Home / Romance / Unexpectedly Yours, Doctor / Chapter 7 – Warm Milk and Boundaries

Share

Chapter 7 – Warm Milk and Boundaries

Author: SiaSays
last update Last Updated: 2025-06-07 19:08:10

Tahimik pa rin ang paligid. Nasa balcony pa rin kami ni Damian, pareho naming hawak ang mug ng warm milk na halos hindi na malamig.

Nakatingin siya sa akin—hindi mapilit, pero malinaw ang intensyon. “I’m not saying you need to love me today, Celeste. I just want you to let me try.”

Ang hirap magtiwala sa taong halos hindi mo kilala. Pero mas mahirap yatang tanggihan ang isang taong nagpapakita ng effort—hindi lang dahil kailangan niya, kundi dahil gusto niya.

Hindi ako sumagot. Tahimik lang akong tumango, sapat na siguro ‘yon bilang pansamantalang sagot. Binalik ko ang tingin ko sa ilaw ng lungsod sa ibaba, habang unti-unting tumahan ang luha ko.

“Salamat,” bulong ko.

“Anytime,” sagot niya, sabay inom ng natitirang milk sa mug niya.

Kinabukasan, back to routine kami.

Nauna akong magising. Na-sense ko rin agad ang presensya niya sa kusina, nagluluto ng breakfast habang nakasuot ng gray hoodie at boxers. Kung dati, parang out of place ako dito sa condo niya, ngayon, kahit papaano, parang mas gamay ko na ang galaw ng lugar.

“Good morning,” bati niya, hindi lumilingon.

“Good morning,” sagot ko habang kinukusot ang mata ko.

“Eggs or oatmeal?” tanong niya.

“Coffee,” sagot ko agad.

Napatawa siya. “That’s not breakfast.”

“Coffee is breakfast,” sagot ko sabay upo sa barstool.

“Not for a pregnant woman,” sabay turo sa mug ng warm lemon water. “Try that muna.”

Napabuntong-hininga ako pero kinuha ko rin. “Fine. Bossy.”

“Concerned,” he corrected.

Minsan nakakainis ‘yung ganun—‘yung wala kang masabi kasi may punto siya.

Pagkatapos naming kumain, naunang lumabas si Damian. May surgery daw siya at mukhang buong araw siyang mawawala. Ako naman, day off ko ngayon, pero balak kong bumisita sa OB ko at mag-grocery after.

Pero bago siya umalis, huminto siya sa may pinto.

“Text me kung may kailangan ka. And update mo ko sa checkup ha,” sabi niya habang inaayos ang relo.

“Okay,” sagot ko.

“Promise?”

“Wow. May promise na involved?” biro ko.

“Celeste.”

“Okay na, oo na. Mag-uupdate ako,” sabi ko, sabay irap ng bahagya.

Ngumiti siya, ‘yung tipong proud na nakuha niya ang gusto niya. Then he left.

Pagkasara ng pinto, nanahimik ang buong unit. Parang saka ko lang ulit na-realize na mag-isa ako. At kahit ilang araw pa lang akong nakatira dito, parang mas sanay na akong may presensya siya sa paligid. Nakakainis. Nakaka-alarm.

I shook my head and got ready for my appointment.

Sa clinic, habang hinihintay ang OB ko, tinext ko si Damian.

OB waiting room,sobrabg lamig.Wala kang sinabi na kelangan ko pala ng jacket.

Few seconds later, nag-reply agad siya.

I always bring a jacket sa OR. Hindi ka marunong ng survival instincts?

Napailing ako habang napangiti. I hate to admit it, pero medyo kumakapit na ‘yung banter naming dalawa. Hindi ‘yung pilit na asaran. Yung tipo na may natural na rhythm. May familiarity kahit hindi pa kami ganun katagal magkakilala.

