/ Romance / Undress Me, Uncle Troy / Chapter 74 - Pagpipilian

공유

Chapter 74 - Pagpipilian

작가: GRAY
last update 게시일: 2025-12-04 19:25:47

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba akong nakaupo rito sa presintong amoy kalawang at malamig na parang nilalamon ang balat ko. Mula nang biglang dumating ang mga pulis sa bahay, hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng mga kamay ko. Para akong nasa bangungot na hindi ako magising-gising.

Ang sabi nila, inaaresto raw nila ako sa salang pagpatay kay Papa Apollo.

Hindi ko pa rin matanggap ang mga salitang iyon kahit paulit-ulit na silang umaalingawngaw sa tenga ko.

At habang nakaupo ako
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 244 - Real Game Is Starting

    Paglapag ng eroplano ay hindi agad nawala ang pakiramdam na may mali sa hangin. Hindi ito dahil sa pagod. Hindi rin dahil sa haba ng biyahe. Kundi dahil ramdam ko agad na iba ang mundo na ito.Pagbukas pa lang ng pinto ng eroplano ay sumalubong ang malamig na hangin ng Berlin. Tahimik. Malinis. At higit sa lahat— kontrolado.Hindi kami sabay na bumaba ni Lara.Nauna ako.Ilang segundo ang pagitan bago siya sumunod.Sakto lang para magmukhang hindi kami magkakilala. Hindi na kailangan ng usapan para doon. Naiintindihan na namin iyon bago pa man kami umalis ng Pilipinas.Pagpasok ko sa terminal ay diretso ang galaw ko.Walang lingon. Walang pause. Normal na pasahero.Sa gilid ng paningin ko ay nakita ko si Lara—pero hindi siya lumalapit. Hindi rin siya tumitingin sa akin. Para lang siyang isa sa maraming dumating ns pasahero.Tama.Ganoon dapat.Paglabas ko ng terminal ay nandoon na ang sasalubong sa akin. Isang lalaki. Maayos ang postura. Tahimik. Hindi siya gumagalaw nang walang dahil

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 243 - The Departure

    Kinabukasan ay mas mabigat ang hangin. Hindi dahil sa pagod. Hindi dahil sa kakulangan sa tulog. Kundi dahil malinaw na malinaw na hindi ito rehearsal.Ito na ang mismong galaw.Maaga pa lang ay gising na ang buong hideout.Hindi na kailangan ng utos. Hindi na kailangan ng paalala. Kahit walang nagsasalita, bawat isa ay alam ang gagawin.Mga monitor na naka-on.Mga system naka-sync.Ang clone ng Aether Grid ay naka-live na parang isang pusong patuloy na tumitibok sa gitna ng katahimikan.At sa bawat tibok na iyon—may responsibilidad.Pagpasok ko sa main area, agad kong naramdaman ang pagbabago.Mas mabilis ang galaw. Mas tahimik ang boses. Mas mabigat ang bawat hakbang.Hindi ito tulad ng mga nakaraang araw na puno ng diskusyon. Ngayon ay execution na.“Morning, sir,” bati ni Melvin habang hawak ang dalawang tablet.Hindi na siya kinakabahan tulad ng dati. Hindi na siya basta sumusunod lang. Nakikita ko— nagbabago na rin siya.“Status,” sabi ko.“Flight reconfirmed,” sagot niya agad.

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 242 - The Meeting

    Maaga kaming nakapwesto sa hideout.Lahat naka-ready.Mga screen naka-on. Mga system naka-standby. Ang clone ng Aether Grid ay naka-live feed na, tahimik pero buhay na buhay sa bawat galaw ng data.Hindi ito simpleng meeting.Ito ang unang pagkakataon na ang isang buong rehiyon—isang buong kontinente—ay kusang lalapit para humingi ng sistema namin.Hindi dahil sa utos. Kundi dahil sa resulta.“Connection in ten seconds,” sabi ni Ethan habang mabilis ang galaw ng mga daliri sa keyboard.Tahimik ang lahat.Si Samantha nasa likod ko, nakatingin sa main screen. Si Alessia nasa kanan ko, tahimik pero alerto. Ang buong team ay nakaposisyon—hindi para makinig lang, kundi para magbasa ng bawat galaw.“Three… two… one…”At nagbukas ang screen.Lumabas ang conference panel. Maraming mukha. Iba-iba ang posisyon. Pero malinaw—mga taong sanay sa kontrol.Mga kinatawan ng European government.Hindi sila nagsayang ng oras.“Mr. Arizcon,” bungad ng isang lalaking nasa gitna ng panel.Malinis ang tono

