로그인Sage’s POV
Dahan-dahan kong hinihimas ang kanyang buhok habang matamang nakatitig sa kanya. Mahimbing na siyang natutulog. Akala ko’y tuluyan na siyang nakarekober mula sa trauma ng pagsabog, kaya nagulat ako nang marinig ko ang malakas niyang sigaw at ang pagbagsak ng baso. Buti na lang at paakyat na ako noon.
Malamlam ko siyang tinitigan.
"If only I could let you know how much you mean to me," bulong ko.
"Yes, I love you... but I can’t love you more..."
Sa mga nagdaang taon, pilit kong pinigilan ang paglalim ng nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit habang pinipigil ko ito, lalo lamang akong nahuhulog ng mas malalim.
“Sage?”
“Uhm... are you feeling better?” Umupo siya sa tabi ko at isiniksik ang kanyang katawan sa akin. Mahigpit niya akong niyakap.
“I had a bad dream...” Nanlaki ang mata ko.
“Naaalala mo ba ang panaginip mo?” tanong ko.
Tumango siya. “It felt so real. I was riding a boat… then suddenly, it exploded… and I flew…”
Napatigil ang aking hininga.
“I’ve been having the same dreams these past few nights,” dagdag niya.
“Sage… natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit, kung saan… o bakit.”
Niyakap ko siya nang mahigpit. “It’s okay. It’s just a dream.” Hinalikan ko ang kanyang ulo.
Tahimik kaming nanatili sa ganoong posisyon… hanggang sa...
“Hanggang kailan ka mananatili sa bahay ngayon?” tanong niya.
“Five days. May importanteng transaction ako dito, then I need to travel to Paris, pagkatapos babalik ako dito, then uuwi na ulit sa Pilipinas. Marami akong inaasikaso.”
“Pwede ba akong sumama sa Pilipinas?”
Nagulat ako. Nilayo ko siya at tinitigan sa mata.
“Are you sure?”
Seryoso siyang tumango, bago tumingin sa kawalan.
“Siguro… panahon na para harapin ko kung anuman ang takot na nasa puso ko. You told me na may gustong pumatay sa akin, kaya ako nandito, tama?”
Tumango ako.
“That’s why I feel scared to go back… knowing na baka makita ko ang taong gustong pumatay sa akin. But…”
“But?” tanong ko.
“I need to face my fear… so you can feel at ease. So you can freely love me.”
Napatingin ako sa kanya, gulat na gulat. Hindi ko inakalang iyon ang sasabihin niya.
“Sa limang taon na magkasama tayo… natutunan na kitang mahalin, Sage. At ayokong ang nakaraan ko ang maging hadlang. Kaya…”
“Gusto kong hanapin ang sarili ko. I want to remember everything about me… I wanted to prove to you that it was you who I love, kahit bumalik pa ang aking alaala.”
“Can you help me?”
Pumitik ang puso ko, ang sarap pakinggan.
Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam ang isasagot. Sa totoo lang, takot ako. Takot na bumalik ang alaala niya… dahil baka sa pagbabalik nito, malaman niyang hindi niya ako ganoon kamahal.
Pero ngayon, di ko inaasahan na nahihirapan na pala siya. Ayokong ipagkait ang kagustuhan niya. Ayokong isipin niyang sinamantala ko ang pagkakataong nung iniligtas ko siya.
Kung sakali mang bumalik ang alaala niya… kung marealize niyang hindi ako ang mahal niya… sana kahit bilang kaibigan, kaya niya akong matanggap. Sapat na iyon. Dahil alam kong posibleng magalit siya sa akin kapag nalaman niya ang lahat.
“Can you help me, Sage?” tanong niya muli.
“Of course… of course, Audrey.” Ngumiti siya at niyakap akong muli. Inilapat niya ang ulo sa dibdib ko.
Tok tok tok.
“Ma’am, Sir, pinapatawag po kayo ni Don Carlos.”
“Oh! Dumating na si Papa!” masaya niyang sabi.
“Let’s go, Sage.” Hinila niya ako pababa.
Napangiti ako habang pababa kami ng mansion. I was just so happy seeing how close they’ve become.
“Papa!” masayang bati niya sabay halik sa pisngi nito.
“Where’s my order?” agad na tanong niya.
She acts like a spoiled brat daughter. At si Papa, masayang-masaya habang pinagbibigyan siya.
“Hahaha! Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung okay lang ako?” biro ni Don Carlos, kunwaring tampo.
Lumapit si Audrey, tinignan si Papa mula ulo hanggang paa. Nilagay niya ang dalawang kamay sa baywang at tinaas ang kilay.
