Home / Romance / Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+) / Gia 72: Pabagsakin si Gia

Share

Gia 72: Pabagsakin si Gia

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-07-30 10:49:56

"Pati 'yung limang tao ko sa studio, nadakip ng mga pulis! Wala na akong kontrol, Mom! Wala na!"

Halos bumagsak na ang lahat ng pag-asa ko dahil sa kasawiang tinatamasa ko ngayon. Napahawak ako sa aking ulo habang mabilis at magulo ang aking paghinga. Ano bang ayaw sa akin ng babaeng iyon? Ibinigay ko naman ang lahat. Ipinakita ko ang pera, ang kapangyarihan, at ang pagmamahal ko, pero bakit parang mas lalo niya lang akong itinutulak palayo?

"May kontrol ka pa, anak," malumanay at may diin na s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 72: Pabagsakin si Gia

    "Pati 'yung limang tao ko sa studio, nadakip ng mga pulis! Wala na akong kontrol, Mom! Wala na!"Halos bumagsak na ang lahat ng pag-asa ko dahil sa kasawiang tinatamasa ko ngayon. Napahawak ako sa aking ulo habang mabilis at magulo ang aking paghinga. Ano bang ayaw sa akin ng babaeng iyon? Ibinigay ko naman ang lahat. Ipinakita ko ang pera, ang kapangyarihan, at ang pagmamahal ko, pero bakit parang mas lalo niya lang akong itinutulak palayo?"May kontrol ka pa, anak," malumanay at may diin na sabi ni Daddy sa akin, habang pilit na kinukuha ang baril mula sa aking nanginginig na kamay. "Makinig ka sa akin, Anthony. Magkakamali ka kapag nagpadala ka sa galit at emosyon mo. Tingnan mo ang sarili mo... nanginginig ka. Pinalalabas mo lang na talo ka na sa laro na 'to. Hindi ganyan makipaglaro sa tao, anak..."Natigilan ako. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at tinitigan si Daddy na may halong pagtatanong at pagmamakaawa sa aking mga mata."Anong gusto mong gawin ko, Dad?!" hingal kong

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 71: Galit ni Anthony

    POV: Anthony"P*TANG INA!"Isang napakalakas at nakakatakot na sigaw ang umalingawngaw sa buong silid nang walang babala kong itinaob ang mabigat na wooden table sa aking harapan. Sumabog sa semento ang mga babasaging baso, alak, at mga platong naglalaman ng pagkain. Nagkalat ang mga bubog, subalit wala akong pakialam kahit pa tumalsik ang ilan sa mga iyon sa aking mga sapatos.Nanlalamig ang buo kong katawan habang mabilis at magulo ang aking paghinga. Ang ugat sa aking leeg at noo ay halos pumutok na sa matinding galit. Ang mga kamay ko ay nanginginig habang hawak-hawak pa rin ang teleponong katatapos lang patayin ng p*tang inang si Gia!CLICK.Naalala ko na naman ang boses niya—napakahinahon, napakalamig, at walang kahit katiting na takot.'Sabi ko, 'okay'. Gawin mo kung gusto mo. Bakit sa akin ka nagpapaalam? Sige lang.'"Hayop ka, Gia! Hayop ka!" sigaw ko sabay ibinato ng telepono sa sementadong pader. Sumabog at nadurog ang screen ng cellphone sa lakas ng pagkakatapon ko.Hind

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 70: Pananakot

    Kinabukasan, maagang-maaga pa lang ay umalis na ako ng penthouse para sa aking taping ng panibagong pelikula. Masaya at magaan ang pakiramdam ko habang nasa set. Kapag maayos ang trato sa mga kasama sa trabaho—mula sa direktor, sa mga kapwa artista, hanggang sa mga utility crew at makeup artists—masarap at magaan ang daloy ng trabaho.Nakaipon kami ng tatlong magagandang eksena bago sumapit ang tanghalian. Nagpatawag ako ng catering para sa lahat ng crew at masayang nakisalo sa iisang mahabang mesa sa studio.Subalit sa gitna ng aming tawanan at kainan, biglang nabulabog ang buong set.Nagulantang ang lahat nang marinig ang pagkabasag ng mga salamin at ang malalakas na sigaw mula sa entrance ng studio. Biglang pumasok ang limang lalaking armado ng matataas na kalibre ng baril! Nagmura ang mga ito at pilit na naglakad patungo sa kinaroroonan ko."Sino sa inyo si Gia?!" sigaw ng lalaking nakatakip ang mukha habang itinutok ang baril sa hangin. "Sumama ka sa amin nang tahimik kung ayaw m

