"MOMMY, gusto kong pumunta ng mall, pwede po ba? I want to buy some toys po kasi," sweet na sabi ni Princess Monica sa Ina nito habang nakaupo sa sofa at naglalaro ng manika nito.Weekend at nagpasiya si Monica na hindi pumunta ng shop dahil balak niyang magpahinga. Lunes kasi ay aalis na sila papuntang Manila. Nag-angat siya ng tingin at binalingan ang anak na naka-pony tail na mas lalong nagpa-cute rito."Gusto mo mag-mall? Sige, later pagkakain natin pupunta tayo ng mall, ok? Basta kakain ka ng gulay," aniya na may kondisyon sa anak. Hindi kasi ito mahilig kumain ng gulay at laging hotdog at mga karne ang gustong kainin.Hindi agad nakaimik si Princess. Ngumuso ito. "I don't eat gulay, Mommy, eh. Para kasi silang damo tapos kakainin ko? 'Di ba po mga hayop lang kumakain ng damo?" tanong nito na nagpakunot sa noo niya. Kapagkuwa'y napatawa siya.Nilapitan ni Monica ang inosenteng anak. Hinawakan niya ito sa balikan. "Anak, hindi damo ang gulay, ok? Iba ang damo na kinakain ng hayop
"WHAT are you going to buy here at kailangang kasama ako, huh?" tanong ni Zymon sa kaibigan niya na si Well na kararating lang sa Davao para sundan siya at sumama sa pagbabakasyon niya. Inaya siya nitong pumunta sa mall dahil may bibilhin daw ito roon."Some stuffs na nakalimutan kong bilhin sa Manila. Pagdating ko sa hotel at binuklat ang mga gamit ko, I realized I forgot to bring underwear." Natawa ito sa sinabi. "Kaya kailangan kong bumili rito."Napailing si Zymon at napangiti dahil sa pagiging makakalimutan ni Well na hindi na bago sa kaniya. "Sa dami naman ng pwedeng kalimutan, underwear talaga? Well, hindi pa ba ako nasanay? You always like that every time we have go to a trip."Pumasok sila sa mall at tumambad sa kanila ang maraming tao na abala sa pamimili. Wala naman kasi siyang bibilhin sa mall kaya wala siyang balak sumama, pinilit lang siya ng kaibigan.Umakyat sila ng second floor kung saan nandoon ang ilang shop ng mga underwear. Tahimik lang si Zymon habang nagmamasid
HINDI mapakali si Monica habang lulan sila ng eroplano patungo sa Manila. Hindi niya mawari ang kabang nararamdaman niya habang papalapit sila sa lugar na iyon na pilit niyang nilayuan at kinalimutan sa lumipas na limang taon. Gusto niyang umatras at bumalik ulit sa Davao pero hindi na niya iyon pwedeng gawin dahil ilang minuto na lang at tuluyan na silang makararating sa Manila.Binalingan niya si Princess na nakatulog na sa byahe. Napangiti siya dahil sa napakaganda nitong mukha na puno ng bahid ng kainosentihan na sana ay hindi masira sa pagbalik nila sa Manila.Hindi lang ang mga taong naging parte ng nakaraan niya ang kaniyang kinatatakutan, pati na rin ang nararamdaman niya at ang katotohanang tungkol kay Princess na maaaring maungkat sa pagbabalik niya. Handa ba siya roon?Marahan niyang iniangat ang kaniyang palad at dinampi iyon sa ulo ng anak, saka marahang hinimas iyon. "No matter what, I'll protect you from the truth, Princess," mahina niyang sabi. Hindi niya papayagang ma
AGAD na sumakay si Monica sa kotse niya dahil sa text ni Crystal na kailangan niyang pumunta sa kompanya ng pamilya nito para sa isang meeting kung saan pag-uusapan ang event na kaniyang oorganisahin. Nagtataka man siya kung bakit kasama siya roon, hindi na lang siya nagtanong dahil iyon naman talaga ang pinunta niya sa Manila, ang trabaho. Iniwan naman niya ang anak sa mga magulang niya. Hanggang ngayon in-adjust pa rin niya ang kaniyang sarili sa lugar na iniwan niya limang taon na ang nakakaraan. Natatakot pa rin siya sa posibilidad na baka muli magkita ang landas niya at ng mga taong gusto niyang kalimutan. Sa kabila naman ng lahat ng iyon, masaya siya dahil sa wakas, nakasama niya ang kaniyang pamilya sa bahay nila matapos ang limang taon. Halos ayaw na nga ng mga ito na bitawan ang anak niya dahil na-miss ito ng kaniyang mga magulang. Marami itont naging tanong sa kaniya kung bakit bigla siyang bumalik ng Manila. Pinaandar niya ang sasakyan habang tahimik lang. Katulad nga ng i