“You look different… and happy?” usisa niya, naniningkit ang mata.
“Magkakaroon na ba kami ng babaeng matatawag na Mama?” biro niya pa.
“Hahaha! Bolera…”
“Yes, I am happy. Very. And I hope both of you will be, too. Soon.”
Tumingin si Dad sa akin. Parang may ibig ipahiwatig ang kanyang tingin.
“Kain na tayo. Ikuwento mo sa akin ang nangyari sa exhibit mo.”
“Anong nangyari sa’yo nung isang painter… si Monique ba yun?”
Napanguso si Audrey. “Hay, it was just a misunderstanding. Iba kasi ang nasagip ng camera. I was just trying to help. Her painting was switched, kaya lang nagalit siya. She thought I was ruining her artwork. Hindi ko alam na na may pagka bipolar pala siya. Bigla siyang nagwala at naging unreasonable. So…”
Nagkibit-balikat siya. “I didn’t explain anymore. Useless.”
Napangiti ako habang pinagmamasdan si Audrey at ang animated na paraan ng kanyang pagkukuwento.
“Alam mo ba kung ano ang tawag sa’yo ngayon?” nakangiting tanong ni Dad.
“No… and I don’t care.”
“Sigurado ka ayaw mong malaman?” may halong pang-aasar ang tono niya.
Napatingin si Audrey, halatang nagdadalawang-isip.
“Gano’n ba kalala?” tanong niya bigla.
“Hahaha!” sabay kaming natawa ni Dad.
“Brilliant, yet Villain.” That’s the headline in the magazine, sabi ni Dad.
“Talented or Clout Chaser?” Nanlaki ang mata ni Audrey sa narinig.
“Grabe naman sila sa akin! Gano’n pala kalala!” gulat niyang sabi.
“Haha!” tawa ulit namin ni Dad.
“Magpa-interview ka na kasi,” biro ko.
“Hmp! Hindi nila kaya talent f*e ko.”
And just like that, our dinner was filled with laughter…
Elena’s POVAt last, the two-day training has ended. Hindi ko akalaing magiging ganito ka-intense kahit dalawang araw lang. Pakiramdam ko, isang linggo kaming nag-training.I have to admit, magaling talaga si Sage. Alam niya kung paano pabilisin ang training pero effective pa rin. Kaya siguro lahat ng trainees, ganado kahit pagod.May closing ceremony kami ngayon, at nasa stage si Sage kasama ang mga high-ranking officers. He looks so different up there, confident, calm, glowing. His aura is… magnetic. Lalo na sa uniform na suot niya. Napapakurap ako habang nakatitig sa kanya. Bumabalik sa aking alaala ang kanyang pagsalo, ang mainit niyang palad sa aking beywang at hita, at ang malalim niyang titig na tila tagos hanggang sa kaibuturan ng aking puso.Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang humanga ng ganito sa kanya. I look at him and suddenly feel so proud, and happy. Pero iba ang tibok ng puso ko habang nakatingin. Hindi ito ‘yung normal admiration lang. It’s something deeper
Sage’s POVNangingiti kong sinundan ng tingin si Elena habang papalayo ito. I don’t know, but I’m actually enjoying seeing her angry face. Nakakatuwang makita siyang naiinis. Mas lalo siyang gumaganda kapag ganon.“Elena…” mahina kong bulong.Nagising ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko. “Hello, Ron.”“Confirm. May party nga. Darating ang mga importanteng tao sa organisasyon nila. Gaganapin ito sa susunod na linggo, a week after your father’s birthday.”“I see. Nakuha mo na ba ang invitation?” tanong ko.“Of course,” mayabang niyang sagot.Napangiti ako. “Good, good. This is interesting.”“Siguro mas maganda kung may kasama kang babae,” dagdag niya sa kabilang linya.Napakunot ang noo ko, pero biglang may pumasok na imahe sa isip ko. Pagkatapos, hindi ko mapigilang ngumiti. “Yeah… you’re right,” sagot kong may ngiti sa labi.“Mukhang may nakuha ka na ah. Oh siya, bye!” sagot niya bago ibinaba ang tawag.Napailing ako, bahagyang natatawa, habang napapatin
