Share

Unmarried Wife
Unmarried Wife
Author: Lunayvaiine

CHAPTER 1

"Riya, gusto mo ba sumabay? mamamasyal kasi kami ni Elthon." anyaya ni Monica sa kapatid niya.

Dalawang taon lang ang agwat ng edad nila si Monica ang panganay. Dalawa lang silang magkapatid kaya sobrang malapit nila sa isa't-isa. Pareho silang maganda, matalino. Walang sinuman ang hindi nagkakagusto sa kanilang dalawa magkapatid.

Ngunit isang lalaki lang ang mahal ni Riyana si Elthon na nobyo ng kapatid niya. Walang alam ang kapatid niya na matagal na niyang mahal si Elthon. Ayaw niya masaktan ang kapatid at mas lalong ayaw niya na ito pa ang dahilan para mag-away silang dalawa.

Alam niyang masaya ang kapatid niya kay Elthon. Nakikita naman din niya na mahal na mahal ni Elthon si Monica kaya mas pinili niyang manahimik at huwag na ipaalam kay Monica ang totoo. Hahayaan na lang niya na kusang makalimutan ng puso niya ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Elthon.

"Huwag na, kayo na lang saka tatapusin ko pa itong report ko. Kailangan na kasi ito sa office bukas." pagdadahilan niya.

Ayaw din naman niya magmukhang third-wheel sa dalawa. Kahit pa may pagkakataon na hindi talaga niya kayang tanggihan ang kapatid na isama siya sa mga lakad nila ni Elthon. Nauubusan na din kasi siya ng idadahilan. Baka isipin ng dalawa ayaw niya itong makasama. Syempre mahirap na baka magtampo kapatid niya.

"Sure ka? final answer na talaga iyan?"

"Oo nga ang kulit mo talaga, sige na alis kana. Baka hinihintay kana ni Elthon."

"Okay, dadalhan na lang kita ng pasalubong. Bye Riya!" saka humalik sa pisngi niya si Monica.

Malambing talaga si Monica sa kanilang dalawa ito ang napaka-sweet kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ito nagustuhan ni Elthon. Magkaiba kasi silang dalawa, kabaliktaran sila ng ugali ni Monica. Kung si Monica malambing siya naman ay mailap, kahit iyong mga lalaki na gustong ligawan siya malayo pa lang ay magmamadali na siyang umalis. Masyado siyang loyal sa nararamdaman niya kay Elthon na ayaw niya may makapasok na iba sa puso niya. Sinara na niya ito mula ng matutunan niyang mahalin si Elthon.

"Kahit huwag na ano ka ba! sige na mag-iingat kayo sa lakad niyo. Enjoy!"

Walang nagawa si Monica dahil hindi niya talaga mapipilit si Riyana kapag trabaho ang idadahilan neto.

Pareho pala silang may trabaho na, swerteng nakapasok agad sila sa kaniya-kaniya nilang pinag-applyan. Si Monica natanggap bilang secretary ng isang mayamang negosyante sa lugar nila. Pagawaan ng furniture na binebenta sa abroad. Habang si Riyana naman ay Assistant ng isang attorney.

Kahit nasa abroad ang magulang nila ay hindi na sila umaasa pareho. Sila lang dalawa ang naiwan sa bahay nila. Parehong nasa abroad ang magulang nila. Half canadian ang Mommy nila samantang purong pinoy ang Daddy nila. Simula nang tumuntong sila sa koleheyo ay nagpasiya ang mga magulang nila na sa Canada na tumira dahil walang mag-aasikaso sa negosyo ng grandparents nila. Lalo na't matanda na ang mga ito at hindi na kayang e-manage pa ang negosyo.

Dahil wala siyang magawa sa bahay kaya nagpasiya na lang siyang maglakad-lakad sa park, sinama niya ang aso niyang si Snow. Habang naglalakad sila, may nakita si Snow na isang aso bigla itong tumakbo muntik pa siyang masubsob hawak niya kasi ang tali ng aso nang bigla itong tumakbo.

"Snow, wait ano ba!" sita niya sa aso niya.

Nabitawan niya ang tali ni Snow nang biglang may isang lalaki na nagmamaneho ng bisikleta muntik pa siyang masagasaan. Mabuti na lang at huminto ito at niliko sa kabila ang bisikleta niya kaya ang lalaki tuloy ang natumba.

