LOGINBumukas ang pinto makalipas ng ilang oras na paghihintay kay Tomi. Hindi ko mapigilang dungawin pa ang likuran ni Tomi kung may kasunod ba siya at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng kung ano nang makitang si Tomi lang ang bumalik.
Mahina akong napailing upang iwaglit ang kung anong naglalaro sa isipan ko ngayon. “Umuwi ka at mag-impake. Isasama kita.” Liningon ko si Tomi, kumukuha ito ng damit niya sa kaniyang drawer at halatang naghahanda para sa kaniyang pagligo. “Bakit? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko dahilan upang lingunin niya ako. “Nagplanong sila Mommy na magbakasyon ng tatlong araw habang naririto pa si Kuya at gusto niyang isama kita,” sabi niya sa akin. Hindi ako naniniwala roon. Ang kaniyang ina ay kaugali niya rin, iyon ang totoo—ipapakita nilang gusto ka nila sa harapan ng ibang tao pero ganoon na lang ang pang-aabuso at pagtataboy sa iyo tuwing walang nakakakita. Ramdam ko ang pagtutol ng malaking bahagi ng utak ko. Wala akong nakikitang dahilan upang mapasama pa sa family vacation nila, hindi sa ayaw ko, kundi dahil sa kagustuhan ko ng katahimaikan at kalayaan. Kalayaang matagal ko nang hindi nararamdaman… Subalit walang nagawa ang malaking bahaging iyon nang tuluyang lamunin ng maliit na bahagi ang disesyon ko. “Sige,” tangong sabi ko. Kita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Tomi. “You will use my car,” sabi niya bago naunang lumabas ng kwarto at iniwanan ako. Mabilis lang din akong sumunod sa kaniya. Nakita ko siyang lumiko patungo sa direksyon ng kanilang garahe kung saan naka-park ang higit sampong kotse. “Where are you going?” Awtomatikong napatalon ang puso ko nang biglang may sumulpot sa likod ko—si Lazarro. Nilingon ko ang dereksyon ng asawa ko pero hindi ko na siya nakita. Huminto ako at hinarap si Lazarro, kung hindi ko gagawin para ko na ring binastos ang asawa ko. “Uuwi, inutusan akong mag-impake ni Tomi. Aalis daw kasi,” simpleng saad ko sa kaniya. Mabilis na gumuhit ang pagtataka sa mga inis niya subalit mabilis ding nawala, tila hindi nga iyon nangyari. Ganiyan ba siya kagaling magtago ng emosyon? Tila ba… ginawa na siya para sa ganoong sitwasyon. Dahan-dahan siyang tumango.. bago napangisi. Maliit lang iyon pero para siyang may gagawing hindi maganda. “Mind if I come?” Tumambol ng malakas ang puso ko. Sinubukan kong humanap ng maisasagot sa tanong niya pero wala akong nahanap. Kahit tango o ano man ay hindi ko nagawa. Tila ba ang mga tanong na iyon lang ang tumatakbo sa utak ko. Hindi ko alam, pero sa isiping sasama siya sa akin pauwi sa bahay namin ni Tomi ng kaming dalawa lang… para bang may kung anong nabubuhay sa loob ko. Palihim akong nanginig nang maramdaman ang kakaibang init at kiliti sa katawan ko na akala mo may nakapatong na wounded wire sa balat ko. Akmang sasagot na sana ako nang maramdaman ko ang prisensiya ng kung sino sa likod ko. Malakas ang prisesya ng asawa ko at masyadong aware ang katawan ko sa kaniya. “Kuya?” nahihiwagaan ko ang pagtataka sa boses niya. “You’ll let her leave on her own in the middle of the night just to pack your things?” My body froze. Ah! Kung hindi ito titigil ngayon paniguradong ako na naman ang masama sa mata ni Tomi. I heard Tomi’s awkward chuckle, “Uh, I would come with her if I don't have important things to do before we leave…” Muling tumango si Lazarro, “I don't have anything to do before we leave so I can say that I am allowed to go with her?” My heart beats rapidly. “Huh? Kaya niya namang