Share

Chapter 5: UNTOLD TRUTH

LUHAN'S POINT OF VIEW

"Luhan..."

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang nangangarag na boses ni Stephanie na nakatayo sa may pintuan ng kwartong kinaroroonan ko. Diretso ang titig nito sa akin at napansin ko sa mukha ang sunod-sunod na pag-agos ng kanyang mga luha na bumabasa sa pisngi nito. At doon ako natauhan na tignan ang kalagayan ko, I'm naked in bed next to a woman I don't even know.

Napako si Stephanie sa kanyang kinatatayuan habang titig na titig ito sa akin. Napaawang ang kanyang labi na animo'y hindi alam ang sasabihin.

"Steph, It's not what you think.." Usal ko at dali-daling umalis sa kama upang habulin siya. Kaagad kong pinulot ang mga saplot ko na nagkalat sa sahig at isunot na. Pagkatapos ay hindi na ako nag-antubili pa at lumabas na ng kwarto. Hindi ko na binalak gisingin ang babaeng nakatalik ko dahil kinakailangan kong magpaliwanag kay Stephanie.

Paglabas ko ng kwarto ay naroon ang mga kaibigan ko na mas problemado pa sa akin. May ilang tao rin na mukhang kilala kung sino ako't alam nila ang nangyayari. Hindi ko sila pinag-aksayahan ng panahon para suwayin sa ginagawang pagkuha ng video sa akin.

Ang naaalala ko ay nakainom ako, lasing na lasing ako kakahintay sa mga kaibigan ko dahil wala pa sila nong dumating ako dito. Kumuha pa sila ng pribadong kwarto tapos hindi naman pala sisipot.

Nababasa ko sa kanilang mukha na gusto nila akong tulungan pero huli na dahil si Stephanie na mismo ang nakakita sa akin na naroon sa isang kwarto katabi ang isang babae na hindi ko kilala. Ni hindi ko alam ang pangalan nito o itsura manlang. Madilim kasi ang kwarto na kinaroroonan namin kanina at wala akong maalala. Tanging naaalala ko ay pumunta ako sa kwarto na 'yon para sa umihi.

"Steph, let me explain, please, hayaan mo naman akong magpa--"

I didn't finish what I was going to say when I felt Stephanie's hard palm land on my cheek. She slapped me and with that slap I felt her anger. Halos hindi ako makagalaw pagkaramdam ng napakalakas niyang sampal sa akin. Sa sobrang sakit non ay halos mapatulala ako't hindi alam kung ano ang dapat na gawin.

"I trusted you, Luhan.." Umiiyak nitong usal na narinig ko. Nanatili akong nakatingin sa left side ko dahil ramdam ko pa rin 'yong sakit ng pagkakasampal ng pisngi ko. "You promised me you wouldn't do anything stupid but what was that? Why are you with another woman in bed? Huh?"

Tinapik-tapik niya ang balikat ko habang patuloy pa rin siyang nilalamon ng kanyang emosyon. Sinulyapan ko siya at kumirot ang dibdib ko nang makita kung paano siya nasakta sa nangyari. Maski ako hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyon na iyon. Wala sa plano ko ang gumawa ng kalokohan, aminado ako doon. Kaya malaking katanungan sa akin kung sino ang nasa likod ng kalokohang ito.

"Love, I don't know." Umiling ako pagkatapos ay sinubukan kong hulihin ang kanyang mga braso pero mabilis niya itong iniiwas sa akin na animo'y nandidiri na mahawakan ko siya.

"You don't know? Ano 'to lokohan, Luhan? After mong magpasarap sa tanginang babae na 'yon, aakto ka dito na wala kang alam? You are going to act like a victim?" Nanggigigil nitong usal sa akin. "Kailan ka mo pa ako niloloko, ha?"

"Steph, hindi kita niloloko." Depensa ko at sa ikalawang pagkakataon natanggap na naman ako ng malakas na sampal mula sa kaniya. Hindi ko ininda ang sakit bagkus lumuhod ako sa kanyang harapan pero hindi ko naramdaman na kinakaawaan niya ako. "Biktima ako dito, hindi ko kilala ang babaeng 'yon. I got drunk and I don't know how I got there. Steph, please, paniwalaan mo naman ako, wala akong intensyon na lokohin ka."

Napailing siya't umatras palayo sa akin. "After what you did, nawalan na ako ng tiwala sa'yo."

Nanlumo ako nang padabog niyang inihagis sa akin 'yong wedding ring namin. Nasaktan ako sa ginawa ni Stephanie na iyon. Sinubukan ko siyang habulin at ipaliwanag sa kanya ang lahat pero huli na.

