Bumalik na si Sigmund sa condo nila. Naabutan niyang nasa sala ang Mama ni Cerise at ang Lola niya na nanonood ng drama. Panay ang reklamo ng dalawa tungkol sa third party na sinisira ang pamilya ng bida habang nakangiti lamang si Cerise habang nakatingin sa dalawa.
‘Twenty-three ba talaga siya? Bakit ang tanga parin niya? Hindi man lang siya nagmature.’ Isip ni Sigmund. Nang palapit na siya sa sala ay biglang naalala niya ang basang katawan ni Cerise na nakaharap sa kanya. Walang ano-ano’y nadikit na pala siya ng tingin sa babaeng tinawag niyang tanga sa kanyang isip. “Senyorito!” Pagbati sa kanya nang kababalik lang na maid na sa paghula niya’y naghiwa ng prutas dahil may dala itong hiniwang mansanas. Nagkatinginan sila ni Cerise at naupo naman siya sa malapit sa kanya. Napansin niya palang na ngayon lang niya itong nakitang pormal ang suot. Maarte man ito noon pero hindi sa pananamit. Kung dati ay kikay ang pananamit nito, ngayon ay nagmukhang elegante at disente ang dating ni Cerise. Malayo sa kanyang dating persona na malditang maarte. Nakasuot siya ngayon ng isang magarang floral dress, di masyadong maiksi, at sakto lang ang pagkakagawa. Parang gawa para sa kanya. “At mabuti naman at naisipan pang bumalik ng Senyorito namin.” Ani matanda.. “Ma, naghahallucinate ba ako?” Tanong ng Mama ni Cerise sa kanyang Lola. “Riri, asawa mo ba talaga ang kaharap ko ngayon?” Nahiya naman si Cerise sa inasta ng dalawa. “Opo. Siya nga po.” Ayaw niyang tawagin siyang asawa, at hindi rin gusto ni Sigmund na tawagin siya nitong asawa. “Sino ba siya?” Panunukso ng matanda. “Apo mo, Ma.” Mahinahong sagot naman ng Mama ni Cerise. “Apo ko? Sino ang apo ko?” Pagdidiin ng kanyang Lola. Alam ni Cerise kung ano ang gustong marinig ng Lola niya. Kaya upang di na ito magtanong pa ay binigay na niya ang gusto nito. “Apo mo po, ‘La. Asawa ko.” Hindi man gaanong nakuntento ay tinanggap nalang ng Lola niya ang sagot niya. “Tama. Ito ba yung patay mong asawa?” “Lola?!” Hiyang-hiya si Cerise sa tanong nito. Nang marinig ito ni Sigmund ay nainis ito. Hindi kaaya-aya sa kanyang pandinig na itinuturing na siyang patay ng mga ito. “May sinabi ba akong mali? Tatlong taon nang kasal ang Riri namin tas ang flat pa ng tiyan. Kagagawan ba yan ng isang buhay na tao?” Hindi umimik si Sigmund sa sunod-sunod na tanong ng Lola niya. “Paano yan nakakapasok ng bahay na di nakokonsensya? Kaya pinaparusahan kasi ang sama ng ugali.” Ani nito bago tuluyan umalis si Sigmund. Labis namang nalungkot ang Mama ni Cerise nang hindi man lang sumagot si Sigmund. Galit lang ang naramdaman ni Sigmund. Alam niyang mas magagalit lang siya kung babalik pa siya doon. At nang maaalala niya kung gaano nakangiti si Cerise kasama ang dalawang babae ay mas napuno lang siya ng poot. Ngunit nagpantig ang tenga niya ng maalala niya kung paano siya tinawag na ‘bayaw’ ni Cerise nitong umaga. Hindi pa man siya nakakapag-isip nang malalim ay naisturbo na siya ng tawag ni Vivian pero tiningnan niya lang ito hanggang sa huminto ang pagtunog nito. “Alam ko ang binabalak mo.” Nagulat si Sigmund nang marinig ang boses ng Mama ni Cerise. “Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong ni Sigmund. “Just don’t let it hurt her that much. Gawin mo habang buhay pa ‘ko.” Tama nga ang hinala ni Sigmund. Ngunit wala siyang maramdaman kung hindi ang galit. “Ayokong mahirapan siya’ng mag-isa. Kahit sandali, gusto kong maging andyan kapag iwan mo na siya.” “You don’t tell me what to do.” Madiing sagot ni Sigmund bago pa ito umalis. Naisip niyang pagmumulan lamang ng gulo kung magtatagal pa siya sa condong iyon kaya napagpasyahan niyang umalis. Hindi mapigilan ng kanyang ina na matiis ang paglisan ni Sigmund kaya tinugon niyang ihatid ito kahit sa baba lang ng condo. Nag-aalangan man ay hinabol parin ni Cerise si Sigmund. “Wala na talaga yatang pag-asa si Sigmund, Ma.” Ani Mama ni Cerise. “Hindi yan magtatagal, and our Riri will find out later on.” Linilipad naman ng hangin ang palda ni Cerise dahil mukhang paulan pa. Hindi siya mapakali dahil