After the appointment, I dropped by the grocery and bought enough supplies for the week—kasama na ‘yung mga cravings kong hindi ko na kayang itago. Cheesy breadsticks. Gatas na may chocolate flavor. At kung anu-ano pang pang-bata.

Pagbalik ko sa condo, tahimik ulit. Wala pa si Damian. So I put everything away, nag-shower, then nagluto ng light dinner. Tinabi ko ang para sa kanya, kahit hindi ko pa alam kung darating pa siya nang maaga.

Alas-nwebe na nang bumukas ang pinto. Mukhang pagod siya—bitbit ang bag, may kaunting putik ang shoes, at halatang hindi siya kumain.

“Hey,” bati niya, mahina ang boses.

“Hey. Kumain ka na?”

Umiling siya. “OR ran long.”

“I saved you some.”

Nagkatinginan kami sandali. Saka siya tumango. “Thanks.”

Nagsimula akong i-reheat ang food habang siya naman ay nagpalit ng damit. Nang bumalik siya sa kusina, naka-joggers na lang siya at plain white shirt. Medyo basa pa ang buhok.

Tahimik siyang kumain. At habang nanonood ako sa kanya, napansin ko ‘yung kaunting pamumula ng ilalim ng mata niya. Hindi siya umiiyak. Pero halatang pagod.

“You okay?” tanong ko.

Tumango siya. “Long day.”

“You wanna talk about it?”

He paused. Then looked at me.

“Do you really want to hear about brain tumors and blood clots over dinner?”

Napangiti ako. “Good point.”

But I sat with him anyway, habang kumakain siya. Walang mahabang usapan. Walang forced na koneksyon. Just shared silence. And oddly, it felt like enough.

Pagkatapos, pareho kaming naupo sa couch. I brought out two mugs of tea this time.

He raised an eyebrow. “Warm milk is gone?”

“Today, we try tea.”

He accepted it. Then turned to me. “Ready for tonight’s question?”

Napaisip ako. “Okay. Ako muna?”

He nodded.

I held the mug close. “I hate being celebrated.”

Napakunot-noo siya. “Bakit?”

“Kasi kapag achiever ka, people expect you to win all the time. And when you do win, it’s just… expected. No joy. No surprise. Just pressure. But when you fail, it’s a spectacle.”

Tahimik siya sandali. Then he said, “That’s a lonely place to be.”

“I got used to it,” sagot ko.

“Still sucks though.”

“Yeah.”

Tumango siya, tahimik. Then he said, “Okay. My turn.”

Nag-antay ako.

“I never told anyone this, but… after my first failed surgery in residency, I almost quit.”

Napatingin ako sa kanya. “You?”

“Yeah. The pressure. The guilt. The expectations. Parang wala nang space para magkamali. Pero buti na lang, may mentor ako who told me, ‘You’re not the only one who’s scared. You’re just the only one admitting it.’”

“Wise guy.”

“Yeah. Passed away last year. But I still hear his voice in my head sometimes.”

Napayuko ako. “That’s heavy.”

“Sorry. Pang-drama pala.”

“No,” sagot ko. “I like it. I like knowing you’re human.”

He chuckled. “Aren’t we all?”

Pagkatapos ng tea, sabay kaming nagligpit. Hindi na kami nag-usap pa. Tahimik lang hanggang sa kanya-kanyang kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ko, humiga ako agad. Pero hindi ako makatulog.

Sa kabilang pader, naririnig ko ang tunog ng drawer na isinara. Ang kaluskos ng paglipat niya ng mga gamit. At sa likod ng ingay na ‘yon, naroon ang katahimikang unti-unting hindi na nakakabingi. Kundi kumportable na.

Minsan, hindi mo kailangang may label agad ang isang bagay para maging mahalaga.

At sa gabing ‘yon, naisip ko…

Maybe being here wasn’t just about having a roof over my head.

Maybe, it was the beginning of something else.

Something quiet.

