"Halika na Selene," kayag ng kanyang kasama.
Ngunit nanatiling nakatayo si Selene, kahit pa hinahatak na siya ng mga kasama niya paalis. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya maiiwas ang kanyang tingin sa dalawa.
The way Yohan kisses that transfer student somehow brought a little pain in Selene's heart.
"Selene..."
Asar na itong nagpakawala ng hininga saka tumalikod at naglakad palayo.
At the corner of Zea's eye, she saw Selene and the rest of her crew left. Kaya naman mabilis siyang kumawala sa labi nito at tinulak palayo ang binata. Bahagya itong ikinagulat ni Yohan.
Halos mapatanga tuloy si Zea no'ng makita ang pamumula ng pisngi ng binata. Hindi niya tuloy mapigilang matawa. "Ay bakit? First time mo?"
Lalong namula ang mukha ni Yohan at hindi makatingin ng diretso sa dalaga. Hindi tuloy malaman ni Yohan ang sasabihin. Dahil, oo —first time niya.
"Hindi ah."
"Ahh..." Isang tusong ngiti ang gumuhit sa mukha ni Zea.
"Anong, ah?" inis na tanong ni Yohan.
"Sa kanya mo ibibigay ano? Kaya ka nakipagaway sa akin doon sa Bazaar dahil sa headband?"
"Hindi ah! Bakit ko naman ibibigay sa kanya yun?"
"Weh? Hind ba kayang tanggapin ng pride na ginagamit ka lang ng babaeng—"
"Hindi nga para sa kanya 'yon!" mariing wika ni Yohan.
Umiwas ito ng tingin sa kanya sabay dampot sa mop at nanatiling tahimik hanggang sa natapos nilang linisin ang buong palapag.
****
Kinabukasan, habang naglalakad papasok ng school, nakikita na niya ang mga estudyanteng nagbubulungan. Ang malala, tila ba siya ang laman ng usapan ng mga ito. She tried her best to ignore them and walked straight to the hallway towards their classroom. Ngunit pagkapasok niya sa kanilang silid ay kaagad siyang pinukol ng masamang tingin ng mga classmate niya, na para bang may ginawa siyang malaking kasalanan.
Naguguluhan niyang tiningnan ang mga ito. Hanggang sa mahagip ng kanyang paningin ang babaeng nakasubsob sa table at umiiyak. Ilan sa mga kaklase niya ay nakapalibot dito pilit inaalo ang dalaga.
"Kasalanan ng haliparot na 'to eh!" sigaw ng isa sa mga babaeng kasama nito.
Lalong lumakas ang iyak ni Selene.
Bahagyang nagulat si Zea, pero kaagad din niyang naisip ang planong gawin ng mga ito.
Takte, babaliktarin pa ako ng mga 'to?
Bulong ni Zea sa sarili.Lumapit ang isa sa mga babae, at akmang itutulak siya, ngunit mabilis na nahawakan ni Zea ang braso nito. Pilit binabawi ng babae ang kanyang kamay, ngunit sadyang mahigpit ang hawak sa kanya ni Zea.
"At lumalaban ka pa talaga ha!" galit na wika ng isa pang babae mula sa grupo ni Selene.
"Bitiwan mo nga siya!"
Unti-unting naglapitan ang grupo ni Selene para pagtulungan siya. Pero bago pa sila makalapit, ay pabalibag niyang binitawan ang kamay nito at tinulak papunta sa kanila. Sa lakas ng pagkakatulak ni Zea ay napaupo silang lahat sa sahig.
"Ouch! You bitch!" The girl cried out.
Zea looked down at them and gave them a sharp glare. "Indeed! I'm a bitch. You guys should have known better before you start messing with me!"
Isang kamay ang humawak sa balikat ni Zea. "Guys, tama na."
Zea turned around and saw Selene sobbing like an innocent kid.
