Jessica's POV
Parang sasabog na ang dibdib ko sa inis. Konti na lang tlga at bubulyawan ko na tong mayabang na lalakeng to. Hindi porket boss kita gaganituhin mo ako. Abah, hindi ikaw ang boss ko. bulong ko sa sarili. Buwisit na lalakeng to. Kung hindi lang ako pinakiusapan ni Sir George, hinding hindi ako papayag na maging temporary secretary mo. Hinga ng malalim Jessica, kaya mo to. Tatlong araw lang at hindi mo na makikita ang pagmumukha ng lalakeng ito. Abah, bakit siya pumayag na maging temporary secretary niya ako kung wala naman pala siyang tiwala sa akin?. Nabriefing na ako sa ugali ng lalakeng ito, pero d ko inaasahan na mas malala pala sa inaasahan ko. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang bumabiyahe. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. "Wake up! Get the bags!" Bigla akong nagising dahil sa malakas na boses na aking narinig at malakas na bagsak ng pinto. "Oh Shit! patay na naman ako sa may mens na lalakeng ito. Yes, mas malala pa yung ugali niya sa may dalaw na babae. Kaloka." Dali dali kong kinuha ang bagahe namin at mabilis na hinabol ang aking boss. Pagkatapos magcheckin. Dumeretso na kame sa kwarto na tutuluyan namin sa tatlong araw . Isa itong malaking room na may dalawang kwarto at sariling kusina at sala. Dinala ko na sa loob ng kwarto ang bagahe nito. Dumiretso naman ito sa office table at binuksan ang laptop at nagsimulang magtrabaho. Umupo naman ako sa kabilang mesa at binuksan ang aking ipad para ayusin ang mga kakailanganin niya bukas. Naayos ko na to kagabi, icheck ko lang kung may kailangan pang dagdagan or baka may namiss akong importanteng impormasyon. Hindi ko namalayan na halos dalawang oras na pala kameng nakaupo. Kung d pa tumunog ang aking tiyan di pa ako titigil. Napatingin ako sa aking boss, seryoso pa rin ito sa kanyang ginagawa tila walang kapaguran. Ayoko sanang istorbihin ito pero gutom na ang mga alaga ko sa tiyan. Sir, bababa po ako para kumain, kayo po? Ibinaba nito ang kanyang salamin sabay titig sa akin. "Im sorry, I forgot the time. Here, buy anything you want. I just need to finish this." sabay bigay sa akin ng black card. Nagulat ako sa mahinahon nitong pagkasabi. Akala ko sisinghalan na naman niya ako. Kaya napatulala ako at d nakakilos agad. "Here, take this! ulit nito na nagsalubong na ang dalawang kilay. Dali dali kong kinuha ang card. "Kayo po? anong kakainin ninyo?" tanong ko. "No need. I'll just order over the phone". sagot nito na d tumitingin. "Ako na po tatawag para sa inyo" "I said I can nanage! go!" galit na sabi nito. " Ok Sir. baba na po ako. Kaloka, ako na nga tong nagmagandang loob na bilhan siya na pagkain siya pa ang galit. Bahala ka nga jan magutom " tumalikod na ako habang bumubulong. " I can hear you!" "Ho!?" gulat akong lumingon sabay takpan ang aking bibig. " Bababa na po talaga ako" sabi ko sabay patakbong umalis. Hinihingal ako nang makarating s elevator. " Hala siya, bakit ko nasabi yun ng malakas," sabay hampas ko sa aking bibig. " Lagot na naman ako neto pagbalik. Hai bahala na, ang importante mapakain ko ang mga alaga ko sa tiyan." sabay himas ko dito. Pumunta na ko ako sa isang restaurant sa hotel mismo. Habang kumakain sa restaurant, narinig ko ang usapan ng dalawang lalaki sa likod ko. Kahit pa mahina ang mga boses nila, rinig ko pa rin ang pagbanggit ng pangalan ni Sir Nick. "Handa na ba lahat para bukas? Tignan lang natin kung makakapalag pa si Charles. Masyado kasing believe sa sarili at ayaw makinig, kailangan natin bigyan ng konting leksyon. " "Tama ka, tignan lang natin kung hnd siya mapapa oo ng pilit sa gagawin natin. " napakunot ang noo ko. Ano kayang pinaplano nila bukas. " Humm kailangan kong paalalahanin si Sir Nick. Hai, kaya lang ang suplado naman lagi. Hirap espelengin. Paano ko kaya siya sabihan, bahala na nga." Pagkatapos kong kumain bumalik ako agad sa hotel room na tinutuluyan namin. Pagpasok ko wala na si Sir Nick sa mesa niya. Wala din akong nakitang pagkain sa paligid. Nagkibit balikat na lang ako at dumiretso sa kwarto. Nangangati na ang katawan ko, kailangan ko nang maligo. Pagkatapos kong maligo