Inicio / Romance / Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+) / Leila 15: Interesado kay Fonze

Compartir

Leila 15: Interesado kay Fonze

Autor: ExDealers
last update Fecha de publicación: 2026-06-28 21:53:30

Pagkalipas ng isang linggo, habang abala ako sa pagbabasa ng mga dokumento sa aking opisina, biglang tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ang screen, nakita kong tumatawag si Eli. Agad ko itong sinagot.

"Leila! Flight natin sa susunod na buwan ha, huwag mong kakalimutan," masayang-masaya ang boses ni Eli mula sa kabilang linya. "Nakaayos na ang lahat. Dalawang linggo tayo doon sa ibang bansa. Kasi, plano talaga namin ni Lionel na magtuloy-tuloy hanggang Maldives para sa aming honeymoon.
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 16: Ang bwesita

    "Sandali lang, Eli, mukhang may tao sa labas at may kailangang papirmahan sa akin... Usap na lang tayo mamaya pagkatapos ng trabaho ko," nagmamadali kong sabi sa aking kaibigan upang matapos na rin ang pang-aasar niya sa akin tungkol kay Fonze."Sige, sige! Balitaan mo ako tungkol sa inyo ni Engineer ha!" huling hirit ni Eli bago ko tuluyang ibinaba ang tawag.Inayos ko ang aking buhok at ang aking salamin, saka ako huminga nang malalim para ihanda ang aking sarili sa trabaho, habang ang isip ko ay bahagya pa ring naiwan sa usapan namin tungkol sa darating na biyahe at kay Fonze."Yes? Pasok..." tawag ko sa kung sino man ang kumatok."Attorney..." bungad ni Aria, ang aking secretary, habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. Bakas sa mukha niya ang pag-aalangan. "Kasi po, may bisita kayo ngayon. Sabi ko naman po sa kanya ay abala kayo at marami kayong ginagawa, pero napakakulit niya talaga.""Sino?" nangunot ang aking noo. Wala naman akong natatandaang may appointment akong kliyente s

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 15: Interesado kay Fonze

    Pagkalipas ng isang linggo, habang abala ako sa pagbabasa ng mga dokumento sa aking opisina, biglang tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ang screen, nakita kong tumatawag si Eli. Agad ko itong sinagot."Leila! Flight natin sa susunod na buwan ha, huwag mong kakalimutan," masayang-masaya ang boses ni Eli mula sa kabilang linya. "Nakaayos na ang lahat. Dalawang linggo tayo doon sa ibang bansa. Kasi, plano talaga namin ni Lionel na magtuloy-tuloy hanggang Maldives para sa aming honeymoon."Napakunot ang noo ko nang marinig ang tungkol sa dalawang linggong bakasyon. Bukod sa napakahabang panahon niyon para lumiban sa trabaho, may mas malalim pa akong inaalala. "Teka lang, Eli... Hindi ba masama sa iyo ang magbiyahe nang malayo at matagal dahil buntis ka ngayon? Baka mapwersa ang katawan mo, mahirap na.""Naku, huwag kang mag-alala sa akin," natatawang sagot ni Eli. "Kinausap ko na ang doktor ko at binigyan naman ako ng permiso. Isa pa, private jet naman ng pamilya ni Lionel ang g

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 14: Ang kasunduan

    "Hindi ka na niyon babalikan," nakangising sabi pa ni Ephraim habang nakasandal sa kanyang upuan. Para siyang isang taong siguradong-sigurado sa kanyang sinasabi, at bakas sa mukha niya na tuwang-tuwa siya sa sitwasyon."At bakit mo naman nasabi 'yan?" nangunot ang noo ko at tiningnan ko siya nang masama. Sa totoo lang, naiinis ako sa lakas ng loob niyang magsalita na parang kilalang-kilala niya si Fonze."Gusto mo bang makipagpustahan sa akin?" hamon niya habang itinataas-baba ang kanyang mga kilay. Puno ng kumpiyansa sa sarili ang kanyang boses, na lalong nagpa-init ng ulo ko."Bakit ko naman gagawin 'yan? Ano namang pakialam ko sa pakikipagpustahan mo?" naiinis kong sabi sabay tusok nang mariin sa pagkain ko. Gusto ko lang namang kumain nang tahimik, pero heto siya, nanggugulo na naman."Ganito kasi 'yan... Kapag bumalik siya rito, pangako, hindi na kita aabalahin pa kahit kailan. Hahayaan na kita sa buhay mo," panimula niya, sabay lapit nang kaunti sa akin upang mas maging mapang-