"Tama na, hindi naman kasalanan ni Astrid. Hindi naman niya alam na kami ni Yohan. Hindi ba Astrid?"
Wow! Nasaan na ba ang best actress trophy ng isang 'to? halos umikot na ang paningin ni Zea sa inis sa babaeng ito.
"For sure kung alam niya na 'kami'. Hinding-hindi niya kami guguluhin ni Yohan."
Ending speech ni Selene sa kanyang winning performance.Kulang na lang ay pumalakpak si Zea sa pag-arte nito.
"Kahit na, malandi pa rin siya."
"First day pa lang nakikipag-ngab-ngaban na siya."
"Oo, ang easy to get niya..."
"Kasalanan niya, kawawa naman si Selene."
Nyeta, nag-chorus pa 'tong mga 'to. Rinig na rinig ni Zea lahat ng bulung-bulungan sa loob ng classroom.
"Classmates tama na, stop bullying her, walang kasalanan dito si Astrid!" awat ni Selene pero lalo lang nadidiin si Zea.
"Eh kung ganon, sinong may kasalan?"
A cold and firm voice echoed in the room. Tumahimik ang lahat nang magsalita si Yohan. Slowly, he walked inside the classroom at isa-isang pinagmasdan ang lahat ng estudyanteng kung ano-ano ang pinagsasasabi laban kay Zea. Walang makatingin ng diretso sa kanya at tikom ang mga bibig nito. Ibinaling niya ang tingin kay Selene, na noo'y namumugto pa ang mga mata sa kanyang winning performance.
"Tama naman lahat ng sinabi ni Selene. Hindi kasalanan ni Astrid." Marahang gumawi ang tingin niya kay Zea saka lumapit dito. "Hindi niya kasalanan kung gusto ko siya," wika ni Yohan sabay akbay sa dalaga.
He boyishly smiled at her, but Zea replied with a sharp glare.
Wow! Hindi man lang ako na-orient... bulong ni Zea sa sarili.
She wanted to kick his balls out but she just went along with Yohan's act. Besides, mas maigi na ito, kaysa naman ma-bully siya ng buong klase nila. And to start with, kasama naman ito sa plano. To get really close to Yohan and proceed with the plan.
Selene started to cry again. "Why are you doing this to me? Akala ko okay tayo?"
Kunot-noong napatingin si Yohan sa dalaga. "Tayo?" He chuckled. "Kailan ba ako nanligaw sayo?"
Natahimik si Selene, she was caught off guard. Napahiya siya sa sinabi ni Yohan sa harap mismo ng mga classmates nila.
"Mabait lang? May gusto na kaagad?" dagdag ni Yohan.
Everyone's eyes slowly turned to Selene.
"Oo nga pala, may bisita ka pala sa labas, taga-engineering?"
Selene's eyes widen. Pati na rin yung mga girlfriends niya na alam ang dirty little secrets niya.
Paano niyang nalaman? takang tanong ni Selene sa sarili. Kaagad siyang napatingin sa pinto at mabilis na nahagip ng kanyang tingin ang binatang naka-college uniform na mukhang kanina pa nakatayo roon.
"Kanina ka pa hinahanap niyan. Boyfriend mo raw?" tudyo ni Yohan.
Umugong ang bulong-bulungan sa loob ng classroom at ganoon din sa mga nakikiusyoso sa labas.
"Ay teka, ano nga ba 'yung term mo dun? Boytoy?" gatong ni Yohan.
Hindi malaman ni Selene ang gagawin. Gusto niyang magsalita at magpaliwanag, pero wala siyang maiisip na magandang sabihin.
Galit na lumakad palayo ang college student. At kung hindi nagkakamali si Zea, ito yung lalaking kasama ni Selene sa pre-school building.
Natatarantang humabol si Selene sa lalaki. Naisip siguro nito na mas okay nang umalis kaysa manatali siya sa loob ng silid habang pinagchichismisan ng mga classmate niya. Hindi mapatid ang kuwentuhan sa loob ng klase matapos ang mga nangyari.