sinilip ko ulit si Sir Nick baka may kailangan pa siya sa akin, wala pa rin siya sa mesa niya. Nagdadalawang isip ako kung kakatok pa ba ako sa kwarto niya at baka mabulyawan na naman ako. Hai bahala na nga kakatok na na nga. Ilang beses kong Pinapraktis ang pagkatok, mahina ba or malakas dahil kumukuha pa ako ng lakas ng loob. Nung pakatok na ako tsaka naman biglang bumukas ang pinto, at siste sa dibdib niya tumama and kamay ko. Sa sobrang takot ko at gulat napalundag ako, sabay tulak sa kanya. "Waaah! sigaw ko. Buti na lang nakahawak siya sa pintuan ng pinto. " What's with you!?? " inis na ani nito . "Sorry Sir, sorry sir. Tatanungin lang po sana kita kung may kailangan pa po ba kayo kasi matutulog na po ako." mahaba kong paliwanang. "None, matulog ka na. but make sure to wake up early.!" " Ok po sir, tulog na po ako." paalam ko. Papasok na sana ako sa kwarto nang may maalala ako. "Ah Sir!" "Yes!?" malakas na tanong nito. Nagulat ako. "Tatanungin ko lang po sana kung kumain na po ba kayo?". "I'll eat later!" sagot nito na di na tumingin sa akin at drtso na ang atensyon sa ginagawa. " Ok po, tulog na po tlga ako. Goodnyt" Paalam ko ulit Deadma lang ito sa sinabi ko kaya pumasok na ako sa loob. "I'll eat later.. na na na na na" pag uulit ko sa sinabi nito sabay role eyes. "Hai, ang suplado tlga. kala mo naman ang pogi. Pero wait , ay ang pogi pala at ang fresh, hihi, infairness ang tigas ng dibdib." "Teka, erase erase. bawal, bawal tumingin sa boss at baka mafall in love tayo ng wala sa oras." Para akong baliw na kausap ang sarili ko sabay hawak sa puso. Hindi ko natiis, kahit naiinis ako nag order pa rin ako ng pagkain ni Sir Nick. Baka sa sobrang busy d na niya magawa. "Bahala na nga siya kung kakainin niya o hindi. Pera naman niya ginamit ko." bulong ko sa sarili ko. Dahil din siguro sa sobrang pagod sa biyahe nakatulog ako agad.Nick’s POV“Hello, General.”“The mission has completed… Nick, Scarlett were sent to the hospital. She’s with George. Jessica…. ”“No. Just tell me the hospital.” I cut him off. I didn’t want to hear anything else unless it came from her.“Batangas. My men will bring you there...” Malungkot ang tono niya. Mabigat. Para bang… may gustong sabihin.“Salamat. Maraming salamat, General.”Binaba ko agad ang tawag at walang inaksayang oras,.. tinawagan ko si George. Isa. Dalawa. Lima. Sampung tawag. Walang sagot.“Fu**!.. sumagot ka George!**”Tiningnan ko ang orasan. Ilang oras na kaming nasa biyahe. Pagod na pagod na ako, bugbog pa ang katawan, pero wala akong pakialam. Walang tulog. Walang kain. Hanggang makarating ako kay Jessica.“Jess...” bulong ko habang pinipisil ang kamay ko. One hour later.. Ospital sa Batangas“Brrrrrrrrrr—SKRRRT!!!”Mabilis ang preno ng sasakyan. Tumigil kami sa harap ng ospital. Mabilis akong bumaba. Bumungad agad sa akin si George, nakaupo sa malamig na semento
George’s POVTulala pa rin akong nakaupo sa sulok ng emergency room habang inaasikaso ng mga doktor si Scarlett. Nanginginig ang mga kamay ko, malamig ang pawis sa aking noo.Ang eksena ng pagsabog... paulit-ulit na gumuguhit sa isip ko. Para akong sinasakal sa bawat ulit nito. Parang sirang plaka, hindi natatapos, hindi humihinto.Pinunasan ko ang luhang hindi pa rin natutuyo sa aking mga mata."Jes... I am so sorry..." mahina kong bulong, halos pabulong sa hangin, kasabay ng pag-ikot ng sakit sa dibdib ko.Bumalik sa akin ang lahat. Lahat ng alaala naming dalawa. Lahat ng sandaling hindi ko kailanman inakalang magiging alaala na lang...Flashback – 9 taong gulang na George
Scarlett’s POVMabilis kaming lumabas ni George, halos magkandarapa sa pagtakbo palabas ng kwarto.“Nasaan na si Jessica, George?” tanong ko habang nanginginig ang boses. Ramdam ko ang lamig sa palad ko, at ang kaba sa dibdib ko na parang sasabog.Kita ko sa mukha ni George ang labis na pag-aalala. Pawis ang noo niya kahit malamig ang paligid.“Andito siya kanina” tila sarila ang kausap.“Stay behind me,” utos niya habang dahan-dahan kaming lumabas papunta sa deck.Pagbukas ng pinto, bumungad sa amin ang ilang mga tauhan ng yate, nakaluhod at nakaposas, binabantayan ng SWAT.