Elena’s POV“Close ba kayo ni Agent Cipher, Elena?” bulong ng kasama ko habang nagmemeryenda kami. Nakatingin siya sa di-kalayuang si Sage, na kausap pa rin ang Chief.“Bakit mo naman nasabi ’yan?” tanong ko, pilit, kalmado.“Parang favorite ka niya, ha?” nakangising tugon niya.Dumilim ang mukha ko. Alam kong tinutukso niya ako.Matalim kong tinignan si Sage, at sa kasamaang-palad, nakatitig din pala siya sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata at biglang kumabog ang dibdib ko. Agad akong kinabahan.“Lagot ako. Ano na naman kaya ang ipapagawa niya?” bulong ko sa sarili sabay iwas ng tingin. Pinilit kong magconcentrate sa pagkain.Pagbalik namin, Surveillance at Counter-Surveillance ang sunod na training. Nagsimula kami sa shadowing, paano sundan ang target nang hindi napapansin. Nagpakita si Sage ng mga video at halimbawa kung paano maging mas epektibo sa pagsunod, pati na ang paraan ng pag-aalam kung sinusundan ka at ang paggamit ng disguise para mag-blend sa crowd.Alam naman namin an
Elena’s POV Kahapon ang huling araw ko kay Audrey, kaya ngayon, excited akong gumising nang maaga. Sa wakas, makakabalik na ulit ako sa opisina.“Good morning!” masigla kong bati sa lahat pagdating ko.Pagpasok ko sa headquarters, napansin kong andoon na silang lahat. Bakit kaya ang aga nila ngayon? Naiiling kong tanong sa sarili habang papunta ako sa mesa ko.“Buti naman at maaga kang pumasok,” sabi ni Chief. “May bisita tayong darating ngayon. At hindi lang siya bisita, dahil siya ang magtetrain sa inyo para sa susunod nating mission.”“Everyone, magtipon-tipon kayo sa training ground. In a minute or two, darating na ang taong magtatrain sa inyo.”Lahat kami, excited at nakapila habang hinihintay ang importanteng bisita. Ilang sandali pa, isa-isang dumating ang mga guest namin, mga mataas na opisyal, may halong mga banyaga pa.Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko siya. Si Sage San Fernando.Nasa likod ng mga opisyal, seryoso ang mukha, at nakakatakot ang aura. Napakurap-kurap a
Sage’s POV Pagkababa ko sa motor ni Elena, dumiretso ako sa headquarters namin ni Ron. “Andito ka na pala, Sage. May nakuha akong bagong lead mula sa mga ebidensyang nakuha mo sa warehouse,” sabi ni Ron. “How was it? Eto, tignan mo.”Nanlaki ang mata ko. Pamilyar ang mukha ng lalaki. “Si Agila?” tanong ko. “Mismo. Mukhang bumubuo siya ng bagong grupo, at pinapalaki na niya ito. No wonder, right hand siya ng papa mo noon. Marami siyang natutunan.”Napakuyom ako ng kamao. “Iisa lang ang ibig sabihin nito, delikado ang buhay ni Papa.” Tumango siya. “Kailangan nating higpitan ang seguridad ni Papa, pati na rin kay Audrey. Baka madamay siya sa gulo natin ni Papa.”Napailing ako at naalala kong malapit na ang kaarawan ni Papa. May malaking salo-salo siyang inihanda. Ang kinakatakot ko, baka sa araw na iyon sila kumilos. “Kailangan kong makausap si Papa at sabihan siya agad,” sabi ko. Tumango si Ron.“Siya nga pala, Sage, hindi ko nasabi sa’yo, ang Unit 4 ang naka-assign sa grupong
Elena’s POVMatalim akong nakatingin kay Sage. “Ano na naman ang ginagawa ng lalakeng ito rito? Alam kaya ni Audrey ang mga pinaggagawa ni Sage?” Narinig namin ang papalayong yabag.“Pa-papatayin mo ba ako?” galit kong sabi, mahina ang boses ko nang alisin niya ang kamay niya sa aking bibig. “Kung gusto kong gawin ‘yon, ginawa ko na kanina,” balik niya, sabay titig din ng masama. “Hmp!” singhal ko. “Ano bang ginagawa mo rito? Wala akong nakitang pulis sa paligid. Bakit nandito ka?” tanong pa niya.Napairap ako. “At ikaw, bakit nandito? At pwede ba, umalis ka na sa ibabaw ko? Ang bigat mo!” Mabilis siyang tumayo at nagtago ulit. Bumangon din ako at tinignan ang paligid.Sumilip ako, tapos kumilos nang mabilis. Naalala ko ang isang ligtas na daan kung saan ako makakaalis. Mabilis akong umakyat sa puno, tumalon sa bakod. Rinig ko na sumusunod si Sage.“Agent 47, successful exit!” report ko kay Patrick. “Same here,” sagot niya. “Kita na lang tayo sa headquarters.” Pagkatapos, pi