Yohan's arms still around on Zea's shoulder. His gaze slowly fell on her.
"Quits na tayo," bulong niya. "Wala na akong utang sayo simula ngayon." He moved his arms away from her shoulder, walked towards the back end of the room, covered his head with his hood and went to sleep.
"Nice move..."
Bahagyang nagulat si Zea no'ng marinig ang boses ni Ethan sa listening device.
"By any means, you should get close to that kid Zea."
****
Matapos ang klase nagtungo sila Yohan, Bem-Bem at Gino sa convenience store malapit sa school.
"Uy Yohan," tawag ni Bem-Bem habang kumakain ng sandwich. "Balita ko may niyari ka raw sa pre-school building ah?" banat nito sabay taas-baba ang kilay.
Kaagad umasim ang mukha ni Yohan saka mariing hinampas ang sandwich na hawak sa pisngi ni Bem-Bem. "Kumain ka na lang diyan, baka ikaw ang mayari sa akin."
Mabilis namang sumisik si Gino sa pagitan nila. "Hindi nga Dre? Yun kasi yung kumakalat na balita sa school."
Hindi sumagot si Yohan at tuloy lang sa pagbukas ng kanyang sandwich.
"Yung transfer student ba?"
Padabog na binitiwan ni Yohan ang pagkain at badtrip na tumingin kay Gino. "Bakit ba kayo tanong ng tanong?"
"Dre, alam mo naman na matagal ka nang hinahanapan ng butas ng school para ma-expel ka. Pero dahil matindi kapit mo sa SIBS, walang makagalaw sayo,"
tugon ni Bem-Bem."Ayun naman pala eh, eh bakit nag-aalala pa kayo?"
"May bali-balita kasi Dre, may bagong member daw ang SIBS. College student, palihim lang daw galawan nito. Maraming nagsasabi na halos kasing level mo raw. Balita din sa SIBS na pinagiisipan daw kung isasama siya sa internal operations," seryosong pahayag ni Gino, ngunit natawa lang si Yohan sa sinabi nito.
"Iniisip niyo ba na mapapalitan ako?"
"Hindi naman sa ganon Dre, alam mo bang kasama siya sa Macau?" pag-lilinaw ni Gino.
Napatigil sa pagsubo si Yohan ng sandwich, saka marahang tinitigan si Gino, na tila ba sinisigurado kung totoo ba ang sinasabi nito.
"Sige nga Dre? Kung hindi siya ganon katikas, bakit siya isinama ni Sir sa line-up ng laban sa Macau?" dagdag ni Gino.
Yohan paused for a moment to think, but he was quickly interrupted by his ringing cellphone. Kaagad niyang kinuha ito mula sa kanyang bulsa at sinagot ito.
Yes, Sir?"
"Yohan, can you drop by at the office today?"
"Sure."
mabilis na sagot ni Yohan sa presidente."Good, I wanted you to meet someone, so make sure na dumaan ka dito bago ka umuwi."
"Okay po." Mabilis na niligpit ni Yohan ang cellphone at kinuha ang gamit niya sa lamesa.
"Oh, uuwi ka na Dre?" tanong ni Gino.
"Hindi, dadaan muna ako sa SIBS."
Mabilis silang lumabas sa convenience store, ngunit laking gulat nila nang bumungad si Selene sa pinto nito.
"Can we talk?"
****
Nag-tungo sa bakanteng parking lot ang dalawa para mag-usap.
"Busy ako Selene, anong sasabihin mo?" naiinip na tanong ni Yohan.
"Sabihin mo nga sa akin Yohan, kaya mo ba ginagawa 'to kasi narinig mo yung pinag-usapan namin sa pre-school building?"
Yohan looking uninterested. "Narinig ko lahat, may sasabihin ka pa?"
"So? Kaya ka nagalit kasi nagseselos ka?"
