Bigla namang tumahimik ang paligid.
“He’s a senior, isang taon ang tanda niya sa’kin.” Dugtong niya. Halata namang nahimasmasan si Vivian sa sinabi niyang ito.
“Oh! Mabait ba siya sa’yo?” Tanong ulit nito nang maupo sila.
Mariing nakatitig si Sigmund kay Cerise tila inaabangan niya ang bawat sasabihin nito. Habang si Cerise naman ay nakabaling ang atensyon sa kutsara’t tinidor sa kamay niyang pinulot niya dahil sa taranta at baka may masabi siyang mali. “Mabait siya. Lahat ng babae sa campus gusto siya pero sabi niya ako daw ang pinakaspecial at ako lang ang gusto niya!”
Masigla niyang sagot.
“That’s great! Gustong-gusto ka talaga niya. Treat him good.” Tumango naman si Cerise. “Pwede ba malaman pangalan niya?”
“Ah-ano…”
‘Shit.’ Ani niya sa sarili.
“Huwag ka na mahiya. Kami lang ng Kuya Sigmund mo ‘to.”
“Percy! Tama. Percy, ano---Colton? Oo. Colton.” Namula naman siya sa hiya sa nabuong pangalan.
“Ay oh. Kapangalan pa ng paborito mong character sa libro.” Nakangiti namang saad ni Vivian. “Tingnan mo ang Ceri natin malaki na.”
Biro nito kay Sigmund na abala sa pag-order ng pagkain. Tumango lang ito at nalungkot naman si Cerise.
‘Wala nga talaga siyang pake sa’kin.”
Napansin ni Cerise na lahat ng pagkain na inorder ni Sigmund ay ang mga paborito ni Vivian.
“Sig, walang lasa yung mga pagkain ko. How about si Ceri yung papiliin natin?”
Masayang tanong nito. Sumenyas itong ibigay kay Cerise ang menu pero tinanggihan niya ito.
“It’s okay. I usually eat vegetarian food.” Patanong ang mga tingin sa kanya ng dalawa. Alam kasi ng mga ito kung gaano niya kagustong kumain ng karne. “Doon kasi sa pinag-aaralan ko madalas gulay menu nila kaya ayon. Healthy living masyado.”
Biro niya.
Totoo naman ito dahil noong mapunta siya sa abroad, napagtanto niyang mas mabuti nang alagaan niya ang sarili habang maaga pa kaysa magsisi siya kalaunan dahil sa pagpapabaya niya dito.
Mukhang naniniwala naman sa kanya si Vivian. “Auntie is not in good health, kailangan mong alagaan ang sarili mo to stay strong for her too.”
Tumango naman siya.
“Will your boyfriend be worried?” Tanong ulit nito. “Ngayong mabilis nang magpabalik-balik sa ibang bansa, madali mo siyang mabibisita kung sakaling mamimiss mo siya. Teka, alam niya bang kinasal ka?”
Walang ano-ano ay napatingin siya kay Sigmund na kanina pa pala nakatingin sa kanya.
“Gusto kong sabihin sa kanya pagkatapos ng divorce.” Tumingin siya sa pagkain niya bago niya ito sinubo.
“That’s good. Huwag kang mag-alala kasi kung di siya maniniwala sa’yo, kami mismo ni Sig ang pupunta sa kanya at magsasabi sa kanya ng totoo, tapos…”
Napahinto si Vivian na ikinaalerto naman ni Cerise.
“Noong unang beses niyong ginawa iyon, he must’ve been happy to know you preserve yourself and kept yourself clean!”
Natameme si Cerise. Di niya alam paano humantong sa ganoon ang pag-uusap.
“Kumain ka nga muna.” Ani Sigmund at sinuboan si Vivian.
“Napaka-unfair naman na lagi mo nalang akong pinagsisilbihan, Sig. I thought about it you know.” Biglang bumigat ang ihip ng hangin sa paligid base sa tono ni Vivian. “Kung mawawala man ako, humanap ka nang mabuting babae katulad ni Ceri na mag-aalaga sa’yo ha?”
“Vivian!” Halatang inis na inis si Sigmund dahil hindi ito mahilig magtaas ng boses ngunit ngayon ay bigla itong sumigaw.