Something real.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unexpectedly Yours, Doctor   chapter 24 - ready or not

    Mabilis ang takbo ko papunta sa Room 6 nang marinig ko sa PA system:“Code White, Room 6. Immediate response required.”Alam ng lahat sa ospital—’pag sinabing Code White, may pasyente na nagka-psychological emergency. Either violent behavior, aggressive episode, or sudden mental breakdown. Kadalasang may risk sa sarili niya o sa staff.Tumakbo rin si Jessa mula sa kabilang hallway, may hawak na med cart.“Pedia patient daw, post-surgery. Biglang nagwawala.”Pagpasok namin sa kwarto, nag-uunahan ang hininga ko at ang kaba. Isang batang lalaki, mga siyam na taong gulang, nakapiring ang mga mata at sumisigaw habang hinahampas ang kama. Dalawang nurse ang pilit siyang pinapakalma—si Celine at si Alvin, parehong interns na nasa rotation ko.“Wag mo akong hawakan! Ayoko dito! Ayoko na!”“Celine, hawak sa balikat. Alvin, pakikuha ng 2.5 lorazepam IM sa tray,” utos ko agad, siniguradong firm pero hindi hysterical ang boses ko.“Already drawing,” sagot ni Alvin, nanginginig ang kamay pero mabi

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 23 – Tell Me Something You’ve Never Said Out Loud

    Hinihila ng babae ang bedsheet habang nakapatong sa kanya ’yung lalaki. Pawis sila, magkadikit, bawat galaw may halong halinghing at ungol. Bumitaw ang kamay ng lalaki, dumulas pababa sa hita ng babae, huminto sa pagitan ng mga hita niya. Napapikit siya. Huminga ng malalim. Napasinghap.Umangat ang lalaki para halikan siya sa leeg, sa dibdib, sa ilalim ng panga. Mabagal, masinsin. Gumulong sila sa kama, pareho nang halos walang saplot. ’Yung ilaw sa background dimmed red—at ang tunog ng TV halos parang hininga na lang.Nakahinga ako nang malalim—at saka ko lang na-realize na hawak ko ’yung throw pillow nang parang sandata.Then I blinked. Wait.TV nga pala ’to.Bigla akong napatagilid. Damian was right beside me on the couch, pretending to look calm but obviously too still to be casual. Pareho kaming hindi gumagalaw.And yes—nagka-awkward silence.“You okay?” tanong niya, dry pero amused ang tono.“Uh-huh,” sagot ko, mabilis. “You?”“Thrilled,” he muttered. “Didn’t expect full-on erot

  • Unexpectedly Yours, Doctor   chapter 22: crumbled walls

    Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi. Basta ang naaalala ko lang ay ’yung katahimikan ng gabi at ang paalala ni Damian:“You don’t have to hold it alone.”Pagmulat ko, may liwanag na sa bintana. Tanghali na. Tahimik pa rin ang unit. Walang tunog ng TV, walang radyo. Wala ring kumakatok. Pero may naamoy akong niluluto.Bumangon ako. Mabigat pa rin ang katawan ko, pero at least, buo ang tulog ko. Paglabas ko ng kwarto, bumungad agad sa akin si Damian sa kusina—naka-gray shirt at may hawak na pan spatula, kasalukuyang naghahalo ng itlog.“Morning,” bati niya nang mapansin akong nakatayo lang sa hallway.“Anong oras na?”“Past ten. Let me guess—you forgot to set your alarm.”“Hindi talaga ako nag-set.”Ngumiti siya. “Good. You needed rest.”Umupo ako sa dining table. Tahimik lang. Pinapanood ko siyang kumilos—maingat, kalmado, parang sanay na sanay sa kilos sa loob ng maliit na kitchen namin. May lutong kanin, itlog, at tinadtad na kamatis.Simple lang. Pero sobrang bi

