Dalawang linggo ang nakalipas mula ng dumating kami dito sa Spain.
Sasabihin kong hindi naging madali ang mga araw na lumipas. Gabi-gabi akong umiiyak habang naiisip ko sya. Pero para sa kaligtasan ko ay mas pinipilit kong umiwas sa kakaisip sa kanya, pero ang ending hinahabol ko ang hininga ko dahil sa mga hikbing kumakawala sa bibig ko. Napabuntong hininga ako bago manalangin, pagkatapos ko ay agad akong nag-ayos ng sarili. Nasa isang private room ako ng hospital ngayon na pag-aari mismo ni Doc. Radley Stenward pala ang buong pangalan ni Doc, sa tagal niyang nagtratrabaho sa akin bilang private doctor ay ngayon ko lang nalaman ang buong pangalan niya. May pag-aari naman pala syang hospital dito sa Spain, pero bakit mas pinili niya pa ang magtrabaho at magstay sa Pilipinas? Ipinilig ko nalang ang ulo ko, lumakad ako sa harap kung saan nakalagay ang salamin. Tiningnan ko ang mukha ko. Maga ang mga mata, halatang oras-oras umiiyak, payat at maputla. Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan naka sentro ang puso ko. Ngayon ang araw na ooperahan ako, hindi ko na nakilala pa o nakita man lang ang donor ko, gusto ko sana syang pasalamatan. Pero ang sabi ni Papa ay tumanggi din daw itong magpakita saakin. Heart transplant ang kailangan kung gawin dahil para maagapan pa ang sitwasyon ko. Kaunti nalang ang oras at maaaring sa susunod na aatakihin ako ay hindi na ako makakasurvive. Ramdam ko nga at madalas na naninikip at sumasakit ang puso ko na halos minu-minuto nalang. Gusto ko mang mamatay nalang pero ayukong iwan si Papa at hindi ako handang hindi sya muling makita. Maya-maya lang ay pumasok sa kwarto si Papa kasama si Doc at Butler Seian na tahimik lang sa likod. "You're so strong anak." Agad na sabi ni Papa sa akin, bago ako niyakap. Pinapaalalang malakas ako at lumaban. Tinapik naman ako sa balikat ni Doc at agad niya akong inalalayan palabas. Nang makarating kami sa operating room ay agad akong pinapasok sa loob pero bago ako makapasok ay sinigurado kong hindi umiiyak si Papa. Kilala ko si Papa, kung ano-ano na yung mga pumapasok sa isip nun panigurado. Nang maiayos ako ay namuo ang kabang naramdaman ko. What if pag gising ko hindi na sya ang mahal ko at paano kung hindi na sya maalala ng bagong puso ko? Napatingin ako kay Doc, nginitian niya ako, sinisiguradong maayos lang ang lahat. Ipinikit ko ang mata ko matapos kung maramdaman ang tumusok na bagay sa braso ko na gawa ng kasamahan ni Doc. Unti-unting lumabo at nandilim ang paningin ko. DOC RADLEY POV Nawalan na ng malay si Claire. Naaawa ako sa kalagayan niya lalo na sa mga pinanggagawa sa kanya ng asawa niya. Sinenyasahan ko si Almiea ang isang kasamahan ko para ayusin na ang lahat. May ilang minuto pa bago ko sisimulan ang operasyon. Lumabas ako sa Room at pumunta sa locker, kailangan kong kunin ang isang gamit ko na naiwan ko doon. Wala na din sa pabas ang Papa ni Claire pati na din yung Butler nyang mahangin. Ipinilig ko ang ulo ko dahil naisip ko naman ang taong yun. Tsk. Mas gwapo pa naman ako dun, kaya nga madaming nagkakandarapa sakin eh kahit pa nasa Pinas ako. Papalapit na ako sa locker ng mapansin kung parang may nakasunod sa akin. Hindi ko nalang din pinansin dahil wala din naman akong pakealam. Agad kong binuksan ang locker ko ng matapat ako dito. Hindi ako naglalagay ng gamit ko na iba sa office ko, hindi ko din alam kung bakit. Isasarado ko na sana ang locker ko ng biglang may sumarado agad nito, at ipinaharap ako sa kanya sabay ng pagsandal sa akin sa locker. Pag-angat ko ng tingin dito ay ang seryusong mukha niya ang bumungad sa akin. Inilagay niya pa ang dalawang kamay niya sa gilid ko. Kinokorner ako. Napalunok ako dahil doon. Seian. Hindi ko ipinahalata ang kaba na nararamdaman ko. Sinubukan ko syang itulak pero walang epekto sa lakas na meron sya. Tiningnan ko ang paligid pero kaming dalawa lang talaga ang nandito. Nilipat ko ang tingin sa kanya at masama siyang tiningnan. "Kelangan mo?!" Matapang kong saad. Matagal pa syang nakatitig sakin bago sumagot. "Make sure to success the operation, she need to survive." Madiin niyang sabi sa akin. Wala atang tiwala sakin tong gago na to ah. "Makakaasa ka. Talagang gagawin ko ang lahat makaligtas lang sya." Saad ko at itinulak sya ng buong pwersa. Oo, buong pwersa talaga dahil kahit lalaki ako, walang tama yung lakas ko sa kanya. Di hamak na mas malaki sakin yung katawan ng isang 'to. Mabuti naman at natanggal ako sa pagkakakorner niya. Tiningnan ko ulit sya. "Don't mind and think about me or about what I did, just focus on her operation." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Pinagsasabi nito? Wala syang kwenta para isipin ko tsaka hindi ko naman to close. Tumango nalang ako at inayos ang coat ko, wala na akong oras para patulan sya. "I'm professional. Mauuna na ako." Madiin kong saad sa kanya. Pero bago pa man ako makatalikod sa kanya ay hinila na naman niya ako paharap sa kanya at nanlaki nalang ang mata ko ng, hinalikan niya ako. T-Tangina? Naramdaman ko ang dila niyang pilit pinapasok ang bibig ko. Hinila niya pa ako kaya napasinghap ako dahilan upang mapasok niya ang dila niya sa bibig ko. Nanatili akong tulala. "Mmmm." Munting ungol na lumabas mismo sa bibig niya. Mula doon ay natauhan ako at agad syang tinulak. Pinahidan ko ang bibig ko ng makawala ako sa kanya. "Ano ba?! Putangina mo naman pre!!" Galit kong saad sa kanya ngunit ngumiti lang sya ng nakakaloko. Pinipigilan kong ilapat ang kamao ko sa kanya dahil inaalala kong may operasyon pa akong gagawin baka hindi ko sya tigilan kakasuntok. "Bakla kaba?!" Bigla ko nalang naitanong dahilan para mawala ang ngiti sa labi niya. "Im not. Cause it's you." Mariin niyang saad. Aba, gago niya pala, ako pa ang bakla, kung patayin ko kaya sya. Mariin kong pinunasan ang bibig ko na ikinadilim at ikinadiin ng titig niya sa akin. "GAGO KA! KUNG GUSTO MO MANGHALIK WAG SAKIN! TARANTADO, MAG ONEPIPTY KA DUN SA KANTO ULOL!" Malakas kong sabi sa mukha niya. Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa sya dahil may kailangan pa akong gawin, bwisit sya. Tangina, kinuha pa first kiss ko na para sa crush ko lang sana! Bwisit! Agad agad akong tumalikod at umalis kahit ramdam ko ang mga pamatay na titig niya sakin. Napailing ako, tsk hindi ko aakalaing pati lalaki ay mabibihag sa kagwapuhan ko."Gusto niyang hanapin ko kayo...ang pamilya niya, at sabihing namuhay sya sa m-maikling panahon. Sinubukan ko kahit pangalan at apelyido niya lang ang gamit ko." humugot sya ng malalim na hininga. "N-Nahirapan ako at ngayon ko lang nalaman dahil tanging yun lang ang alam nya, ang pangalan niya." Pumatak ang luha sa mga mata niya at sa tuwing pupunasan niya ito ay meron na namang susunod. Ramdam ko ang bawat sakit, lungkot at pangungulila sa bawat salitang binitawan niya, sa bawat boses na naririnig ko sa kanya. "Sobrang mahal ko ang Kuya mo, Chase, kaya ginawa k-ko lahat para...p-para mahanap kayong pamilya niya. At...ikaw lang pala ang magiging daan para magawa ko yun, Claire." Nanlalabo ang matang nagtagpo ang tingin naming dalawa at hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang damdaming nararamdaman ko ngayon! Hinarap nito si Joy. "Ngayon sa tingin mo, s-sa tingin mo...ate, ha! Sino ang dahilan?" tanong nito sa kapatid. Mapangutyang tiningnan nito si Joy. "Huwag kang magsalita na
Masakit, masakit na marinig kay Allison yun lalo na't alam kong mahal niya ang Kuya ni Chase na walang ibang minahal kundi si Joy, ang ate niya. Sumulyap ako kay Chase at kita ko ang sakit sa mukha niya, sa bawat salitang naririnig niya mula kay Allison. "W-What?.." naguguluhang sambit ni Joy. Bakas sa mukha nito ang pagtataka dahil sa mga narinig maging si Chase ay napapailing na hindi makapaniwala sa napapakinggan. Alam kong mabigat sa kanya ito, ang malaman ang katotohanan sa ibang tao. "Kayo ni Drake noon pero may nangyayari sa inyo ni Chris...mahal ka nya ate, mahal ka ng taong mahal ko! At alam mo yun!" Hinarap niya ang katabi ko. "Inampon ng tita ko si Chris nang makita sya nito sa kalsada, walang malay, may sugat sa ulo at nang magising walang ibang alam kundi ang tanging pangalan at apelyido niya. Sabay kaming lumaki hanggang sa sabay kaming lumipat dito sa manila at nakilala niya ang half sister ko." pagtukoy nito kay Joy. "Mahal ko na sya nang panahon na yun pero ib