Yohan can't help but roll his eyes. "Lahat ng sinabi ko kanina sa classroom, totoo. Kung meron man hindi totoo dito. Ikaw yun," mariing wika nito saka tinalikuran si Selene.
"How dare you, turn your back at me?" Selene shouted. "Sisirain mo pa yung pangalan ko sa school? I worked so hard for this name, and you think isang Yohan Gan lang ang sisira sa akin?"
Asar na napabuntong-hinga si Yohan saka napailing. Tinalikuran niya si Selene saka lumakad palayo.
"Tingin mo may maniniwala sayo?" sigaw ulit nito. "Eh isa ka lang naman hamak na siga sa school. Other than that, you're just a plain loser to me."
Hindi siya nilingon ni Yohan at tuloy lang ito sa paglakad.
"Yohan, hindi pa ako tapos!"
Yohan stopped on his feet and slowly turned around to face her.
"Puwes! Ako. Tapos na ako sayo!"
Dumiretso siya ng lakad at iniwan niya si Selene na natahimik sa parking lot.
****
Hay naku, walang masakyan. Mag-lakad na kaya ako? Tumingin si Zea sa kahabaan ng kalsada. Kanina pa siya nagkatayo roon pero ni-isang bakanteng jeep o taxi walang dumadaan.
Nagulat siya nang biglang mag-vibrate ang cellphone sa kanyang bulsa. Kaagad niyang kinuha iyon at sinagot. "Hello? Oo pauwi na nga ako. Walang masakyan eh, maglalakad na lang ako."
Naglalakad pabalik ng school sila Yohan at kaagad namang nakita ni Bem-Bem si Zea na naglalakad pasalubong sa kanila. "Oh! Si Astrid yun diba?" Turo nito.
Pero parang walang narinig si Yohan. Nakita na niya ito malayo pa lang pero sadyang wala siyang planong pansinin ito.
On the other hand, Zea was too busy to notice them. Carrying a heavy bag on her back, a bunch of books on her left arm while holding her phone on the other. Halos mag-ekis ang lakad nito, habang may kausap sa cellphone.
Mabilis na lumihis ang tingin ni Yohan no'ng napansin ang mabilis na bike mula sa mataas na parte ng kalsada.
Mabubunggo 'tong babaeng 'to. bulong niya sa sarili.
"TABI! WALA AKONG PRENO!!!" Marahas na nanginginig ang manibela nito at lalong nataranta ang driver ng bike. Bumisina ng ilang ulit ang driver ng bisikleta pero hindi ito naririnig ni Zea.
Halos mapatanga sila Bem-Bem nang makita ang bike na bumubulusok at wala pa ring ka-plano-planong tumulong si Yohan. Pero habang nakikita niya na papalapit na ang bike ay para bang unti-unti rin siyang nakunsensiya.
Tsk! Mabilis na tumakbo si Yohan.
He quickly extended his arm towards her. Hawak pa nito ang cellphone sa kanyang tenga. Halos namilog ang mga mata ni Zea nang makita si Yohan na tumatakbo patungo sa kanya. Yohan was about to grab her, pero isang kamay ang mabilis na humablot sa bewang ni Zea paurong. Dahil dito muntik nang ma-out of balance si Yohan. Good thing he has quick reflexes, nagawa niyang maitukod kaagad ang kamay niya at maibwelta ang paa para makatayo kaagad.
"Miss okay ka lang?"
He was against the sun's light. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha ng lalaki, ngunit hinding-hindi siya magkaka-mali sa boses nito —walang iba kundi si Ethan.
Napatingin na lang si Yohan sa dalawa.
"Dre okay ka lang?" tanong ni Bem-Bem.
"Tsk! Bitiwan mo nga ako." Asar na tugon ni Yohan.