“Alam ko, alam kong ayaw mo, at alam kong unfair kay Ceri. Kasalanan ko ‘to lahat!”
Biglang umiyak si Vivian na agad namang niyakap ni Cerise.
Hindi nakaimik si Cerise at hinayaan nalang niyang umiyak ang taong tinuring na niya bilang nakakatandang kapatid.
“Nakakatawa ako ‘no?” Saad nito nang kumalma na. “I’m sorry, Ceri. I don’t want to let you see that pero I can’t control my emotions these days. Ayokong pag-usapan pero I’ll be happy if you understand.”
“Oo naman, Ate Vivi.” Nakangiting sabi ni Cerise habang hawak nito ang kamay niya.
“Ihahatid ka nalang ni Sig. Magpahatid ka na sa kanya.” Ani nito nang matapos silang kumain.
“No need, Ate. May pupuntahan pa ako, ayokong humadlang pa ako sa inyo ni Kuya Sig.”
Nagpaalam na siya at kumaway nang makalakad na ito palayo.
“Kung Ate Vivi tawag mo sa’kin, dapat bayaw kay Kuya Sig mo!” Pabirong sigaw nito.
Napangiwi naman si Sigmund at pinanood nalang ang pag-alis ni Cerise.
“Dito na ako Ate Vivi, bayaw!”
Nang makalayo na si Cerise ay lumingon siya ulit upang tanawin ang pigura ng sasakyan ng dalawa.
‘Bayaw? Asawa ko, bayaw? Haha!’ Tanging naisip niya.
Wala na siyang magagawa kung hindi ang tawanan ang kanyang sitwasyon. Hindi man siya tuluyan niyang naangkin, ito na ang pagkakataong dapat ay isuko niya ang matagal na niyang pag-ibig.
“You should be happy, so I could.” Bulong niya sa pawala nang sasakyan sa paningin niya. “Magiging masaya lang ako kapag maging masaya ka na.”
Kung magmamahal man siya ulit, matututo pa ba siya? Kung buong buhay niya ay sa iisang tao lang siya nahulog, magagawa niya pa bang makita ang ibang tao sa ganitong paraan o humigit pa man doon?
Nang makarating si Sigmund at Vivian sa hospital ay agad ding umalis si Sigmund upang pumunta sa restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Winston, na lumaki rin kasama si Ceri.
Ang lugar na iyon ay naging tambayan na nilang magkakababata kung saan madalas silang magsalo-salo. Nang makita siyang umupo ng tatlo pang young master ay linapitan siya ng mga ito.
“Pinagtagpo mo ba talaga yung dalawa? Yung baby Ceri namin?” Ani Winston Dewey, may-ari ng restaurant, tanging anak ng Dewey Food Corp.
Bumuga naman ng usok si Sigmund bago sumagot. “Oo nga.”
“Ha! Ang sama mo naman kay Ceri.” Tawa at komento ni Timothy Kingston, panganay na anak ng mag-asawang Kingston, nagmamay-ari ng Kingston Airlines.
“Sinabi mo ba sa kanya ang tungkol sa divorce? Pano siya nagreact? Umiyak ba siya?” Maiging tanong naman ni Izar Garcia, anak ng heneral ng Air Force.
“Seryoso ka ba? Umiyak? Ano sa tingin mo ba, three years old pa yun?” Sagot naman ni Winston.
Napaisip si Sigmund. Hindi man siya umiyak pero narinig naman niyang suminghap ito.
“Tama. Malaki na si Ceri. Dapat sinabi mong makipagkita rin siya sa’min. Kakamiss kayang bilhan siya ng laruan.” Sagot naman ni Timothy.
“Kung makaasta ka naman kala mo Tito ka na niya. Apat na taon nga lang tanda mo sa kanya eh.” Pagbabara ni Winston.
“Huwag ka nang kumontra, puro lalaki sila sa pamilya nila.” Malamig na sagot naman ni Izar.
“Tama ka dyan, Izar.” Tila pagpapasalamat naman ni Timothy dito.
“Kung di kayo magiging mag-asawa ni Ceri, edi magkuya nalang.” Seryosong saad ni Izar ang taong kadalasan takbuhan ni Ceri sa tuwing binibiro siya ng mga kuya niya.