"Tangina!" Pagmumura ko ng hindi ko nahabol si Stephanie.

Maraming tao ang nakasaksi sa sagutan namin iyon ng fiancee ko. Sa galit ko ay nasigawan ko sila dahil ilan sa mga nanood ay kinukunan ako ng video. Sinubukan akong pakalmahin ng mga kaibigan ko pero sa kanila ko ibinaling ang galit ko.

"Fuck you." Hinuli ko ang kwelyo ni Justine, ang kaibigan kong nagtext kanina sa akin na pumunta dito sa bar. Sa takot na mapatay ko siya, sinubukan akong pakalmahin ng mga kaibigan namin pero hindi sila nagtagumpay.

"Paano mo nagawa sa akin 'to, Jus?" Nanggigigil na wika ko. Siya ang sisisihin ko dahil malakas ang kutob kong may alam siya sa nangyari. "Paano mo nakayang sirain ang imahe ko sa harap ng maraming tao lalong-lalo na sa fiancee ko? Anong kasalanan ko sa'yo, huh?"

"Lucas, tama na, baka mapatay mo si Justine." Suway ni Luke na pilit pumapagitna sa amin. Tinulungan siya nina Andre at France na awatin ako.

Hindi ko kayang magtimpi sa mga oras na ito. Sirang-sira na ako sa paningin ni Stephanie. At walang ibang dapat na sisihin kundi si Justine. Siya lamang ang kasama ko kanina at wala ng iba. Alam ko na alam niya lahat ng pangyayari at hindi ko siya mapapatawad kung may mangyaring hindi maganda sa relasyon namin ni Stephanie.

"Luhan, wala akong alam dyan sa sinasabi mo.." Nahihirapang sambit ni Justine na pilit inaalis ang kamay ko na nakahawak sa kwelyo niya. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak roon nang marinig ang kanyang sagot.

"Ikaw ang nandito kanina, paanong hindi mo alam?" Depensa ko at halos hindi na siya makahinga sa ginagawa ko. Nakikiusap na ang mga kaibigan namin na tumigil ako dahil nakikita na nilang nasasaktan si Justine.

"Si Bella ang naabutan ko dito, Luhan."

Natigilan ako sa sinabi niya dahilan para unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. Hindi ko na siya hinintay pa na makapagsalita, tumakbo na ako palabas at hindi manlang siya pinakialaman nang mapahandusay ito sa sahig.

Nagtungo ako sa opisina ni Bella kung saan madalas ko siyang makita. Kahit na alam kong bawal pumasok roon, dumiretso pa rin ako. May ilang staff na pumigil sa akin pero lahat sila sinigawan ko kaya wala silang nagawa kundi hayaan ako.

"Fuck! Bella, where the hell are you?"

Mukhang plinano lahat ng ito ni Bella at wala akong matandaan na kasalanan o atraso man lang para gawin niya sa akin ito. Naging mabuti naman akong kaibigan at akala ko ganoon rin siya. Tinulungan pa nga niya kami ni Stephanie na magprepaire sa darating naming wedding, tapos ganito?

Ano bang nagawa ko sa'yo Bella at nagawa mong iset-up ako ng ganito?

                                                                         *    *    *

"Tita, magpapaliwanag po ako, please." Halos lumuhod ako sa harapan ni Tita Mirriam, nakaalalay ang asawa nito na nasa likod na ginagawa ang lahat para pakalmahin siya. Sinadya kong pumunta sa kanilang bahay upang sabihin ang katotohanan pero mukhang huli na ako.

Matalim ang tingin ni Tita Mirriam sa akin, sa mga titig niya nasisiguro kong galit na galit ito sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit siya galit, nanay siya ni Stephanie at may karapatan siya.

"Pinagkatiwalaan ka namin, Luhan, tapos ganito ang gagawin mo? Ano bang kasalanan ng anak ko sa'yo at nagawa mo siyang lokohin ng ganito? Bakit mo pa siya inalok ng kasal kung sasaktan mo lang din naman siya? Hindi mo lang alam kung gaano kasakit sa akin bilang isang ina na makita ang anak ko, luhaan dahil sa ginawa mo." Halos manlumo pa si Tita Mirriam pagkasabi non, mabilis na umalalay ang kanyang asawa.

"Tita maniwala kayo sa'kin sinet-up nila ako. Wala akong alam sa nangyari, biktima po ako." Depensa ko.

