LOGINKairo’s POVThree years. Three years na puno ng puyat, Instant Cantoncito sa madaling-araw, kape na halos maging dugo na namin, at paulit-ulit na tanong na "Makakapag-graduate pa ba tayo?"Pero ngayong nakatayo ako sa gitna ng gymnasium habang suot 'tong itim na toga, feeling ko isang mabilis na kurap lang ang nakalipas mula nung nanginginig pa ang mga tuhod namin sa labas ng Conference Room A habang hinihintay ang hatol sa thesis namin."Pre, patingin nga. Pantay ba 'tong hood ko sa balikat? Parang tabingi, e," tanong ni Justine habang kinakalkal ang kaniyang suot. "Pantay lang, Justine. Tumigil ka nga sa paggalaw, baka masira mo pa 'yan bago pa tayo makatungtong sa stage," iritang pabulong na saway ni Chloe, habang inaayos ang kaniyang cap sa tapat ng salamin ng phone niya."Tss, kinakabahan lang 'yan kasi nandito 'yung buong angkan niya. Nakita ko kanina ang daming streamer ng 'Congratulations Justine Coriño!' kahit 'di pa naman tayo nagbo-board exam," pabalang na asar ni David sa
Kairo’s POVNaging tahimik ang buong hallway, habang kaming grupo ay pare-parehong nakasuot para sa defense. Kami nina Roxie, Justine, David, at Chloe ay nakapila sa labas ng Conference Room A. Nakasuot kaming lahat ng disenteng pormal na attire—ako at si David ay naka-tie, sina Roxie at Chloe ay naka-blazer, at si Justine... well, si Justine ay pilit na pilit na isinisiksik ang kaniyang sarili sa isang lumang vest."Pucha, ang sikip ng collar ko, hindi ako makahinga!" reklamo ni Justine habang pabalik-balik ang lakad, hila-hila ang kaniyang necktie na tila sasakal sa kaniya. "Guys, paano kung biglang mag-collapse ang baga ko sa loob? Kasalanan ba 'yun ng thesis natin? O baka naman isipin nila na structural failure ako kaya ako nahihimatay?""Justine, tumigil ka nga!" saway ni Roxie, sabay ayos ng kaniyang buhok. "Relax lang. Hindi tayo mamamatay. 'Yung mga panelist lang ang papatay sa atin, hindi ang necktie mo. Focus!"Bahagyang natawa si Chloe at inayos ang kwelyo ni Justine. "Ayan
Kairo’s POV "Hindi, Justine! Pang-limang beses ko na ’tong ipinapaliwanag sa ’yo, bakit naging addition ’yang sign mo rito sa flexural stress formula?! Galing ito sa equation ng bending moment, kaya dapat mathematical dynamic ang structural computation natin dito!" Napasapo na lang si Roxie sa kaniyang noo, ang kaniyang buhok ay magulong nakapusod na at may dalawang ballpen pang nakasuksok doon bilang hawakan. Alas-dos na ng madaling araw. Kasalukuyan kaming nakasaksak sa malawak na sahig ng sala ng condo ko na binili ni Kuya Zaitan last week para sakin para daw maging tambayan naming magkaakibigan o kung may mahalagang kailangang gawin. . Puno ang center table ng mga nakabukas na laptop, nagtatalagang blueprints, mga calculator at ang apat na walang lamang baso ng matapang na kape. Huling gabi na bago ang d-day ng defense bukas ng umaga, at heto kami ngayon—ginagawang punching bag ng academics ang utak ni Justine. "Eh malay ko ba kasi kung bakit urong-sulong ’yang si stress!" rekl
Kairo’s POVMatapos ang maingay at masayang kantiyawan sa tambayan, napilitan na kaming magligpit ng mga pinagkainan dahil narinig na namin ang unang tunog ng bell. Oras na para sa huling lecture subject namin ngayong semestre.Habang naglalakad kami sa hallway patungo sa aming classroom, magkahawak-kamay kami ni Roxie. Sa likod namin, magkasabay naman sina David at Chloe. Kahit walang hawakan ng kamay, kitang-kita ang kakaibang lapit ng kanilang mga agwat sa paglakad, at ang panaka-nakang nakakakilig na sulyap ni David sa kaniya. Si Justine? Ayun, nasa unahan namin, ginagawang drumsticks ang dalawang ballpen habang nagpapakawala ng sarili niyang background music.Pagpasok namin sa room, tahimik na ang mga kaklase namin. Lahat sila ay nakaupo nang tuwid at may bitbit na matinding tensyon. Ang dahilan? Nakatayo na sa harap ng whiteboard ang aming adviser at head ng department—si Sir Cristian Kilala siya sa pagiging walang kurap kung magbagsak ng estudyante kapag hindi pumasa sa kaniyan
Kairo’s POV"Ah, Kai... diba kailangan nating kuhanin 'yung... ano, 'yung checklist para sa machine design lab doon sa kabilang building?" biglang salita ni Roxie habang nginunguya ang huling piraso ng kaniyang fries.Agad akong nakuha sa signal ng girlfriend ko. "Ah, oo. Tama. Muntik ko nang malimutan. Justine, sumama ka sa amin. Kailangan natin ng magbubuhat ng mga reference books.""Hala, bakit ako—" Bago pa makahirit si Justine, mabilis kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa. Napangiwi siya at agad na tumango nang mabilis. "Ah! Oo nga pala! 'Yung mabibigat na libro! Tara, kailangan ako roon!"Tumingin si Chloe sa amin, medyo nagtataka. "Gusto niyo samahan namin kayo?""Naku, huwag na, Chloe! Dito na lang kayo ni David para bantayan 'tong mga natirang pagkain, baka langgamin," mabilis na sagot ni Roxie habang hinihila na ako at si Justine patayo.Bago kami tuluyang lumabas ng pinto, binigyan ko si David ng isang makahulugang tingin—isang senyas na 'ito na ang pagkakataon mo, hu
Kairo’s POVTahimik sa loob ng tambayan namin malapit sa engineering building. Kaming tatlo lang nina David at Justine ang nandito dahil nagpasyang bumili ng meryenda sa cafeteria sina Roxie at Chloe. Ilang araw na rin ang nakalipas mula nung insidente sa Abacan, at kahit paano ay bumalik na sa normal ang takbo ng buhay namin bilang mga estudyante.Nakaupo ako sa sofa habang nag-i-scroll sa phone ko, samantalang si Justine ay nakadapa sa sahig, seryosong naglalaro ng Mobile Legends. Si David naman... kanina pa palakad-lakad sa harap namin, pabalik-balik, at parang may malaking problemang gustong solusyonan.Binaba ko ang phone ko at tiningnan siya. "Hihilahin ka na pababa ng lupa, David. Ano bang problema mo? Kinakabahan ka ba sa panelist natin sa thesis?"Tumigil si David sa paglalakad at humarap sa akin, bakas ang matinding kaba sa mukha. Inayos niya ang kaniyang salamin. "H-Hindi, Kai... Tungkol 'to kay Chloe."Napatigil din si Justine sa paglalaro at nag-angat ng tingin. "Oh? Anon