"Nako! Sir sorry, ayos ka lang ba. Pasensya na bigla kasing tumakbo ang aso ko."

"Okay lang Miss. Ingatan mo lang ang aso mo next time madami pa man din mga loko-loko sa panahon ngayon baka masagaan iyan sayang naman."

"Salamat pasensya na ulit."

Nilagpasan na siya ng lalaki mabuti at mabait ang isang iyon hindi nagalit. Kung sa iba pa iyon siguradong tinalakan na siya dahil sa katangahan niya.

Dali-dali niyang sinundan ang aso niya. Sa isip niya mukha mali yata ang desisyon niyang dalhin si Snow sa park ng araw na iyon.

Dahil sa nangyari napilitang umuwi si Riyana ng wala sa oras. Hindi na niya nagawang mag-enjoy sa pamamasyal. Napagdesisyonan niya na lang buksan ang facegram niya. Bumungad agad sa kaniya ang mga letrato ng kapatid niya na masayang-masaya sa date nila ng nobyong si Elthon.

Minsan din nangarap si Riyana na dumating ang araw na siya ang nasa letratong iyon. Na sana siya ang kasama ni Elthon. Na sana may pag-asa pa na maging sila. Pero hindi siya gan'on kasama para agawin ang taong mahal ng kapatid niya. Hindi niya kayang makita na masaktan si Monica. Dalawa lang sila, sila lang ang magkakampi sa buhay. Sino na lang ang magtatanggol sa kapatid niya kung magkakasakitan silang dalawa.

Mahirap pigilan ang nararamdaman, pero mas mahirap kapag nasasaktan mo iyong taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka. Walang naging kasalanan para gawan mo ng ikakasama ng loob niya.

Mas pipiliin ni Riyana na masaktan kaysa makitang si Monica ang masaktan. Bata pa lang sila noon laging siyang nabu-bully dahil medyo mataba siya noong bata. Si Monica naman ay patpatin na noon pa. Si Monica ang naging tagapag-tanggol niya. Kaya ayaw niya itong nakikitang nasasaktan. Isang beses noon maaga kasing nagka-nobyo si Monica at hindi si Elthon ang naging unang nobyo ng kapatid niya. Labis kung magmahal si Monica, sobra-subra ito kung magmahal kaya sobra din kung masaktan. Nang malaman niya noon na pinag-pustahan lang ang kapatid niya sa unang nobyo nito. Sinugod niya ang lalaki at pinagsusuntok. Balewala sa kaniya nang ipatawag sila sa guidance office. Lahat ng parusa sinalo niya para kay Monica. Na-expell siya sa school at napilitan silang lumipat ni Monica ng mapapasukang eskwelahan. Ayaw pumayag ni Monica na maiiwan siya mag-isa sa dating School niya kaya sumama siya kung saan nilipat si Riyana.

Ganiyan nila kamahal ang isa't-isa. Walang iwanan kahit anong mangyari. Iyan ang pinangako nila sa sarili nila na hanggang ngayon ay dala-dala pa din nila ang pangakong iyon sa isa't-isa.

Kahit pa magkaroon sila ng kaniya-kaniyang pamilya. Ang hindi tutupad sa pangako ay magbabayad ng karampatang multa. Minsan ay natatawa na lang si Riyana sa mga pangako nila ni Monica noong mga bata pa lang sila. Malinaw pa ang lahat sa aalala niya ang mga iyon.

Nag-logout na siya matapos niya tingnan ang mga letrato. Nasasaktan pa din siya kasi araw-araw niya nakikita si Elthon at hindi niya alam paano uutusan ang puso niya na kalimutan ang nararamdaman niya kay Elthon. Sana nga gan'on lang kadali, sana pwede e-stop muna ang pagmamahal, sana may remote para hindi na masaktan. Iyon ang araw-araw na hinihiling ni Riyana sa diyos. Kung pwede lang sana turuan ang puso niya na huwag na magmahal gagawin niya para hindi na siya nahihirapan.

Nakatulugan niya ang pag-iyak. Hindi niya namalayan na dumidilim na pala sa labas. Kaya nagmadali siyang bumaba para makapag-luto na nang hapunan. Wala kasi silang katulong, umuwi na sa probinsya ang dati nilang katulog. Utos din iyon ng Mommy nila. Dapat masanay na sila na walang katulog na sila lang ang gumawa ng gawaing bahay. Dahil hindi raw sila matututo kung laging umaasa sa katulong.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status