"Gusto man kitang paniwalaan pero hindi ko kaya, Luhan. Masyado akong nasasaktan para sa anak ko." Umiiyak na usak ni Tita Mirriam sa akin. "Kaya hangga't wala pa akong ginagawa sa'yo, umalis ka na, parang awa mo na."

"Tita, kilala nyo po ako, hindi ko kayang gawin 'yon kay Stephanie." Depensa ko.

"Nagawa mo na, Luhan." Tugon niya at bumuntong-hininga ng malalim. "Umalis ka na sa pamamahay ko, ngayon din." Utos nito sa akin pero hindi ko siya pinakinggan at nagmatigas.

Napayuko ako, paulit-ulit na humihingi ng pasensya sa kalasanang hindi ko naman ginusto. At kahit anong paliwanag ang gawin ko, hindi nila ako pinaniwalaan. Isiniwalat ko sa kanila ang buong katotohanan pero akala nila ay nagsisinungaling ako. Sirang-sira na ang imahe ko sa pamilya ni Stephanie at iyon ang masakit sa akin.

Kung mayroon lang akong ebidensya na hindi ko ginusto ang nangyari, may laban sana ako, kaso wala naman.

Ipinagtabuyan ako sa pamamahay nina Stephanie at sinabing iyon na ang huling beses na tutuntong ako sa bahay nila. Nakiusap pa ako na kausapin si Stephanie pero pinagbawala nila ako. Pwersahan nila akong pinadakip sa mga guard nila upang ilabas sa kanilang pamamahay. Namaos na ako kakasigaw mula sa malaki nilang gate, hindi nila ako pinagbuksan.

Sinubukan kong tawagan si Stephanie pero hindi niya ito sinasagot hanggang kalaunan ay hindi ko na siya matawagan. Pinagsisipa ko ang gulong ng kotse ko sa inis. Ni isa wala akong kakampi ngayon para sana linisin ang pangalan ko. Lahat sila galit sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin.

                                                                                 * * *

"Isa kang malaking kahihiyan sa pamilyang ito, hindi ka na nahiya."

Pinasalubungan ako ni Mama ng napakalakas na sampal dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Kaagad akong inalalayan ni Ate Lorraine samantalang pinakalma naman ni Daddy si Mama na galit na galit sa akin.

"Ma, tama na." Usal ni Ate Lorraine sa aming ina, umiiyak na si Ate sa takot na baka may gawin si Mama sa akin.

"Hindi mo ba alam na usap-usapan na ngayon 'yang kalokohan na ginawa mo, Luhan? At dahil doon, isa-isang umaalis sa kompanya natin 'yong mga client natin. Dahil sa'yo nawalan tayo ng napakaraming kasosyo sa negosyo. Dahil sa'yo napahiya tayo sa lahat ng tao. Wala ka ng dinala sa pamilya na 'to kundi puro kahihiyan." Bulyaw ni Mama sa akin na animo'y isa akong kalaban sa paningin niya.

Tinignan ko ang Mama ko, wala akong concern na makikita sa mukha niya para sa akin kundi mas concern pa siya sa negosyo namin. Nasaktan ako sa kadahilanang mas iniisip niya ang kalagayan ng kompanya kaysa sa sarili niyang anak. Ni hindi niya tinanong sa akin kung tama ba ang binibintang nila laban sa akin. Ni hindi ko maramdaman na may pag-aalala siya sa akin o kahit konting awa manlang.

"Ma, tanungin mo naman ako kung guilty ako sa paratang nila sa'kin. Anak mo 'ko, kampihan mo naman ako." Umiiyak na sambit ko kay Mama.

Mapakla siyang tumawa at tinapunan ako ng masamang tingin. "Sino ka para kaawaan? Sino ka para kampihan ko? Dahil sa ginawa mo, nawalan na ako ng tiwala sa'yo. At alam mo kung ano ang nairealize ko, sana hindi na lang kita naging anak."

Pagkatapos noon ay nagwalk out na si Mama, sinundan siya ni Daddy at naiwan kaming dalawa ni Ate rito sa sala. Pinatahan niya ako't sinabi na huwag kong damdamin ang mga sinabi ni Mama. Ngunit, kahit na anong gawin ko, tumagos sa isip ko ang huling sinabi niya.

Sana, hindi na lang kita naging anak.

Sa tanang ng buhay ko, kailanman hindi ko 'yan narinig kay Mama, ito pa lamang ang unang beses. Natatakot akong gumawa ng maling desisyon sa buhay dahil perfectionist ang nanay namin. Lahat dapat maayos at polido. Ayaw niya sa mga desisyon na sumasabit. Bata pa lamang ako, namulat na ako sa patakaran ni Mama na bawal magkamali sa pamilyang ito.