“Bakit parang ang mali pakinggan?” Tanong naman ni Winston. “Asawa. Magkuya? Parang inc---”
“Tumahimik ka nga. Wala ka nang magandang sinabi.” Singhal ni Sigmund. “Kakauwi niya palang. Huwag niyo siyang pagtripan.”
Napatahimik naman silang tatlo sa inasta ni Sigmund.
“Ito naman ‘di mabiro.” Sinamaan si Winston ng tingin ng tatlo, lalo na ni Sigmund. “Oo nga pala, pinirmahan na ba niya?”
Tumango si Sigmund. “Ganon lang kadali? Wala ba siyang hiningi sa’yo?”
Umiling naman ito. “She really did change. When did she change that way? Ang taray niyan noon ah.”
Komento ni Izar.
“That’s not important.” Ani Timothy. “Ang tanong ngayon ay gusto mo ba talagang pakasalan si Vivian?”
Tanong naman ni Timothy.
“Maybe.”
Umalingawngaw ang tunog ng video call sa kalagitnaan ng katahimikan sa maliit na apartment. Mula sa kusina, kusang lumakad si Cerise patungo sa sala nang marinig ang salitang "Mamita." Parang awtomatikong gumalaw ang kanyang mga paa, dala ng gulat at pagkasabik na hindi niya maipaliwanag. Nang maupo siya sa harap ng laptop, agad niyang pinunasan ang kanyang mukha. Wala siyang suot na make-up, pero ayaw niyang makita ng matanda ang mga bakas ng luha sa kanyang pisngi.Nasa gilid si Sigmund, nakalagay ang isang kamay sa likuran ni Cerise, ngunit ang katawan nito’y nakalayo. Sa kabila nito, malinaw pa ring kita ang kanilang mga mukha sa screen. Kitang-kita rin ang pagkairita sa mukha ng matandang babae habang pinagmamasdan sila.“Baby, sinaktan ka ba agad ng batang ‘yan pagdating niya?” tanong ni Mamita na hindi maitago ang pag-aalala sa boses.Mabilis na umiling si Cerise. “Hindi, Mamita. Nang binuksan ko lang ang pinto kanina, may buhangin na pumasok sa mata ko, napuwing lang ako. Masa
Sa malamig na gabi ng Bagong Taon, tahimik na pinupunasan ni Cerise ang sahig ng kanilang inuupahang apartment. Basang-basa ang kanyang palad, nanginginig ang mga daliri, ngunit patuloy siyang nagwawalis ng mga alikabok at lumang bakas ng nakaraan. Marahang umiikot ang timba sa gilid ng kanyang paa habang pinipilit niyang ituon ang sarili sa gawaing bahay, para makalimot, kahit panandalian.Ngunit sa gitna ng katahimikan, isang katok sa pinto ang pumunit sa kanyang ulirat. Napahinto siya. Nanlamig ang kanyang batok. Parang may malamig na hangin na dumaan sa kanyang likod kahit wala namang bukas na bintana. Bahagyang nanginginig ang kanyang kamay nang ibaba niya ang basahan. Dahan-dahan siyang tumayo, hawak pa rin ang timba, habang humigpit ang tibok ng kanyang puso.Hatinggabi na. Si Kara ay nasa Pinas, at si Percy nama’y umalis pa noong umaga. Sino pa kaya ang maaaring kumatok sa ganoong oras?Napasinghap si Cerise. Mabilis na sumagi sa kanyang isipan ang alaala ng gabing dumating si
Agad na bumukas ang pinto. Mabilis na pumasok si Percy matapos marinig ang tunog.Sa loob ng apartment, natagpuan niyang nakatayo si Cerise, nanginginig ang mga kamay habang mahigpit na hawak ang pulso ng lalaking may hawak na kutsilyo. Buong lakas ang kanyang sigaw sa takot nang marinig niyang may bumungad sa pintuan.Nang lumingon si Percy, tumambad sa kanya ang isang matangkad at payat na lalaking nakasuot ng itim na leather jacket, may suot na baseball cap at mask. May hawak itong matalas na kutsilyo na nakatutok sa leeg ni Cerise. Halata ang hangarin nitong patayin ang babae."Cerise!" sigaw ni Percy, hindi na naisip kung saan galing ang lakas ng loob.Sa sandaling iyon, alam na ni Cerise na ang lalaking ito ay walang ibang layunin kundi tapusin ang kanyang buhay. Hindi ito magnanakaw. Hindi ito lasing. Isa itong mamamatay-tao.Habang abala ang lalaki sa pagbabantay kay Percy, biglang itinaas ni Cerise ang kanyang paa at buong lakas na inapakan ang paa ng lalaki gamit ang pitong
