LOGINChapter Two
Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Ang bawat kaluskos sa labas ng maliit na kwarto namin ni Klea sa servant’s quarters ay tila boses ni Alexander na tumatawag sa akin. Ang kaniyang mga salita “My maid,” ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking pandinig, mas masakit pa sa sampal. “Rosita, kanina ka pa tulala sa nilulubog mong basahan. Ano ba ang nangyari sa library kahapon?” tanong ni Klea habang nagpupunas kami ng mga bintana sa grand foyer. Ang sikat ng araw ay tumatama sa naglalakihang chandelier, naglalabas ng mga kislap na tila ba nanunuya sa duming pilit naming tinatanggal. “Wala,” mabilis kong sagot. Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko kayang aminin na ang lalakeng kinatatakutan ng buong lungsod ay ang lalakeng pumatay sa huling hibla ng aking dangal sa isang hotel. “Mag-ingat ka rito, Rosita,” bulong ni Klea, ang boses ay biglang naging seryoso habang tinitiyak na walang ibang nakikinig. “Sabi ni Manang Ising, huwag na huwag kang papasok sa ikatlong pinto sa dulo ng hallway sa second floor. Iyon ang dating kwarto ng fiancée ni Mayor bago ito mamatay sa isang aksidente.” Napatigil ako sa pagpunas. “May fianceé siya?” Tumawa nang mahina si Klea, isang tawang puno ng kaba. “Oo nga pero patay na. Ni hindi nga raw puwede pag-usapan ang pangalan non dito, eh. Mahal na mahal siguro.” Marahan akong napatangaho habang puno ng tanong ang utak. Ang buong umaga ay lumipas sa pagpapakapagod. Inutusan ako ni Manang Ising na maglinis ng master’s bedroom. Ang bawat sulok ng silid ni Alexander ay amoy sandalwood at kapangyarihan. Habang nagpupunas ako ng kaniyang mga sapatos na gawa sa mamahaling balat, naramdaman ko ang kaniyang presensya bago ko pa siya marinig. Nakasandal siya sa pinto, ang kaniyang itim na polo ay nakabukas ang dalawang butones sa itaas, at ang kaniyang mga mata ay tila nagniningas sa talim habang pinapanood ako sa sahig. “Faster, Rosita. I don’t pay you to admire my furniture,” malamig niyang sabi. “Opo, Mayor,” sagot ko nang hindi tumitingin. Mas binilisan ko ang pagkuskos sa sahig, ramdam ang pamamanhid ng aking mga tuhod. Lumapit siya sa akin. Huminto ang kaniyang mamahaling sapatos sa tapat ng mga kamay ko na may hawak na basahan. “You’re shaking. Is it the gin from that night finally leaving your system? O baka naman natatakot kang baka ulitin ko ang ginawa ko sa iyo sa gitna ng kwartong ito?” “Wala na po sa akin ’yun, Mayor. Trabaho lang ang pinunta ko rito,” matigas kong sagot, pilit na pinatatatag ang boses kahit na ang puso ko ay tila sasabog na sa kaba. Isang mapanuyang ngisi ang gumuhit sa kaniyang labi. Inangat niya ang aking panga gamit ang dulo ng kaniyang sapatos, isang kilos na nagpaliit sa aking pagkatao, ginagawa akong isang hayop na kailangang sumunod. “Good. Keep it that way. Because you’re just a pair of hands to me now. Useful hands, I hope.” aniya at tinalikuran na ako. Lumipas ang hapon sa gitna ng usok at alikabok. Pagod na ang buong katawan ko, pero bago ako magpahinga, napadaan ako sa dulo ng hallway. Ang pintong ipinagbabawal. Ang silid ng kaniyang nobya. Walang bantay. Walang tao. Dala ng pagod at ng kagustuhang makita kung anong dahilan bakit pribado ang kwartong ito, dahan-dahan kong inikot ang doorknob. Hindi ito naka-lock. Pagpasok ko, ang silid ay tuyo at walang buhay. Walang mga bulaklak, walang mga litrato sa bawat sulok. Tanging mga mamahaling gamit na nakatakip ng puting tela. Mukha itong imbakan ng yaman, hindi dambana ng pag-ibig. Walang bakas ng pangungulila rito. Tanging ang lamig ng isang silid na matagal nang pinabayaan. “I thought I made myself clear, Rosita.” Ang boses niya ay parang latigo na humampas sa aking likuran. Mabilis akong humarap, halos mabitawan ko ang aking hininga. Nakatayo si Alexander sa dilim ng pinto, ang kaniyang anino ay tila sumasakop sa buong kwarto. Hindi siya mukhang nasasaktan o nagdadalamhati. Galit siya dahil nilabag ang kaniyang utos. “S-sorry po, Mayor... maglilinis lang sana ako—” “Liar.” Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang braso ko nang marahas, bumaon ang kaniyang mga daliri sa aking balat. “You’re curious. How did you know this room? Are you gossiping about me?” “Hindi po! Akala ko lang po ay kailangan ng linis—” “There is nothing in this room but dust and things that no longer serve a purpose,” aniya, ang boses ay puno ng poot na hindi para sa namatay, kundi para sa akin. “Exactly tulad mo, kung hindi ka matututong sumunod sa mga utos ko.” Itinulak niya ako sa pader, ang kaniyang katawan ay bumaon sa akin, pinipitpit ang aking hininga. Ang kaniyang mga mata ay blangko, tanging ang bagsik ng isang lalakeng sanay na sinusunod ang nakikita ko. “Bawal pumasok dito . . . bawal pumasok dito dahil sinabi ko,” bulong niya, ang kaniyang hininga ay mainit sa aking labi, nanunuot ang amoy ng sandalwood at kapangyarihan. “My orders are absolute in this house, Rosita. Do you understand?” “Opo... Mayor...” “Now, get out,” binitawan niya ako na tila ba nadidiri siya sa hawak niya. “At bilang parusa sa pagpasok mo rito, ikaw ang maglilinis ng library ko gabi-gabi. Mag-isa. Pagkatapos ng lahat ng trabaho mo. I want this mansion spotless, Rosita. And I want you where I can see you.”Chapter Eighty-EightMag-isa ako sa penthouse nang hapon na iyon. Lumabas ako sa malawak na balkonahe, bitbit ang isang maliit na sketchpad na binili ko noong isang araw nang mag-ikot ako sa lugar nang walang bantay. Totoo ang sinabi ni Alexander—malaya akong nakakalabas ngayon nang walang anino ni Vito o ng kahit sinong tauhan na nakabuntot sa aking mga hakbang. Isang malaking hakbang iyon para sa aming dalawa, isang bagay na unt-unting nagpaparamdam sa akin na ako ay muling nabubuhay bilang isang totoong tao, hindi bilang isang magandang palamuti sa kaniyang koleksyon.Umupo ako sa upuang yari sa rattan at pinagmasdan ang langit. Kulay kahel, lila, at rosas ang abot-tanaw habang unt-unting nilalamon ng gabi ang mga naglalakihang skyscraper ng lungsod. Dahan-dahang dinala ng aking mga daliri ang lapis sa papel. Sa halip na ang mga modernong gusali o ang siksikang mga kalsada ang aking iguhit, ang aking kamay ay tila may sariling isip na pilit bumabalik sa isang mundong payak ngunit p
Chapter Eighty-SevenAng mga sumunod na linggo ay naging isang tahimik na serye ng mga pagbabago. Hindi naging madali ang bawat araw, dahil ang mga lumang gawi ay tila mga multong madalas pa ring sumilip sa aming mga kilos. May mga gabi pa rin na nagigising si Alexander na tila hinahanap ako sa dilim, ang kaniyang mga kamay ay mabilis na humahawak sa aking baywang upang siguraduhing hindi ako tumakas habang siya ay natutulog. Ngunit sa tuwing madaramas niya ang aking marahang paggising at ang marahan kong pag-tapik sa kaniyang kamay, dahan-dahan ding lumuluwag ang kaniyang kapit, pinalis ng marahang buntong-hininga ng relief.Isang umaga, habang naghahanda siya para sa isang mahalagang board meeting, pumasok ako sa kaniyang walk-in closet. Nakatayo siya sa harap ng malaking salamin, sinusubukang ayusin ang kaniyang kurbata, ngunit halatang lumilipad ang kaniyang isip."Let me," mahina kong sabi, lumapit ako at dahan-dahang kinuha ang silk na tela mula sa kaniyang mga daliri.Napatigil
Chapter Eighty-SixDahan-dahan kong naramdaman ang pagbaba ng kaniyang mga palad patungo sa aking likod, marahang hinahaplos ang bawat bahagi ng aking gulugod na tila ba binibilang niya ang bawat buto, sinisiguradong narito nga ako sa kaniyang piling. Ang kaniyang halik ay nanatiling mabagal, banayad, at may dalang lalim na unt-unting nagpapabura sa ingay ng labas ng mundo. Walang nagmamadali. Sa unang pagkakataon, hinayaan ni Alexander na ang oras ang sumunod sa amin, hindi ang kaniyang mga utos.Nang ihiwalay niya ang kaniyang mga labi, hindi siya lumayo. Nanatiling magkadikit ang aming mga ilong, at ang kaniyang malalalim na paghinga ay dumarampi sa aking mukha."I missed you, Rosita," pabulong niyang pag-amin, ang kaniyang boses ay may dalang gasgas ng emosyong matagal niyang itinago sa ilalim ng kaniyang pagiging bilyonaryo. "More than I care to admit. The penthouse was freezing without you. Every room felt like an empty tomb.""Kasalanan mo rin naman," mahina kong sagot, may bah