Nagkatinginan sina Bem-Bem at Gino at tahimik na ngumisi-ngisi, habang tinitigan si Yohan na halatang-halatang na-badtrip sa pagsulpot ng lalaki sa eksena. Tinitigan niyang maigi ang binatang nagligtas kay Zea. He's wearing an AIC college uniform. He's tall, fair and handsome. Napa-ngiwi tuloy si Yohan.
Ngiti pa lang... playboy 'to.
Yohan can't help but frown. Kaya mas minabuti niyang pulutin isa-isa ang nagkalat na libro ni Astrid sa kalsada.
"By the way, ako nga pala si Errol. Errol Suarez." Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Ethan kay Zea. Para silang nasa shooting ng romantikong pelikula, yung scene mala-love at first sight, soundtrack na lang ang kulang. Yun nga lang, may epal sa background na walang tigil sa pag-me-make face habang pumupulot nito ng libro.
Zea smiled at Ethan. "Ako nga pala si..."
"Heto!"
sabat ni Yohan sabay pabalibag na inabot ang mga libro kay Zea. "Sobrang clumsy mo kasi!"halos umusok na ang ilong ni Yohan.Napatanga tuloy si Zea. "Hala, eh bakit nagagalit ka?"
Marahan siyang nginitian ni Ethan at lalo pa itong lumapit sa dalaga, na para bang hahawakan pa ang mga kamay nito. Walang magawa si Yohan kundi tumingin na lang, habang kinukuha ni Ethan ang mga libro mula sa kamay ni Zea.
"Alam mo, ako na ang magdadala nito. Mabigat 'to mahihirapan ka lang," wika ni Ethan sabay ngisi kay Yohan.
"Thank you po kuya, ako nga pala si Astrid." Papampam pa na hinawi ni Zea ang kanyang buhok. Lalo tuloy umusok ang ilong ni Yohan sa inis.
"Bakit ba may kuya pa? Hindi puwede namang Errol na lang." Ethan flashed his naughtiest smile. "Ihatid na kaya kita, baka mahirapan ka pa eh."
Kulang na lang ay maghahalikan na ang dalawang kilay ni Yohan sa sobrang pagkasalubong nito.
"Halika na nga!" badtrip na sambit ni Yohan. Mabilis na tumalikod ito at lumakad papaalis.
"Teka Dre, hintayin mo kami!" tawag nila Gino at Bem-Bem.
A huge grin crossed Ethan's face, he looked at Zea and secretly winked.
"Huy Yohan! Hintayin mo nga kami!"
sigaw ng dalawa."Teka nga?! Saan ka ba pupunta?" tanong ni Gino.
"Sa SIBS, saan pa ba?"
asik ni YohanNagkatinginan ulit si Gino at Bem-Bem, saka ngumiti ng nakakaloko. "Dre, hindi ba sa kabilang kalsada yun?"nangingiting tanong ni Gino.
Napatingin sa paligid si Yohan at saka lang niya napagisip-isip na nasa maling daan nga sila. Hindi na tuloy napigilan tumawa ng dalawa.
"Badtrip na ako huwag na kayong dumagdag."
"Eh yun nga Dre, eh bakit ka ba nagagalit?" tanong ni Gino.
Biglang naalala ni Yohan ang nangyari kanina, yung malapit na niya sanang mahablot si Zea, pero biglang may umepal.
"Nagagalit ka ba, kasi hindi ikaw yung bida kanina? O nagagalit ka kasi gusto mo yung bago nating classmate?" gatong ni Bem-Bem.
Nilisikan sila ng mata ni Yohan. "Badtrip na ako, simula pa lang nang makita ko 'yang babaeng 'yan,"
galit na wika nito."Eh parang hindi ka naman badtrip nung hinalikan ka niya sa PS Building," natatawang bulong ni Bem-Bem.
Nabigla si Yohan sa sinabi nito. Pero bago pa siya makapagsalita ay tumakbo na ang dalawa palayo.
"Loko yung mga yun ah..."
****
"Hi, Dana," bati ni Yohan sa secretary pagkarating niya sa SIBS office.
