Share

Chapter 65

Author: kkyrieehale
last update publish date: 2026-07-23 23:21:59

Kairo’s POV

"Aray, Ate! Dahan-dahan naman!" bulyaw ko habang napapangiwi sa hapdi.

Nasa may garden kami. Kasalukuyang dini-dampian ni Ate Faith ng bulak na may alkohol ang pumutok kong kanang kamao, habang ang kabilang kamay niya ay nakapamewang. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako nakaburol.

"Aray? Akala mo ba maaawa ako sa 'yo, Kairo?" angil ni Ate Faith, sabay diin pa lalo ng bulak. Napamura ako nang mahina sa loob ko. "Ano na naman 'tong nalaman ko kay Zaitan?! Pumasok kayo sa l
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Romelyn Lautrizo
wow yan, ang tunay, na pamilya, hindi nag iiwanan, pero wag puro muscle kairo ha baka mapahamak ka nian...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 70

    Kairo’s POV"Hindi, Justine! Pang-limang beses ko na ’tong ipinapaliwanag sa ’yo, bakit naging addition ’yang sign mo rito sa flexural stress formula?! Galing ito sa equation ng bending moment, kaya dapat mathematical dynamic ang structural computation natin dito!"Napasapo na lang si Roxie sa kaniyang noo, ang kaniyang buhok ay magulong nakapusod na at may dalawang ballpen pang nakasuksok doon bilang hawakan.Alas-dos na ng madaling araw. Kasalukuyan kaming nakasaksak sa malawak na sahig ng sala ng condo ko na binili ni Kuya Zaitan last week para sakin para daw maging tambayan naming magkaakibigan o kung may mahalagang kailangang gawin. . Puno ang center table ng mga nakabukas na laptop, nagtatalagang blueprints, mga calculator at ang apat na walang lamang baso ng matapang na kape. Huling gabi na bago ang d-day ng defense bukas ng umaga, at heto kami ngayon—ginagawang punching bag ng academics ang utak ni Justine."Eh malay ko ba kasi kung bakit urong-sulong ’yang si stress!" reklamo

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 68

    Kairo’s POVMatapos ang maingay at masayang kantiyawan sa tambayan, napilitan na kaming magligpit ng mga pinagkainan dahil narinig na namin ang unang tunog ng bell. Oras na para sa huling lecture subject namin ngayong semestre.Habang naglalakad kami sa hallway patungo sa aming classroom, magkahawak-kamay kami ni Roxie. Sa likod namin, magkasabay naman sina David at Chloe. Kahit walang hawakan ng kamay, kitang-kita ang kakaibang lapit ng kanilang mga agwat sa paglakad, at ang panaka-nakang nakakakilig na sulyap ni David sa kaniya. Si Justine? Ayun, nasa unahan namin, ginagawang drumsticks ang dalawang ballpen habang nagpapakawala ng sarili niyang background music.Pagpasok namin sa room, tahimik na ang mga kaklase namin. Lahat sila ay nakaupo nang tuwid at may bitbit na matinding tensyon. Ang dahilan? Nakatayo na sa harap ng whiteboard ang aming adviser at head ng department—si Sir Cristian Kilala siya sa pagiging walang kurap kung magbagsak ng estudyante kapag hindi pumasa sa kaniyan

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 67

    Kairo’s POV"Ah, Kai... diba kailangan nating kuhanin 'yung... ano, 'yung checklist para sa machine design lab doon sa kabilang building?" biglang salita ni Roxie habang nginunguya ang huling piraso ng kaniyang fries.Agad akong nakuha sa signal ng girlfriend ko. "Ah, oo. Tama. Muntik ko nang malimutan. Justine, sumama ka sa amin. Kailangan natin ng magbubuhat ng mga reference books.""Hala, bakit ako—" Bago pa makahirit si Justine, mabilis kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa. Napangiwi siya at agad na tumango nang mabilis. "Ah! Oo nga pala! 'Yung mabibigat na libro! Tara, kailangan ako roon!"Tumingin si Chloe sa amin, medyo nagtataka. "Gusto niyo samahan namin kayo?""Naku, huwag na, Chloe! Dito na lang kayo ni David para bantayan 'tong mga natirang pagkain, baka langgamin," mabilis na sagot ni Roxie habang hinihila na ako at si Justine patayo.Bago kami tuluyang lumabas ng pinto, binigyan ko si David ng isang makahulugang tingin—isang senyas na 'ito na ang pagkakataon mo, hu