MABILIS NA bumaba ng taxi si Monica ng marating niya ang George Company. Kung titingnan iyon, malulula ka sa taas ng building na pag-aari ng pamilya ni Crystal. Hindi maikakailang mayaman ang kaibigan niya pero sa kabila niyon, naging kaibigan pa rin niya ito kahit sabihing hindi sila pareho ng status sa buhay.Binilisan niya ang paglakad hanggang makarating siya sa elevator at pinindot ang 10th floor. Inayos niya ang hibla ng buhok na humarang sa mukha niya at saglit na pumikit. Hindi niya alam pero hanggang ngayon, iniisip pa rin niya ang nangyari kanina at ang mga sinabi ni Jericho sa kaniya. May bumubulong sa loob niya na tanggapin ang closure at pakikipagkaibigan na inaalok nito pero sa kabilang banda'y natatakot siya dahil alam niyang mauungkat ang tungkol kay Princess.Bumuga ng hangin si Monica nang bumukas ang elevator. Lumabas siya roon at naglakad patungo sa kanan para pumunta sa meeting room ng kompanya, kung saan nandoon na ang ilang mga taong kailangan sa event na hindi
"HINDI ko rin alam ang tungkol dito, Monic. Dad never told me that Coreal Group of Company is now one of our investor," agad na paliwanag ng kaibigan ni Monica na si Crystal na halatang nagulat din sa nangyari nang makalabas sila sa meeting room. Habang nasa loob pa ang Daddy nito at kausap si Zymon."Kung nalaman ko lang na makakatrabaho ko si Zymon, I've never decided to get your offer," frustrated niyang sambit at nasapo pa ang noo. Hindi niya pwedeng makasama ng matagal si Zymon dahil sa pwedeng malaman nito tungkol sa kaniya."Why do you seem so scared everytime I'm near you, Monica? Ganoon ba ako ka-intimade sa 'yo?" Napapitlag si Monica kasabay nang gulat sa mukha ni Crystal dahil sa narinig nilang boses ni Zymon na nasa likod niya. Para siyang nakakita ng multo sa gulat at hindi nakagalaw dahil hindi niya alam ang isasagot sa tanong nito. "Hindi mo ba napapansin, we were always met in unexpected moment pero parang ilag na ilag ka sa akin, is there something you're hiding, Moni
NAPANGITI SI Monica habang pinagmamasdan ang anak na si Princess habang naglalaro ito kasama ang Lolo Berto at Lola Terry nito sa hardin. Kasalukuyan siyang nandoon sa terrace kung saan tanaw niya ang mga ito. Kitang-kita niya ang masasayang ngiti at ang kagalakan sa bawat tawa nito habang kasama ang Lolo at Lola na ngayon lang niya napagtanto na kailangan pala ng anak niya ang mga ito, para maging masaya. Humalukipkip siya. Lumalaki na si Princess Monica at natatakot siya dahil alam niya sa paglaki nito, magsisimula na rin itong magtanong tungkol sa tunay nitong ama na hindi niya alam kung ano'ng sasabihin niya kapag dumating na ang puntong iyon. Napabuntong-hininga si Monica at malungkot na tiningnan ang masayang anak. Naawa siya para rito dahil hindi man lang nito nakilala ang ama pero alam niyang mas mabuting hindi nito alam iyon dahil hindi naman ito nabuhay dahil sa pagmamahal, kung 'di dahil sa pagkakamali niya. Napapitlag si Monica nang mag-vibrate ang hawak niyang cellphon
"KUYA Zymon? Kuya!"Hindi alam ni Monica kung paano nakilala ni Princess si Zymon dahil tinawag nito ang pangalan ng binata. Sa pagkakaalam niya, hindi pa niya nabanggit ang pangalan nito o naikwento man lang ang tungkol kay Zymon.Nagtatakang tiningnan niya si Zymon at ang anak niya na masayang nakangiti habang kaharap ang binata. Hindi agad siya nakagalaw dahil sa nakikita niya. Kumurap si Monica ng ilang beses at ng mapagtantong kaharap ng anak niya si Zymon, mabilis siyang lumapit kay Princess at inilayo ito."P-paano mo nakilala si Zymon?" baling niya sa anak na puno ng pagtataka.Hindi agad nakasagot si Princess, bumaling pa ito kay Zymon habang alangang nakangiti. "Kasi po, Mommy nakita ko po siya sa Mall dati no'ng nawala po ako," paliwanag ng anak niya na mas ikinagulat niya."Huh? A-ano'ng ibig mong sabihin, siya ang nakahanap sa 'yo sa mall?" paglilinaw niya.Ngumuso si Princess at marahang tumango. "Ang bait nga po niya, Mommy, eh, kasi binilhan niya po ako ng ice cream na