Jessica’s POVMasakit ang buong katawan ko. Akala ko sanay na ako sa sakit, pero hindi pala. Parang binasag ang binti ko sa lakas ng pagkakasipa. Ramdam ko rin ang pamamaga sa pisngi at labi ko.“Ouch…” Pilit kong itinayo ang sarili ko. Kailangan kong sundan si George… kahit paika-ika.Habang dahan-dahan akong lumalakad papunta sa kwarto kung saan dinala si Scarlett, bigla….“BANG! BANG!” “Aaah!” Napasigaw ako. Tumigil ang puso ko sa gulat. Ang tunog ng putok, sobrang lapit, parang tumama sa pader mismo sa tabi ko.Napakapit ako sa dingding. Nanginginig ang mga kamay ko. Pero hindi
Nick’s POV “Saan niyo ako dadalhin?” tanong ko habang patuloy sa pagtakbo ang sasakyan.“Iuuwi na kita,” sagot ng lalaking halatang nasa singkwenta pataas na ang edad.“Bakit ayaw niyo pong magpakilala?”“Makikilala mo rin ako... sa tamang panahon. Ang importante ngayon, masigurado nating ligtas ka.”“Magpakalayo ka muna. Kalimutan mo ang iyong paghihiganti.”Natigilan ako. Kilala niya ako. Alam niya kung sino ako... at kung ano ang nasa puso ko.“P-Paanong...?”“Ang tatay mo ang pumasok sa organisasyon. Kaya siya napahamak. Malaki ang kasalanan niya sa grupo. Pero hindi kontrolado ng organisasyon ang iniisip ng bawat miyembro. Wag mong isugal ang sarili mo... at ang pamilya mo.”“Halang ang bituka ng kalaban mo. Hindi mo sila kayang banggain mag-isa. Sila ay nasa paligid mo, mas marami pa kaysa inaakala mo.” dagdag pa nitoPinakiramdaman ko ang lahat ng sinabi niya. Tumayo ang balahibo ko sa likod ng leeg. Kasama ba siya sa organisasyon?“Ituon mo ang galit mo sa totoong pumatay sa
George’s POV Mag-iisang oras na kaming tumatakbo sa gitna ng karagatan. Tahimik ang lahat, tanging alon at tunog ng makina ang maririnig. Hanggang sa may naaninag akong liwanag sa di kalayuan.“Sir, may nakita na kaming isang yate,” sabi ng isang SWAT na kausap ang nasa headquarters.“6 miles away. Let me verify…”“Mukhang may malaking posibilidad na sa yate na 'yon nanggaling ang signal.”“Copy, Sir.”Halos madurog ang aking mga palad sa pagkakakuyom, di ko na maitago ang pag-aalala.“Men, siguraduhin ninyong makalapit tayo sa yate nang hindi tayo napapansin. Remove all signals.”Hindi ko alam kung excitement ba 'to, kaba, o takot. Halo-halo na. Nanginginig ang loob ko.Tumigil ang bangka ilang metro mula sa yate.“Mauuna kaming bumaba, Sir. Dito lang muna kayo,” sabi ng isa.“Sa tubig kami dadaan. Sergeant, ikaw na bahala dito kay Mister David.”“Pwede ba akong sumama?”“Sorry, Sir. Hanggang dito lang po muna tayo. Hintayin natin ang hudyat bago lumapit sa yate.”Labag man sa loob