Hindi niya maipaliwanag kung ang lamig na nararamdaman ngayon ay dahil ba sa klima o sa lungkot na hatid ng katahimikan sa paligid. Suot niya ang mapusyaw na turtleneck sweater, pilit na kinukubli ang ginaw na hindi lang pisikal kundi abot sa kanyang damdamin. Habang naglalakad pauwi, bawat yapak niya ay tila dumadagundong sa walang laman na kalsada, at ang bawat paghinga ay may dalang buntong-hininga na ayaw kumawala.Pagpasok niya sa kanyang tirahan, sinalubong siya ng katahimikan, isang uri ng katahimikang hindi nagpapatahan kundi lalong nagpapabigat ng dibdib. Wala ni isang tunog, maliban sa mahinang tikhim ng air purifier sa gilid ng kwarto. Tinanggal niya ang coat, inihagis sa isang sulok, saka naupo sa sofa. Doon lang niya naalala ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Binuksan niya ito, at agad na lumitaw sa screen ang tatlong missed calls ni Sigmund at pitong messages. May tatlong voice messages at isang video message pa.Napapikit siya sandali. Tila ba tumigil ang oras habang
Napatingin si Cerise sa mga mata nito, umaasang may makikita siyang sinseridad, ngunit wala. Kaya napalingon siya palayo.“Huwag mong subukan, ayoko nang pilit.”Saglit na nanahimik si Sigmund. Ramdam niyang muli siyang tinanggihan ng tanging babaeng dati’y nahuhumaling sa kanya.Gusto niya itong sigawan, gusto niyang ipaalala kung sino siya. Pero hindi niya magawa. Sa halip, tahimik niyang hinawakan ang kamay nito at hinayaan siyang manatili sa kandungan niya.“President, nasa airport na po tayo,” saad ng driver sa unahan.Mabilis na napabuntong-hininga si Cerise at nagtangkang bumaba.Ngunit pinigilan pa rin siya ni Sigmund.“Maaga pa,” bulong nito.“Malelate ako sa flight.”“Ihahatid kita ng sarili kong eroplano,” kalmadong sagot nito.Wala siyang nagawa kundi ang manatiling nakaupo. Pinaglalaruan ni Sigmund ang kanyang mga daliri. Ramdam niya ang kirot sa pagkakakurot nito ngunit hindi siya nagreklamo. Alam niyang kapag umangal siya, baka lalo pa itong maging mapusok.“Naipaliwana
Hindi niya namalayang napalingon siya pabalik. Nandoon pa rin si Sigmund, nakaupo sa driver's seat ng sasakyan. Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. Walang salita, walang senyales ng emosyon, binuhay niya ang makina at umalis na tila ba walang nangyari.Isang malamig na hangin ang biglang umihip. Napalukso ang laylayan ng coat na suot ni Cerise, bago pa man niya ito mahawakan. Ngunit higit sa ginaw sa kanyang balat, mas naramdaman niya ang pagyelo ng kanyang damdamin.Ginawa ba niya ang lahat ng iyon dahil nakita niya si Percy?Hindi dapat CEO ang isang Sigmund Beauch. Ang dapat sa kanya artista. Kung sumali siya sa mga award shows, siguradong mauubusan ng tropeo ang mga tunay na aktor. Sa presensya niya, para bang walang binatbat ang mga tinaguriang movie king.Napailing si Cerise at agad pinigilan ang sarili sa pag-insulto pa sa lalaki. Humarap siya kay Percy na nanatiling tahimik, may bahid ng ngiti sa mga labi. “Tara na. Pasok ka,” wika nito, kalmado ang boses.Tum