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 69: Hayaan si Aila

    Mga alas-otso na ng gabi nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng electronic lock sa pinto. Mabilis kong ibinaba ang babasahing script at tumayo mula sa sofa.Pumasok si Crisostomo. Halatang pagod ang kanyang mga balikat mula sa maghapon na mga usapin sa korte, ngunit agad na lumambot ang kanyang ekspresyon nang magtama ang aming mga mata. Nakauwi na rin sa kani-kanilang quarters sina Salome at Betty matapos nilang maihanda ang hapunan, kaya kami na lamang dalawa ang tao sa buong penthouse.Inalis niya ang kanyang amerikana at idinikit ang isang banayad na halik sa aking noo. "Gising ka pa pala. Akala ko natutulog ka na.""Hinihintay talaga kita," nakangiti kong sagot habang tinutulungan siyang alisin ang kanyang necktie.Wala muna akong sinabi tungkol sa nangyaring palabas ngayong hapon kasama si Aila. Mas gusto kong maramdaman muna niya ang katahimikan at ginhawa ng bahay matapos ang mahabang araw.Naglakad kami patungo sa living room at naupo nang magkatabi sa malambot na sofa. I

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 68: Delusional

    Lalo pang pinalawak ni Aila ang kanyang ngiti habang patuloy na ibinubukas ang kanyang imahinasyon. Akala talaga niya ay nakuha na niya ang simpatya ng "nakababatang kapatid" ng kanyang ex."Naku, ewan ko ba sa kuya mo," pagpapatuloy ni Aila habang pabalagbag na pumuwesto sa kabilang armchair at itinapon ang kanyang mamahaling bag sa tabi. "Masyado kasing seloso! Akalain mo, pinagseselosan niya si Benny? Eh best friend ko lang naman 'yun! Hindi ko naman akalain na ganoon kalala ang selos niya para magtampo nang ganoon katagal at mag-inarte nang ganito."Napaismid ako nang bahagya habang nakikinig sa kanya. Best friend? Si Benny na mismong tinawag niyang "masarap kumain at ma bilis bumayo" noong nag-uusap sila sa ibabang unit, gaya ng narinig ko nina Salome at Betty kanina? Ang lakas talaga ng loob na pagmukhaing mababaw at walang dahilan ang galit ni Crisostomo."Ganoon ba?" malamig kong sang-ayon habang itinaas ang aking kilay. "So, si Benny lang pala ang dahilan?""Oo! Ang babaw,

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 67: Makapal ang mukha

    "A-Ano? Sinabi niya 'yun?!" nauutal at halos mapatid ang boses ni Aila sa matinding gulat. Mabilis na nagpalit-palit ang emosyon sa kanyang mukha—mula sa pagkahiya patungo sa defensive na galit.Hindi ako natinag. Mas lalo ko pang inayos ang aking pagkakasandal sa sofa at pinalawak ang aking ngiti."Oo, 'yun mismo ang sinabi niya sa akin," mahinahon ngunit may diin kong patuloy. "Sinabi rin niya na mukhang pera pala ang ex niya. Niloko lang siya nito at ipinagpalit sa ibang lalaki dahil lang sa panandaliang aliw. Sabi pa nga niya, matindi ang kamalditahan ng babaeng 'yun kaya hinding-hindi na niya muling papapasukin sa buhay niya."Napatigil si Aila. Nabilaukan siya sa sarili niyang laway habang nag-iiwas ng tingin. Ang kanyang mga daliri ay nanginginig na humawak sa tali ng kanyang mamahaling handbag. Isang alanganin at napakaplastik na tawa ang kanyang ibinahagi sa akin, pilit na itinatago ang matinding kaba at pagkapahiya."A-Ah... g-ganun ba?" nauutal niyang wika sabay kumpas

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 5: Knight and Shining Armor

    SUMISIGID ang amoy ng disinfectant sa aking ilong. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame na parang ulap sa kalangitan.‘Pumanaw na ba ako?’ iyon ang una kong naitanong sa aking sarili.Biglang luminaw ang aking pandinig. Rinig na rinig ko ang

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 4: Pakikipagplastikan

    “AKO naman talaga ang mahal ni Jansen. Ginagamit niya lang si Chantal para sa kanyang pag angat. Once na makuha na niya ang buong control sa company, itatapon na niyang parang basahan ang babaeng yun,” tinig iyon ni Veronica.Umaalingawngaw iyon sa loob ng banyo. Hindi man lang sila nagcheck muna

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 3: Bestfriend Daw?

    “CHANTAL!” Malakas ang tinig ni Jansen habang sinasalubong niya ako sa pasilyo ng aking opisina, “saan ka galing? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ng katulong, hindi ka daw doon natulog!”Medyo nainis ako. Siya pa talaga ang may karapatang tanungin ako ng ganito, gayung siya ang nakalimot sa

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 2: Ibang Hungarian Sausage!

    Naalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Leila!“Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status