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 13: Kontrabida

    Habang maganda ang usapan namin ni Fonze, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Isang pamilyar na boses ang narinig ko, at bago pa man ako makalingon, may isang lalaki nang pumasok sa pagitan namin."Kumain ka muna, Leila. Kanina ka pa rito, hindi ka pa kumakain," seryosong sabi ni Ephraim habang nauupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Parang wala siyang nakikitang ibang tao dahil hindi niya man lang nilingon o pinansin si Fonze na katabi ko lang.Napairap ako sa kanya dahil sa biglaang pagsulpot niya. Gusto ko sana siyang tarayan, kaya lang, nang tingnan ko ang plato na dala niya, napalunok ako. May dala siyang mga pagkain na paborito ko at talagang nakakatakam ang hitsura nito."Kumain ka na nito, Leila," sabi pa ni Ephraim habang inilalapit sa akin ang plato. Hindi pa rin niya nililingon ang isa pa naming kasama sa mesa, pero halatang-halata sa tono ng boses niya na nagpaparinig siya. "Kumain ka na ngayon, dahil 'yang mga pagkaing 'yan ay naubos na sa lagayan doon sa buffet. Ang mga na

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 12: Future with stranger

    Habang nag-uusap kaming dalawa sa sulok ng wedding hall, unti-unti kong nalaman ang kanyang buong pinagmulan. Ikinuwento niya na galing siya sa isang napakayamang pamilya. Pero sa likod ng karangyaan ng kanilang angkan, may madilim na katotohanan—marami silang magkakamag-anak na nag-aagawan at nag-aaway para lang sa mamanahing kayamanan.Dahil ayaw ni Fonze ng ganoong klaseng gulo, gumawa siya ng sarili niyang diskarte. Nagtayo siya ng sarili niyang kompanya at negosyo sa construction upang hindi na umasa sa anumang mamanahin mula sa kanyang mga magulang. Habang nakikinig ako sa kanya, hindi ko mapigilang humanga. Kahit may kayabangan siya, may paninindigan siya sa buhay at talagang kahanga-hanga ang kanyang sipag."Sayang nga eh. Sana talaga sumali ako doon sa laro kanina kung alam ko lang na ikaw ang mananalo," nakangiti niyang sabi habang umiiling-iling pa na tila nanghihinayang. "Kung sumali ako, siguradong ako ang makakakuha ng premyo at ako ang makakasama mo sa biyahe.""Ang yab

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 11: Isang Engineer

    "And you are?" nangunot ang aking noo nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko.Hindi ko napigilang tingnan siya mula ulo hanggang paa. Maayos naman ang kanyang pananamit, nakasuot ng mamahaling polo na bumabagay sa kanyang tindig, at may hitsura rin naman. Kaya lang, may kung ano sa kanyang mukha na tila ba bilib na bilib siya sa kanyang sarili."I'm Fonze Ludwig..." nakangiti niyang sabi. Kitang-kita ang kumikinang niyang mga ngipin, saka siya naglahad ng kamay sa akin para makipagkilala.Hindi ko iyon inabot. Nanatili lang akong nakaupo at tiningnan ko lang ang kamay niya, pagkatapos ay binalik ko ang tingin ko sa kanyang mga mata. Napansin kong parang napahiya nang kaunti ang lalaki. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay at napakamot na lang sa kanyang ulo, sabay ayos ng kanyang buhok. Pero sa halip na umalis, lalo pa siyang ngumiti nang malawak."I saw you kanina habang nasa game kayo, and I found you interesting. Leila, right? By the way, isa akong engineer... na-share

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 154: Ako ang ama

    “Sana… sana hinayaan mo na lang akong mamatay! Sana, isinama mo na lang ako sa anak ko!”Halos mapunit ang lalamunan ko sa tindi ng sigaw na lumabas mula sa lalamunan ko.Parang buong bahay ang nayanig sa sakit at galit na matagal kong kinimkim.Ngayon lang kami nag-away nang ganito ni Jeremiah.N

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 153: Huling pagtitimpi

    “BABY, papasok na muna ako sa trabaho…”Mahinang paalam ni Jeremiah habang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polo.Isang buwan na ang lumipas matapos mangyari ang lahat.Isang buwan mula nang mawala ang batang nasa sinapupunan ko.At isang buwan na rin akong unti-unting lumalayo kay Jeremiah.Tahimik

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 151: Hindi niya anak

    MASAKIT ang buo kong katawan nang magising ako. Pakiramdam ko’y para akong binugbog nang paulit-ulit habang ako’y natutulog. Lalo na ang ibabang bahagi ng aking katawan—mahapdi, mabigat, at tila pinipiga mula sa loob.Ang ulo ko nama’y parang hinahati sa tindi ng sakit, habang ang aking baywang ay

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 149: Pagtatapos nina Jansen

    Makalipas ang ilang araw matapos ang nangyari sa bulwagan, tuluyan nang kumalat ang balita tungkol sa pamilya nina Jansen.Hindi man inilabas sa media ang lahat ng detalye ng gabing iyon, sapat na ang mga ebidensyang hawak nina Jeremiah at Lolo George upang tuluyang mabuksan muli ang kaso ng akside

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status