  • Unexpectedly Yours, Doctor   chapter 21 :Quiet return

    Hindi ko alam kung anong oras na nang mapilit kaming umuwi ni Clarice. Si Mama, stable. May assigned nurse. May direct order ang doktor: pahinga muna kami. Bawal bumagsak.Clarice was exhausted. Halos hindi na makalakad paalis ng ICU. Damian offered to drive us home—sa lumang bahay sa San Felomina. Wala nang tanong. Walang pagtutol.Pagdating namin, diretso si Clarice sa kwarto. Ako naman, nanatili sa sala. Tahimik. Nasa sofa si Damian, pero hindi siya nagtanong kung anong iniisip ko. Hindi rin ako tinanong kung okay lang ako. Alam niyang hindi ko rin masasagot.Napatingin ako sa luma naming dingding. May bakas pa ng lumang larawan doon—’yung graduation picture ko sa nursing. Si Mama ang may pakana noon. Proud na proud siya.“Gising ka pa?” tanong ni Damian.Tumango lang ako. “Hindi ako makatulog.”“Me neither.”Tahimik.“Pero dapat kang matulog,” dagdag niya. “You need to recharge.”Napangiti ako, kahit sobrang banayad lang. “Recharge talaga?”“Sorry. Doctor term. Pero totoo naman.”

  • Unexpectedly Yours, Doctor   chapter 20-ICU

    Alas-tres ng madaling araw. Tahimik pa rin ang ICU. Wala kang maririnig kundi ’yung steady beep ng monitor at mahinang ugong ng aircon. Kabaligtaran ng ER—walang sigawan, walang takbuhan. Pero mas mabigat.Hawak ko pa rin ang kamay ni Mama. Malamig, walang reaksyon. Si Clarice, nakahiga sa monoblock chair sa sulok. Tulog pero halatang pagod. Si Damian, nasa likod ko pa rin. Tahimik. Gising pa rin.Biglang kumislot ang daliri ni Mama.Napaupo ako ng diretso. Tumingin ako agad sa monitor. Wala namang alarm, stable pa rin ang vitals. Pero sigurado ako—gumalaw talaga siya.“Damian,” mahina kong sabi. “Gumalaw siya.”Lumapit siya agad. “Are you sure?”Tumango ako. “Oo. Hindi ako nag-i-imagine.”Muli, bahagyang gumalaw ang daliri ni Mama. Mas malinaw ngayon.“I’m calling the nurse,” sabi niya, diretso. “Let’s get her checked now.”Tumakbo ako palabas, tinawag ang night duty nurse at ang on-call resident. Pagbalik namin, gising na si Clarice. Lutang pa, pero alerto agad.“Ate, anong nangyaya

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 19 – The Call from San Felomina

    Pagpasok ko sa ER ng ospital, ramdam ko agad ang energy ng lugar.Hindi ito ’yung ordinaryong abala. Iba ’to—yung klaseng pagod na kahit bago pa lang ang shift mo, parang kalahati na agad ng lakas mo ang naubos. Mga pasyenteng kaliwa’t kanan, intern na umiiyak sa sulok, at isang bagong chart na may red alert na nakapatong na agad sa desk.“Celeste,” tawag ni Chief Nurse Alano, habang may hawak na tablet. “Room 2, incoming trauma case. Multiple injuries. Ikaw ang mag-aasikaso, kasama si Dr. Torres.”Tumango ako agad. “Copy.”Sanay na ako sa ganitong tempo. Kahit buntis ako, hindi ko ginagamit ’yon bilang excuse para magpahinga. Alam ng buong floor na hangga’t kaya ko, kaya ko. At ngayong araw na ’to, ayokong maging ibang tao.Nakahanda na ang trauma bay pagdating ng pasyente. Male, 30s, motorcycle crash. Multiple fractures. Blood loss.“BP’s dropping!” sigaw ng isa sa mga resident.“Get me O neg, now!” sigaw ni Dr. Torres. “Celeste, vitals monitor, stat!”Tumakbo ako, kinuha ang readin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status