ホーム / Romance / Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+) / Elizza 21: Pag gapi kay Dahlia

共有

Elizza 21: Pag gapi kay Dahlia

作者: ExDealers
last update 公開日: 2026-06-04 09:01:53

Galit na galit ang mga mata ni Dahlia habang nakatingin sa akin.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" sigaw niya.

Ngumiti lang ako.

"Bakit? Totoo naman. Mukhang matakaw ka ata ngayon?"

Parang tuluyan nang naputol ang natitira niyang pasensya.

"Baboy ka talaga! Baboy!"

Kasabay ng sigaw niya ay ang mabilis niyang pagsugod sa akin.

Dati, siguradong napaatras na ako. Baka nga umiyak pa ako sa takot.

Pero hindi na ako ang dating Elizza.

Sa loob ng ilang buwan, paulit-ulit akong sinanay ni Chantal. Hindi l
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 40: Hinanakit ni Lolo

    "Lolo..." bati ko sa kanya sabay ngiti. Subalit ang ngiting iyon ay pilit lamang, at ramdam ko ang panginginig ng aking mga labi dahil sa takot at kaba.Hindi man lang ako sinagot ni Lolo George. Hindi nagbago ang seryosong mukha ng matanda habang dahan-dahan siyang bumababa mula sa kanyang sasakyan. Nang makatapak sa semento, tuwid siyang tumayo na tila isang hukom na handang magparusa. May hawak siyang baston, at ang bawat hakbang niya patungo sa pinto ay may kasamang mabigat na awtoridad. Naglakad siya papasok sa loob ng kabahayan nang hindi man lang bumabati kahit kanino, tila ba walang nakikitang tao sa kanyang paligid. Ang kanyang mga mata ay nakatingin lang sa unahan, malamig at walang emosyon.Sumunod kaming lahat sa kanya, pumasok sa malawak at marangyang mansyon na binalot bigla ng nakabibinging katahimikan. Pagpasok sa loob, dire-diretso siyang tumuloy sa sala at naupo sa gitna ng malaking sofa. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa kanyang baston at tumingin sa aming lahat.

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 39: Muling Paghaharap

    Ilang linggo na ang nakalilipas mula nang magsimula akong mag-abang, ngunit wala man lang dumarating na Elizza. Araw-araw akong tumitingin sa malaking gate ng kanilang mansyon, umaasang makikita ko ang kanyang sasakyan o maririnig ang kanyang boses, ngunit laging katahimikan ang sumasalubong sa akin. Sa kabila nito, pinili kong huwag umalis sa kanilang napakalaking bahay. Narito lang ako, nagpapakumbaba at nagtitiis. Hindi ako lumalabas ng bakuran kahit kailan. Ang tanging ugnayan ko sa labas ay ang aking trabaho, kung saan nagrereport na lamang ako sa aming kumpanya sa pamamagitan ng mga video call upang hindi mapabayaan ang mga tungkulin ko roon. Ang buong buhay ko ay umikot na lamang sa apat na sulok ng tahanang ito, naghihintay sa kanyang muling pagbabalik.Kahit si Lolo George ay hindi rin ako tinatawagan o pinadadalhan ng mensahe. Sa nakalipas na mga buwan, tanging si Jeremiah lamang ang aking nakakausap. Napakayaman ng pamilya nina Jeremiah, at alam kong hindi nila kailangan ng

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 38: Parusa sa masasama

    "Anong ibig sabihin mo, Kuya Jeremiah? Ano ba talagang nangyari kina Marcus?" tanong ko sa kabilang linya. Biglang nagbago ang pakiramdam ko. Nakaramdam ako ng matinding pag-aalala at kaba. Sa tono ng pananalita niya, parang hindi ko na kailangang maghiganti pa dahil may mas matindi nang gumagawa niyon para sa akin."Puntahan mo na lang ang mga kaibigan mo sa ospital. Ikumusta mo na lang ako sa kanila, ha?" sagot ni Jeremiah. Rinig ko ang tawa sa kanyang boses, ngunit halatang nang-aasar at may malalim na kahulugan ang tono niya.Matapos ang tawag na iyon, ibinaba ko ang aking telepono at huminga nang napakalalim. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Ano ba talaga ang totoong nangyari kahapon? Bakit ganoon na lamang siya magsalita? Parang may alam siyang hindi ko alam, at parang hawak niya ang buhay ng mga taong nanakit sa amin.Hindi ko na sinayang ang oras. Agad kong pinaandar nang mabilis ang aking sasakyan patungo sa ospital kung saan sila naroon. Habang nasa biyahe, hin