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 241 - Nagsimula Na

    Kinabukasan ay mas maaga akong nagising kaysa sa karaniwan. Hindi dahil sa alarm. Hindi dahil sa schedule.Kundi dahil alam ko na ito na ang simula ng bagay na hindi na pwedeng atrasan.Tahimik pa ang buong bahay. Wala pang gumagalaw. Wala pang ingay. Pero sa loob ko ay malinaw na ang direksyon. Hindi na ito tulad ng Aether Grid na itinayo namin nang unti-unti.Ito ay diretso sa gitna.Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si Mama sa kusina. Nakaupo lang. Tahimik na nagkakape. Parang naghihintay.“Maaga ka ngayon,” sabi niya.“May pupuntahan po,” sagot ko.Hindi na siya nagtanong pa. Hindi na rin niya kailangan. Alam na niya kahit hindi ko man sabihin.“Mag-ingat ka,” sabi niya.Tumango lang ako. “Opo.”Paglabas ko ng bahay ay nandoon na ang sasakyan. Si Melvin nasa driver’s seat. Tahimik din. Pero halatang gising ang isip.“Address?” tanong ko habang sumasakay.Inabot niya ang tablet.Isang location.Walang pangalan ng building. Walang label. Walang description.Coordinates lang.Ngum

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 240 - Simulan Na

    Hindi agad nawala ang bigat ng usapan kahit nakalabas na ako sa gusali.Hindi iyon basta meeting lang. Hindi iyon simpleng utos. Isang direksyon iyon na magbabago na naman sa takbo ng lahat.Habang nasa loob ako ng sasakyan, tahimik ang paligid. Walang nagsasalita. Walang tanong si Melvin na nasa unahan. Hindi niya kailangang magtanong. Alam niyang kapag handa na akong magsalita, ako mismo ang magsasabi.At hindi ako nagtagal.“Sa bahay tayo,” sabi ko.“Opo, sir.”Walang liko. Walang ibang pupuntahan. Dahil may mga bagay na hindi pwedeng ipagpaliban.Pagdating ko sa bahay, hindi na ako dumaan sa kung saan-saan pa. Diretso ako sa loob at agad kong naramdaman ang presensya ni Mama.Nasa sala si Mama. Tahimik. Parang naghihintay.Hindi na ako nagulat. Sanay na siya. Kapag ganitong oras ako umuuwi— ibig sabihin may mabigat na nangyari.“Anak…” sabi niya.Hindi ako agad sumagot.“Nasaan po si Papa?” tanong ko.“Nasa study, kausap si Samantha sa isang project ng JEF.”Tumango ako. Tumigil a

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 239 - Ang Delikadong Bagay

    Hindi na bago ang lugar. Hindi na bago ang pasilyo. Hindi na bago ang pakiramdam ng paglalakad papunta sa isang silid na kayang baguhin ang direksyon ng lahat.Pero sa pagkakataong ito ay iba.Mas mabigat.Mas tahimik.At mas malinaw ang kapalit.Dalawang buwan.Dalawang buwan na halos hindi kami natulog. Dalawang buwan na walang tigil ang galaw—mula sa hilaga hanggang timog, mula sa mga lungsod hanggang sa pinaka-liblib na barangay.Dalawang buwan na pinatunayan namin na kaya namin.At ngayon ay nandito na ulit ako. Sa harap ng parehong pinto. Huminto ako sandali bago kumatok. Hindi dahil nagdadalawang-isip ako. Kundi dahil alam kong pagpasok ko ay hindi na ito tungkol sa pagpapatunay.Kundi sa pagpili.Kumatok ako.“Come in.”Parehong boses.Parehong bigat.Pagpasok ko ay naroon siya—nakatayo sa tabi ng bintana. Nakatingin sa labas. Tulad ng dati.Tahimik.Hindi niya ako agad hinarap. Hindi niya ako agad kinausap. Pero ramdam ko na alam niya na nandito na ako.“Two months,” sabi niy

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 29 - Boomerang

    "Ma'am, oki lang kayo?" tanong ni Mayang sa akin sa tono niyang bisaya. "Kanina ka pa sobrang lalim ng paghinga ninyo. Akala ko nga mahihigop mo na ako."Huminga ako nang malalim. Kung nasa ibang sitwasyon siguro ay matatawa na naman ako sa banat ni Mayang. Pero kanina pa ako binabagabag ng iniisip

    last update최신 업데이트 : 2026-03-19
  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 36 - Confrontation

    Kinabukasan, maaga akong nagising. Halos hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi dahil sa jetlag—kundi dahil sa bigat ng lihim na dala ko. Pero kahit anong kaba ang nasa dibdib ko, kailangan kong gumalaw. Kailangan kong maging productive. Kailangan kong mag-focus.Hindi puwedeng lamunin ako n

    last update최신 업데이트 : 2026-03-19
  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 38 - Ang Aksidente

    Kinabukasan, paggising ko pa lang, mabigat na agad ang dibdib ko. Hindi ako makain, hindi ako makagalaw nang maayos. Para bang nabubuo na sa loob ko ang tormento ng katotohanang pilit kong itinatanggi nitong mga nakaraang araw.Hindi ako basta pwedeng umasa sa sinabi ni Ate Heidi. Hindi ako puweden

    last update최신 업데이트 : 2026-03-19
  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 39 - Gulong-gulo

    Pagkatapos naming mag-usap ni Mama, pakiramdam ko nauupos ako tulad ng kandila. Sobrang bigat ng katawan ko, parang kailangan ko na lang humiga at umiyak hanggang makatulog. Pero hindi puwede. Hindi puwedeng malaman ni Troy na umalis ako. Hindi puwedeng mahalata niya ang kahit anong galaw ko.At la

    last update최신 업데이트 : 2026-03-19
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status