Share

Kabanata 4: Jericho

Author: Totoy
last update Last Updated: 2022-07-12 21:29:03

"MONIC!"

Nagulat na lang si Monica nang marinig niya ang sigaw na iyon mula sa isang babae. Hindi nga siya nagkamali nang humarap siya at nakita ang kaibigang si Crystal, bitbit ang maleta nito na kakapasok lang ng flower shop suot ang masayang ngiti. Ilang buwan rin kasi simula nang hindi sila nito nagkita dahil sa Manila ito nakatira at dumadalaw lang sa kaniya kapag gusto nito.

"Crystal?" gulat namang banggit niya sa pangalan nito, saka masayang ngumiti. Saglit silang nagkatinginan, saka tumakbo si Crystal palapit sa kaniya at mabilis siyang niyakap. "I miss you, Monic, I'm sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw. Alam mo naman kung gaano ako ka-busy, 'di ba?" malungkot nitong paghingi ng paumanhin.

Nginitian niya ito nang maghiwalay sila. "Ano ka ba, it's ok kasi alam ko naman kung gaano ka ka-busy diyan sa boyfriend mo—I mean sa salon mo," natatawang pagbibiro niya. Nitong nakaraan kasi'y sinabi ni Crystal may boyfriend na ulit ito at kilala niya ang kaibigan, sa tuwing may kasintahan ito, halos ibigay nito ang oras sa lalaki. Palagi kasing iniisip ni Crystal, na kapag mahal mo ang isang tao, spend time with him, sulitin mo ang oras na kasama siya and be happy dahil ang happiness daw is always a choice. Well, dahil kaibigan siya nito, sinusuportahan na lang niya ito at pinapaalalahan sa pwedeng mangyari.

Kumunot ang noo nito at lumabi. "I'm not busy with him, Monic. Look, hindi ko siya kasama, 'di ba? Kasi na-realize ko nang hindi sa lahat ng oras dapat kasama mo palagi ang boyfriend mo dahil you still have your own life na bukod sa relasyon ninyo," anito na seryoso ang mukha.

Ngumuso si Monica at ngumiti. Masaya siya dahil kahit pa paano pala, may natutunan si Crystal sa mga paalala niya. "Oh! Siya, tara sa loob," aya niya sa kaibigan. "Ria, one coffee please, sa office," utos niya kay Ria at iginiya ang kaibigan sa maliit niyang opisina.

"So, how's the business, Monic? Mukhang mas lumalago ang flower shop mo, ah. The last time I went here, wala pa ang ibang flowers na nakita ko sa labas. Mukhang nag-e-expand ang supplies ng new flowers mo," puna nu Crystal nang makaupo ito sa sofa, sa maliit niyang opisina.

Ngumiti si Monica nang makaupo siya sa katabi ng kaibigan. "Yeah, it's quite good. May mga new suppliers ang shop ng iba't ibang Flowers at maraming event ang gustong kumuha sa shop to decorate their places kaya baka I need to get more staff kasi nahihirapan din akong pagsabay-sabayin lahat," sambit niya na halata roon ang pagod dahil sa maraming trabaho.

"You're right, Monic, you need more staff para hindi mo na kailangang magtrabaho so you can rest and enjoy. Hindi naman palaging dapat nagtatrabaho ka. You need some time to relax and unwind," pagsang-ayon ng kaibigan niya. "Siya nga pala, nasaan si Princess?" sabay tanong nito.

"Iniwan ko siya sa bahay kasi maraming trabaho sa shop dahil dumating ang maraming supplies ng bulaklak," sagot niya. "Siya nga pala, ano'ng good news ang sinasabi mo sa cellphone kanina?" usisa ni Monica nang maalala ang sinabi ng kaibigan nang nakarang araw sa telepono.

Kumunot ang noo ni Crystal at napangiti nang marahil maalala ang sinabi nitong good news. "Ah! Iyon ba? Ano kasi, magkakaroon ng event ang kompanya kung saan isa si Dad sa mga stockholders, so, I suggested them your flower shop to decorate the whole place since you're the only one I know na expert doon at kilala ka rin naman ni Dad. Isa pa, naisip ko rin na baka it's your time to go back to Manila, to relax. Isa pa, nami-miss ka na rin nila Tito at Tita. Kahit naman dumadalaw sila rito, iba pa rin na ikaw 'yong pupunta sa kanila, 'di ba?" mahabang paliwanag ni Crystal.

"Huh? Ba't ako? Ang layo ng Davao to Manila at hindi madaling i-byahe ang mga bulaklak papunta roon," dahilan ni Monica. "Crystal, I'm not ready to go back to Manila. Hindi pa ngayon," dagdag niya.

Napasinghap si Crystal. "I know your capability on doing stuff like that, Monic that's why I recommended you and your shop and also to help your business to expand at mas makilala hindi lang sa Davao but of course sa Manila." Bumuntong-hininga ito, saka pinakatitigan siya sa mukha. "Hanggang ngayon hindi ka pa handa, Monic? It's been five years, kailan ka pa magiging handa? You need to move on dahil hindi ang nakaraan mo ang buhay mo, kung 'di 'yong ngayon kasama si Princess."

