses niya… Hindi niya alam… Wala siyang kaalam-alam sa sinapit ko ngayon at hindi ako sigurado kung gugustuhin ko bang ipaalam sakaniya. Kilala ko si Stacey, gagawin niya ang lahat maalis lang ako sa kamay ni Tomi. “Ano? May kausap pa ba ako?” narinig ko ang pagkainis sa boses ni Stacey. Napatikhim ako. “Oo naman…” pilit akong tumawa upang pagaanin ang usapan. “Nakakatampo ka na talaga sa totoo lang. Noong nakaraang linggo nagkaroon kami ng reunion, inaasahan kong lilitaw ka pero kahit anino mo wala kaming nakita!” Napakagat labi ako. Matagal ko ng pinutol ang kung anong koneksyon meron ako sa mga dati kong kaibigan, at kasama ro
Bumukas ang pinto makalipas ng ilang oras na paghihintay kay Tomi. Hindi ko mapigilang dungawin pa ang likuran ni Tomi kung may kasunod ba siya at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng kung ano nang makitang si Tomi lang ang bumalik. Mahina akong napailing upang iwaglit ang kung anong naglalaro sa isipan ko ngayon.“Umuwi ka at mag-impake. Isasama kita.” Liningon ko si Tomi, kumukuha ito ng damit niya sa kaniyang drawer at halatang naghahanda para sa kaniyang pagligo. “Bakit? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko dahilan upang lingunin niya ako. “Nagplanong sila Mommy na magbakasyon ng tatlong araw habang naririto pa si Kuya at gusto niyang isama kita,” sabi niya sa akin. Hindi ako naniniwala roon. Ang kaniyang ina ay kaugali niya rin, iyon ang totoo—ipapakita nilang gusto ka nila sa harapan ng ibang tao pero ganoon na lang ang pang-aabuso at pagtataboy sa iyo tuwing walang nakakakita. Ramdam ko ang pagtutol ng malaking bahagi ng utak ko. Wala
Matapos kong saluhin ang lahat ng galit ni Tomi, iniwanan niya lang ako rito sa kwarto niya. Simula kagabi ay hindi pa siya bumabalik. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock iyon mula sa labas. Pabagsak kong hiniga ang katawan sa kama. Ilang beses ko ng sinubukang buksan iyon, pero wala pa rin. Hindi rin naman ako makatulog ng maayos kagabi sa isiping wala sa tabi ko si Tomi. Awtomatikong pumikit ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Kahit hindi ko nakikita si Tomi, gising na gising ang diwa ko sa lahat ng kilos niya. Nagtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko nang maramdamang lumubog ang kama sa tabi ko. “I’m sorry, Love...” Dumagungdong ang puso ko. Malambing ang boses niya tila nagsusumamo. Parang may kung anong humaplos sa puso ko subalit may pumipiga rin. “I know you're awake," I felt his kisses on my timple. “I would never do that again...” You always said that, but there's no changes at all. Always the toxic cycle. Tuluyan na ngang
Sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi na halata ang mga pasa sa balat ko dahil matagumpay ko iyong natakpan gamit ang kolorete. Mga pasang nakaukit sa balat ko. Suot-suot ko na rin ang binili ni Tomi para sa akin. Kung tutuusin, hindi ko makilala ang sarili ko. Sa loob ng tatlong taon, ngayon na lang ulit ako nagsuot ng ganito. Sa tuwing lalabas kami ni Tomi ang palagi kong suot ay turtle neck o long sleeve dress or polo shirt then pants. Pumintig ng malakas ang puso ko nang maramdaman ang brasong pumulupot sa bewang ko—si Tomi.“You look gorgeous, Love,” sabi niya bago hinalikan gilid ng pisngi ko. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa ginagawa niya. Wala ng mababakasang galit sa kaniya, tila ba walang nangyari sa amin kanina. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero naghintay ako na dudugtungan niya pa ang sinabi niya—na hihingi siya ng tawad. Subalit wala. “T-Thank you…”, utal kong sabi. Mabilis lang kaming nag-asikaso. Sa byahe ay pansin na pansin ko ang saya sa mukha ni T
Sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi na halata ang mga pasa sa balat ko dahil matagumpay ko iyong natakpan gamit ang kolorete. Mga pasang nakaukit sa balat ko. Suot-suot ko na rin ang binili ni Tomi para sa akin. Kung tutuusin, hindi ko makilala ang sarili ko. Sa loob ng tatlong taon, ngayon na lang ulit ako nagsuot ng ganito. Sa tuwing lalabas kami ni Tomi ang palagi kong suot ay turtle neck o long sleeve dress or polo shirt then pants. Pumintig ng malakas ang puso ko nang maramdaman ang brasong pumulupot sa bewang ko—si Tomi.“You look gorgeous, Love,” sabi niya bago hinalikan gilid ng pisngi ko. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa ginagawa niya. Wala ng mababakasang galit sa kaniya, tila ba walang nangyari sa amin kanina. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero naghintay ako na dudugtungan niya pa ang sinabi niya—na hihingi siya ng tawad. Subalit wala. “T-Thank you…”, utal kong sabi. Mabilis lang kaming nag-asikaso. Sa byahe ay pansin na pansin ko ang saya sa mukha ni T
Negative. Dismaya at sakit ang bumalot sa puso ko habang tinitignan ang pregnancy test sa harapan ko. Sa loob ng tatlong taong kasal, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami binibiyayaan ng anak. Bagsak ang balikat, lumabas ako ng banyo. Sinalubong ko ang blankong mukha ng asawa ko—si Tomi. Napayuko ako. “Negative…”Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya kaya dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Kahit naduduwag ay sinubukan kong salubungin ang kaniyang paningin. Binalot ng kahihiyan at pagsisisi ang puso ko. “As expected,” sabi niya bago tumalikod sa akin upang maghanda sa kaniyang pagpasok. As expectedAs expected As expected Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha. Walang kahit na anong ingay akong pinakawalan habang pinapanood ko si Tomi na naghahanda para sa pag-alis niya. Akmang aalis na sana siya nang hinigit ko ang braso niya upang pigilan. Kitang-kita ko ang pagguhit ng inis sa mga mata niya nang lingunin ako dahilan upang muling