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 66

    Kairo’s POVTahimik sa loob ng tambayan namin malapit sa engineering building. Kaming tatlo lang nina David at Justine ang nandito dahil nagpasyang bumili ng meryenda sa cafeteria sina Roxie at Chloe. Ilang araw na rin ang nakalipas mula nung insidente sa Abacan, at kahit paano ay bumalik na sa normal ang takbo ng buhay namin bilang mga estudyante.Nakaupo ako sa sofa habang nag-i-scroll sa phone ko, samantalang si Justine ay nakadapa sa sahig, seryosong naglalaro ng Mobile Legends. Si David naman... kanina pa palakad-lakad sa harap namin, pabalik-balik, at parang may malaking problemang gustong solusyonan.Binaba ko ang phone ko at tiningnan siya. "Hihilahin ka na pababa ng lupa, David. Ano bang problema mo? Kinakabahan ka ba sa panelist natin sa thesis?"Tumigil si David sa paglalakad at humarap sa akin, bakas ang matinding kaba sa mukha. Inayos niya ang kaniyang salamin. "H-Hindi, Kai... Tungkol 'to kay Chloe."Napatigil din si Justine sa paglalaro at nag-angat ng tingin. "Oh? Anon

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 65

    Kairo’s POV"Aray, Ate! Dahan-dahan naman!" bulyaw ko habang napapangiwi sa hapdi.Nasa may garden kami. Kasalukuyang dini-dampian ni Ate Faith ng bulak na may alkohol ang pumutok kong kanang kamao, habang ang kabilang kamay niya ay nakapamewang. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako nakaburol."Aray? Akala mo ba maaawa ako sa 'yo, Kairo?" angil ni Ate Faith, sabay diin pa lalo ng bulak. Napamura ako nang mahina sa loob ko. "Ano na naman 'tong nalaman ko kay Zaitan?! Pumasok kayo sa lungga ng gang sa Abacan nang walang back-up na pulis?! Nagpaka-hero ka na naman?!""Ate, emergency nga kasi. Si Chloe ang nakataya roon," depensa ko, pilit na binabawi ang kamay ko pero mas lalo niyang hinawakan nang mahigpit."Kahit na! Pano kung may baril ang mga 'yun? Pano kung hindi nakapasok si Roxie gamit ang sasakyan? Kairo naman, may utak ka pero bakit kapag si Roxie o ang mga kaibigan mo na ang nasasangkot, nagiging purong muscle na lang 'yang nasa ulo mo?!"Nakatahimik lang ako habang

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 64

    Roxie’s POV"David, Justine, dito lang kayo! Lalapitan ko si Kairo!" sigaw ko sabay piga sa handbrake.Bago pa man sila makapigil, mabilis akong bumaba ng kotse at sumunod kay Kairo sa loob ng nawasak na opisina. Si Chloe ay nakatali pa rin sa lumang silya, puno ng luha, at may busal ang bibig. Sa likod niya, nakatayo si Jace. Puno ng pasa at dugo ang mukha nito mula sa rambulan, at ang kaniyang mga mata ay nanlilisik sa galit at desperasyon. Ang mas malala—may hawak siyang mahabang patalim na nakatapat nang direkta sa leeg ni Chloe."Isang hakbang pa, Bro! Isang hakbang pa, papatayin ko 'to!" sigaw ni Jace, nanginginig ang kaniyang kamay habang mas ibinabaon ang patalim sa balat ni Chloe."J-Jace... pakiusap..." daing ni Chloe sa likod ng busal, ang kaniyang buong katawan ay nanginginig sa takot.Itinaas ni Kairo ang kaniyang dalawang kamay, dahan-dahang humakbang pabalik upang pakalmahin ang sitwasyon. Pero ang kaniyang mga mata ay nakapako kay Jace—malamig, mapanganib, at nag-aaba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status