"Ate, wala akong kalasanan, maniwala ka naman, kahit ikaw na lang." Pagmamakaaw ko kay Ate Lorraine. Tanging tango ang naisagot nito sa akin.

Mula ng araw na iyon, nagbago lahat ang takbo ng buhay ko. Kahit saan ako pumunta, may mga mata na nakatingin sa akin. Kaliwa't kanan ang nagbubulungan kahit sa opisina ako pumunta. At dahil sa nangyari, wala ni isang gustong kumausap sa akin, even my family. Hindi lang si Stephanie ang nawala sa akin kundi na rin ang mga mahal ko sa buhay.

Ang dating komportable at masaya kong buhay, nilipad ng hangin. Iyong ngiti ko, napalitan ng simangot. Kung dati maraming concern sa akin kapag hindi ako okay, ngayon ni isa wala. Walang may gustong makinig sa totoong saloobin ko. Lahat sila tingin sa akin ay maloloko at sinungaling.

Iyong mga preparation namin sa kasal ay ipinahinto lahat ni Stephanie. Maski siya hindi ako kinakausap o binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag. Sinasadya ko siya sa bahay nila pero hindi nila ako pinagbubuksan. Kahit sa office ay umiiwas siya't ginagawa ang lahat para hindi ako makalapit sa kaniya.

Damay-damay lahat ang nawala sa akin, pinatalsik ako ni Mama sa kompanya dahilan para mawalan ako ng trabaho. Pati mga mana ko ay kinuha nila, maski mga ari-arian ko. Lahat nawala sa akin at wala silang tinira kahit isa. Walang-wala ako, wala akong kakamapi, wala akong malapitan.

Wala akong matakbuhan nong mga oras na iyon kaya ginawa ko ang lahat para mahanap si Bella. Siya ang bukod tanging nakakaalam ng katotohahan at kinakailangan ko siyang mahanap para malinis ang pangalan ko.

"Ano na ang balita sa paghahanap kay Bella?" Tanong ko kay Tano, ang tauhan ko na inutusan ko na maghanap sa kinaroroonan ni Bella.

"As of now, wala pang balita. You know what, mukhang planado na lahat ito sa kanya kaya nagtago na siya sa mga lugar na mahirap matunton." Komento ni Tano saka lumagok sa alak na pinagsasaluhan natin.

"Iyon din ang tingin ko kaya hangga't maaari talasan natin ang mga tingin natin sa paligid. "Sagot ko.

"Boss, suggestion lang, bakit hindi 'yong babaeng katabi mo sa kwarto ang hanapin natin? Malaki ang maitutulong niya para linisin ang pangalan mo." Suhestiyon ni Tano dahilan para mapaisip ako.

"Naisip ko na ang bagay na 'yan, Tano." Usal ko "Ang problema nga lang ay hindi ko alam ang pangalan niya. Maski itsura nito hindi ko alam kaya mahihirapan tayo."

"'Yon lang, ni isang info wala ka pa lang alam sa babae na 'yon, Boss." Napailing ito ng ilang beses.

Sinulyapan ko si Tano at muling humingi ng tulong sa kanya. "Tano, huwag mo munang intindihin ang babaeng 'yon, si Bella ang nararapat nating hanapin. Babayaran kita kahit na magkano basta iharap mo ng buhay si Bella sa akin. Kinakailangan ko siya para malinis ang pangalan ko, naiintindihan mo."

"Copy, boss." Sumaludo pa ito.

Napag-usapan pa namin ang mga posibleng lugar na puntahan ni Bella. Napagplanuhan na isa-isa nilang tignan ang mga iyon para makasigurado. Pinagmamadali ko na sila sa paghahanap dahil kating-kati na akong malinis ang pangalan ko. Kating-kati na akong mabawi ang tiwala ulit ng tao sa akin. Gusto kong malaman nilang lahat na tunay akong biktima rito, na malinis na ang konsensya ko.

"Kahit saang sulok ka man ng mundo magtago, Bella, hahanapin kita." Usal ko habang nakatingin ng matalim sa litrato ni Bella na hawak ko. "Pagsisisihan mo 'tong ginawa mo sa akin. Namali ka ng binangga. Sisiguraduhin kong luluhod ka sa harapan ko para magmakaawa. Hindi ko papalampasin ang pangtratraydor na ginawa mo sa akin."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status