bumyahe and besides dapat mag pahinga k—” “No.” Napakamot sa batok si Tomi bago dahan-dahang tumango. Tila walang magawa sa kagustuhan ng kaniyang Kuya. Sinisigurado pa sana ni Tomi kung totoo ba ang tinuturan ni Lazarro subalit nauna na itong naglakad sa qmin patungong parking lot. Sumunod naman kaagad si Tomi kaya ganoon din ako. Hinagis ni Tomi ang susi kay Lazarro at sinalo naman ito ng huli nang walang kahirap-hirap. Hindi ko alam pero hindi mapalagay ang puso ko sa isiping si Lazarro ang kasama ko sa loob ng sasakyan… I silently pray for my survival. “Show me the way.” I slightly flinched from my seat when he talks after a moment of silent. Kanina pa kami naka-alis sa bahay at kahit isa sa amin ay walang nagsalita. I gulped before nodding. “Yeah…” “How can you show the way when you're there in the back trying to distance yourself at me?” He asked. His voice is low and calm yet I can still feel how my heart pumps inside me. “I.. I am not distancing myself.” I said firmly. “Hmm, you sure?” I almost lost my mind when I met his two-colored eyes on the rare-view mirror. He must’nt keep his eyes out of the road! He might get us both in danger. But, I can't look away, not that I couldn't but the deepest part of me don't want to. This little shit inside me wants to admire the beauty of his eyes. “You’ll see the road better from here.” He said calmly and steady, almost casual. I don't know what to do, hindi ko naman gustong mapalapit sa kaniya pero ayaw ko namang ipahalata na ayaw kong lumapit sa kaniya. Naramdaman ko ang panlalamig ng talampakan ko sapagkat hindi ko alam ang gagawin ko—kung susundin ko ba siya o susundin ko anh gusto ng utak ko. Akala ko, taliwas nga ang sinisigaw ng utak ko sa kung ano kagustuhan ni Lazarro subalit halos gusto ko nang i-untog ang ulo ko sa dashboard nang kusang gumalaw ang katawan ko at gumapang patungong passenger seat. When I am finally seating on the passenger seat, I flared my nose because his scent penetrates my nostril. He smells good. Black coffee bitterness tangled with worn leather, sharpened by a single jasmine petal. It’s the scent of a man whose like him, mysterious, intense, and impossible to ignore. It lingers, making you wonder what he’s really thinking… and if you should stay or run. May isang tagumpay na ngisi ang naglalaro sa mga labi ni Lazarro. Mahina kong kinurot ang sarili. Masyado na akong palapit nang palapit sa apoy na una pa lang dapat ko nang iniwasan…. Tumikhim ako bago umayos ng upo. “Better?” Lazarro asked. Dahan-dahan akong ngumiti bago mabilis na tumingin sa labas ng kotse. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Para akong malalagutan ng hininga ngayon. Pinagpasalamat ko na rin na hindi na kami nagkaroon ng mahabang paguusap. Paminsan-minsan ay nagtatanong siya ng dereksyon at sinasagot ko naman pero hanggang doon na lang iyon. Subalit ang puso ko ay hindi pa rin kumakalma kahit pa ilang sandali na ang nakalipas. Biglang nag-ingay ang cellphone ko sa bulsa ng aking pajama. Nadala ko pala ito. Napakunot ang noo ko nang makitang hindi naka-registered sa cellphone ko ang number. Pinakatitigan ko iyon, hindi alam ang gagawin kung sasagutin ba o hahayaan na lang. Sumasabay ang tunog ng cellphone ko sa dagungdong ng puso ko. Ang nag-iisang number na naka-registered sa cellphone ko ay ang number ni Tomi. Kaya kung may tatawag sa cellphone ko, awtomatikong iisipin kong si Tomi pero ngayon… malakas ang pakiramdam ko na hindi ito si Tomi. Kahit nag-aalinlangan, sa