"Hi! Kanina ka pa hinihintay ni Sir sa loob."
Dumiretso kaagad si Yohan sa conference room, maliban sa presidente ay may naaninag siyang isa pang lalaki na nasa loob ng hall.
"Yohan, I want to introduce you to someone..."
Tumayo ang lalaki sa pagkakaupo at marahang humarap ito sa kanya.
"Hi!" Ethan smilingly said.
Tuluyanng napako si Yohan sa kinatatayuan niya no'ng makita ang lalaking kanyang kaharap.
"I want you to meet Errol Suarez, bagong member ng SIBS Elite. He's a college student," pagpapa-kilala sa kanya ng Presidente.
Ethan extended his arm towards Yohan.
Hindi ko alam... pero hindi maganda pakiramdam ko sa lalaking to. Yohan whispered to himself.
"He'll be joining you sa Macau."
MAKALIPAS ANG ISANG TAON."Wow! Ang ganda naman ni baby Hanna! Manang-mana sa Ninang!""Hoy, mahiya ka naman sa adam's apple mo, Yanna. Baka mausog mo 'tong bata."Sumimangot ang dalaga sabay hampas sa braso ni Ethan na ikinatawa naman ng binata."Ikaw talaga, inaano mo na naman 'tong si Yanna. Bisita natin yan," saway ni Zea kay Ethan na di matigil sa pangaasar kay Yanna."Uy, thank you ha. Alam ko sobrang busy mo sa SIBS ngayon. Pero lumuwas ka pa rin dito sa Baguio para kay Baby Hanna.""Aba, siyempre naman. Palalampasin ko ba naman ang binyag ng inaanak ko?" sambit ni Yanna saka pinangigilan ang inaanak na karga ni Zea. "Sus! Sabihin mo si Hadrian ang di mo mapalampas kaya nandito ka!" kantyaw ni Ethan sa dalaga.Sasagot pa sana si Yanna nang biglang pumarada ang isang itim na kotse sa driveway at bumaba si Hadrian mula roon. "Uy! Mabuti nakarating ka!" bati ni Zea. Ngunit kaagad silang napatigil nang muling bumukas ang pinto ng passenger seat ng kotse. Unti-unting nanlaki ang m
1 WEEK LATER "Buksan mo ang mga mata mo. Dahan-dahan ha." Unti-unting sumilip ang liwanag mula sa kanyang paningin. Lahat malabo at labis na nakakasilaw. Her forehead creased as she tried to focus her eyes on something. Until someone familiar came into shape. "H-Harry?" "Ako nga," masayang bati sa kanya ng binata. "Kamusta ang paningin mo, Yanna?" "M-Medyo lumilinaw na. Pero mahapdi ng konti." "Ganon talaga. It'll take time to heal." "N-Nasaan sila?" Nilingon niya ang buong paligid at pilit pinagmasdan ang silid. "Si Kael? Si Ethan at Zea, si Kaito? Nasaan sila?" Hindi nakaimik si Harry at napatingin lang sa mga mata ng dalaga. "Hoy, bakit di ka sumasagot?" buong ngiti niyang tinapik ang braso nito. Pero unti-unting din nawala ang ngiting iyon, nang hindi pa rin magawang sumagot ng kausap. "Harry, sagutin mo ko. May nangyari ba?" Mapait itong napangiti. "Wala na si Kaito, Yanna..." "A-Ano?" Gustong tumawa ni Yanna sa kalokohang narinig. "Si Kaito, mamatay? Eh ang tinik non!"