kahit pati ang buhok niya ay nagugulo nang hangin. “Pinalabas ka ba ni Mama?” Tanong ni Sigmund. Pinapasok siya nito sa kotse pagkatapos siyang pagbuksan. “Oo. Pero naisip ko ring sundan ka.” Napatingin naman sa kanya si Sigmund. “Oo pala. Kailan mo pipirmahan?” Ikalawang tanong na niya ito pero mukhang di nakikinig si Sigmund. Naisip kasi ni Cerise na baka kumalma siya kapag nalaman niya ang tungkol dito. “Malapit na.” “Oh.” Hinihintay niya ang sagot na ito pero bakit hindi siya masaya? “May tanong ka pa?” Tanong ni Sigmund. Napatingala si Cerise at nagkasalubong ang ang mata nila ni Sigmund. Ang naiisip niya lang na kahulugan ng malalim na matalim na tingin ng mga kayumanggi nitong mata ay pandidiri kaya iniwas niya ang tingin dito bago magsalita. “Kailan? Anong araw? Bukas? Sa makalawa? Sa susunod na linggo? Buwan?” “Bakit ba gustong-gusto mo nang pirmahan ko ‘yon? Pinipilit ka ba ng boyfriend mo?” Nanikip ang dibdib ni Cerise at nagtagal bago siya nakasagot. “Hindi ‘no!” Gusto niya lang matahimik at makausad. Sa tingin niya’y mapapayapa lamang siya kung makakapirma na ito sa dokumento. Hindi lang naman si Cerise ang nagpupumilit nito, kahit si Vivian ay panay paalala sa kanya nito. Kahit siya ay di na maintindihan ang sarili. Alam ni Sigmund na hindi sila totoong mag-asawa. Malinaw nang ikasal sila na magiging mabilis at walang aberya ang kanilang paghihiwalay. Pero bakit hindi niya makuhang pirmahan ito kaagad? Hindii na tumingin si Cerise kay Sigmund. Iritable namang tumingin si Sigmund kay Cerise. “Busy ako nang mga nakaraang araw. Maghintay ka muna, okay?” Bakas sa tono niya na galit na ito kaya hindi na nangulit pa si Cerise. “Ayusin mong umupo sa susunod.” Napagtanto niya palang na napaiksi ang palda niya dahil sa taranta at nagmukhang inaakit niya pa ito. “H-hindi…” Hindi siya nito pinansin at binuksan ang kotse niya senyales nang pagpapaalis sa kanya. Nakahinga naman si Cerise nang makababa na siya at nakitang unti-unting naglaho sa paningin niya ang sasakyan. Sa paraang ito, hindi na niya kailangan pang kontrolin ang puso niya diba?Umalingawngaw ang tunog ng video call sa kalagitnaan ng katahimikan sa maliit na apartment. Mula sa kusina, kusang lumakad si Cerise patungo sa sala nang marinig ang salitang "Mamita." Parang awtomatikong gumalaw ang kanyang mga paa, dala ng gulat at pagkasabik na hindi niya maipaliwanag. Nang maupo siya sa harap ng laptop, agad niyang pinunasan ang kanyang mukha. Wala siyang suot na make-up, pero ayaw niyang makita ng matanda ang mga bakas ng luha sa kanyang pisngi.Nasa gilid si Sigmund, nakalagay ang isang kamay sa likuran ni Cerise, ngunit ang katawan nito’y nakalayo. Sa kabila nito, malinaw pa ring kita ang kanilang mga mukha sa screen. Kitang-kita rin ang pagkairita sa mukha ng matandang babae habang pinagmamasdan sila.“Baby, sinaktan ka ba agad ng batang ‘yan pagdating niya?” tanong ni Mamita na hindi maitago ang pag-aalala sa boses.Mabilis na umiling si Cerise. “Hindi, Mamita. Nang binuksan ko lang ang pinto kanina, may buhangin na pumasok sa mata ko, napuwing lang ako. Masa
Sa malamig na gabi ng Bagong Taon, tahimik na pinupunasan ni Cerise ang sahig ng kanilang inuupahang apartment. Basang-basa ang kanyang palad, nanginginig ang mga daliri, ngunit patuloy siyang nagwawalis ng mga alikabok at lumang bakas ng nakaraan. Marahang umiikot ang timba sa gilid ng kanyang paa habang pinipilit niyang ituon ang sarili sa gawaing bahay, para makalimot, kahit panandalian.Ngunit sa gitna ng katahimikan, isang katok sa pinto ang pumunit sa kanyang ulirat. Napahinto siya. Nanlamig ang kanyang batok. Parang may malamig na hangin na dumaan sa kanyang likod kahit wala namang bukas na bintana. Bahagyang nanginginig ang kanyang kamay nang ibaba niya ang basahan. Dahan-dahan siyang tumayo, hawak pa rin ang timba, habang humigpit ang tibok ng kanyang puso.Hatinggabi na. Si Kara ay nasa Pinas, at si Percy nama’y umalis pa noong umaga. Sino pa kaya ang maaaring kumatok sa ganoong oras?Napasinghap si Cerise. Mabilis na sumagi sa kanyang isipan ang alaala ng gabing dumating si