Tumagos sa puso ko ang sinabi niya at muli...sinisi ko na naman ang sarili ko. "Bakit? Nakalimutan mo na ba na ang babaeng yan ang dahilan kung bakit hindi mo na makikita pa ang Kuya mo?" "Ate!" Kumuyom ang kamao ko sa narinig at para bang sinipa lahat ng lakas ko nang maramdaman kong binitawan ni Chase ang kamay ko. "Bakit ko nagawa yun? Why did I do all that, Claire? Because I'm jealous! I'm jealous of you! You're rich, you have money, samantalang ako wala!" puno ng hinanagpis niyang saad. "I first saw and met Drake when we were kids, I wanted to be friends with him, but he chose to approach you first! And if I didn't befriend you, I wouldn't have been able to get close to him." sumbat niya sa harapan ko. I wished I'm hearing it all wrong. Inggit? Sa loob ng mga panahong pinagsamahan namin ay hindi ko naisip yun, at kahit pa ngayong malalaki na kami. "You fucking have it all, Claire! Beauty, money, and him. And yes, I considered you as a friend for a short time, but it wasn't
Hawak nya ang kamay ko habang palabas kami ng kwarto, naririnig namin ang iyak ni Zaya kaya dumiretso kami pababa ng hagdan dahil nagmumula ito sa sala. Nakasunod lang ako kay Drake at nakayuko dahil tinitingnan ko ang hagdang nilalakaran ko nang bigla syang mapatigil saktong nakababa kami sa hagdan. Napakunot noo ako dahil hindi sya naglakad ulit at humigpit ang hawak nya sa kamay ko kaya hindi inaalis ang tingin sa kanya ay lumipat ako sa gilid niya. "Chase?" pagtawag ko pero wala sa akin ang atensyon niya at nasa unahan. "Finally!" Nakarinig ako ng palakpak, kusang pumihit ang katawan ko paharap. Then...I saw her. "The one who ruined everything." matigas nitong saad. "Joy..." "Wow! Gulat na gulat ka ata?" Nakatayo sya sa harapan ko ngayon, maayos pero napansin kong parang may nagbago sa kanya at hindi ko lang yun maipaliwanag. "Ilayo mo nga sakin ang batang yan!" "Don't you fucking dare hurt her!" galit na sigaw ni Chase sa gilid ko nang winaksi ni Joy si
Umiling ako. Ngayong gumulo ang utak ko ay hindi ko alam kung sino ba ang dapat paghinalaan. "W-Wala akong ginawa..." pangungumbinsi ko sa kanya. "I know, baby. But I have...someone in mind." Gulat akong napatingin sa kanya. "S-Sino?" Bumuntong-hininga sya at sumubsob sa tyan ko, pinulupot ang mga kamay sa bewang ko, kusang bumalik sa paghaplos ng buhok nya ang kamay ko. Siguro kung wala akong ibang iniisip ay matutuwa ako, pero ngayon, hindi. "I'll take care of that, baby." Muling umangat ang tingin nito saakin. "But for now, you need to answer your Manager's email, I'm sorry nakita ko sa notification mo." he said before giving me the phone. Umupo ako sa tabi niya at kinuha yun sa kamay nya. He looked at me intently. Ngayon lang nagkasignal at alam kong galit na sa akin ang manager ko at hindi nga ako nagkamali ng mabasa ang sunod-sunod na reklamo nya, kesyo nasaan na daw ako. Hindi ko maiwasang malungkot habang nagtitipa ng mensahe. I loved my job so much but now I needed t
Nakakaramdam na din ako ng gutom lalo na sa naaamoy kong fried rice ni Tita Alma, pinigil ko lang talaga ang sarili ko dahil gusto kong makasabay si Chase. Bumalik ako sa kwarto para gisingin sya, hinahaplos ko pa ang tyan ko dahil nagugutom na talaga ako. Maliit pa man at halos hindi pa halata pero pakiramdam ko malaki na sya sa loob ng tyan ko. Hindi pa din ako makapaniwala na nakabuo agad kami, talagang tinotoo nga ni Chase ang sinabi niya. Hindi ko din naisip na baka buntis ako noong hindi ako dinatnan, ang buong akala ko ay delayed lang ako pero buntis na pala. Pumasok ako ng dire-diretso sa kwarto nang bigla akong napatigil sa kinatatayuan. Hawak ni Chase ang cellphone ko habang nakatayo sa gilid ng kama, tabi ng bedside table dahil doon ko yun nailapag kagabi. "C-Chase..." pagkuha ko ng atensyon nya. Maliit akong humakbang palapit sa kanya pero agad na naman akong napatigil nang humarap saakin ang hindi niya maipintang mukha. I suddenly felt a lump in my throat. What h