LOGINSage POVIsang seryosong negosasyon ang natapos ngayong araw sa pagitan ko at ng mga Lacraso. Pero hindi ko inaasahan na dinala ako ng aroganteng si Elliot sa madilim, maingay, at mausok na bar na ito para lang sa isang tinatawag niyang 'celebration.'Alam ko na kailangan kong magpanggap para di niya mahalata ang totoong dahilan ko kung bakit nakipag sosyo ako sa kanila.Matagal an nila akong nililigawan, ngunit dahil sa nadiskubri ko, kailangan kong makisakay sa kanilang mga plano.Sumunod lang ako sa mga hakbang ni Elliot papasok sa bar, pormal at blangko ang aking ekspresyon. Ngunit ang kuryenteng lumalabas sa mga speaker ay biglang napalitan ng isang pamilyar na boses.Isang boses na madalas kong marinig
Elena’s POVDahil day-off ko ngayon sa pagiging bodyguard ni Audrey, bumalik ako sa bar kung saan ako nagbu-busking bilang sideline, ang mismong lugar kung saan ako unang nakilala at nalambat ni Elliot Lacraso.Kanina ko pa tinitingnan ang cellphone ko. Nag-text ako kay Elliot, pero hindi siya nagrereply. At alam ko, hindi pa ito ang tamang oras para umiwas siya sa akin. Kulang pa ang mga ebidensyang hawak ko para tuluyang maipakulong ang lalakeng 'yon.Kahit umaapaw sa pandidiri ang buong katawan ko sa tuwing naiisip ko siya, kailangan kong tiisin ang lahat ng galit. Kailangan kong lumunok ng sunod-sunod na dusa para lang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kuya ko at ng kanyang asawa.Naka-spaghetti strap na manipis na damit ako ngay
Elena’s POVNapatingin ako sa labas ng bintana ng hallway ng condominium, tanaw ang malawak at madilim na kalangitan ng lungsod. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pabalik-balik sa aking isip ang pamilya ni Jessica, o mas kilala ngayon bilang si Audrey.Ang mga San Fernando.Hindi lang si Jessica ang nakataya rito. Ang dami at ang lalim ng mga kalaban na nakapaligid sa kanilang pamilya ay tila isang malaking galamay ng pugita na hindi pa tuluyang nailalantad sa liwanag.Masyadong malawak ang kanilang imperyo, at kasabay ng kapangyarihang hawak nila ay ang masidhing galit ng mga taong nagtatago sa anino, mga kalaban na handang pumatay sa oras na makita ang kaunting kahinaan.
Elena’s POVNakaabang pa rin ang aking kanang kamay sa hawakan ng baril sa ilalim ng aking coat nang dahan-dahang bumaba ang salamin ng kotse ni George. Sinalubong ko ang kaniyang seryosong tingin.“Good evening, Elena,” bati niya, pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili, ngunit bilang isang ahente, rinig ko ang bahagyang panginginig sa kaniyang boses.Agad kong binitawan ang aking armas at pinalitan ng isang pormal at magaan na ekspresyon ang aking mukha.“George! Kumusta? Magandang gabi rin.”“Can we invite you for a drink? May gusto lang sana akong malaman. And…” bigla siyang napahinto at lumingon sa paligid ng madilim na parking garage, tila
Elena’s POVHindi ako pwedeng magkamali. Ang mga mata ng isang ahente ay hindi nadadaya ng simpleng guni-guni. May kakaiba sa labas ng gusali, hindi guni guni ang nakita ni Audrey kung hindi totoong tao.Mabilis ngunit walang tunog akong kumilos. Lumabas ako ng gallery gamit ang fire exit sa gilid at mabilis na umikot patungo sa likod ng building, sa mismong bahagi kung nasaan ang bintana ng opisina ni Jessica/Audrey sa ikalawang palapag.Agad na sumalubong sa akin ang masukal na garden na napaliligiran ng matataas na halaman at ornamental na mga kawayan. Ang hangin dito sa likod ay mas malamig, tila may dalang banta. Nanatiling nakahawak ang kanang kamay ko sa dulo ng a
Elena’s POVNgunit hindi siya natinag. Pinagmasdan niya ako nang mabuti, nanliliit ang kaniyang mga mata na tila may binabasa sa aking mukha. Hindi siya naniniwala sa akin.Pakiramdam ko, unti-unti nang nabibitak ang maskara ko sa harap niya. May kung anong misteryoso at malamlam sa kanyang aura ngayon.Bigla, napatigil siya. Napapikit ang kanyang mga mata at napahawak siya sa kanyang ulo.“Ahh!” Isang daing ng matinding sakit ang kumawala sa kaniya, parang may kung anong pumupunit sa loob ng kanyang bungo.“Miss Audrey! Audrey, are you okay?” Halos may panginginig ang boses ko habang lumalapit sa kanya.Bigla akong kinabahan at tatawag na
Sage’s POV Pagkababa ko sa motor ni Elena, dumiretso ako sa headquarters namin ni Ron. “Andito ka na pala, Sage. May nakuha akong bagong lead mula sa mga ebidensyang nakuha mo sa warehouse,” sabi ni Ron. “How was it? Eto, tignan mo.”Nanlaki ang mata ko. Pamilyar ang mukha ng lalaki. “Si Agila?
Elena’s POVMatalim akong nakatingin kay Sage. “Ano na naman ang ginagawa ng lalakeng ito rito? Alam kaya ni Audrey ang mga pinaggagawa ni Sage?” Narinig namin ang papalayong yabag.“Pa-papatayin mo ba ako?” galit kong sabi, mahina ang boses ko nang alisin niya ang kamay niya sa aking bibig. “Ku
Elena’s POVMaaga akong nagising. Excited akong pumasok sa trabaho. “Ethan, darating mamaya si Manang Rosa para samahan ka. Baka umaga na ako makauwi,” sabi ko habang kumakain kami ng breakfast. “Ok po, Mommy,” sagot niya, sabay ngiti. Sanay na siya sa akin.Pagkaihatid ko kay Ethan, dumiretso na
Elena’s POVNaging normal ang araw ko pagkatapos ng nangyari sa bar. Patuloy ko pa rin binabantayan si Audrey. I feel bored, miss ko na rin kasi ang trabaho ko sa opisina. At nag-aalala ako sa kasong pinag-aaralan ko.“Kamusta na kaya sa office?” naisip ko. “Tatawagan ko nga si Patrick.”“Hello, P







