INICIAR SESIÓNTumunog ang marahas lumang pintuan at dahan-dahan itong bumukas. Biglang nagliwanag ang buong paligid nang buksan ang mga naglalakihang industriyal na ilaw sa kisame. Sa matinding lakas ng liwanag na dumatay sa aking mga matang matagal na nanatili sa kadiliman, agad akong nasilaw. Napapikit ako nang mahigpit, napaungol sa sakit, at pilit na ibinaling ang aking ulo paitaas upang maiwasan ang nakalilitong liwanag.Ilang beses akong kumukurap-kurap habang bumabalik ang aking paningin. At nang tuluyang luminaw ang aking paningin, sumalubong sa akin ang kaanyuan ng lalaking nakatayo sa aking tapat.Si Blaze.Ang tapat, kanang kamay, at personal na tao ni Crisostomo sa mga lihim nitong operasyon.Isang marahas na buntong-hininga ng ginhawa ang humulagpos sa aking lalamunan. Mabilis na nagbalik ang aking lakas ng loob. Nawala ang matinding pangingilabot na naramdaman ko kanina lamang sa kadiliman, pinalitan ito ng dati kong kayabangan at matayog na dignidad. Kilala ko si Blaze. Ang lalakin
POV: RenataNapakabigat ng aking mga talukap. Dahan-dahan kong pilit na iminulat ang aking mga mata, ngunit agad na sumalubong sa akin ang isang matinding kirot na bumalot sa buong kaliwang bahagi ng aking mukha. Ang panga ko—Diyos ko, ang panga ko ay parang nadurog at lumalagutok sa bawat maliit na paggalaw ng aking bibig.'Nasaan ako?'Bakit napakadilim? Ang hangin sa paligid ay napakamalamig, may amoy ng kalawang, lumang semento, at natuyong dugo na agad na nagpalukso sa aking sikmura.Sa gitna ng aking mahinang paghinga, dahan-dahang nagbalik sa aking isipan ang mga huling kaganapan.Ang silid sa safehouse... Ang nakalolokong halakhak ng dugyot at basurang artistang si Gia habang ipinarada ang kaniyang wedding ring sa harap ng mukha ko... Ang mga panlalait at panunukso nito tungkol sa aking edad, sa aking pagiging matandang dalaga, at sa pagiging baog umano ni Crisostomo...At si Crisostomo...Napasinghap ako nang marahas. Ang nakatatakot at nakamamatay na mukha ni Crisostomo. An
POV: CrisostomoInakay ko si Gia pabalik sa aming silid. Maingat ang bawat hakbang ko, nakapulupot ang braso ko sa kaniyang baywang na tila ba gawa siya sa napakarupok na salamin na pwedeng mabasag anumang oras. Nang makapasok kami sa kuwarto, inalalayan ko siyang maupo sa gilid ng kama. Marahan kong inalis ang kaniyang tsinelas at inilagay ang kumot sa kaniyang hita.Nang hahawakan ko ang kaniyang kamay, naramdaman ko ang panginginig niyon. Lumingon ako at sumalubong sa akin ang kaniyang mga matang puno ng halo-halong emosyon—galit, pagod, at bahagyang pag-aalinlangan."Cris..." nanginginig ang boses niya habang nakatitig sa akin. "Naniniwala ka ba sa sinabi ni Renata? Naniniwala ka bang... baog ka at hindi sa 'yo 'to?"Bahagyang kumurot ang puso ko sa tanong niya. Paano maiisip ng babaeng ito na mag-aalinlangan ako sa kaniya?Lumapit ako at lumuhod sa kaniyang tapat. Inabot ko ang dalawa niyang kamay at hinagkan iyon bago ako tumingala sa kaniyang mukha. Isang marahan at tapat na
Nanginginig si Renata. Nakahandusay pa rin siya sa malamig na sahig habang nakatitig sa madilim at nakamamatay na mukha ni Crisostomo. Ang kaniyang mga kamay na may mamahaling kolorete sa kuko ay nanginginig nang husto na para bang nawalan ng lakas ang kaniyang buong katawan. Hindi siya makatayo. Ang dating matayog at mayabang na doktora na pumasok sa aming silid ay parang basahang naiwan sa gitna ng sala.Huminga siya nang malalim—mga marahas at pawisang paghinga habang pilit niyang pinakakalma ang kaniyang sarili. Pinilit niyang ipunin ang kaniyang natitirang lakas. Mula sa pagkakadapa, dahan-dahan siyang gumapang at lumuhod sa sahig, bago pilit na tumayo gamit ang kaniyang nanginginig na mga binti. Nagulo ang kaniyang maayos na buhok, nawalan siya ng isang sapatos, at ang kaniyang mamahaling coat ay madumi na mula sa sahig, ngunit wala na siyang pakialam. Hindi na siya nahiya. Ang kaniyang matinding obsesyon at kawalan ng pag-asa ang tuluyang nagmaneho sa kaniyang katawan."C-Criso
