Share

Chapter 49

PERO ang balak na lapitan si Lexi at kausapin ito ay hindi ko na nagawa. Dahil siya na mismo ang lumapit sa akin. Pagkababa ko ay naroon na siya sa harapan ng counter. Nasa mukha ang bagsik kaya naman nakikita ko ang takot sa mukha ng cashier na Mira. Nang malingunan ako nito ay nakita ko ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata. Maski ang dalawang waiter na nasa gilid ng counter ay bakas ang kaba sa mga mukha.

Tiningnan ko ang kabuoan ng restaurant habang naglalakad ako palapit sa counter. Lunchtime kaya maraming lamesa ang okupado. Napahinga ako ng malalim. Humihiling na sana ay huwag mag eskandalo si Lexi. Pero sa mukha nito ay parang iyon ang pakay niya.

Ngumisi si Lexi habang sinusundan ako ng tingin. Hindi rin naalis sa kanya ang tingin ko. Hindi ako pumasok sa counter, sa halip ay sa harap niya ako tumigil.

"Is there a problem?" malumanay ko pang tanong.

Umangat ang kilay niya. Muli kong nakikita ang Lexi na nakilala ko years ago, at ang Lexi na nakausap ko sa ospital. Ang mabagsi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status