Agad na bumukas ang pinto. Mabilis na pumasok si Percy matapos marinig ang tunog.Sa loob ng apartment, natagpuan niyang nakatayo si Cerise, nanginginig ang mga kamay habang mahigpit na hawak ang pulso ng lalaking may hawak na kutsilyo. Buong lakas ang kanyang sigaw sa takot nang marinig niyang may bumungad sa pintuan.Nang lumingon si Percy, tumambad sa kanya ang isang matangkad at payat na lalaking nakasuot ng itim na leather jacket, may suot na baseball cap at mask. May hawak itong matalas na kutsilyo na nakatutok sa leeg ni Cerise. Halata ang hangarin nitong patayin ang babae."Cerise!" sigaw ni Percy, hindi na naisip kung saan galing ang lakas ng loob.Sa sandaling iyon, alam na ni Cerise na ang lalaking ito ay walang ibang layunin kundi tapusin ang kanyang buhay. Hindi ito magnanakaw. Hindi ito lasing. Isa itong mamamatay-tao.Habang abala ang lalaki sa pagbabantay kay Percy, biglang itinaas ni Cerise ang kanyang paa at buong lakas na inapakan ang paa ng lalaki gamit ang pitong
Hindi niya maipaliwanag kung ang lamig na nararamdaman ngayon ay dahil ba sa klima o sa lungkot na hatid ng katahimikan sa paligid. Suot niya ang mapusyaw na turtleneck sweater, pilit na kinukubli ang ginaw na hindi lang pisikal kundi abot sa kanyang damdamin. Habang naglalakad pauwi, bawat yapak niya ay tila dumadagundong sa walang laman na kalsada, at ang bawat paghinga ay may dalang buntong-hininga na ayaw kumawala.Pagpasok niya sa kanyang tirahan, sinalubong siya ng katahimikan, isang uri ng katahimikang hindi nagpapatahan kundi lalong nagpapabigat ng dibdib. Wala ni isang tunog, maliban sa mahinang tikhim ng air purifier sa gilid ng kwarto. Tinanggal niya ang coat, inihagis sa isang sulok, saka naupo sa sofa. Doon lang niya naalala ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Binuksan niya ito, at agad na lumitaw sa screen ang tatlong missed calls ni Sigmund at pitong messages. May tatlong voice messages at isang video message pa.Napapikit siya sandali. Tila ba tumigil ang oras habang
Napatingin si Cerise sa mga mata nito, umaasang may makikita siyang sinseridad, ngunit wala. Kaya napalingon siya palayo.“Huwag mong subukan, ayoko nang pilit.”Saglit na nanahimik si Sigmund. Ramdam niyang muli siyang tinanggihan ng tanging babaeng dati’y nahuhumaling sa kanya.Gusto niya itong sigawan, gusto niyang ipaalala kung sino siya. Pero hindi niya magawa. Sa halip, tahimik niyang hinawakan ang kamay nito at hinayaan siyang manatili sa kandungan niya.“President, nasa airport na po tayo,” saad ng driver sa unahan.Mabilis na napabuntong-hininga si Cerise at nagtangkang bumaba.Ngunit pinigilan pa rin siya ni Sigmund.“Maaga pa,” bulong nito.“Malelate ako sa flight.”“Ihahatid kita ng sarili kong eroplano,” kalmadong sagot nito.Wala siyang nagawa kundi ang manatiling nakaupo. Pinaglalaruan ni Sigmund ang kanyang mga daliri. Ramdam niya ang kirot sa pagkakakurot nito ngunit hindi siya nagreklamo. Alam niyang kapag umangal siya, baka lalo pa itong maging mapusok.“Naipaliwana
Hindi niya namalayang napalingon siya pabalik. Nandoon pa rin si Sigmund, nakaupo sa driver's seat ng sasakyan. Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. Walang salita, walang senyales ng emosyon, binuhay niya ang makina at umalis na tila ba walang nangyari.Isang malamig na hangin ang biglang umihip. Napalukso ang laylayan ng coat na suot ni Cerise, bago pa man niya ito mahawakan. Ngunit higit sa ginaw sa kanyang balat, mas naramdaman niya ang pagyelo ng kanyang damdamin.Ginawa ba niya ang lahat ng iyon dahil nakita niya si Percy?Hindi dapat CEO ang isang Sigmund Beauch. Ang dapat sa kanya artista. Kung sumali siya sa mga award shows, siguradong mauubusan ng tropeo ang mga tunay na aktor. Sa presensya niya, para bang walang binatbat ang mga tinaguriang movie king.Napailing si Cerise at agad pinigilan ang sarili sa pag-insulto pa sa lalaki. Humarap siya kay Percy na nanatiling tahimik, may bahid ng ngiti sa mga labi. “Tara na. Pasok ka,” wika nito, kalmado ang boses.Tum