"Take that old man to secret vault," utos ni Kein sa tauhan saka pinagmasdan si Kael habang pinapalibutan ng kanyang mga tauhan. "Kill him. I want his fucking head on top my desk!" "Ninong Kael!" iyak ni Kaizer na kaagad din kinaladkad ni Kein palabas ng silid. Kasama ang ilan sa mga tauhan nito na sapilitan din bitbit si Uncle Ram. Men quickly gathered around Kael. There was complete utter silence. Waiting for each other's next move.Ipinasok ni Kael ang kamay sa kanyang bulsa at kitang-kita pa niya ang pagtalas ng mga mata nito."I'm really on a tight schedule," he coldly whispered as he pulled out a credit card from his pocket.Asar na dumura ang isa. "That ain't gonna help you, asshole!"Mabilis itong sumugod kay Kael. With one swift move, the guy skillfully flipped his knife and swung it viciously down on Kael's face.Ngunit laking gulat niya nang saluhin ng credit card ang patalim niya at sadyang pinahati ito ni Kael sa dalawa.Even before he could blink, Kael ripped his neck
Zea clenched her fist.Sa dinami-dami ng makakasalubong niya. Ito pa talagang animal na pumatay sa tatay niya. It shouldn't be a problem. She wanted to kill him anyway, in the most brutal way possible.She's been waiting for this moment for so long. To finally get the chance to avenge his father. But the thing is... she's pregnant. Mas mahalaga pa ba ang paghihiganti kaysa sa pagtiyak ng kaligtasan ng bata sa sinapupunan niya?Marahang tumulo ang pawis sa kanyang noo habang pinagmamasdan si Knight na nakaharang sa daraanan niya. Fuck, wala akong lulusutan... Kailangan kong lumaban, kundi siguradong mamatay kami ng anak ko dito... Matiim niyang tiningnan si Knight.Anak, kapit kang maigi. May itutumba lang si Mommy sandali. Akmang humakbang si Zea. Pero bago pa lumapat ang paa niya sa sahig ay isang mabilis na patalim ang numipis sa kanyang pisngi. Hindi nakakilos si Zea matapos bumaon ang kutsilyo sa pader. Ga-hibla lang ang pagitan sa pisngi niya. "Kunin mo na," buyo ni Knigh
VICTORIA CITY, Raven Seal's Underground Facility. Tahimik na pinagmasdan ni Kaito si Yanna at tanging tunog lang ng heart rate machine ang kaniyang naririnig habang abalang inooperahan ito ng mga doktor, sa pamumuno ni Harry.Halos madurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang pagbebenda sa mga mata ng dalaga. Ang naka-semento nitong mga balikat at isang katutak na tahi sa katawan.Eight broken bones, dislocated shoulders, nine stab wounds... Mariing naikuyom ni Kaito ang kanyang kamay at nagtagis ang kanyang panga."Demonyo ka Kein. Hindi ka na nakuntento... dinukot mo pa pati mata ni Yanna."His eyes burned in tears out of extreme rage. He q took a firm step backward and gave Yanna a dignified salute."Undercover Agent Black Vixen. I relieve you from your mission."Ilang minuto pa ay natapos na ang operasyon. Kaagad lumabas si Harry mula sa ICU unit at sinalubong si Kaito hawak ang isang pirasong papel."Ano 'to? Bakit may ganito? Sigurado ka ba rito?" tanong ni Harry sa kaibigan.