Hindi agad nakaimik si Monica dahil sa sinabi ng kaibigan na alam niyang may punto. Ilang bases na ba siyang pinilit nito at ng pamilya niya na bumalik sa Manila? Hindi na niya mabilang at palagi niyang sinasagot na hindi pa siya handa.

Bigla niyang naalala ang nangyari nang nagdaang mga araw, nang makita niya si Jericho at Zymon sa kasal ng isa sa mga kliyente niya. Iyon ang matagal na niyang kinatatakutan kaya ayaw niyang bumalik ng Manila dahil alam niyang sa pagbalik niya roon, kasabay niyon ang pagbalik ng mga alaala ng nakaraan na pilit niyang kinalilimutan. Natatakot siyang malaman ang katotohanan sa kaniyang anak. 

Pero paano kung tila lumiliit na ang mundo sa kanilang tatlo?

"Pag-iisipan ko, Crystal," mahina at seryoso niyang sabi. Hindi na umimik ang kaibigan niya. Saktong dumating naman si Ria na may dalang coffee para sa kaibigan.

KINAUMAGAHAN, maagang umalis si Crystal para puntahan ang ilang sikat na fashion boutique sa Davao. Obsessed kasi ang kaibigan ni Monic sa fashion. Mahilig itong mag-ipon ng mga damit na binibili nito sa iba't ibang lugar na pinupuntahan nito.

Matapos naman niyang mag-almusal, umalis na rin siya ng bahay para pumasok sa flower shop. Isinama niya si Princes dahil day off ng Yaya nito.

"Baby, huwag kang malikot, ok? Just stay here, huwag kang lalabas," paalala niya sa anak na iniwan niya sa sofa na naglalaro habang nakatutok siya sa harap ng computer para asikasuhin ang orders at reservation para sa iba pang services ng flower shop. Dahil sa abala si Monica sa ginagawa, hindi niya namalayang nawala na pala si Princess Monica sa sofa at lumabas ito ng silid para maglaro.

Matapos niyang ayusin ang orders, uminat siya at humikab. Loaded na naman ang orders na kailangan nilang i-prepare. Ang iba kasi'y nagpapa-reserve na lang through email at pi-pick-up-in na lang kapag kukunin na.

"Anak—" Kumunot ang noo niya nang hindi makita si Princess. "Anak, where are you?" tanong niya nang tumayo siya sa pagkakaupo. Wala sa silid ang bata kaya lumabas siya roon para hanapin sa labas ang anak. "Ria, nakita mo ba si Princess?" tanong niya rito nang makita niya itong abala sa pag-aayos ng mga bulaklak.

Saglit na nag-isip si Ria. "Hindi po, Ate, eh, kanina pa po akong nag-aayos dito at hindi ko po napansin si Princess," sagot nito.

Napamaywang siya. Bigla siyang kinabahan. Nasaan na ba ang anak niya? Nang maisip niyang baka lumabas si Princess, mas kinabahan siya. "No!" aniya, saka mabilis na lumabas ng shop.

"Princess?" tawag niya sa pangalan nito. 

'Di kalayuan sa kaniya, natanaw niya ang batang nakatayo sa gilid ng kalye at sa harap nito ay kausap ang isang lalaki. Mas kinabahan siya dahil si Princess iyon na nakasuot ng pink na dress. Mabilis siyang tumakbo palapit sa anak.

"Anak, come here to, Mommy." Mabilis niyang hinablot ang anak at itinago sa likod niya. "Sino—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang makilala ang binata sa harap niya. Ganoon din ang reaction ng lalaki, gulat na gulat habang palipat-lipat ng tingin sa kaniya at sa bata.

"Monica?" banggit ng binata sa pangalan niya.

Kumurap siya at pinilit umiwas ng tingin sa kaharap. "A-ano'ng ginagawa mo rito?" Pinilit niya ang sariling hindi maapektuhan sa presensiya ni Jericho sa harap niya. "Aalis na kami." Tumalikod si Monica at nang akmang hahakbang na siya palayo, hinawakan nito ang braso niya para pigilan.

"A-anak mo ang batang 'yan?" tanong nito na hindi niya alam kung bakit may kakaiba sa tono ng pagtanong nito. Hindi agad siya nakasagot.

Napalunok si Monica. Tiningnan niya ng saglit si Jericho, saka umiwas nito. "W-wala ka nang pakialam kung anak ko o hindi ang batang ito." Pagkasabi niyo'y, binawi niya ang kaniyang kamay at naglakad palayo sa binata. Pakiramdam niya'y naninikip ang dibdib niya habang kaharap ito. Bakit ganoon pa rin ang nararamdaman niya para sa binata?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Anu naman Jericho Kong anak ni Monica yan
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
ano ba kasi reason mo Jericho bakit di ka sumipot sa kasal nyo ni Monica
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ano kaya tlgang nangyari bakit d sumipot c Jericho sa kasal nila ni Monica
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Hot Special Chapter

    "THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 123: Finale

    SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 122: Paglaya

    DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 121: Bistado!

    AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 120: Unveiling

    "ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 119: Pain

    MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status