Share

Chapter 1.2

Kusang napatigil si Nari ng naguguluhan. Obviously, siya pa rin ang kausap nito. And what is she saying? Bakit bigla bigla na lang ito nagsasalita?

"H-Huh?" tanong niya rito ngunit nanatiling walang mababakas na emosyon sa babae. Napalunok na lang si Nari sa tensyon.

"Kamatayan ang katumbas ng pagkrukrus ng inyong landas," the woman said with a serious tone. "Hangga't maari... umiwas ka... umiwas ka habang maaga pa. Ang iyong kamatayan ay mas lalong mapapalapit kung dadalhin ka ng sarili mong mga paa sa kaniya."

Narisha's brows furrowed. Naguguluhan siya sa sinasambit ng babae. Anong kamatayan? Mapapalapit ang kamatayan? Nasa matinong pag iisip ba ang taong kaharap niya ngayon? Ang aga aga, mukhang napagtritripan pa yaya siya!

"Look, Miss. Hindi kita maintindihan. Mauuna na ako sa 'yo--"

"Hindi! Binabalaan na kita! Magiging marahas at punong puno ng sakit ang iyong paglisan dito sa mundong ibabaw kaya..." Huminga ito ng malalim. "Layuan mo na siya!"

Napapitlag si Nari sa biglang sigaw ng babae. She was scared on the woman's sudden outburst. Nanatili pa rin siyang tigalgal at bahagya pang umawang ang kaniyang mga labi, hindi pa nakakabawi sa halos pasigaw na sambit ng babae sa kaniya.

"Nagmamakaawa ako, Nari... hindi ako pinapatahimik ng masamang panaginip na 'yon. Linakasan ko na ang loob ko at hinarap ka kahit... k-kahit hindi dapat!" dagdag pa ng babae. "A-Ako si Ursula at kaya kong makakita ng hinaharap-"

"Nari!"

Napalingon si Nari sa tumawag sa kaniya. It was Lester. Kahit papaano ay natuwa siya sa biglaang pagdating nito. He jogged towards her direction. Pinasadahan niya rin ang bahagyang magulo at basa nitong buhok bago siya nginisian kaya nagmukha itong pilyo lalo. Ang bag pack niya ay nakasabit lamang sa isang balikat. His scent is also evedent when he finally reached her direction.

"L-Lester..." she said while biting her lower lip. "Y-Yung babae... kung anu ano ang sinasabi sa 'kin.." pagsusumbong niya rito.

"Teka, okay ka lang? Namumutla ka, Nari," nag aalalang tanong nito.

"Oo--" Liningon niya ang babae na kausap niya lamang kanina ay nagtayuan na lahat ng balahibo sa katawan niya.

"W-Where is she?" Nari whispered. Suminghap siya sa takot. 

"Hey, anong babae? You okay?" Naramdaman niya ang pagkapa ni Lester sa noo niya at kinapa iyon. "Hindi ka naman mainit.."

Hindi na nakasagot pa si Nari. Palaisipan pa rin kung paanong parang bulang nawala ang babae kanina. T-Tao ba siya? Or... ghost?

Mas lalo lamang siya kinabahan sa naisip at nakahinga lamang ng maluwag nang inaya na siya ni Lester papunta sa magiging classroom nila sa first period.

And then something hits her. How the hell did that woman know his name?

"GRABE, nakaka stress talaga 'yang chemistry na 'yan!"

Ibinagsak ni Scarlette ang pang upo sa upuan sa loob ng canteen. Eksaherada rin ang pagpapaypay niya sa sarili gamit ang mga palad. The canteen is crowded since it's lunch time already. May mga estudyante ng nagkaniya kaniya ng kainan ng sariling mga lunch.

"Mag aral ka rin kasi. Huwag puro ganda," sabat ni Lester na iniukupa na rin ang upuang katabi lamang ni Nari. 