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 37: Tulong ni Jeremiah

    "Kuya Jeremiah, kailangan ko ng tulong mo!" inis kong sabi, habang nanggigigil ako kakapindot sa aking cellphone.Wala na akong ibang mapagpipilian. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakahawak sa manibela ng kotse, gamit ang isang kamay para idikit ang cellphone sa tainga ko. Si Jeremiah na lang ang pag-asa ko. Kailangan kong malaman kung nasaan ang kapatid niya.Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Hindi pwedeng masira lang nang ganoon kadali ang lahat ng pinaghirapan ko! Isang buwan akong nagpalatigo at humarap sa parusa kay Jeremiah para lang pumayag siyang makalapit muli ako kay Eli. Tiniis ko ang lahat ng sakit. Tapos ngayon, dahil lang sa mga walang-hiya kong dating kaibigan, mababalewala ang lahat? Maglalaho na lang na parang bula si Eli?"Hindi! Hindi ako papayag!" sigaw ko sa loob ng kotse.Ang ring ng phone ay tumunog... At muling tumunog... Hanggang sa namatay ang tawag.Ramdam ko ang malamig na pawis na pumatak mula sa aking noo. Mas lalong bumilis ang tibok ng

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 36: Matinding poot ni Lionel

    "Sir, ipinasarado po ang bar na ito, kahapon lang."Isang guard ang biglang humarang sa harap ko. Nanigas ako sa aking tatayuan habang nakatingin sa paligid. May mga dilaw na cordon o police tape na nakatali sa mga poste, nakabakod sa mismong pintuan ng Bar."Bakit? Anong nangyari?" Naguguluhan kong tanong, pero ang totoo, may kakaibang kaba na namumuo sa tiyan ko. Kahapon lang, bukas pa ang lugar na ito. Dito ako mismo nagpunta kahapon para makipagkita sa kanila. Ngayon, sarado na at may guwardiya pa? Biglaan naman yata. Hindi normal ang ganito."Marami daw pong ilegal na gawain sa loob, sir, at kulang daw po sa permit," sagot ng guard habang patingin-tingin din sa paligid."Nasaan ang may-ari? Si Marcus Ordaneta? Nasaan siya?!" Medyo tumaas ang boses ko. Nararamdaman ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ito dahil sa pagod, kundi dahil sa takot. Takot na baka may hindi magandang nangyari na hindi ko alam."Ah, nasa ospital po sila ngayon, sir. Si Mr. Marcus pati 'yung mga

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 35: Umalis si Eli

    "Hindi po pumasok si Dok..."Parang bombang sumabog sa tainga ko ang sinabi ng guard pagkarating ko sa ospital. "Noong umalis po siya kahapon na parang galit, hindi na po siya bumalik.""Kahapon? Umalis siyang... parang galit?"Naulit ko ang tanong niya dahil biglang umikot ang paningin ko. Ang puso ko ay nagsimulang tumibok nang napakabilis at napakalakas, parang lalabas sa dibdib ko. Ramdam ko ang lamig na gumagapang sa buong katawan ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa susunod na sasabihin ng guard."Opo. Naka-body suit po siya, at sumakay sa big bike ni Mr. Smith. Hindi po siya nagsasalita. Mukhang bad trip po talaga..." naiiling na sagot ng lalaki sa akin.Hindi ako makahinga nang maayos. Nanginginig ang mga kamay ko kaya mabilis ko itong isiniksik sa bulsa ko para hindi mapansin ng guard."Nitong nakalipas na buwan po kasi," patuloy niya, "madalas niya kasama ang asawa ng kapatid niya. Tapos po, lagi sila sa gym. Noon, kapag may umaaway kay Doktora Delgado, tahimik lang siya. Per

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status