huli ay napagdisesyunan ko pa ring sagutin ang tawag. “Babaita!” Muntikan ko nang mahulog ang cellphone ko nang marinig ko ang boses ng nasa kabilanh linya. Kilala ko ito, kilalang-kilala. Paano ko makakalimutan gayong siya ang pinakamatalik kong kaibigan..? “Stacey…?” I called out. Bakas sa mukha ko ang gulat at pagkalito. Ilang taon na ba noong huli ko siyang nakita? Apat? Lima? Matapos ang graduation namin ay pinili niyang ipagpatuloy ang buhay niya sa ibang bansa. Hanggang sa… unti-unti nang naglalayo ang mga buhay namin hanggang sa nawalan na kami ng koneksyon sa isa‘t-isa. Sa aming dalawa, siya ang nagtatanggol sa akin palagi. Palagi siyang nasa likod ko sa tuwing kailangan ko siya. At hindi ko maatim na malaman niya kung anong buhay mayroon ako ngayon dahil alam kong gagawin niya ang lahat ng makakaya niya maalis niya lang ako sa mga kamay ni Tomi. She's back… My best friend is back.“Oo! Ilang buwan na akong nasa pilipinas pero wala man lang akong narinig galing saiyo. Nag-e-exist ka pa ba hoy?!”After ng graduation namin, nagsimula na siyang mamuhay sa ibang bansa at doon naghanap ng trabaho. Noong una may kontak pa kami sa isa‘t-isa pero habang tumatagal, lumalayo rin kami nang lumalayo. At ngayon ko na lang muling narinig ang boses niya… Hindi niya alam… Wala siyang kaalam-alam sa sinapit ko ngayon at hindi ako sigurado kung gugustuhin ko bang ipaalam sakaniya. Kilala ko si Stacey, gagawin niya ang lahat maalis lang ako sa kamay ni Tomi. “Ano? May kausap pa ba ako?” narinig ko ang pagkainis sa boses ni Stacey. Napatikhim ako. “Oo naman…” pilit akong tumawa upang pagaanin ang usapan. “Nakakatampo ka na talaga sa totoo lang. Noong nakaraang linggo nagkaroon kami ng reunion, inaasahan kong lilitaw ka pero kahit anino mo wala kaming nakita!” Napakagat labi ako. Matagal ko ng pinutol ang kung anong koneksyon meron ako sa mga dati kong kaibigan, at kasama ro
Bumukas ang pinto makalipas ng ilang oras na paghihintay kay Tomi. Hindi ko mapigilang dungawin pa ang likuran ni Tomi kung may kasunod ba siya at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng kung ano nang makitang si Tomi lang ang bumalik. Mahina akong napailing upang iwaglit ang kung anong naglalaro sa isipan ko ngayon.“Umuwi ka at mag-impake. Isasama kita.” Liningon ko si Tomi, kumukuha ito ng damit niya sa kaniyang drawer at halatang naghahanda para sa kaniyang pagligo. “Bakit? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko dahilan upang lingunin niya ako. “Nagplanong sila Mommy na magbakasyon ng tatlong araw habang naririto pa si Kuya at gusto niyang isama kita,” sabi niya sa akin. Hindi ako naniniwala roon. Ang kaniyang ina ay kaugali niya rin, iyon ang totoo—ipapakita nilang gusto ka nila sa harapan ng ibang tao pero ganoon na lang ang pang-aabuso at pagtataboy sa iyo tuwing walang nakakakita. Ramdam ko ang pagtutol ng malaking bahagi ng utak ko. Wala
Matapos kong saluhin ang lahat ng galit ni Tomi, iniwanan niya lang ako rito sa kwarto niya. Simula kagabi ay hindi pa siya bumabalik. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock iyon mula sa labas. Pabagsak kong hiniga ang katawan sa kama. Ilang beses ko ng sinubukang buksan iyon, pero wala pa rin. Hindi rin naman ako makatulog ng maayos kagabi sa isiping wala sa tabi ko si Tomi. Awtomatikong pumikit ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Kahit hindi ko nakikita si Tomi, gising na gising ang diwa ko sa lahat ng kilos niya. Nagtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko nang maramdamang lumubog ang kama sa tabi ko. “I’m sorry, Love...” Dumagungdong ang puso ko. Malambing ang boses niya tila nagsusumamo. Parang may kung anong humaplos sa puso ko subalit may pumipiga rin. “I know you're awake," I felt his kisses on my timple. “I would never do that again...” You always said that, but there's no changes at all. Always the toxic cycle. Tuluyan na ngang
Sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi na halata ang mga pasa sa balat ko dahil matagumpay ko iyong natakpan gamit ang kolorete. Mga pasang nakaukit sa balat ko. Suot-suot ko na rin ang binili ni Tomi para sa akin. Kung tutuusin, hindi ko makilala ang sarili ko. Sa loob ng tatlong taon, ngayon na lang ulit ako nagsuot ng ganito. Sa tuwing lalabas kami ni Tomi ang palagi kong suot ay turtle neck o long sleeve dress or polo shirt then pants. Pumintig ng malakas ang puso ko nang maramdaman ang brasong pumulupot sa bewang ko—si Tomi.“You look gorgeous, Love,” sabi niya bago hinalikan gilid ng pisngi ko. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa ginagawa niya. Wala ng mababakasang galit sa kaniya, tila ba walang nangyari sa amin kanina. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero naghintay ako na dudugtungan niya pa ang sinabi niya—na hihingi siya ng tawad. Subalit wala. “T-Thank you…”, utal kong sabi. Mabilis lang kaming nag-asikaso. Sa byahe ay pansin na pansin ko ang saya sa mukha ni T
Sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi na halata ang mga pasa sa balat ko dahil matagumpay ko iyong natakpan gamit ang kolorete. Mga pasang nakaukit sa balat ko. Suot-suot ko na rin ang binili ni Tomi para sa akin. Kung tutuusin, hindi ko makilala ang sarili ko. Sa loob ng tatlong taon, ngayon na lang ulit ako nagsuot ng ganito. Sa tuwing lalabas kami ni Tomi ang palagi kong suot ay turtle neck o long sleeve dress or polo shirt then pants. Pumintig ng malakas ang puso ko nang maramdaman ang brasong pumulupot sa bewang ko—si Tomi.“You look gorgeous, Love,” sabi niya bago hinalikan gilid ng pisngi ko. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa ginagawa niya. Wala ng mababakasang galit sa kaniya, tila ba walang nangyari sa amin kanina. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero naghintay ako na dudugtungan niya pa ang sinabi niya—na hihingi siya ng tawad. Subalit wala. “T-Thank you…”, utal kong sabi. Mabilis lang kaming nag-asikaso. Sa byahe ay pansin na pansin ko ang saya sa mukha ni T
Negative. Dismaya at sakit ang bumalot sa puso ko habang tinitignan ang pregnancy test sa harapan ko. Sa loob ng tatlong taong kasal, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami binibiyayaan ng anak. Bagsak ang balikat, lumabas ako ng banyo. Sinalubong ko ang blankong mukha ng asawa ko—si Tomi. Napayuko ako. “Negative…”Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya kaya dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Kahit naduduwag ay sinubukan kong salubungin ang kaniyang paningin. Binalot ng kahihiyan at pagsisisi ang puso ko. “As expected,” sabi niya bago tumalikod sa akin upang maghanda sa kaniyang pagpasok. As expectedAs expected As expected Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha. Walang kahit na anong ingay akong pinakawalan habang pinapanood ko si Tomi na naghahanda para sa pag-alis niya. Akmang aalis na sana siya nang hinigit ko ang braso niya upang pigilan. Kitang-kita ko ang pagguhit ng inis sa mga mata niya nang lingunin ako dahilan upang muling