Bahagyang bumaba ang nakataas kong mga braso, ngunit nanatiling nakahawak ang dalawa kong kamay sa bakal na baseball bat. Ang init sa aking magkabilang pisngi ay tila lalong nagmarka sa bawat segundong lumilipas, at ang mabigat kong paghinga ay sabay sa panginginig ng aking buong katawan sa matinding galit.Mabilis na nagbago ang reaksyon sa mukha ni Crisostomo mula sa matinding pagkagulantang patungo sa nag-uumapaw na pag-aalala. Mabilis siyang humakbang patungo sa gawi ni Hector at walang pasintabi niyang itinulak sa dibdib ng tauhan ang hawak niyang bouquet at ang mamahaling cake box."Hawakan mo 'to!" mabilis at mabalasik niyang utos kay Hector bago tuluyang nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ko.Nang makalapit siya sa akin, pinalibutan ng kaniyang mga kamay ang hawakan ng baseball bat na hawak ko. Dahan-dahan ngunit mariin niya itong ibinaba at inalis sa aking mga kamay, bago marahas na itinapon ang bakal sa gilid na lumikha ng malakas na kalansing sa sahig."Gia... Oh God, wh
POV: GiaNamanhid ang magkabila kong pisngi sa matinding lakas ng magkasunod na sampal ni Renata. Umalingawngaw ang matinding ugong sa aking mga tainga habang sumasayaw ang maliliit na usok at liwanag sa aking paningin. Dahan-dahan kong inayos ang nagulo kong buhok habang naramdaman ko ang pag-init at pag-alsa ng balat sa aking mukha.Umasa si Renata na iiyak ako. Umasa siyang luluhod ako sa harap niya, magmamakaawa, o kaya'y manghihina sa takot. Nakatayo siya sa tapat ko, hinihingal ang dibdib, may nakalolokong tagumpay sa kaniyang mga mata habang hinihintay ang aking pagbagsak.Ngunit nagkamali siya. Nagkamali ang matandang 'to ng binangga.Wala nang maraming salita. Wala nang pasintabi. Gamit ang buo kong lakas, bahagya akong yumuko at ibinuhos ang lahat ng bigat ng aking katawan sa aking kanang paa—itinaas ko iyon at buong lakas na isinipa nang diretso sa kaniyang sikmura!"Agh!" Isang marahas na daing ng sakit ang humulagpos mula sa lalamunan ni Renata. Nawalan siya ng balanse,
SUMISIGID ang amoy ng disinfectant sa aking ilong. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame na parang ulap sa kalangitan.‘Pumanaw na ba ako?’ iyon ang una kong naitanong sa aking sarili.Biglang luminaw ang aking pandinig. Rinig na rinig ko ang
“AKO naman talaga ang mahal ni Jansen. Ginagamit niya lang si Chantal para sa kanyang pag angat. Once na makuha na niya ang buong control sa company, itatapon na niyang parang basahan ang babaeng yun,” tinig iyon ni Veronica.Umaalingawngaw iyon sa loob ng banyo. Hindi man lang sila nagcheck muna
“CHANTAL!” Malakas ang tinig ni Jansen habang sinasalubong niya ako sa pasilyo ng aking opisina, “saan ka galing? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ng katulong, hindi ka daw doon natulog!”Medyo nainis ako. Siya pa talaga ang may karapatang tanungin ako ng ganito, gayung siya ang nakalimot sa
Naalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Leila!“Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yu