20 minutes earlier... Kasama ang ilang tauhan ng Red Group, lumakad si Kein palabas ng opisina ng founder. Kaagad nahawi ang mga tao sa hallway. Walang gustong humarang sa daraanan ng buong grupo. Marahang gumilid ang kanyang tingin sa pintuan ng opisina ni Kael. Ngunit bahagyang kumibot ang kanyang kilay nang mapansing walang ilaw sa ilalim ng pinto."The CEO haven't arrived yet?" "Not yet, Sir."Unti-unting tumalas ang tingin ni Kein. Sa pagkakaalala niya ay umalis ito kasama si Zea kanina.The fact that Zea went out with Kael so willingly after what happened in the Shareholder's meeting, doesn't sit well with him.Mabilis siyang lumiko papuntang control room at pinagmasdan ang CCTV footages sa buong tower."Sir, kaliliko lang po ng kotse ng CEO sa driveway."Kaagad nilingon ni Kein ang screen kung saan nakita niya ang itim na Maserati na huminto sa harap ng tower.Bumababa roon si Kael at binuhat ang walang malay na dalaga papasok sa lobby. Pinagmasdan niyang maigi ang dalawa. H
I told you... I'll make you the happiest girl in the world... The deep sound of his voice... and those words. It echoed through her ears and through her mind. She looked up and met Kael's gaze and a soft, heartfelt smile deepened on the corners of his lips —and it slowly pierced her heart like warm arrows. Looking at this man. The man who meant the whole world to her —the one she used to love. Kael looked at her, and got lost in her misty eyes...11 years ago... "Bakit ka ganyang makatingin?" nakangiting tanong sa kanya ni Zea habang nakaupo sa veranda ng mansion. "Wala..." matipid na sagot ni Kael saka umiwas ng tingin sa dalaga. Huminga siya ng malalim at tahimik na pinagmasdan ang mumunting mga bituin na nagkalat sa madilim na kalangitan. Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot? Kung dahil ba sa malamig na hangin o dahil sa nalalapit nilang mission... Pakiramdam niya kasi ay magkakahiwalay na sila ni Zea. "Naisip ko lang..." Napalingon si Zea kay Kael nang bigla itong
"Umupo ka." Mariing nagtagis ang panga ni Ethan habang pinagmamasdan ang pagkakaarko ng ngiti sa mga labi ni Kael habang tinitingnan ang kasintahan."Sasama ako sa kanya. Eth..." Pero bago pa matapos ni Zea ang sasabihin ay kaagad siyang hinatak ni Ethan palabas ng conference room."No... Let them be," awat ni Kael sa ilang miyembro ng Red group na hahabol sana sa dalawa palabas. "Walang magagawa si Zea kundi sumama sa akin." "At bakit ka sasama?" "Para matapos na lahat ng 'to!" kumbinsi ni Zea sa kasintahan. "May tiwala ako kay Kael. Pero doon sa Kein na yun, wala! Siguradong hindi non papalagpasin si Kaizer!""Tingin mo hahayaan namin mangyari ni Kaito yun?" singhal ni Ethan na kaagad din kinalma ang sarili saka masuyong hinawakan ang mukha ni Zea. "Buong buhay ko pinrotektahan kita... Handa kong itaya ang buhay ko para sayo... Sa tingin mo hahayaan kitang pumunta doon? Mas may tiwala ka ba kay Kael kaysa sa akin?"Huminga ng malalim si Zea saka h******n ang mga labi ni Ethan."Kun
Napangiti si Zea habang pinagmasdan si Kaizer habang abala itong kumain ng ice cream. Sino ba naman ang mag-aakala na may anak na pala ang kaibigan niyang si Kaito?Gayong wala itong kahilig-hilig sa babae at noon pa man ay seryoso ito pagdating sa trabaho. Kaya naman hindi na siya nagtaka kung siya ang napili ng kanyang ama bilang maging leader ng Raven Seals. Napatingin sa kanya ang bata at kaagad siya nitong sinimangutan. Natawa tuloy si Zea."Hindi nga ako girlfriend ng Papa mo.""Alam ko. Mas maganda kaya sayo Mama ko." Lalong natawa si Zea. "Nasaan ba Mama mo?""Nasa heaven."Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ni Zea. Tahimik siyang tumabi rito saka marahang hinaplos ang buhok nito."Oo naman. Mas maganda ang Mama mo. Huwag kang mag-alala, di ko naman siya papalitan. Ako, saka si Papa mo. Matagal na kami magkaibigan. Magkatrabaho kami.""Agent ka rin po?" Buong atensyon siyang tiningnan ng bata. "Magaling ang Papa ko sa baril. Sharp shooter! Marunong ka rin po ba non?"Ngumiti