Chapter Eighty-FiveNanatili kaming ganoon sa loob ng ilang minutong walang ingay. Ang aking ulo ay nakasandal sa kaniyang matigas ngunit tila lumalambot na balikat, habang ang kaniyang kamay ay hindi tumitigil sa marahang paghagod sa aking likod. Sa bawat paghinga niya, nararamdaman ko ang pag-naas ng kaniyang dibdib, isang ritmo na unt-unting nagpapatid sa tensyong natitira sa aking katawan. Ang penthouse na ito, na madalas kong tingnan bilang isang malawak na bartolina ng aking kaluluwa, ay tila nagbago ng pakiramdam ngayong umaga. Hindi na ito kasing lamig ng dati."You're overthinking again, Rosita," pabulong na basag ni Alexander sa katahimikan. Ang kaniyang Ingles ay hindi na katulad kahapon na tila ba bawat salita ay may dalang patalim; ngayon, ang kaniyang boses ay may pamilyar na lalim na nag-aanyaya ng kapayapaan. "I can hear your mind racing from here.""Paano ko hindi iisipin ang lahat, Alexander?" dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo upang tingnan siya, ang aking mga
Chapter Eighty-FourHindi ko alam kung ilang oras ang lumipas habang nananatili kaming nakakulong sa silid na iyon. Ang marahas na bagyo ng kaniyang pagnanasa ay dahan-dahang humupa, na nag-iwan ng isang mabigat, mainit, at tahimik na gabi sa pagitan naming dalawa. Ang mabibilis na hampas ng kaniyang dibdib kanina ay napalitan ng malalalim at pantay na paghinga. Nakahiga pa rin siya sa itaas ko, ngunit ang kaniyang bigat ay hindi na tulad ng kanina na tila ba gusto akong gumuho; ngayon, ang kaniyang katawan ay nakadantay sa akin sa paraang tila ba natatakot siyang bigla akong maglaho kapag lumayo siya nang bahagya.Ipinatong niya ang kaniyang mukha sa aking leeg, ang kaniyang maiinit na labi ay nakadikit sa aking balat nang walang galaw. Ang kaniyang dalawang kamay, na kanina ay mahigpit na nakahawak sa aking mga pulso, ay dahan-dahan nang bumaba at ngayon ay nakapulupot sa aking baywang, marahang humihigpit sa bawat sandali na magpapakita ako ng kaunting paggalaw."Alexander..." mahi
Chapter Eighty-ThreeIpinatong niya ako sa malambot at naglalakihang kama na nakabalot sa madilim na sutla. Ang lamig ng tela sa aking likod ay mabilis na napawi ng kaniyang bigat nang muli siyang sumunod sa itaas ko, nakatukod ang kaniyang dalawang siko sa magkabilang gilid ng aking ulo. Ang kaniyang suit jacket ay nakalapag na ngayon sa sahig, at ang kaniyang puting polo ay may ilang butones nang nakabukas, sapat para makita ko ang mabilis na pagbaba at pagtaas ng kaniyang dibdib.Nakatitig siya sa akin sa dilim ng silid, ang tanging liwanag ay ang nagmumula sa mga ilaw ng lungsod sa labas ng malaking bintana."You look so small in this bed, Rosita," pabulong niyang saad, ang kaniyang boses ay mas naging paos at mababa. "Like a doll I left behind, only to find out someone else tried to play with it.""Hindi ako laruan, Alexander," sagot ko, pilit na pinapanatili ang tatag ng aking tinig kahit na ang kaniyang malapit na presensya ay nagpapakaba nang matindi sa aking puso. "At walang
Chapter SeventyAng ingay ng elisi ng helicopter ay tila ba nagiging bahagi na ng bawat hininga ko, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na ang takot sa mga attackers ang nagpapabigat sa dibdib ko. Ito ay ang katotohanang babalik kami sa Maynila—pabalik sa mundo ng dugo, sa mundo ng mga aninong laging
Chapter Sixty-NineTatlong buwan.Tatlong buwang lumipas na ang tanging mundo ko ay ang puting tanawin ng Alps at ang nag-aalab na presensya ni Alexander Zaviere. Sa loob ng mga panahong iyon, unt-unting nabaon sa limot ang ingay ng mundo, ang gulo sa Maynila, at ang takot na hatid ni Senator Monte
Chapter Sixty-SixAng bawat araw sa loob ng villa sa Alps ay tila ba isang mahabang panaginip na walang gisingan. Ang puting tanawin sa labas ng dambuhalang salamin ay nananatiling walang kibo, isang malawak na disyerto ng yelo na nagpapaalala sa akin kung gaano ako kalayo sa lahat ng bagay na dati
Chapter Fifty-SevenHindi natapos ang ma yon sa simpleng paghalik. Habang dahan-dahang sumisilip ang liwanag ng umaga sa makapal na fog ng bundok, hindi pa rin ako hinahayaan ni Alexander na makawala. Binuhat niya ako palabas ng kwarto, suot lamang ang isang manipis na silk robe na halos wala nang