Nari fixed her hair and ponytailed it dahil na rin sa sobrang init ng loob ng canteen. May electric fan nga ngunit may estudyante namang mas pinaburan naman yata ng nasa itaas dahil sa kaniya lang nakatutok ito. Akala mo siya ang may ari.

"So, are you saying that I'm pretty? Oh, thank you!" Scarlette cutely giggled. She ignored the sarcastic tone of Lester.

"Pretty? Saan banda?" 

Napailing na lang si Nari at iginala ang paninngin sa paligid at pinagmasdan ang mga estudyanteng may kaniya kaniyang mundo. Until someone scream in annoyance. Naudlot rin ang pagbabangayan ng kaniyang dalawang kaibigan.

"Are you blind?! Nakita mo na ngang narito ako sa harapan mo, binangga mo pa ako! You even have those big eyeglasses, you idiot!"

"P-Pasensya na. Papalitan ko na lang--"

"Tanga! This dress is limited edition! I got it from a famous designer in Paris! Sa tingin mo mapapalitan mo 'yan ng basta bastang hampaslupa ka?!"

Kapwa silang napanganga sa babaeng biglang sumabog sa galit. It was Coreen Ildefonso, the famous spoiled brat of the campus. She's pretty and envied by some of the students here dahil na rin sa pamilya nitong maimpluwensya at kilala talaga sa larangan ng negosyo. Stockholder rin sila sa school kaya naman mahirap talaga itong banggain ng kung sino man.

"This Coreen is really a rotten spoiled brat. Ang lala na niya!" bulong nI Scarlette sa kaniyang tabi. 

Samantalang sila ni Lester ay tahimik lamang at nag aabang ng susunod na mangyari. 

Naghalo ang singhap sa iba't ibang estudyante nang biglang humablot ng malamig na juice sa isang mesa sa gilid niya si Coreen at bigla na lang ibinuhos sa kawawang lalaking kanina pa paulit ulit ng tawad. Of course, no one dared to stopped her. After pulling that stunt, umalis na lang bigla si Coreen. 

Hindi na nakatiis si Nari. Inilabas niya ang puting panyo mula sa bulsa at walang sabing umalis sa kinauupuan at nagtungo doon.

"Nari!" rinig na sigaw ng dalawa niyang kaibigan pero hindi na siya nag abala pang bigyan iyon ng pansin.

"Here," alok niya sa lalaking nagmistulang basang sisiw. Pasimple siyang lumingon sa paligid at natanaw ang ilang mga estudyante sa kaniyang inasta.

What? Mali na ba ngayon ang tumulong sa kapwa?

But if ever that Coreen will find about this, Nari will surely be doomed. Ayaw na ayaw pa naman ng babaeng yun na may tumutulong sa mga binibully at kinakaawa niya. Astang reyna porke't may kaya.

"S-Salamat..." nanginginig na saad ng lalaki at kinuha sa kaniya ang panyo at nag angat ng tingin sa kaniya. Bahagya pang napanganga at napatulala nang masulyapan ang mukha ni Nari sabay iwas ng tingin.

Ipinunas ng lalaki ang panyo sa mukhang basang basa at ngumiti ng tipid sa kaniya. Nari also smiled because of that, feeling contented and assured. 

"Excuse me.."

Sabay silang napatingin sa biglang nagsalita. Kapwa napunta sa magkabilang gilid. Ang singhap sa paligid ay agaw pansin dahil sa bagong tingin.

"Gosh! I never thought that the school will get a janitor like him! He's hot!"

"He doesn't look like a janitor to me. He look like a Greek God!"

"Grabe, ang gwapo niyan!"

Ang bulung bulungan sa paligid ang siyang pumuno sa bawat sulok ng canteen. Obviously, their eyes are feasting on the janitor. Pumitik na naman sa kaba ang puso ni Nari.

He mopped the floor smoothly. Wala sa sariling napatingin sa kamao ng lalaki si Nari. The veins are evident on his knuckles. Sabi pa naman nila kapag maugat, magaling...

Oh, gosh! What is she thinking?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status